Bulate

June 24, 2010 § 23 Comments

1990s, katatapos lang ng Persian Gulf War at nagsisimula pa lang maghasik ng lagim ang Al Qaeda. Kakapanalo pa lang ni Erap sa pagkapangulo at hindi pa kilala ang Abu Sayyaff at ito ang kwento ng pakikipagsapalaran ng ating bidang si Ferbert Bautista laban sa kanyang mortal na kaaway; ang kanyang Kuya.

FerBert: May bulate si (Insert pangalan ng pinsan na malaki ang tyan), pinainom sya ng pampurga ni lola kagabi tapos kanina nung nakita ko sya sa school kinuwento nya na may bulate yung tae nya. Siguro kaya din malaki ang tyan ko kase may bulate ako.

MNK (Mortal na Kaaway): You’re fat cause you’re fat. Hindi lang tyan ang malaki sa’yo pati braso, pisngi at hita mo kasama na ang suso mo.

Ferbert: Mataba ako kase dahil ‘yon sa gamot ko sa hika na may kasamang steroids tapos hindi nyo pa ako pinagpayagang maglaro sa labas yan ang sabi sakin ni Papa.

MNK: Baboy ka.

Ferbert: Ampon ka!

Nilabas ng kanyang mortal na kaaway ang kanyang laser beam at tinamaan ang ating bida sa mukha. Hindi naman nagpatalo ang ating bida at ginamit ang palakol ni diva para magkabukol ang kuya nya. Ang ending, walang nanalo sa kanilang dalawa. Pareho lang silang napagalitan; Ang kuya nya dahil sa pagiging immature at ang ating bida na si Ferbert Bautista dahil sa pagtawag sa kanyang kuya ng ampon.

Naghalungkat ako ng gamit ko kagabi at naalala ko ang kwento to dahil nakalimbag sya sa isang article ko noong highschool. Kakatapos lang noon ng 9-11 attack at nagsisimula pa lang bombahin ng mga kano ang Afghanistan.

Simula’t sapul hindi na ako pabor sa giyera. Parang away lang ng dalawa bata, nagsasakitan pero sa bandang huli pareho lang silang talunan.

Nag-aaway pa rin naman kami ngayon ng kuya ko pero wala nang pisikalang nagaganap hanggang palakasan na lang ng boses, lumaki din kami sa bahay na bawal magmura at kahit nagmumura kami sa labas ng bahay hindi naman namin mamura ang isa’t isa dahil hindi naman puta ang mahal naming ina.

Sinubukan ko din nga palang uminom ng pampurga dati kaso walang lumabas na bulate sa pwet ko. Ang konklusyon likas lang talaga na malaki ang tyan, pisnge, braso, hita at ang manboobs ko.

Tagged:

§ 23 Responses to Bulate

  • jepoy says:

    Don’t remind me brader! Fuck it!

    tawa ko ng tawa sa batuhan nyo ng conversation ni Utol. Haist na relaks ako. Makapag tikol na nga bago matulog dahil nakatawa na ko ng sapat for this day. Sabi ko. Bwahihihihiih.

    Kthanksbye!

    Oi good night sa’yo. Nawa’y mapanaginipan mo ang puke nina Sasha Grey, Ozawa at ni Ellie Idol

  • marco says:

    manboobs? ano feeling? hehehe

    Kilala mo si Bob sa Fight Club. Si Bob the man with bitch tits. Wala lang. May masabi lang. lol

  • gillboard says:

    pinapalungkot ako ng mga post mo. college nako nang pabagsakin ang world trade center.

    TAENA! Kuya Gibo natawa ako sa comment mo. haha

  • rico says:

    naman..hayaaan mo na ang kuya mo..inggit lng un kasi wala siyang boobs hehehe

  • Sabihin mo kay Yods eh magbalik-blogging na din. LOL

  • barrycyrus says:

    haha benta the last photo

  • eloiski says:

    ako naman tinry ko din magpurga kasi hindi ako tumataba pero hindi naman malaki ang tyan ko. wala lang. nagbabakasakali. hahaha!

    tapos ayun. wala!

    asaran din namin yang ampon ampon na yan eh. tipong iiyak nakapatid ko kasi sabi ko ampon lang siya nanay niya kasi baliw… ganun! benta naman! hahaha!

  • ced says:

    nasan ba ko nung 9-11? college na ata!
    hulaan ko sino yang umaaway sayo? bday ba nyan?

    hayaan mo sya sabi nga ng isang consultant ko na chubbelita, “fat is in” sabay walk out. hehehe

  • Panalo itong post mong to’ naalala ko tuloy yung mga times na nag aaway kami ni kupal (tawag ko sa kuya ko).

  • kris jasper says:

    YEEEEEEYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!! ETOOOOOO NAAAAAAA!!!!!!!!

    THE return of the comeback naaaaaaaaa!!!!!!!

    Im really glad na naging blogwhore ka ulit! lol! my pathetic life will shine again. lol!

  • jayvie says:

    hahahahahahaha!

    as usual, nakarelate na naman ako. sa kaso ko, ako naman ang kuya. meron akong nakababatang kapatid na lalaki na lagi ko kasuntukan nung bata ako. tawagin ba naman akong bakla?? eh di tinawag ko syang unggoy. ayun, nakalmot ko sya sa leeg.😀

    • jayvie says:

      ay meron pa palang instance na naitulak ko sya sa salamin, ayun, nabasag ang salamin at duguan sya.

      baboy din ang tawag nya sa akin kasi mataba din ako nung bata ako. at ampon din ang tukso ko sa kanya kasi wala syang second name. di tulad ko. at ng ate namin.😀

  • kikilabotz says:

    hahahaha..sabi nila kapag hindi daw lumabas yung bulate after kang magpurga kusa daw tong lalabas mga 5-10 yrs after sa lahat ng pwedeng labasan. sa pwet, sa ilong, sa bibig , sa tenga… hahaha. goodluck..bwahahahahaha

  • beero™ says:

    naalala ko yung away namin ng kuya nun. batuhin ba naman ako ng pencil case. sapul ako sa noo eh. hehe. ako naman nun eh tinutukso dahil sobrang payat ko nun. ngaun lang ako ngkaman boobs. hahaha

  • lio loco says:

    palit tayo. bigyan mo ko ng taba mo, bibigyan kita ng buto ko. lols!

  • Keiyt says:

    Pinag purga rin ako ng lola ko dati eh. Tapos dahil wala akong nakita, finlush ko agad. Napagalitan pa ako. Bakit ko daw finlush agad, dapat tutusukin muna. Kadiri. Amp.

    SANA MABASA NG ATE KO ITO. Hahaha. Para malaman niyang wala siyang napapala kapag sinasabihan niya akong baboy. HAHAHAHAHA!

  • sows says:

    pampurga tlg. natawa ko. nakonek mo pa ang 9-11 bombing sa warla nio ng kuya mo.
    rakenrol \m/

  • xprosaic says:

    Wow kwentong away magkapatid lang umabot na sa gulf war at kung anu ano pang mga ****… da best! ahahahhahahha

  • Ruthan says:

    Nung presidente na si Erap nun lang ako naging aware sa paligid, Nun ko lang nalaman na may presidente sa Pilipinas. Di ko alam kung ganun ako ka-bata nun o ganun ako ka-tanga? :s

    naalala ko yung tae kong may bulate nung bata pa ako.. oops. ay hindi pala.. naalala ko kapatid ko sa kwento mong yan.

  • naimagine ko na ito yung linya sa mga teleserye sa TV tuwing gabi.hahaha.. mas papanoorin ko sila kung ganitto..hehe

  • Traveliztera says:

    Bumalik ako mag-blog para magbasa at ito ang bumulagta sakin! Hahhaa! Sabog!

  • Poli Carpio says:

    “MNK: Baboy ka.

    Ferbert: Ampon ka!”

    Intense!

    Buti na lang supportive ang pamilya ko sa pagmumura.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bulate at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: