The Dork, The Twitard and an Ice Cream

July 3, 2011 § 7 Comments

Kinukwestyon ko ang sarili ko. Bakit nga ba ako nagtyatyagang maghintay? Kung tutuusin e wala naman kaming pinagkaparehong dalawa. Siya ang Tsina, ako ang Pilipinas. Kung hindi lang nandito ang Everything Is Illuminated ni Safran Foer malamang eh kanina pa ako naging bato.

Minsan niya akong tinawag na Dork ‘nung isinama ko siya sa isang art film. Twitard ang tawag ko sa kanya. Sadyang hindi mo ata talaga matuturuan ang puso. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papatol sa babaeng nagbabasa ng bampirang kumikislap pero kinain ko din ang sinabi ko. Hindi ako nabusog.

May dalawang klase ng babae. Ang unang klase ay pagkain, ang ikalawa ay yosi. Ang pagkain kapag nahulog na sa sahig eh hindi mo na ulit pwedeng pulitin at isubo. Ang yosi pag naghulog e pwede mong isubo ulit at hithitin. Isa siyang yosi, isang bisyong hindi ko kayang itigil.

Tulad ni Rob sa nobelang High Fidelity ni Nick Hornby na ginawan ng pelikula noong 2000. Isang kwento ng lalake na ang paniniwala ang naging sanhi kayang pag-iisa. Isang linya mula sa kanyang labi ang gusto kong i-quote; “What really matters is what you like, not what you are like… Books, records, films – these things matter”. Pero nagpantanto niya ‘nung bandang huli na mali siya. Hindi kung ano ang gusto mo ang importante kundi kung ano ka bilang tao.

Dalawang oras na akong naghihintay ‘nung nakatanggap ako ng mensahe sa kanya. Papunta na siya at naipit sa traffic. Nagreply ako “Dalawang oras na akong naghihintay, hindi na siguro makakadagdag sa sakit kung maghintay pa ako ng isa basta makarating ka lang ng safe”. Tinawanan ko ang sarili ko. Ang baduy ko. Pakshet!

Malapit ko nang matapos ang binabasa ko ‘nung dumating siya. Walang kiss, walang akapan, ngitian lang. Kinuha ko ang bag niya at kinarga ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Kuryente. Nagtatalo kami kung anong gagawin. Gusto kong manood ng sine, siya gusto niya lang kumain. Nagpatalo ako, siya ang boss. Pinagtalunan din namin kung saan kami kakain hanggang sa napagod na lang kami at pinasok na lang ang isang restaurant. Pinaorder ko siya, hindi ako gutom.

Pagdating ng pagkain eh nilantakan ko agad. Nagkukwento siya tungkol sa trabaho. Hindi siya mukhang masaya. Minungkahi kong magresign na siya dahil ba’t naman siya magtitiis sa isang bagay kung ‘di na siya masaya. Tinanggihan niya ng suhestyon ko.

Ang maganda sa amin eh nababalanse namin ang isa’t-isa. Masyado niyang iniisip ang future at ako naman ay nakafocus lang sa kung ano ang meron ngayon. Pinapaisip niya ako ng mga balak kong gawin sa hinaharap at siya naman ay natututong i-enjoy ang bawat araw na meron siya.

Dessert time. Hindi ako umorder ng dessert dahil sakto na sa akin ang shake na iniinom ko.

“[Insert Ferbert Bautista’s real name here], tulungan mo akong ubusin ‘to.”
“No thanks.”
“Sige na. Giniginaw na ako. Akala ko pa naman mag-aagawan tayo sa pagkain”
“Busog ako at ba’t mo pa pinilipit ang sarili mo?”
“Kesa naman masayang”
“At isasakripisyo mo ang kalusugan mo?”
“At least alam ko sa sarili ko na sinusubukan ko kahit ayaw na ng katawan ko.”
“Deep.”

Naubos niya ang ice cream. Hindi na rin idedetalye kung ano ang mga sumunod na nangyari dahil natuto na ako. ‘Wag masyadong ibahagi ang mga pribadong parte ng buhay mo. Umuwi akong masaya at kinabukahan eh nakalutang pa rin ako. Sulit ang paghihintay ko ng tatlong oras.

P.S Hindi kami. Work ang priority namin pero masayang isipin na kapag okay na kami sa trabaho eh nandito lang kami para sa isa’t isa.

§ 7 Responses to The Dork, The Twitard and an Ice Cream

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading The Dork, The Twitard and an Ice Cream at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: