Kaliwa’t Kanan

July 17, 2010 § 23 Comments

Ngayon ko lang napansin na mas makapal ang buhok ko sa kaliwang kili-kili kesa sa kanan.

Matagal ko nang gustong magkaroon ng buhok sa kili-kili, bata pa lang ako isa na sa ito sa mga gusto kong mangyari sa katawan ko tulad ng pagpapatato. Ngumit marahas ang mundo sa akin, tinubuan na ako ng buhok sa gitnang bahagi ng aking katawan sa bandang itaas ng aking alaga ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng buhok sa kili-kili. Naghintay ako, tinubuan na din ako ng buhok sa bayag, wala pa rin.

Ilang beses kong inahit ang bigote at balbas ko dahil gusto kong kumapal, wala ding nangyari. Nabigo ako. Nung bente na ako sa pag-aakalang hindi na ako kailanman tutubuan ng buhok sa kili-kili ay nakuntento na lang ako. Kapag hindi mo nakuha ang isang bagay, wag kang magdabog- matutong kang iappreciate kung anong meron ka. Makapal ang bulbol ko, kahit lagi akong kalbo ay hindi naman ako nagmumukhang panot. Ilang mga bagay na dapat kong ipagpasalamat kahit papano.

Kasabay ng pagpatak ng ika-bente unong kaarawan ay ang pagtubo ng buhok ko sa kili-kili. Sa ngayon ay malago na sila. Kung may conditioner lang para sa armpit hair malamang bumili na ako. Hindi ako banidoso pero para sa kili-kili gagawin ko.

Gaya ng naunang nabanggit ko mas makapal ang buhok ko sa kaliwang kili-kili kesa sa kanan. Mas makapal din ang buhok ko sa kaliwang hita at binti kesa sa kanan. Mas mabigat ang kanang bayag ko kesa sa kaliwa, mas malaki ang suso ko sa kanan gawa ng kakalamas ng mga manyakis kong kaibigan. Kirat ako- at kahit anong pilit kong idilat ang kanang mata ko para pumantay sa kaliwa ay hindi pa rin sya pumapantay.

Compensation ang tawag dyan, kung ano ang wala ka sa kaliwa yun naman ang meron ka sa kanan, vice-versa.

Hindi ako relihiyosong tao, sa katunayan agnostic ako. Iba ang agnostic sa atheist. Naniniwala akong may Dyos pero ayokong pumanig sa kahit na anong relihiyon at pakiusap kaibigan wag mo akong pilitin umanib sa relihiyon mo dahil mabibigo lamang kita. May alam ako sa Biblia, kung icha-challenge ako na isummarize ang old tesmament ay magagawa ko iyan sa paraang hindi ka aantukin, sa paraang alam ko; Ang pagkantot. Ngunit, syempre nagbibiro lamang ako.

Dont let your left hand know what your right hand is doing.

Ang paborito kong berso sa gospel ni Mateo, Matthew 6:3. Kung itatagalog ang katagang iyan Ferbert Bautista Style ganito ang kalalabasan; wag mong ipaalam sa kaliwang kamay mo na nagjajakol ka gamit ang kanan.

Simple lang naman pinapatunguhan ng lathala kong ito. Kung ikaw ay ang kaliwang kili-kili bakit mo ipagkakalat sa kanan na mas malago ang buhok mo. Kung ikaw ang aking kanang bayag, bakit mo pa kailangang sabihin sa kaliwang bayag na mas malaki ka. Kung tunay ka ngang mas malaki kesa sa kanya ay hindi mo na kailangang ipangalandakan ito sa madla, hayaan mo na sila mismo ang pumuna. Muli kong uulitin ang nilalaman ng Matther 6:3, Dont let your left hand know what your right hand is doing.

Wag kang manununtok gamit ang kanang kamao mo kung kaliwete ka naman.Walang konek? Alam ko. HAHA

Advertisements

Where Am I?

You are currently viewing the archives for July, 2010 at Kokey Monster.