Otso Pesos Ang Pamasahe Papuntang Ligaya

May 11, 2012 § 3 Comments

Manong, magkano ligaya?

Tinawanan ako ng isang chick ‘nung tinanong ko ito sa driver ng jeep na nasakyan ko. Malamang hindi siya taga-dito. Probinsyana? Mukhang hindi. Maaring nagkakamali lang din ako, siguro nagkataon lang na hindi barriotic ang itsura niya.

Kung Taga-Metro East ka, Pasig, Marikina, Cainta, Antipolo at Taytay; ang parte ng Metro/Mega Manila na parang ginang-rape ni Ondoy ay malamang pamilyar ka sa lugar na Ligaya. Tambayan daw ‘to ng mga puta noong unang panahon, mapababae o lalakeng puta ayon sa katropa kong inabutan ang panahon ng pagpuputa sa lugar na Ligaya. Ligaya ang daan patungong langit, samakatuwid ang destinasyon ng mga sasakyan na galing Ligaya ang siyang magpaparaya sa katawan at diwa kong ginahasa.

Mali naman kasi ang pagkakatanong ko. Ang “Manong, magkano ligaya” ay parang pakikipagnegosasyon sa isang bugaw. Parang naghahanap lang ng pantawid init ng katawan ang katanungan ko. Wala pa akong karanasan sa pokpok dahil pokpok na ako kahit gustuhin ko man at patulan na ang mga naglalako ng panandaliang-aliw sa overpass ng Cubao ay hindi ko ginawa. Hindi pumapatol sa kapwa pokpok ang isang pokpok, isa iyon sa 10 commandments ng pagpuputa; “Thou shall not make patol to your own kauri.”

Maraming pokpok sa internet, lalo na ‘yung mga exotic A.K.A mukhang sinaunang tao. Minsan kung sino pa ang panget ‘yun pa ang may lablayp kahit na sa internet lang. Hindi sila pumapatol sa mga kauri nilang Pinoy dahil gusto nila ng matandang Caucasian na malaki ang tyan at mabuhok ang likod. Half-Pinoy ka ba? 30% ang chance na pokpok ang nanay mo.

“Manong, magkano hanggang Ligaya?” Ang tamang paraan ng pagtatanong sa kung magkano ang pamasahe hanggang Ligaya, samantalang ang ginamit kong pangungusap o paraan ng pagtatanong na “Manong, magkano ligaya” ay para sa mga tsekwa na lagi lugi negosyo na wala kita kahit dami nila pera.

Pero magkano nga ba ang ligaya? Saan nakakabili nito at magkano?Sa mga batang nasa kalye, piso lang dahil sa sabi ni Little Prince; “what is essential is invisible to the eye?”. Sabi naman ng isang komersyal ng softdrinks, nasa kanila daw ang “Happiness”. Akalain mo nga naman pati kaligayahan ay parte na ng komersyalismo.

Ano nga ba ang makakapagpaligaya sa’kin? “All you need is love” ang sagot ng paborito kong bandang The Beatles. Tama, kailangan ko ng pag-ibig o sadyang tigang lang ako at muli na naman akong pinagkaitan ni kupido. Muli na naman akong pinagsaraduan ni tadhana, nahuli ako ng ilang minuto, hindi ko nasakyan ang eroplanong dapat na magdadala sa’kin patungo sa’yo. Pasensya na, tao lang.

Nadurog ang puso ko ‘nung malaman kong wala na siyang interes sa’kin. Ganon na lang pala ‘yun. “Maraming salamat! Nag-enjoy ako, pero hindi na tayo magkakantutang muli dahil may iba na akong gusto”. Hindi naman niya lantarang sinabi pero ganon na nga. Gago eh, nahulog, sadyang hindi naman talaga dapat. Umibig kahit na alam na walang patutunguhan, suicide ika nga. Ayon kay Judy Ann Santos sa pelikulang Ploning – “ang nagmamahal ay nasasaktan”. Nasasaktan pa rin ako bagkus umiibig pa rin ako pero bukas makalawa ayos na ako. Puso lang ‘to, malayo sa bituka. Babae lang ‘yan, marami ‘pang iba.

‘Wag mo akong alalahanin. Ilang bote lang ‘to ng alak at magiging ayos na ako. Ilang tulog lang ‘to at muli na namang sisigla ang katawan ko pero pansamantala muna kitang iba-block sa Facebook dahil ayokong makita ang updates ng relasyon mo sa bago mong boypren. Nga pala, ang Ligaya ay matatagpuan sa Brgy. Santolan, gitna ng Pasig at Marikina, pagitan ng motel na Sogo at Mariposa, sa sakayan ng jeep pa-San Joaquin. Wala ang kaligayahan sa’kin pero masaya na ako piling ng ilang bote ng beer.

Tara parekoy! Tama na ang drama! Tagay mo na!

§ 3 Responses to Otso Pesos Ang Pamasahe Papuntang Ligaya

  • apollo says:

    okay lang yan parekoy! what doesn’t kill us makes us stronger sabi nga sa kanta. at tama ka, maraming babae jan.

  • L says:

    pangalawang bote ko na, pre. wag nang patagalin ang himas at baka uminit ‘yung laman. mas malamig, mas rapsa!

    p.s. isipin mo na lang na sa dami ng naglipanang bading sa pilipinas, mas malaki ang tsansa mong mahanap ang autumn ng buhay mo.

  • Dorm Boy says:

    Devastated ng pag-ibig? Ok lang yan… me someone pang darating. Hintayin mo lang bka natrapik lang sa EDSA hindi kasi nag MRT… Shot manen! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Otso Pesos Ang Pamasahe Papuntang Ligaya at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: