6 Easy Steps

August 11, 2011 § 4 Comments

Kakatapos ko lang basahin ang Love is a Mix Tape na isinulat ng isang manunulat ng Rolling Stone Magazine. Tungkol ito sa pag-ibig, kamatayan at musika. Ayos naman ang libro, hindi gaanong madrama na swak sa panlasa ko at hindi din pala ako marunong gumawa ng review. Kahit noong high school ako tuwing may kinalaman sa pagrereview ng pelikula at libro ang assignment o project ay sinasangguni ko na lang kay Manong Google. Hindi pa gaanong uso noon ang internet kaya nakapasa ako ng high school na may halong pandaraya.

Kung ikaw ay mahilig sa musika, isinasangguni kong gumawa ng account sa last.fm. Dahil bibinigyan ka nito ng recomendasyon ng mga “artists” na maari mo ring magustuhan ayon sa panlasa mo sa musika. Madami akong nakilalang musikero dahil sa last.fm at kaibigan ko din pala doon ang direktor na si Quark Henares (Bragging rights! Woohoo may kaibigan akong sikat sa isang social networking site!) *ilag sa mga binabatong kamatis*.  Kung sakaling may account ka na dito o kung sakaling maisipan mong sumali, pwede mo akong i-add (alienferbert ang username ko) at baka ikaw na ang matagal ko nang hinahanap na musical soul mate ko at kung sakaling “super” ang compatibility natin ay pwede na tayong mag-inuman kahit anong araw (sagot ko ang isang bucket! pramis!)

Yaman din lamang napag-uusapan ang musika ay gumawa akong listahan o hakbang kung paano gumawa ng pop song na magiging number 1 sa MYX at sa US Billboard.

  • 1. Auto-tune

Hindi na importante kung sintunado ka dahil sa kapangyarihan ng autotune ay matataamaan mo na ang bawat nota. ‘Wag mong alalahanin kung para kang asong ulol tuwing kumakanta dahil sa auto-tune ay tiyak na magiging Grammy Award winning singer ka. Itanong mo pa kay Kanye West. Kung wala kang autotune na software ay pwede kang kumanta sa harap ng electric fan.

  • 2. Lyrics

‘Wag kang masyadong mag-alala dahil hindi mo kailangang maging mahusay na liriko para makagawa ng pop song. Mag-isip ka lang ng tatlong salita at ulitin mo lang ito sa loob ng tatlong minuto. Halimbaw: “Paulit-ulit, Ulitin ulit” . Tandaan naging milyonaryo ang mga miyembro ng Black Eyed Peas dahil sa dalawang salita lang “My humps, my humps, my humps, my humps”. Syempre kasali din ang lukaret ng mundo na si Lady Gaga “Pok pok pok pok pok poker face”. Kung sumikat ang mga awitin nilang paulit-ulit, walang dahilan para hindi sumikat ang kanta mong paulit-ulit din ang lyrics. At ang pinakaimportante sa lahat;  huwag na huwag kakalimutang isingit ang “Ohhhh”, “Ahhhh” at “Yeah”.

  • 3. Rap

Lahat ata ng sikat na pop songs kailangang may rap. Hindi na importante kung masira nito ang takbo ng kanta mo. Tignan mo ang “Baby” ng boses-pekpek na si Bieber, pinasingit lang niya si Ludacris sa kanyang awit at kinabaliwan na siya ng mga bagong-reglang dalagita.

  • 4. Himig

Hindi matatawag na awit ang isang awit kung wala itong himig. Kung ikaw ay pinagpala sa larangan ng paggawa ng himig ay pwede mong simplihan lamang ang gawa mo sa minimum na tatlong chords at maximum na ewan ko dahil wala din akong alam sa paglalapat ng himig. Kung ikaw ay kagaya kong walang alam sa himig maliban sa alphabet song, pwede kang pumili ng lumang awitin ay pabilisin mo ito. Isang magandang halimbawa ang “Lambada” na parang-ni-revive-pero-hindi ni J.Lo

  • 5. Ryan Bang/Sandara Park (Optional)

Kung ang target mong market ay Asya ay pwede kang kumuha ng Koreano na marunong sumayaw, tiyak magiging sold out ang concert mo sa Araneta. Sikat sa mga kabataan ang mga Koreano dahil sa kadahilanang hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung anong nakita nitong mga batang ‘to sa mga singkit na amoy kimchi. Tumatanda na siguro ako saka laos na din kasi ang F4.

  • 6. Lesson

Para tangkilikin ng madla ang awit mo kailangan may matututunan silang leksyon dito.  Tulad nang kung paano ka sumuka dahil sa alak. Kung bakit mo pinagmumog ang gin ‘nung bagong gising ka. Kung ano ang nangyari sa’yo habang nanonood ng porno. Kung sino sina Doug, Shorty at Shawty. O kung ano ang susunod na araw pagkatapos ng Huwebes at kung bakit masaya ang weekend.

‘Yan ang anim hakbang para makagawa ng sikat na pop song ang kailangan mo na lang ay kumikinang na kasuotan para maihayag ka nang tunay na pop star.

Advertisements

Kay Ron Jeremy Ang Kahu-hulihang Yosi

August 6, 2011 § 5 Comments

Habang tinitipa ko ang mga letra para sa entry na ito ay kasalukuyan ko ring hinihithit ang aking kahuli-hulihang yosi.

Sa aking super-gigantic-mega-gargantuan na katawan ay may isang maliit na bagay na balang araw eh papaslang sa’kin. It’s in the genes. My mom died dahil sa cancer at gayundin ang aking lola. Ayokong dumagdag sa listahan ng mga nasawi dahil sa traydor na cancer. Ako ang nag-alaga sa lola ko bago siya mamatay and my life is not gonna end as lame as cancer. I planned to die as a man na magiging national issue ang kamatayan, either heroic o may gagawin akong kagaguhan sa gobyerno. And yes, I also came from a political family. Lahat naman ata tayo ‘di ba? May kamag-anak tayo na nakaupo sa gobyerno. Ang lolo ng lolo ko ay dating mayor, ang lolo ko nagsilbi sa gobyerno, ang brother-in-law ng lola ko ay dating mayor, ang kuya ko e dating S.K chairman at ang ate ko ay dating presidente ng fans club ni Sheryl Cruz. LOL

Tulad ng ate ko e may iniidolo rin ako. Si Ron Jeremy, ang aking idolo dahil sa likod ng kanyang nakakadiring itsura ay nakakabembang siya ng mga dilag na pantasya ng mga kabataan. Porn are for teenagers tulad ng pagjajakol. Guilty! Eh ano naman ngayon? Teenager ako na na-trap sa twenty-something na katawan. Ayokong maging Ron Jeremy habang buhay, gusto kong maging Peter North. Hindi ako panget na tipong “pantawid gutom din yan” pero hindi naman ako sobrang gwapo na tipong pagpapantasyahan mo kapag nag-iisa ka. Sakto lang. Ang problema lang talaga eh mataba ako. An Asian dude with a huge belly. Get the picture? Tangina mo, 11 and a half ang size ng sapatos ko! Hihi

Matagal ko nang balak magpapayat. ‘Nung kinse ako eh pinangako ko sa sarili ko na pagdating ko ng 25 ay mapapasali na din ako sa listahan ng pinaka-hot na bachelors. Dream big ikaw nga. Ngayong isang taon at ilang buwan na lang ay magiging silver-man na ako. Kung saka-sakali man may maimbentong time machine pagtuntong ng ika-dalawampu’t limang kaarawan ko at maisipan ng aking 25 year old self na bumalik sa nakaraan 10 years ago eh ayoko namang madisappoint ‘yung kinse anyos na binatang iyon na kakatikim pa lang ng luto ng Diyos at ayoko ding makita ng aking 25 year old self ang naagnas na bangkay ng 35 years old na Ferbert Baustista kung sakali man na maisipan din niyang bumisita sa future.

Nasimulan ko na ang nobela ko, kwento ng isang obese na lalake at ayokong hindi maging mala-Disney Movie ending ang pagwawakas nito. Naghahangad tayong lahat ng happy ending at ayokong mauwi sa trahedya ang huling kabanata ng aking nobela.

Ang pulitika ay nasa dugo ko pero hindi ako magpapangako, balang araw may makikita na lang kayong larawan sa blog ito at mapapa-Putangina na lang kayo.

Sabay ng pagtatapos ng entry na ito ay ng huling hithit sa yosing nagsilbing kaibigan na unti-unti tumatraydor sa’kin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At ilang segundo pa lang mula sa huling yosi ko ay naglalaway na ako. Putangina lang.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for August, 2011 at Kokey Monster.