Bookgasm

September 21, 2010 § 24 Comments

Isa sa mga pinakamagandang pelikula noong Dekada Otsenta ang Scorpio Nights, iyon ay sa palagay ko lamang. Pinaghalong sekswal at kalagayan ng bansa ang tema ng pelikula. Mahusay si Peque Gallaga sa paglikha ng ganitong klaseng palabas sa puting telon. Si Peque din ang taong nasa likod ng paborito kong pelikula noong supot pa ako: ang Magic Temple.

Sa sobrang kagandahan ng Scorpio Nights ay ginawan pa ito ng part 2 kung saan pinakakita ni Joyce Jimenez ang kanyang alindog at tinawag siyang Pantasya ng Bayan. Grade 5 ako noon kaya hindi ko siya napanood ‘nung mga panahong pinalabas ito sa sinehan gayunpaman nagpapasalamat ako sa Video City at noong highschool ako ay nasilayan ko ang pelikulang ito kasama na din ang Talong ni Nini Jacinto, Syota ng Bayan ni Priscilla Almeda, Burlesk Queen Ngayon ni Ina Raymundo at Pila Balde ni Anna Capri.

Alam kong TMI pero ibabahagi ko pa rin, mahilig akong makipag-sexy time sa mga lugar na delikado. Delikado sa kusina dahil baka biglang mabuksan ang kalan at mapaso kaming dalawa ng katalik ko ngunit hindi ganitong lugar ang tinutukoy ko. Gusto ko sa publikong lugar, siguro dahil may pagka-exhibitionist ako. Iyon marahil ang dahilan kung bakit paborito ko rin ang kanta ng The Beatles na Why Don’t We Do It On The Road. Malamang sa malamang kung may abs lang ako panigurado nakahubad na larawan ko na ang primary picture ko sa Facebook. Hindi ko na ilalahad kung anong mga lugar ang pinaggawan ko ng krimen dahil alam kong may mga menor de edad na nagbabasa ng blog ko na nagpapadala pa ng email. Hello Kids! Pagbati mula sa inyong Kuya Efbee the Fucktard!

Mabalik tayo sa Scorpio Nights ni Joyce Jimenez at isang eksena doon ang nagpabuhay ng aking dugo; ang kangkangan sa library. Bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng sarili library, tambayan ko ang library ng Lolo ko dati kaso nung namayapa siya sumama din sa kanya ang mga librong nandoon, inanay at nasira.

Noong highschool saka nung kolehiyo sa library din ako madalas tumambay dahil wala pa akong kakayahan para bumili ng libro noon. Unti-unti akong nakaipon hanggang sa nabili ko na halos lahat ng librong gusto ko gayunpaman nasa pahiraman ang lahat sa karamihan ng libro ko kaya bigo pa rin ako sa pangarap kong pagpapatayo ng library kong sarili. Pag nagpahiram kasi ako, 60% ang ibig sabihin nun sa’yo na dahil alam kong malabo nang maibalik sa akin.

Noong Sabado nagpunta ako ng Book Fair sa pag-aakalang makakabili ako ng mumurahing libro, mura naman kumpara sa orihinal na presyo pero mahal pa rin kung tutuusin. Ang daming tao sa Book Fair, nakakapagod para akong sumabak sa 20 rounds na boxing sa kama. Pero masaya naman dahil dumarami ang mga taong gustong magbasa ng libro kahit na karamihan ata sa kanila ay nandoon lang para masilayan sina Ely Buendia at para makipag-agawan sa kopya ng Twilight.

Balang araw pag milyonaryo ako, bibilhin ko lahat ng librong nais ko at maisasabuhay ko rin ang eksena sa library ng Scorpio Nights 2.  Saka ko na proproblemahin ang paghahanap ng sarili kong Joyce Jimenez dahil sigurado ako na pag mayaman na ako kusa na lang Siya o kung suswertihin Sila na darating sa buhay ko. Kung bakit kasi hindi pa umulan ng pera ngayon.

Ahit, Gluta o Botox?

September 14, 2010 § 21 Comments

Hindi ko kayang magbackread ng blog ko dahil tuwing ginagawa ko yun dalawa lang ang emosyon na nararamdaman ko, natatawa at nandidiri.

Nag-iba na rin ang paraan ko ng pagsusulat. Sabi nga sa akin ni Sosyalera, akala niya fourteen lang ako noong inumpisahan ko ang katauhang FerBert Bautista pero ang totoo 19 na ako noon. Puro daw kasi tamod, kantutan, puke, jakol at iba pang salitang pangkamunduhan ang nababasa niya kaya nagmumukha na ngang blog ni Xerex ang blog ko noon. Siguro dahil bata pa ako noon, bata pa rin naman ako ngayon. Mataas ang lebel ng libido ko noong panahong iyon, teenager eh. Naghihimagsik pa ang mga tamod ko ngunit masakit pala sa itlog ang sobrang libog buti na lang hindi na ako ganon. Sakto na lang.

Madalas ko ding banggitin sa mga blog entries ko dati na may nunal ako sa kanang bayag pero pag-check ko kanina wala na siya. Tatlo lang yun eh, umitim lalo ang bayag ko o di kaya’y sobrang kapal na ng bulbol ko, pwede ding nadagdagan siya ng kulubot.

May mga entries din ako na sobrang taliwas na sa paniniwala ko ngayon. Idealistic ako noon, masarap maging idealistic kung marami kang pera tipong magagawa ko ang lahat pero ngayon realistic na ako. Binabago ng panahon ang isip ng tao.

Tahimik ako noon, may mga pagkakataong hindi ako nagsasalita sa loob ng isang araw. Hindi ako pala-imik at kung makasalubong mo ako sa kalye at babatiin mo ako ngingitian lang kita pero hindi na kita kakausapin ngayon madaldal na ako. May kakayahan na ako para sumali sa paligsahan ng padaldalan.

Hindi ako marunong manligaw noon kahit ngayon torpe pa rin ako. Maswerte lang ako na kahit torpe ako hindi ako natitigang nang lapas sa tatlong buwan pero habang tumatagal kumakapal na ang mukha ko, marunong na din akong bumanat ng mga linyang magpapalaglag sa panty ng isang dilag. Huwag mo lang ihaharap sa’kin si Georgina Wilson dahil siguradong matatameme ako at aatakihin sa puso. Minsan nakita ko siya sa isang concert sa Taguig, natulala ako at hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Hindi sapat ang salitang ganda para sa kanya. Kailangan ng mundo nang madaming Georgina Wilson. Kailangan siyang i-clone.

3 years ago isa akong teenager, nagpupumilit makipagsiksikan sa lipunan. Binabago ang sarili para lang masabing kasapi ako ng lipunang ito. 3 years ago nagrerebelde ako sa Tatay ko, wala ding kinahinatnan ang pagrerebeldeng ito, sa huli ako pa rin ang talo. 3 years ago kaya kong pumatay ng tao kung gugustuhin ko ngayon hindi na, ni hindi na nga ako nanonood ng pelikula ni FPJ dahil nakokonsensya lang ako. 3 years ago, nabigo ako sa lahat ng larangan sa buhay pero may isang magdang nangyari sa akin 3 years ago, sinumulan kong magblog gamit ang katauhang Ferbert Bautista. Nailahad ko na ata lahat. Tatlong taon na akong nagbabahagi ng buhay ko gamit ang nom de plume na to.

Maraming nagbago sa loob ng tatlong taon, mula sa paraan ng pagsusulat ko hanggang sa estado at pananaw ko sa buhay pero tanong ko lang, aahitin ko ba tong bulbol ko para makita ko yung nunal ko o lumangoy kaya ako sa pool na puno ng glutathione para pumuti ang bayag ko o magpa-botox na lang kaya ako sa betlogs baka makita ko siya pag wala na itong kulubot?

Dear Mama,

September 1, 2010 § 22 Comments

Kumusta naman ang Heaven? May manok ba talaga si San Pedro? Nakikita mo ba ako sa kinalalagyan mo ngayon? Kung nakikita mo nga ako parang nahihiya na tuloy akong mag-mariang palad. Please Ma, wag mo muna akong pansinin pag may intimate moments ako. Dyahe e. Ipikit mo na lang muna yung mata mo o kaya makipaglaro ka muna ng chess sa mga kumare mo dyan sa itaas. Yung batang pinapadede mo dati ay ibang suso na ang pinagkakaabalahan. Pero ikaw pa rin ang nangungunang babae sa puso ko sunod si Ate saka si Lola.

Ispiking of Lola nagkita na ba kayo dyan? Medyo namimiss ko na din sya. Alam mo naman na halos sya yung tumayong nanay ko nung nawala ka. Memoryado ko na rin po yung Alphabet Song saka hindi na po ako umiihi sa kama. Natatakot pa rin ako kay Paul Bearer, ang hilig mo kasing manood ng wrestling dati kaya minsan nagre-wrestling din kami nina utol. Saka nga pala Ma, yung Sister Act pag pinapanood ko ikaw lagi ang naalala ko kasi yun ang huling pelikulang napanood ko kasama ka.

Sorry rin po pala kung matigas ang ulo ko nung bata ako. Iniisip ko ngayon na mahirap pala talaga akong palakihin. Salamat Ma sa pagtyatyaga mo. Sumasagi pa rin sa isip ko minsan kung paano kaya kung nandito ka. Ano kayang gagawin mo sakin kung nakita mong lumaki akong ganito. Papaluin mo kaya ako sa pwet? Hindi mo ako napalo ni minsan, sa pagkakaalala ko ako pa ang nakapanakit sayo at sinusuntok kita pag tinotopak ako. Sorry Ma. Sorry.

Nga pala Ma, happy birthday. Siguro kung buhay ka pa malamang may puting buhok ka na rin ngayon. Patawad kung hindi ako lumaki kagaya ng inaasam mo. Mahal na mahal kita Ma. Kung pwede lang kahit limang segundo o kahit isa man lang ay makasama kita pero alam kong malabo. Salamat din pala at hindi ka masyadong nagpaparamdam sa akin kasi matatakutin ako. Pero Ma, alam ko na lagi ka lang nasa tabi ko.

Salamat na kahit maikling panahon lang tayo nagkasama ay pinaramdam mo sa akin na mahal mo. Thank you sobra. Naalala ko dati tuwing nagkakasugat ako ikaw agad ang nilalapitan ko at isang halik mo lang ay napapawi na ang kirot. Gusto kitang akapin Ma, yung mahigpit na mahigpit na mahipit. Lagi kong sinasabing Mama’s boy ako sa tingin ko nga e nagseselos na si Papa. Salamat Ma, habang buhay ako magpapasalamat sa’yo saka kay Papa. Salamat. Maraming maraming salamat Ma. Happy Birthday ulit at hindi ako masasawang banggitin ang salitang I love you sa’yo. I love you Ma! Mahal na mahal kita.

Ang Iyong Anak Na Nagmamahal Sa’yo,
Michael

Where Am I?

You are currently viewing the archives for September, 2010 at Kokey Monster.