Bieber

August 22, 2010 § 16 Comments

Ayokong lumaking mangmang ang mga pamangkin ko kaya habang maaga pa ay tinuturuan ko na sila ng mga bagay na hindi nila matututunan sa eskwelahan. Masyado pa silang bata para payuhan ko sila patungkol sa sex.

Halong English at Tagalog ang ginagamit nilang salita gawa na rin ng mga abnormal nilang magulang: ang mga kapatid ko.

Narito ang mga ilang bagay na itunuro ko sa aking 3 year old niece na binisita ako kanina. Alam ko naman wala pa syang muwang ukol sa mga bagay sa lipunan at buhay pero hindi natin masasabi baka henyo tong batang to at may kakayahan syang maalala ang mga itinuro ko sa kanya kanina.

3 year old niece: Tito, you’re fat.
Ferbert Bautista: I’m a teddy bear.

Gusto ko syang turuan na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang pananaw. Maaring ang mataba sa mata nya ay payat sa iba at saka gusto ko rin ipaalam sa kanya siraulo ang tito nya.

3YOLN: Tito, I want chocalates.
FB: Wala akong chocolates.
3YOLN: Chocolates! I want chocolates!
FB: Wala akong chocolates!
3YOLN: Gusto ko eh!
FB: Wala ngang chocolates si Tito.
3YOLN: Chocolates!
FB: No.

Gusto ko siyang turuan na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha.

3YOLN: Tito, I want chocolates. Please! Sige na naman.
FB: Tara, bili tayo sa tindahan.

At lahat ay nadadaan sa magandang pakiusap, kailangan lang din nya ng determinasyon at konting PR.

3YOLN: Snow White is pretty.
FB: Mas maganda si Jasmine.
3YOLN: She’s negra.
FB: She’s beautiful.

Na ang kagandahan ay hindi nasusukat sa kulay ng balat.

3YOLN: I don’t want to eat this. (turo sa kalabasa)
FB: Kainin mo yan. That will make you strong.

Na may mga bagay na kailangan mong sikmurain at tanggapin kahit hindi mo gusto.

3YOLN: I hate Olive Oyl. She’s ugly.
FB: You shouldn’t hate someone just because you don’t like the way he/she look. You should love all creatures.

Ayokong syang lumaki na puno ng poot at galit at kamuhian ang isang nilalang dahil lamang hindi maganda ang anyo nito.

FB: Anong gusto mo paglaki mo?
3YOLN: I want to be a singer like Justin Bieber.
FB: WHAT?! (habang nanlalaki ang mata)
3YOLN: Because he’s ugly.

At dito ako nagkamali ng turo sa pamangkin ko. Hindi lahat ng pangit ay dapat magustuhan, may mga panget na dapat talagang kasuklaman.

Tagged:

§ 16 Responses to Bieber

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bieber at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: