Bookgasm

September 21, 2010 § 24 Comments

Isa sa mga pinakamagandang pelikula noong Dekada Otsenta ang Scorpio Nights, iyon ay sa palagay ko lamang. Pinaghalong sekswal at kalagayan ng bansa ang tema ng pelikula. Mahusay si Peque Gallaga sa paglikha ng ganitong klaseng palabas sa puting telon. Si Peque din ang taong nasa likod ng paborito kong pelikula noong supot pa ako: ang Magic Temple.

Sa sobrang kagandahan ng Scorpio Nights ay ginawan pa ito ng part 2 kung saan pinakakita ni Joyce Jimenez ang kanyang alindog at tinawag siyang Pantasya ng Bayan. Grade 5 ako noon kaya hindi ko siya napanood ‘nung mga panahong pinalabas ito sa sinehan gayunpaman nagpapasalamat ako sa Video City at noong highschool ako ay nasilayan ko ang pelikulang ito kasama na din ang Talong ni Nini Jacinto, Syota ng Bayan ni Priscilla Almeda, Burlesk Queen Ngayon ni Ina Raymundo at Pila Balde ni Anna Capri.

Alam kong TMI pero ibabahagi ko pa rin, mahilig akong makipag-sexy time sa mga lugar na delikado. Delikado sa kusina dahil baka biglang mabuksan ang kalan at mapaso kaming dalawa ng katalik ko ngunit hindi ganitong lugar ang tinutukoy ko. Gusto ko sa publikong lugar, siguro dahil may pagka-exhibitionist ako. Iyon marahil ang dahilan kung bakit paborito ko rin ang kanta ng The Beatles na Why Don’t We Do It On The Road. Malamang sa malamang kung may abs lang ako panigurado nakahubad na larawan ko na ang primary picture ko sa Facebook. Hindi ko na ilalahad kung anong mga lugar ang pinaggawan ko ng krimen dahil alam kong may mga menor de edad na nagbabasa ng blog ko na nagpapadala pa ng email. Hello Kids! Pagbati mula sa inyong Kuya Efbee the Fucktard!

Mabalik tayo sa Scorpio Nights ni Joyce Jimenez at isang eksena doon ang nagpabuhay ng aking dugo; ang kangkangan sa library. Bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng sarili library, tambayan ko ang library ng Lolo ko dati kaso nung namayapa siya sumama din sa kanya ang mga librong nandoon, inanay at nasira.

Noong highschool saka nung kolehiyo sa library din ako madalas tumambay dahil wala pa akong kakayahan para bumili ng libro noon. Unti-unti akong nakaipon hanggang sa nabili ko na halos lahat ng librong gusto ko gayunpaman nasa pahiraman ang lahat sa karamihan ng libro ko kaya bigo pa rin ako sa pangarap kong pagpapatayo ng library kong sarili. Pag nagpahiram kasi ako, 60% ang ibig sabihin nun sa’yo na dahil alam kong malabo nang maibalik sa akin.

Noong Sabado nagpunta ako ng Book Fair sa pag-aakalang makakabili ako ng mumurahing libro, mura naman kumpara sa orihinal na presyo pero mahal pa rin kung tutuusin. Ang daming tao sa Book Fair, nakakapagod para akong sumabak sa 20 rounds na boxing sa kama. Pero masaya naman dahil dumarami ang mga taong gustong magbasa ng libro kahit na karamihan ata sa kanila ay nandoon lang para masilayan sina Ely Buendia at para makipag-agawan sa kopya ng Twilight.

Balang araw pag milyonaryo ako, bibilhin ko lahat ng librong nais ko at maisasabuhay ko rin ang eksena sa library ng Scorpio Nights 2.  Saka ko na proproblemahin ang paghahanap ng sarili kong Joyce Jimenez dahil sigurado ako na pag mayaman na ako kusa na lang Siya o kung suswertihin Sila na darating sa buhay ko. Kung bakit kasi hindi pa umulan ng pera ngayon.

Tagged:

§ 24 Responses to Bookgasm

  • Michael says:

    Pareho tayo. Gusto ko rin magkaroon ng sariling library.😀

    • Ano nga ‘yung title ng pelikula ni Joyce Jimenez at Jomari Yllana? ‘Yung namatay sila pareho sa huli kasi nasagasaan ata ‘yung kotse nila ng tren? (Hindi ko sigurado kung tama ang pagkakatanda ko sa ending. LOL). Wala lang, naalala ko lang.

      WARAT!!!!111one

  • barrycyrus says:

    haha i am related to joyce jimenez actually. no kidding! :p

  • Jepoy says:

    Ano bayan grade five ka palang nung scorpion nights?!nakikipag date na ko nun. Punyeta!!!

    Gusto ko rin mag karoon ng sarli kong library!!! Haist! at gaya mo marami din akong books na nasa pahiraman..

  • gillboard says:

    high school kami nung napanuod namin yan ng mga kaklase ko. unang r18 na napanuod ko nung menor de edad pako.

    pareho tayo, pag nagpapahiram ng libro di na bumabalik. kaya ang daming bungi ng book shelf ko. di ko na tuloy natuloy yung pangarap kong magkaroon ng 800 books before 25. nasa 60 pa lang mga libro ko ngayon.

  • khanto says:

    ang cool ng pangarap mo na magkaroon ng library at isabuhay ang SN ni joyce jimenez.

    Buti madami padin nahihilig magbasa ng books kahit na medyo age na ng technology.

  • aninipot says:

    kahit anong isip ko di ko alam ang movie na sinasabi mo..ang alam ko lang yong magic temple.

    pareho tayo gusto ko din magkaroon ng sariling library at kalahati din sa mga libro ko ay nasa pahiraman, malapit na nga akong gumawa ng listahan ng mga nang-hiram tapos ipakulam ko lang na gabi-gabing di sila makatulog hangga’t di sinasauli ang mga libro ko…

  • kikilabotz says:

    umulan n ng pera natutulog ka ata. ikaw lang ang hindi nakapulot.. sexy nga ni ate joyce

  • kaye says:

    hindi ko pa napanood ang mga pelikulang binanggit mo sa taas, pero aminado akong gusto ko mapanood ang scorpio nights…yung original version. kung kelan, hindi ko alam.🙂

    mahilig din ako sa libro. katunayan, ang pagkakaroon ng isang library ang pangarap namin ng hubby ko. maraming mga libro sa bahay. marami pa rin doon ang di ko pa nababasa dahil mahilig akong bumili ng mga libro para basahin balang araw o kapag milagrong nagkaroon ako ng panahon para magbasa. sa ngayon, nauubos ang oras ko sa bahay sa dalawang maliliit na chikiting. pero ok lang naman dahil binabasa naman namin ang mga libro nilang binili rin namin. mas gusto namin ang regalong mga libro kesa mga laruan para sa kanila dahil naniniwala kaming magiging mas matatalinong bata sila sa pagbabasa ng mga libro.

    nagpunta din ako sa manila international book fair nung opening, last Wednesday. kakaunti pa ang mga tao kaya mas marami akong tsansang magikot nang di nakikipagbunuan sa ibang mga mamimili. marami akong mga storybooks na nabili para sa mga bata. at yung inaasahan kong reaksyon mula sa kanila ang nakuha ko pagkakita nila sa mga libro. maraming “wow” ang nasambit nila at dali dali nilang binuksan at tiningnan ang mga libro.

    sorry naman at napakwento.

  • Jeck says:

    lam mo bang sa library ng college alma mater ko shinoot yang scene ni joyce jimenez at albert martinez? noong unang nalaman ko yan, nag-aplay agad akong student assistant sa library, tapos pag sabado at walang masyadong estudyante, dun nanariwa saken yang eksenang yan. yun nga lang, wala akong partner na kinangkang. lols. pero the best talaga pag sa library mangyayari yun.

  • Nortehanon says:

    ah, nasa bookfair ka rin pala. Oo nga, ang dami talagang tao. Nakakahilo. Good luck sa aspiration na maging milyonaryo at maisabuhay ang mga eksena sa Scorpion Nights (kung ano man ang mga eksenang yun) haha!

  • Para sa akin mas maganda yung unang Scorpio Nights..

  • p0kw4ng says:

    nalibugan nagandahan din ako sa scorpion nights ni Joyce..pero di ako elementary non..college na yata ako…ahahahaha

  • xprosaic says:

    Naks! sayang umulan ng pera kanina… nakapulot ka ba? sayang naman baka kasi nasa library ka hinihintay si joyce mo… hehehehehehehe

  • beero™ says:

    sus if i know napanood mo na mga pelikulang yun kahit nung bata ka pa. hehe. pareho tayo 4 years ago ko lang yata napanuod yun. gusto ko din yung adventurous na sex eh. sa kin naman gusto ko outdoors. gusto ko itry sa may hood ng kotse. problema kasi wala din akong kotse. haha

  • lio loco says:

    hindi ako nakapunta sa intl. book fair. tanginang audit shit talaga oo. howel, may next time pa naman.

    pag may joyce jimenez ka na at isasabuhay nio ang scorpio nights sa silid-aklatan mo, text mo ko. ako na ang magca-card catalogue sa mga libro.

  • ROSE says:

    ya.. its a good movie… coz i l love joyce jimenez

  • glentot says:

    After almost one year(?) ngayon ko lang uli nahanap ang blog mo! Speaking of sexy times sa risky places, may mas risky pa ba sa… nakaparadang traysikel??? hehehehe not me I swear.

  • eloiski says:

    anakngmalandingkambing. ano ba yang pinapanood mo? di ko alam lahat yan ah…
    sows!

    teka! bigla lang akong kinilig kasi merong ely buendia doon o. hakhak!

  • Kikomaxxx says:

    weee.. ito din ang saya… informative sa kalokohan… hehehe

  • tsina says:

    natawa ako sa purpose mo sa pangarap mong library. =p

  • iprovoked says:

    Before anything else, add na kita sa blogroll ko kuya. Yun lang.. hehehe.. Malinaw pa sa ala-ala ko ang mga pelikulang yan! Mga pantasya ko noong bata pa ako sina Nini Jacinto, Ina Raymundo, Abi Biduya aka Priscilla Almeda at madami pang iba, isama mo na sina Maui Taylor, Patricia Javier at iba pa, hanggang sa magbago ang lahat ng makita ko si piolo! hahaha, joke! :]

  • nielz says:

    Hi! I’ve enjoyed reading your posts.. Nakakatuwa at nakaka relate ako. Xlinks tayo.😀

  • stevevhan says:

    ahahahahaha, link ex tayo wah?ang cool mu eh!. Mahilig din akong magbasa ng book, sobra, kahit gabi na ako matapos. Bakit di mu kaya i-try sa book sale outlet?nakabili ako ng novel for only 45 pese, meron pa ngang 20 pesos, 5 piso ata ang pinakamababa kung nabili.

    Naku kahit naman christian ako nanoood pa rin ako nun (its human nature), pero nung mga kapanahunan na yun nung uso yung SN na yan eh hindi talaga ako familiar nun dahil hindi ko pa alam ang salitang SEX at, siguro nagkautak lang ako sa kamunduhan nung pagpasok ko sa high school. Haha, confession room ba it?, umm, naive talaga ko!:). ewan basta hindi ako familiar sa SN ang napanoud ko lang bikini open!lols.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bookgasm at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: