Hashtag

June 2, 2012 § 3 Comments

Ang huling tsismis na umabot sa akin ay ang digmaan ng Tsina at ng Pilipinas. Wala akong kwentang tao dahil wala akong masyadong alam sa current events. Hiwalay na rin pala sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, hindi ko alam kung anong magandang maidudulot nitong balitang ito sa buhay ko at kailangan pang i-report ito ng mga mamahayag. Wala pa rin akong pag-asa kay Angelica kahit na mamatay pa si Derek.

Pangalawang pwesto si Jessica Sanchez sa  American Idol at naglipana na naman ang mga huwad na proud sa pagiging Pilipino. Mababaw lang siguro ang mga kababayan ko. ‘Nung 2009 sa palabas na Glee may eksenang nagsasayaw sila sa loob ng isang mall at sa likod ‘nung lugar kung saan sila sumayaw na parang tanga eh ang fastfood chain na Jolibee at dumagsa ang mga Pinoy na proud sa kanilang bayan dahil sa loob ng one hour tv show na Glee eh nakita ang Jolibee ng tatlong segundo. Like seriously? Pupusta ako ng bente lilipana na naman ang hashtag na Proud Pinoy sa Twitter dahil sa trailer ng Bourne Legacy.

Sa Twitter na lang din ako nagiging updated sa mga nangyayare sa bansa natin. Tulad halimbawa ng mga paglalandi ng mga housemates ng PBB Teens o kung sino ang guest sa show ni Vice Ganda. Napapag-trending nila ang mga palabas na ‘to pero ang isyung pulitikal ng bansa natin eh hindi nila napapagtrend maliban na lang sa kaso laban kay Corona na dinagsa ng mga frustrated newscaster at kada segundo eh kailangan nilang i-tweet ang eksena–may din TV po kami.

Medyo hati ako sa laban ng Boston Celtics at Miami Heats pero Spurs ako laban sa Thunders. Bahala na kung sinong manalo, masaya akong wala ang Lakers. Haha! At mukhang matatalo ‘tong si homophobe Pacman sa laban niya kay Bradley, pakiramdam ko lang.

Nabawasan na naman ako ng ilang pounds ayon sa sirang weighing scale dito sa bahay. Alam kong wala naman magandang maidudulot ang balitang ito sa inyo pero gusto ko lang i-share eh kung lablayp nga ng mga artista pinapakealaman natin, ba’t hindi niyo rin kaya pakealamanan ang timbang ko nang sa ganon naman eh mapilitan akong magbawas pero parang hindi rin kasi wala din naman akong pakealam sa opinion ng ibang tao.

At June na pala at ayon kay Kuya Kim panahon na ng mga ulan at bagyo. Sa mga katulad kong mahirap at walang pambayad ng aircon eh magandang balita ito pero masamang balita din ito lalo sa mga kapwa ko nagcocommute papasok sa trabaho. Tapos na ang summer at nitong nakaraang tag-araw ay nakaligo sa tubig alat at tubig tabang, nakaakyat ako ng bundok na buwis buhay bago marating, muntikang madulas sa 80 ft na waterfalls, nakapag-rock climbing at nakapagkayak din ako kaya siguro medyo nabawasan din ang timbang ko. Ngayong tag-ulan naman wala akong ibang gagawin kund  matulog maghapon, manood ng pelikulang pinirata ko sa torrent at magbasa ng libro.

Bumili din ako ng bagong underwear dahil sigurado akong isa ako sa mga unang casualties ‘pag natuloy ang digmaan ng Tsina at Pilipinas. Sa larong giyerang pang-internet lang ako mahusay pero sa tunay na buhay, olats ako men. Nakakahiya naman ‘pag nahukay ang bangkay ko at makita pa ng mga rescuers ang bacon kong underwear.  At dahil may bago akong underwear ang feeling ko tuloy ngayon eh ang sexy sexy ko.

Kinuwento sa’kin ng kaibigan ko sa Tate na may isang lalake raw sa Miami na kinain ang mukha ng isang 60 years old pulubi. “Patay” sabi ko sa isip ko kasi sa pelikulang Zombieland ang unang pinapapak ng mga zombie eh ang mga kauri kong mabagal ang metabolismo—Oo, excuse ko ‘yan sa pagiging mataba ko. Buti na lang may bago akong underwear para kung sakaling papakin man ako ng mga zombies eh feeling sexy pa rin ako. Ohh yeah, sige! Kainin mo ako!

Advertisements

Where Am I?

You are currently viewing the archives for June, 2012 at Kokey Monster.