Kay Ron Jeremy Ang Kahu-hulihang Yosi

August 6, 2011 § 5 Comments

Habang tinitipa ko ang mga letra para sa entry na ito ay kasalukuyan ko ring hinihithit ang aking kahuli-hulihang yosi.

Sa aking super-gigantic-mega-gargantuan na katawan ay may isang maliit na bagay na balang araw eh papaslang sa’kin. It’s in the genes. My mom died dahil sa cancer at gayundin ang aking lola. Ayokong dumagdag sa listahan ng mga nasawi dahil sa traydor na cancer. Ako ang nag-alaga sa lola ko bago siya mamatay and my life is not gonna end as lame as cancer. I planned to die as a man na magiging national issue ang kamatayan, either heroic o may gagawin akong kagaguhan sa gobyerno. And yes, I also came from a political family. Lahat naman ata tayo ‘di ba? May kamag-anak tayo na nakaupo sa gobyerno. Ang lolo ng lolo ko ay dating mayor, ang lolo ko nagsilbi sa gobyerno, ang brother-in-law ng lola ko ay dating mayor, ang kuya ko e dating S.K chairman at ang ate ko ay dating presidente ng fans club ni Sheryl Cruz. LOL

Tulad ng ate ko e may iniidolo rin ako. Si Ron Jeremy, ang aking idolo dahil sa likod ng kanyang nakakadiring itsura ay nakakabembang siya ng mga dilag na pantasya ng mga kabataan. Porn are for teenagers tulad ng pagjajakol. Guilty! Eh ano naman ngayon? Teenager ako na na-trap sa twenty-something na katawan. Ayokong maging Ron Jeremy habang buhay, gusto kong maging Peter North. Hindi ako panget na tipong “pantawid gutom din yan” pero hindi naman ako sobrang gwapo na tipong pagpapantasyahan mo kapag nag-iisa ka. Sakto lang. Ang problema lang talaga eh mataba ako. An Asian dude with a huge belly. Get the picture? Tangina mo, 11 and a half ang size ng sapatos ko! Hihi

Matagal ko nang balak magpapayat. ‘Nung kinse ako eh pinangako ko sa sarili ko na pagdating ko ng 25 ay mapapasali na din ako sa listahan ng pinaka-hot na bachelors. Dream big ikaw nga. Ngayong isang taon at ilang buwan na lang ay magiging silver-man na ako. Kung saka-sakali man may maimbentong time machine pagtuntong ng ika-dalawampu’t limang kaarawan ko at maisipan ng aking 25 year old self na bumalik sa nakaraan 10 years ago eh ayoko namang madisappoint ‘yung kinse anyos na binatang iyon na kakatikim pa lang ng luto ng Diyos at ayoko ding makita ng aking 25 year old self ang naagnas na bangkay ng 35 years old na Ferbert Baustista kung sakali man na maisipan din niyang bumisita sa future.

Nasimulan ko na ang nobela ko, kwento ng isang obese na lalake at ayokong hindi maging mala-Disney Movie ending ang pagwawakas nito. Naghahangad tayong lahat ng happy ending at ayokong mauwi sa trahedya ang huling kabanata ng aking nobela.

Ang pulitika ay nasa dugo ko pero hindi ako magpapangako, balang araw may makikita na lang kayong larawan sa blog ito at mapapa-Putangina na lang kayo.

Sabay ng pagtatapos ng entry na ito ay ng huling hithit sa yosing nagsilbing kaibigan na unti-unti tumatraydor sa’kin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At ilang segundo pa lang mula sa huling yosi ko ay naglalaway na ako. Putangina lang.

Advertisements

To My Unborn Son

June 15, 2011 § 9 Comments

I’m sorry to disappoint you but I am not Superman. Sinubukan ko kaso… Peste! Ang buong mundo ang kryptonite ko.

Unang leksyon na maibabahagi ko sa’yo, ang mundo ay puno ng disappointment. Madidisappoint ka kasi hindi mo mapapanood ang paborito mong cartoons sa umaga dahil kailangan mong pumasok sa eskwela. Madidisapoint ka sa mga makikilala mo, mga nagkukuwanring kaibigan pero pagsapit ng gabi’y lumalabas ang kanilang pangil upang laklakin ang dugo mo at para pahinain ka. Hindi fairy tale ang mundo dahil hindi naman ito perfect circle. Nasabi ko na nga puno ng disappointment ang mundo pero gusto kong malaman mo kahit kailan hindi ako madidisappoint sa’yo.

Pwede kang magkamali. Karapatan mo ‘yan bilang tao. At bilang iyong ama, pinahihintulutan kitang magkamali. Hindi ako magiging istrikto, gusto ko maging cool. Barkada lang tayo, pwede kang humingi sa’kin ng condom kung kailangan mo. Kung kailangan mo ng pang-inom, ‘wag kang mahihiyang humingi sa’kin. Mas gusto ko nang humingi ka sa’kin kesa naman mabalita pa sa TV Patrol o 24 Oras na nagnakaw ka ng alak sa 7/11.

Habang baby ka pa e umihi ka kung saan mo man gusto, pwede mong ihian ang shirt ko habang karga kita. You fucking little son of Ferbert Bautista. Friends lang tayo pero ‘wag mo lang akong gagalitin dahil ayaw mo akong makitang magalit.

Mag-aral ka. ‘Wag mo akong gayahin. Wala akong pake kung kailangan kong magbenta ng kidney para lang makapagtapos ka. Kahit ilang kurso ang kunin mo basta may maibebenta pa akong laman-loob kakayanin ko. Ang importante makagraduate ka, pagsusumikapan natin ‘yan. Isa ‘yan sa maipapangako ko. Barkada tayo pero pagdating sa pag-aaral ako muli ang tatay mo.

Makikinig ka sa’king mabuti dahil kahit walang sense ang mga pinagsasabi ko sa moderno mong tenga e kailangan mo ito. Pwede kang magdala ng ilang babae sa bahay basta lagi mong iisipin na sa bawat tamod na nawawala sa’yo ay maaring madadagan ang resposibilidad mo. Muli kong inuulit; pwede kang humingi ng condom sa’kin habang wala ka pang trabaho pero kapag nagkatrabaho ka na e dapat ilibre mo ako.

Wala naman akong masyadong hinihiling sa’yo. Hindi ko hinihiling na maging basketball player ka sa NBA o maging Austronaut na unang tatapak sa Jupiter. Lumaki ka lang na mabuting tao e para na rin akong nanalo sa lotto.

‘Wag kang padadala sa tukso. Sa likod ng bawat sarap ay may kabayaran na sakit. ‘Wag kang manloloko ng babae. Babae rin ang nanay mo. Magmahal ka pero ‘wag lang sobra. Ngayon pa lang binabalaan na kita, MAG-INGAT KA!!!

Pwede kang umiyak, ano pang silbi ng tear ducts mo kung wala din naman palang luha na lalabas diyan. Hindi kabawasan sa pagkalalake ang ilang patak ng luha. Umibig ka at masaktan dahil diyan ka matututo kung paano mabuhay. At kapag nakilala mo na ang gusto mong makasama habang buhay e ‘wag mo na siyang pakakawalan.

Muli akong humihingi ng tawad dahil hindi ako si Superman. Isa lang akong normal na tao pero mahal kita. Aalagan kita at proprotektahan nang higit pa sa kakayahan ng isang superhero.

P.S Magpasalamat ka sa Mommy mo dahil hindi ka niya nilunok at hinayaan niya akong iputok sa loob.

Nagmamahal,
Ang Iyong Kaibigan/Tatay

Pity Fcuk

February 12, 2011 § 20 Comments

May kasamahan ako sa trabaho na paranormal investigator. Lagi niya akong nilalapitan, kasabay ko siyang mag-lunch saka mag-yosi. Okay na rin, pang-alis na rin ng mga masasamang espiritu sa kapaligiran ko. Epektibo naman, walang panget na lumalapit sa akin. Lagi siyang may nakikita, doon daw mismo sa pwesto namin eh laging may mga babae. Akalain mo ‘yun malakas pala ang sex appeal ko sa mga multo, buti pa sila lumalapit sa akin samantalang ang mga tunay na pekpek eh pinagkakaitan nila ako ng atensyon at take note MGA. Mga = Plural.

Marunong din manghula etong si P.I. Lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho eh nahulaan na niya, ako na lang ata ang hindi. Takot me much eh. Baka sabihin niyang mamamatay akong tigang at hindi na makakatikim ng luto ng Diyos. Tinanong lang niya ang birthday ko. Taon ng mga Dragon ‘nung ipinanganak ako kaso ‘nung nagsabog ng biyaya ang panginoon hindi naging mala-dragon ang alaga ko.  Kaawaan niyo naman ako magagandang dilag ng mundo. Kahit pity fuck na lang. LOLJK.

Mabalik tayo, dragon means destruction daw. Ang 2012 ay taon ng mga dragon. Pero I don’t give a fuck, aabot pa ako hanggang 2020, ang taon kung saan sinasabing magiging First World na ang Lupang Hinirang.

Minsan na rin akong nahulaan ‘nung nasa kolehiyo ako. Ang siste may isang kapihan na madalas naming tinatambayan noon at isang araw ay may lumapit sa amin na manghuhula. Nagpahula ako.  Hindi ko na matandaan ang lahat ng sinabi niya sa’kin pero may isa akong natatandaan– makakapag-asawa daw ako ‘pag 24 na ako. Mas matanda daw sa’kin ang magiging Mrs. Ferbert Bautista, mayaman, medyo mataba rin a.k.a malaki ang boobs at siya raw ang magiging susi sa katuparan ng mga pangarap ko. Simple lang naman ang pangarap ko ang may makapag-perform sa’kin ng helicopter at kung matutupad man ito next year ‘pag bente kwatro na ako eh pwede nang magunaw ang mundo.

Hindi rin naman ako masyadong nagpapaniwala sa hula. Hula nga eh, maaring magkatotoo at maari ding hindi. Tignan na lang natin next year kung magkakatotoo nga ang hula sa akin noon. Sabi nga sa isang kanta ng Eraserheads; “Ikaw ang Diyos at hari ng ‘yong mundo”.  Ako ang may hawak ng baraha, nasa akin na kung paano ko didiskartehan ang larong ito. Basta isang lang ang sigurado ako sa future, kamukha ko pa rin si Jomari Yllana.

Amlodipine

February 7, 2011 § 8 Comments

Binanggit lahat ni Doc Ganda lahat ng klase ng sakit.

Vertigo.  Astigmatism.  At kung ano-ano pang klase ng sakit.

Wala po.

Malabo ang mata?

Mas malabo po ‘yung kanan kesa sa kaliwa.

Pinahawak niya sakin ang isang card na para sa eyetest. Isang dipa ang layo mula sa mata ko.

Pakitakpan ‘yung kaliwang mata.

Ay! Sabi ko dahil kanang mata ng tinakpan ko.

O nalito pa. Sarkastikong pahayag ni Doc.

Malabo. Hindi ko makita ang mga letrang nakasulat sa papel. Nanghula na lang ako.

A S D Z W E F H I L N… G?

Alam kong walang tumama kaya ngumiti na lang ako. Ngiting aso.

‘Yung kaliwa naman ang takpan mo.

Mas malinaw nang konti pero hindi ko pa rin mawari kung alin E o F ang nakikita ko o A o Y, Vo U. P o D.

Tumama ako sa ilan. Tantya ko mga Animnapung porsyentong tama at apatnapu ang mali.

Malabo pa rin kung ikukumpara sa 20/20 ang vision. Totoo nga yata ang kasabihan ng mga matatanda na nakakalabo ng paningin ang pagjajakol.

May luslos? Almoranas?

Wala po.

Iche-check pa ba ang pwet?

‘Wag na na lang po. Sabay ngiti.

Pakisara ang pinto, pakihubad na rin ang  t-shirt at higa ka sa kama.

PO?!

Akala ko ba wala nang sundutan ng pwet? Tanong ko sa sarili ko. Pero dahil ako ang slave sa clinic na iyon at si Doc ang master na hawak ang latigo ay naghubad pa rin ako ng t-shirt at humiga sa kama. Binuksan ko na rin ang butones ng short ko at ibinaba ang zipper.  Sa isip ko sinabi ko “Sige Doc, ikaw na ang bahala. Gawin mo na ang gusto mong gawin sa katawan ko. Gawin mo akong alipin ng tukso.” Eto na, magaganap na sa akin ang mga napapanood ko sa porn.

Nagulat si Doc, muntikan ko nang ibaba ng tuluyan ang salawal ko ng sinabi niyang “Akala ko ba hindi ko na iche-check?”

I just had a Lock the Door Moment mula sa pelikulang A Very Special Love.

Nasa loob ng kwarto sa opisina si Laida. Papasok si Miggy. Kita ang strap ng bra ni Laida. Itatanong ni Miggy: “What the hell are you still doing here?” Hindi sasagot si Laida at aayusin lang ang strap ng bra na parang nahihiya. “Lock the door” sabi ni Miggy. Manlalaki ang mata ni Laida at gulat na sasabihing “Sir ‘wag po!”. Eto namang si Miggy walang kaalam-alam at walang malisya sa utak sasabihin lang niyang “Lock the door when you leave” at si Laida at mapapahiya. The End.

Parang ganon na nga ang naramdaman ko. Nginitian ko lang si Doc at agad kong itinaas ang short ko at isinara ang butones at zipper ko.

Kinapa-kapa niya ang malaking tiyan ko. Pinindot-pindot at tinanong kung masakit.

Wala naman akong naramdamang sakit.

Umupo ulit ako.

Tinanong kung may hypertension ako.

Gusto kong magkamot ng ulo dahil alam kong sasablay na ako simula sa tanong na ito.

140/80 ang normal na B.P ko Doc.

Pero sinabi na ba sa’yo na may hypertension ka?

Patay!

Ang resulta. Candidate daw ako for hypertension. Akalain mo ‘yun para lang akong si Major Major Venus Raj na kalahok sa beauty pageant at ang grand prize ay high blood.  Pero ‘nung December pa ito naganap. Matapos ang ilang mga tests at kung ano ano pang shits na muntikan ng ikaubos ng kayamanan ko ay kumpirmado na nga. May hypertension ako. Habang buhay tuloy akong magte-take ng maintenance.

Tanginang puso ‘to eh. Ayaw makisama, palpak na nga sa lovelife tapos palpak pa sa medical test.

Anyway, malapit na ang 14. Happy Halloween sa inyo. Pagbati mula sa isang matabang ampalaya.

Bookgasm

September 21, 2010 § 24 Comments

Isa sa mga pinakamagandang pelikula noong Dekada Otsenta ang Scorpio Nights, iyon ay sa palagay ko lamang. Pinaghalong sekswal at kalagayan ng bansa ang tema ng pelikula. Mahusay si Peque Gallaga sa paglikha ng ganitong klaseng palabas sa puting telon. Si Peque din ang taong nasa likod ng paborito kong pelikula noong supot pa ako: ang Magic Temple.

Sa sobrang kagandahan ng Scorpio Nights ay ginawan pa ito ng part 2 kung saan pinakakita ni Joyce Jimenez ang kanyang alindog at tinawag siyang Pantasya ng Bayan. Grade 5 ako noon kaya hindi ko siya napanood ‘nung mga panahong pinalabas ito sa sinehan gayunpaman nagpapasalamat ako sa Video City at noong highschool ako ay nasilayan ko ang pelikulang ito kasama na din ang Talong ni Nini Jacinto, Syota ng Bayan ni Priscilla Almeda, Burlesk Queen Ngayon ni Ina Raymundo at Pila Balde ni Anna Capri.

Alam kong TMI pero ibabahagi ko pa rin, mahilig akong makipag-sexy time sa mga lugar na delikado. Delikado sa kusina dahil baka biglang mabuksan ang kalan at mapaso kaming dalawa ng katalik ko ngunit hindi ganitong lugar ang tinutukoy ko. Gusto ko sa publikong lugar, siguro dahil may pagka-exhibitionist ako. Iyon marahil ang dahilan kung bakit paborito ko rin ang kanta ng The Beatles na Why Don’t We Do It On The Road. Malamang sa malamang kung may abs lang ako panigurado nakahubad na larawan ko na ang primary picture ko sa Facebook. Hindi ko na ilalahad kung anong mga lugar ang pinaggawan ko ng krimen dahil alam kong may mga menor de edad na nagbabasa ng blog ko na nagpapadala pa ng email. Hello Kids! Pagbati mula sa inyong Kuya Efbee the Fucktard!

Mabalik tayo sa Scorpio Nights ni Joyce Jimenez at isang eksena doon ang nagpabuhay ng aking dugo; ang kangkangan sa library. Bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng sarili library, tambayan ko ang library ng Lolo ko dati kaso nung namayapa siya sumama din sa kanya ang mga librong nandoon, inanay at nasira.

Noong highschool saka nung kolehiyo sa library din ako madalas tumambay dahil wala pa akong kakayahan para bumili ng libro noon. Unti-unti akong nakaipon hanggang sa nabili ko na halos lahat ng librong gusto ko gayunpaman nasa pahiraman ang lahat sa karamihan ng libro ko kaya bigo pa rin ako sa pangarap kong pagpapatayo ng library kong sarili. Pag nagpahiram kasi ako, 60% ang ibig sabihin nun sa’yo na dahil alam kong malabo nang maibalik sa akin.

Noong Sabado nagpunta ako ng Book Fair sa pag-aakalang makakabili ako ng mumurahing libro, mura naman kumpara sa orihinal na presyo pero mahal pa rin kung tutuusin. Ang daming tao sa Book Fair, nakakapagod para akong sumabak sa 20 rounds na boxing sa kama. Pero masaya naman dahil dumarami ang mga taong gustong magbasa ng libro kahit na karamihan ata sa kanila ay nandoon lang para masilayan sina Ely Buendia at para makipag-agawan sa kopya ng Twilight.

Balang araw pag milyonaryo ako, bibilhin ko lahat ng librong nais ko at maisasabuhay ko rin ang eksena sa library ng Scorpio Nights 2.  Saka ko na proproblemahin ang paghahanap ng sarili kong Joyce Jimenez dahil sigurado ako na pag mayaman na ako kusa na lang Siya o kung suswertihin Sila na darating sa buhay ko. Kung bakit kasi hindi pa umulan ng pera ngayon.

Ahit, Gluta o Botox?

September 14, 2010 § 21 Comments

Hindi ko kayang magbackread ng blog ko dahil tuwing ginagawa ko yun dalawa lang ang emosyon na nararamdaman ko, natatawa at nandidiri.

Nag-iba na rin ang paraan ko ng pagsusulat. Sabi nga sa akin ni Sosyalera, akala niya fourteen lang ako noong inumpisahan ko ang katauhang FerBert Bautista pero ang totoo 19 na ako noon. Puro daw kasi tamod, kantutan, puke, jakol at iba pang salitang pangkamunduhan ang nababasa niya kaya nagmumukha na ngang blog ni Xerex ang blog ko noon. Siguro dahil bata pa ako noon, bata pa rin naman ako ngayon. Mataas ang lebel ng libido ko noong panahong iyon, teenager eh. Naghihimagsik pa ang mga tamod ko ngunit masakit pala sa itlog ang sobrang libog buti na lang hindi na ako ganon. Sakto na lang.

Madalas ko ding banggitin sa mga blog entries ko dati na may nunal ako sa kanang bayag pero pag-check ko kanina wala na siya. Tatlo lang yun eh, umitim lalo ang bayag ko o di kaya’y sobrang kapal na ng bulbol ko, pwede ding nadagdagan siya ng kulubot.

May mga entries din ako na sobrang taliwas na sa paniniwala ko ngayon. Idealistic ako noon, masarap maging idealistic kung marami kang pera tipong magagawa ko ang lahat pero ngayon realistic na ako. Binabago ng panahon ang isip ng tao.

Tahimik ako noon, may mga pagkakataong hindi ako nagsasalita sa loob ng isang araw. Hindi ako pala-imik at kung makasalubong mo ako sa kalye at babatiin mo ako ngingitian lang kita pero hindi na kita kakausapin ngayon madaldal na ako. May kakayahan na ako para sumali sa paligsahan ng padaldalan.

Hindi ako marunong manligaw noon kahit ngayon torpe pa rin ako. Maswerte lang ako na kahit torpe ako hindi ako natitigang nang lapas sa tatlong buwan pero habang tumatagal kumakapal na ang mukha ko, marunong na din akong bumanat ng mga linyang magpapalaglag sa panty ng isang dilag. Huwag mo lang ihaharap sa’kin si Georgina Wilson dahil siguradong matatameme ako at aatakihin sa puso. Minsan nakita ko siya sa isang concert sa Taguig, natulala ako at hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Hindi sapat ang salitang ganda para sa kanya. Kailangan ng mundo nang madaming Georgina Wilson. Kailangan siyang i-clone.

3 years ago isa akong teenager, nagpupumilit makipagsiksikan sa lipunan. Binabago ang sarili para lang masabing kasapi ako ng lipunang ito. 3 years ago nagrerebelde ako sa Tatay ko, wala ding kinahinatnan ang pagrerebeldeng ito, sa huli ako pa rin ang talo. 3 years ago kaya kong pumatay ng tao kung gugustuhin ko ngayon hindi na, ni hindi na nga ako nanonood ng pelikula ni FPJ dahil nakokonsensya lang ako. 3 years ago, nabigo ako sa lahat ng larangan sa buhay pero may isang magdang nangyari sa akin 3 years ago, sinumulan kong magblog gamit ang katauhang Ferbert Bautista. Nailahad ko na ata lahat. Tatlong taon na akong nagbabahagi ng buhay ko gamit ang nom de plume na to.

Maraming nagbago sa loob ng tatlong taon, mula sa paraan ng pagsusulat ko hanggang sa estado at pananaw ko sa buhay pero tanong ko lang, aahitin ko ba tong bulbol ko para makita ko yung nunal ko o lumangoy kaya ako sa pool na puno ng glutathione para pumuti ang bayag ko o magpa-botox na lang kaya ako sa betlogs baka makita ko siya pag wala na itong kulubot?

Dear Mama,

September 1, 2010 § 22 Comments

Kumusta naman ang Heaven? May manok ba talaga si San Pedro? Nakikita mo ba ako sa kinalalagyan mo ngayon? Kung nakikita mo nga ako parang nahihiya na tuloy akong mag-mariang palad. Please Ma, wag mo muna akong pansinin pag may intimate moments ako. Dyahe e. Ipikit mo na lang muna yung mata mo o kaya makipaglaro ka muna ng chess sa mga kumare mo dyan sa itaas. Yung batang pinapadede mo dati ay ibang suso na ang pinagkakaabalahan. Pero ikaw pa rin ang nangungunang babae sa puso ko sunod si Ate saka si Lola.

Ispiking of Lola nagkita na ba kayo dyan? Medyo namimiss ko na din sya. Alam mo naman na halos sya yung tumayong nanay ko nung nawala ka. Memoryado ko na rin po yung Alphabet Song saka hindi na po ako umiihi sa kama. Natatakot pa rin ako kay Paul Bearer, ang hilig mo kasing manood ng wrestling dati kaya minsan nagre-wrestling din kami nina utol. Saka nga pala Ma, yung Sister Act pag pinapanood ko ikaw lagi ang naalala ko kasi yun ang huling pelikulang napanood ko kasama ka.

Sorry rin po pala kung matigas ang ulo ko nung bata ako. Iniisip ko ngayon na mahirap pala talaga akong palakihin. Salamat Ma sa pagtyatyaga mo. Sumasagi pa rin sa isip ko minsan kung paano kaya kung nandito ka. Ano kayang gagawin mo sakin kung nakita mong lumaki akong ganito. Papaluin mo kaya ako sa pwet? Hindi mo ako napalo ni minsan, sa pagkakaalala ko ako pa ang nakapanakit sayo at sinusuntok kita pag tinotopak ako. Sorry Ma. Sorry.

Nga pala Ma, happy birthday. Siguro kung buhay ka pa malamang may puting buhok ka na rin ngayon. Patawad kung hindi ako lumaki kagaya ng inaasam mo. Mahal na mahal kita Ma. Kung pwede lang kahit limang segundo o kahit isa man lang ay makasama kita pero alam kong malabo. Salamat din pala at hindi ka masyadong nagpaparamdam sa akin kasi matatakutin ako. Pero Ma, alam ko na lagi ka lang nasa tabi ko.

Salamat na kahit maikling panahon lang tayo nagkasama ay pinaramdam mo sa akin na mahal mo. Thank you sobra. Naalala ko dati tuwing nagkakasugat ako ikaw agad ang nilalapitan ko at isang halik mo lang ay napapawi na ang kirot. Gusto kitang akapin Ma, yung mahigpit na mahigpit na mahipit. Lagi kong sinasabing Mama’s boy ako sa tingin ko nga e nagseselos na si Papa. Salamat Ma, habang buhay ako magpapasalamat sa’yo saka kay Papa. Salamat. Maraming maraming salamat Ma. Happy Birthday ulit at hindi ako masasawang banggitin ang salitang I love you sa’yo. I love you Ma! Mahal na mahal kita.

Ang Iyong Anak Na Nagmamahal Sa’yo,
Michael