Ahit, Gluta o Botox?

September 14, 2010 § 21 Comments

Hindi ko kayang magbackread ng blog ko dahil tuwing ginagawa ko yun dalawa lang ang emosyon na nararamdaman ko, natatawa at nandidiri.

Nag-iba na rin ang paraan ko ng pagsusulat. Sabi nga sa akin ni Sosyalera, akala niya fourteen lang ako noong inumpisahan ko ang katauhang FerBert Bautista pero ang totoo 19 na ako noon. Puro daw kasi tamod, kantutan, puke, jakol at iba pang salitang pangkamunduhan ang nababasa niya kaya nagmumukha na ngang blog ni Xerex ang blog ko noon. Siguro dahil bata pa ako noon, bata pa rin naman ako ngayon. Mataas ang lebel ng libido ko noong panahong iyon, teenager eh. Naghihimagsik pa ang mga tamod ko ngunit masakit pala sa itlog ang sobrang libog buti na lang hindi na ako ganon. Sakto na lang.

Madalas ko ding banggitin sa mga blog entries ko dati na may nunal ako sa kanang bayag pero pag-check ko kanina wala na siya. Tatlo lang yun eh, umitim lalo ang bayag ko o di kaya’y sobrang kapal na ng bulbol ko, pwede ding nadagdagan siya ng kulubot.

May mga entries din ako na sobrang taliwas na sa paniniwala ko ngayon. Idealistic ako noon, masarap maging idealistic kung marami kang pera tipong magagawa ko ang lahat pero ngayon realistic na ako. Binabago ng panahon ang isip ng tao.

Tahimik ako noon, may mga pagkakataong hindi ako nagsasalita sa loob ng isang araw. Hindi ako pala-imik at kung makasalubong mo ako sa kalye at babatiin mo ako ngingitian lang kita pero hindi na kita kakausapin ngayon madaldal na ako. May kakayahan na ako para sumali sa paligsahan ng padaldalan.

Hindi ako marunong manligaw noon kahit ngayon torpe pa rin ako. Maswerte lang ako na kahit torpe ako hindi ako natitigang nang lapas sa tatlong buwan pero habang tumatagal kumakapal na ang mukha ko, marunong na din akong bumanat ng mga linyang magpapalaglag sa panty ng isang dilag. Huwag mo lang ihaharap sa’kin si Georgina Wilson dahil siguradong matatameme ako at aatakihin sa puso. Minsan nakita ko siya sa isang concert sa Taguig, natulala ako at hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Hindi sapat ang salitang ganda para sa kanya. Kailangan ng mundo nang madaming Georgina Wilson. Kailangan siyang i-clone.

3 years ago isa akong teenager, nagpupumilit makipagsiksikan sa lipunan. Binabago ang sarili para lang masabing kasapi ako ng lipunang ito. 3 years ago nagrerebelde ako sa Tatay ko, wala ding kinahinatnan ang pagrerebeldeng ito, sa huli ako pa rin ang talo. 3 years ago kaya kong pumatay ng tao kung gugustuhin ko ngayon hindi na, ni hindi na nga ako nanonood ng pelikula ni FPJ dahil nakokonsensya lang ako. 3 years ago, nabigo ako sa lahat ng larangan sa buhay pero may isang magdang nangyari sa akin 3 years ago, sinumulan kong magblog gamit ang katauhang Ferbert Bautista. Nailahad ko na ata lahat. Tatlong taon na akong nagbabahagi ng buhay ko gamit ang nom de plume na to.

Maraming nagbago sa loob ng tatlong taon, mula sa paraan ng pagsusulat ko hanggang sa estado at pananaw ko sa buhay pero tanong ko lang, aahitin ko ba tong bulbol ko para makita ko yung nunal ko o lumangoy kaya ako sa pool na puno ng glutathione para pumuti ang bayag ko o magpa-botox na lang kaya ako sa betlogs baka makita ko siya pag wala na itong kulubot?

Tagged:

§ 21 Responses to Ahit, Gluta o Botox?

  • KUMAGCOW says:

    Botox tol para medyo classy… isipin mo na lang yung ituturok sayong karayom hehe joke

    Basta kung san ka masaya po suportahan taka!

  • Jepoy says:

    ipacheck mong mabuti sa mga chicks na tinitira mo! Bago ang bakbakan checking muna. Try mo sa tatlong chicks at kapag consistent ang answers nila. Alam na!

  • gillboard says:

    di kaya makapal na libag lang yun na namuo at di natanggal?

    happy bertdey sa blog mo efbee!!!

  • Oonga tahimik ka sa personal dati! Naalala ko nung una kitang nakilala ampf hindi mo ko kinakausap nag-alangan ako tuloy kung ikaw ba talaga si Ferbert Bautista na kakulitan ko sa Intarnets.

  • khanto says:

    nakidalaw po.

    combo nio nalang po. pede ahit sabay gluta or ahit sabay botox.

    kung kayamanan, all of the above nio na, kulubot free na, hairless pa, tapos puting alagang silka…. kutis na takaw pansin😀

  • lio loco says:

    dito na pumapasok ‘yung sinasabi kong pagtuligsa at di malao’y pagpapapalit ng sarili mong mga palagay at kuru-kuro na isang matibay na rason para sakin bakit kailangang mag-blog ng isang tao. aminin mo man o hindi, may mga pagkakataong dahil mismo sa midyum (blog) kung saan mo nasabi ang inaakala mo nang permanenteng pananaw eh napapalitan ng ibang barya ang binuo mo nang diwa.

    dahil ang laway na ipinahid mo nung isang araw sa makamundong pinoy sangkablogosperyohan eh hindi nangangahulugang pareho pa rin palang nakadikit bukas makalawa. magbabago’t magbabago ‘yan ayon sa sitwasyon sa parehong pagkakatantong napakaraming putak-utak ang isang tao para manatili lamang siya sa iisang pananalig habambuhay.

    o eh hindi ba ‘yun ang tanong mo? sori, nadala lang.

    ahit. mas magmumuka pang taguro ang tite mo.

  • xprosaic says:

    Kunsabagay hindi man sinasadya pero nagiging salamin na rin ng ating pagkatao ang ating blog… kung paano tayo nagumpisa ibang iba na rin sa ngayon… sa mga likha pati na rin sa drama sa buhay… mabuhay ka efbee… isa ka nang institusyon…lol… akwali babatiin lang kita ng congrats sa 3 taon mo… mahirap yan pantayan ah… hehehehhehehe

  • -=K=- says:

    Hahaha, pareho tayo. Nung naguumpisa akong mag blog mahilig ako magkwento ng tungkol sa mga kamunduhan pero ngayon parang nag evolve nako. Medyo serioso na at puro keso na hahaha! Mas lumala! Para sa tanong mo, mas ok kung papa ahit mo… sa akin! Nyahahahah!

  • kikilabotz says:

    kuha ka liquid eraser at i point mo sa betlog mo para meron ka ng puting nunal. oh yeaah. haha

  • tama naman yan brod. tulad ng ibang bagay ang pagsasalita natin ay nageevolve din. sa paglipas ng panahon marami tayong nakakasalamuha, marami tayong pinagdadaanan, marami tayong natututunan.. at mas may kapasidad na tayong magbahagi at mangaral (base sa ating sariling karanasan)… kung sa paglipas ng panahon e puro kamanyakan pa rin ang ating isinisigaw, well, alam na! hehehe!

  • yeye says:

    happy anniversary sa inyo ng blog mo. yey kayo parin hanggang ngayon. tibay! hehehehehe

    kahit na ma-L ka magsulat noon eh na-keri ko naman ang pagbisi-bisita ko sa blog mo. hehe. tanginang-alien.blogspot.com pa url mo nun. ang lutong. hahaha.

    hayaan mo na lang yang nunal sa bayag mo.ligo lang katapat niyan. haha

  • kung ako ang tatanungin, botox sa bayag ang panalo.

  • barrycyrus says:

    haha ako rin nagbabackread. kadiri nga kung minsan. lol.

  • KUMAGCOW says:

    Opo, same name tukayo? heheh ^_^

  • soltero says:

    adik ako sa blog mo dati kaso biglang nwala, eto na pla ngayon yun, matthew pa ang name na gamit ko pag nag comment sa yo dati haha..

    ngayon wannabe blogger na rin and buti nakita ko ulet itong blog mo!

    wag botox, kc bka tamaan ng needle ung testicles, makulta permanently ang sperm mo! bwahahah😛

  • kaye says:

    ang hirap sagutin ng katanungan mo…hindi ko rin alam kasi wala ako niyan. basta kung anuman ang maisipan mong gawin, suportahan ta ka.

    pero tama ka…maraming pwedeng mangyaring pagbabago sa tatlong taon…tulad ng pagtatago ng mga nunal sa kung anumang bahaging yan ng katawan… hehe

  • Maldito says:

    pa lipo mo nalang efbe…ahahahhaa….shit.

  • ganon ba talaga ka-importante ang nunal sa yagbols?LOL
    sa tingin ko lang hinde naman nawawala yan..baka lumipat lang ng pwesto😀

  • JennY says:

    Ipa gluta para maiba at ikaw ay maging bukod tangi na mayroong puting nunal sa yagbols! LOL

  • kris jasper says:

    waaaaah! Yun lang pala ang ending? hahaha!!! Suggest ko, i pa botox mo, then kunan mo ng pikture, then post mo dito… as if ikaw si Charice when she had it done by Belo. lol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ahit, Gluta o Botox? at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: