Pity Fcuk

February 12, 2011 § 20 Comments

May kasamahan ako sa trabaho na paranormal investigator. Lagi niya akong nilalapitan, kasabay ko siyang mag-lunch saka mag-yosi. Okay na rin, pang-alis na rin ng mga masasamang espiritu sa kapaligiran ko. Epektibo naman, walang panget na lumalapit sa akin. Lagi siyang may nakikita, doon daw mismo sa pwesto namin eh laging may mga babae. Akalain mo ‘yun malakas pala ang sex appeal ko sa mga multo, buti pa sila lumalapit sa akin samantalang ang mga tunay na pekpek eh pinagkakaitan nila ako ng atensyon at take note MGA. Mga = Plural.

Marunong din manghula etong si P.I. Lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho eh nahulaan na niya, ako na lang ata ang hindi. Takot me much eh. Baka sabihin niyang mamamatay akong tigang at hindi na makakatikim ng luto ng Diyos. Tinanong lang niya ang birthday ko. Taon ng mga Dragon ‘nung ipinanganak ako kaso ‘nung nagsabog ng biyaya ang panginoon hindi naging mala-dragon ang alaga ko.  Kaawaan niyo naman ako magagandang dilag ng mundo. Kahit pity fuck na lang. LOLJK.

Mabalik tayo, dragon means destruction daw. Ang 2012 ay taon ng mga dragon. Pero I don’t give a fuck, aabot pa ako hanggang 2020, ang taon kung saan sinasabing magiging First World na ang Lupang Hinirang.

Minsan na rin akong nahulaan ‘nung nasa kolehiyo ako. Ang siste may isang kapihan na madalas naming tinatambayan noon at isang araw ay may lumapit sa amin na manghuhula. Nagpahula ako.  Hindi ko na matandaan ang lahat ng sinabi niya sa’kin pero may isa akong natatandaan– makakapag-asawa daw ako ‘pag 24 na ako. Mas matanda daw sa’kin ang magiging Mrs. Ferbert Bautista, mayaman, medyo mataba rin a.k.a malaki ang boobs at siya raw ang magiging susi sa katuparan ng mga pangarap ko. Simple lang naman ang pangarap ko ang may makapag-perform sa’kin ng helicopter at kung matutupad man ito next year ‘pag bente kwatro na ako eh pwede nang magunaw ang mundo.

Hindi rin naman ako masyadong nagpapaniwala sa hula. Hula nga eh, maaring magkatotoo at maari ding hindi. Tignan na lang natin next year kung magkakatotoo nga ang hula sa akin noon. Sabi nga sa isang kanta ng Eraserheads; “Ikaw ang Diyos at hari ng ‘yong mundo”.  Ako ang may hawak ng baraha, nasa akin na kung paano ko didiskartehan ang larong ito. Basta isang lang ang sigurado ako sa future, kamukha ko pa rin si Jomari Yllana.

§ 20 Responses to Pity Fcuk

  • Sher says:

    Kuya Fb you’re back na pala. I sent you an e-mail last December (:

  • xprosaic says:

    Ahahahahahaha at talagang helicopter ang hiling! hehehehehhe… yaan mo… hihintayin na lang natin ang hula! ehehehehhehe

  • empi says:

    helicopter talaga? Lol

    aabangan ko kung mangyayari yan.😀

  • khanto says:

    naks. kamukha ka pala ni jomari yllana.😀
    mas lapitin ka pa ng girl entity than true girl atlist may lumalapit. who knows magkaroon ka ng succubus encounter. edi hindi pity fuck yun

  • Nortehanon says:

    Aha, kamukha ka pala ni Jomari ha. Pag nagdecide kang magshowbiz, ako na lang kunin mong manager haha!

    Salamat sa pagdalaw sa blog ko. Nakapag-backread ako konti sa mga post mo. Bagama’t idinadaan mo sa mga pagbibiro, nakakakita ako ng isang taong matalino sa likod ng mga post mong ito😉

  • gillboard says:

    maganda yang pangarap mo. exciting!!!

    nawa’y matupad ang hula sa’yo next year. hehehe

    happy vday weekend!!

  • Michael says:

    Helicopter ba kamo? Ihanda mo na ang helipad kung gayon, malapit na iyan lumanding.. Ahihihihi..😀

  • Dorm Boy says:

    Pangarap ko rin merong magheli sa akin hahaha! Hinulaan din ako dati, pero I have a doubt if magkakatotoo. Masaya ang buhay pag me thrill on wat will come next di ba. So hayaan na natin ang future darating darating naman un.

    Cguro ung mga gusto sa hula mga atat lang sa buhay. hehhe!

  • kikomaxxx says:

    hahaha… may sense nga naman ang pangarap mo.. sino bang hindi matupad yun.. hahaha

  • Jag says:

    May alam akong chicks na magaling sa helicopter hahaha…LOLZ! Yun naman pla eh may resemblance k ni Jomari Yllana bakit na nagwowori na hindi k n mkakatikim ng luto ng Diyos? LOLZ! In time darating din yan parekoy! LOLZ!

  • mangpoldo says:

    bumalik ka na pala idol!

  • Maldito says:

    Dapat gawin niyo yan sa airport..o di kaya sa helipad..para sulit naman ang effort para mag helicopter.ahahhaha

  • beero™ says:

    walangya ka bumalik ka na pala di mo man lang sinabi! pakyu! LOL. may mga hulang nagkakatotoo at meron ding hindi. tandaan gabay lamang yan. sabi nga ni zenaida (yung fortune teller sa umagang kayganda), meron tayong free will, gamitin natin to😀

  • p0ks says:

    nahulaan din ako dati…16 years old lang daw eh makakapag asawa na ako…puta nag times 2 na yung 16 wala pa din!! ahahaha

    helipakter pala ha…etong sayo..magiging kasing laki ka ng helipad! hihihihi

  • jeck says:

    pangarap ko rin na may mag-perform saken ng helicopter, tsaka maranasan ko ang three-some.😦

    sana lahat to magkatotoo bago tayo mamatay. lols

  • glentot says:

    Ang tibay! Simula nung nawala yung .com mo hindi na ako nakabalik sa blog mo, ngayon lang uli! Hmpf asar nga ako sa mga manghuhula kasi minsan nirerecycle nila yung hula! Ganun kasi ang nangyari sa akin noon, nagpahula kaming magkakaibigan. Ang hula sa akin eh makakagalit ko ang Uncle ko at may sakit ang Nanay ko. Bale tatlo kaming ganun ang hula…

  • Jayvie says:

    aabangan namin dito kung makikilala mo na nga si Mrs. Ferbert Bautista next year hehe.

  • taympers says:

    wala pa ring update?

  • stevevhan says:

    Ako rin natandaan ko, hinulaan din ako last year, ayun OK naman, ahahahahaha. Pero ang cool niyang manghuhula alam niya kung anu ang pagkatao ko. Pero tama ka nga, nasa atin ang barah at bahala na tayu if maniniwala tayu.

    Sabi pa nga sa’kin nung manhuhula, “Mananalo ka sa Lotto”
    eh, panu ko mananalo, hindi ako tumataya!, ahahahaha

  • McRey says:

    Hay naku wala talagang pinagbago mga post mo…

    err… naging malandi much lang pala and all.

    In fairness, dahil birthday mo, nagcomment ako. wahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Pity Fcuk at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: