putanginamonggagokapaiiyakinmopalakopakyu

June 20, 2010 § 27 Comments

Umiyak ako… Humagulgol pa nga.

Sentimental akong tao, madali akong malungkot sa isang bagay. Isang itlog na nagpapanggap, nagkukuwanri na tinatawanan ang lahat pero tulad ng itlog madali din akong mabasag. Sa kabila noon hindi ako nagpapakita ng luha sa mga tao sa paligid ko. Sinisikap kong takpan ang mga luha ko sa pamamagitan ng mga ngiti. Bugbog na bugbog na ang puso ko; Hindi na rin kaya ng mga mata ko na pigilan ang pagpatak ng mga luha at ang drama ng intro ko putangina!

Matagal-tagal na din ako hindi umiyak ng ganito, nagiging manhid na ang tear ducts ko at putangina mong Toy Story 3 ka! PAKYU PAKYU AT ISA PANG PAKYU PINAIYAK MO AKO!

Hindi ito ang unang beses na naiyak ako sa sinehan, may isang tagpo na din na kasama ko yung Ex ko at nagkataong chick flick yung pelikula at parang-awa mo na wag mo nang itanong kung anong pelikula iyon dahil ilublob ko ang sarili ko sa mantika dahil sa kahihiyan. Headline Bukas sa isang tambloid: Isang lalaki prinito ang sarili dahil sa kahihiyan. Inihaw na Hotdog na binebenta sa inyong suking ihawan, limang piso pa rin.

Akala ko normal na chick flick lang iyon, isang pa-cute na pelikula iyon pala paiiyakin din ako tulad noong ginawa ng babaeng kasama kong nanood nito. Magsi-cr lang ako, ihing-ihi na ako. Sabi ko sa kanya. Pagkadating sa CR binuksan ko ang lababo at nagkunwaring naghuhugas ako ng mukha, kasabay ng pagdaloy ng tubig sa gripo ay ang pagpatak ng luha ko, tatlong minuto pa… Ayan, okay na ako.

Matagal nang naganap iyon, ni hindi ko nga matandaan kung nagkantutan ba kami nung Ex ko pagkatapos nung pelikula o kung ano man basta alam ko na hindi nya alam na iniyakan ko yung pelikulang yon. Napansin lang nya na singkit pala ang mga mata ko.

Manonood dapat ako ng Toy Story 3 noong gabi ng sabado pero ang mga putanginang magulang napaka-ulira, alas onse na nga nandun pa rin sila nakapila kasama ng kanilang supling. Dapat may batas tayo para ipakulong ang mga magulang na hindi pa pinapatulog ang kanilang anak pagpatak ng alas nuebe kaso wala tayo nun kaya napagdesisyunan ko na lang umuwi at bumili ng alak sa convenience store dahil mahal ko ang liver ko.

Pagkagising ko kanina, isang text ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko sa kolehiyo. Hindi na rin ako makatanggi dahil 2009 pa lang inaabangan ko na ang Toy Story 3. Grade 2 ako noong pinalabas yoong naunang Toy Story, Grade six naman ako noong part 2 at ngayong bente-dos anyos na ako, may kakayahan nang gumawa ng Ferbert Bautista Jr. hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong panoorin ang ikatlong parte ng pelikulang kasabay ko nang lumaki. At kapag sinabi kong lumaki, literal na lumaki. Malaking tao na ako. Kilala mo si Hagrid sa Harry Potter? Hindi ako ganon kalaki.

Naiyak ako dahil kasabay ng pagtatapos ng Toy Story ay ang pagtatapos din ng pagkabata ko. Ramdam ko yung emosyon, yung lungkot na kailangan mong mag-grow up at iwanan ang mga bagay na dati’y nakapagpasaya sa’yo dahil hindi na sya angkop para sa’yo.

Nag-CR ulit ako at sa pagkakataong ito nagkulong na ako sa cubicle at humagugol. Pulang-pula ang mata ko pagkalabas ko ng CR, pati mga kaibigan ko. Lahat kami lalake, mga nagsisiga-sigahan at kinantyawan namin ang isat-isa pagkakita namin sa aming mga mata dahil lahat kami pinaiyak ng isang pelikula na pambata ang tema.

May mga laruan pa rin ako noong bata ako, nandun pa rin sila sa kwarto ko sa probinsya at balang-araw ipapamana ko iyon sa magiging anak ko. Umaasa ako na yung naging bahagi ng pagkabata ko ay maging bahagi din ng kanya. Sana kung ano mang ligaya ang naidulot sa akin noon ng mga bagay na iyon ay magdulot din sa kanya ng saya. At isang malutong na Pakyu ulit Toy Story 3!

This blog entry will self-destruct in 5… 4… 3… 2… 1… NOT

Fleshy: Ang bagong karakter na dapat mong abangan sa Toy Story 3
Fleshy: Bagong karakter sa Toy Story 3

Tagged: ,

§ 27 Responses to putanginamonggagokapaiiyakinmopalakopakyu

  • eloiski says:

    hindi ko alam ang kwento ng toy story pero dahil naiyak ka. at matagal na rin akong hindi napapaiyak ng mga movies eh baka patulan ko nga ang movie na yan. panoorin ko nga rin. hakhak. 3d. hakhak!

    syet! papanoorin ko talaga to. swear!


    Panoorin mo! Hindi kumpleto nag childhood mo

  • gillboard says:

    nalungkot naman ako nung sinabi mong grade 2 ka lang noong pinalabas yung toy story… high school nako nun…

    mas nakakaiyak pa yun kesa sa pelikula… waaaaah!!!


    KUYA KUYA KUYA KUYA!

  • paps says:

    hahaha. kala ko kung ano.

    makanood nga din nyan hihihih


    GO! Nood na. Now na!

  • Wala ata akong napanuod na Toy Story. SORRY NAAA!!! Hindi ko alam kung dapat ko ba munang panoorin ‘yung 1&2 bago ko panoorin ‘yung 3.😦

    nagreply na ako sa twitter. lol

  • roanne says:

    naiintriga na talaga ako sa toy story 3 na yan ha! nasubaybayan ko rin ang toy story 1 & 2, at hinahanap ko na sa streaming pero wala pa rin, too bad lang kasi walang matinong sinehan dito sa mo land. pero malamang kung naiyak ako sa 1 & 2 (lalo na sa 2 kasi sobrang nakarelate ako dun… para sa mga kawawa kong barbie) tutulo din ang luha ko sa 3…

    Hindi ako naiyak sa 2. Sa 3 lang talaga ako tinamaan ng ganong emosyon.

  • kikilabotz says:

    waaaaaaaaaaahh. . gusto ko tuloy panuorin..ahahaha. . nakakatuwa ang bagong character sa toy story 3 ..haha

    panoorin mo. parang-awa mo na. ako na nagmamakaawa para panoorin mo dahil ayokong mag number 1 ang twilight sa takilya. haha

  • jepoy says:

    fb kampay tayo sa pag luha sa toy story, 22 ka lang ba?!!!!! Weh??!! Puta i feel old. Kill me now!!!!


    Mano Po! lol

  • marco says:

    iyakin?
    ano ba story ng toy story? hehehe


    story sya ng toy. lol

  • maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Oi, umiyak din ako nung pinanood ang ToyStory. Inari ko ang gateway. Haha!

    Cubicle naman sa sinehan ang eastwood ang inari ko. haha

  • aninipot says:

    hmmm, na-curious din ako dahil pinaiyak ka, hmmm, dati memorized ko ang mga lines ng toystory 1 and 2, o ha! kaya malamang susubukang ko ang dati kung ginagawa..hahaha


    Fight Club ang saulado kong pelikula. I am Jack’s cold sweat!

  • Ayiene says:

    Tandang tanda ko nung kinwento mo sa akin na umiyak ka noong nanood kayo ng sine ng ex mo! tandang tanda ko yun! =)) Unang chat yata natin yun eh

    Grabe, sobrang nakakaiyak yung Toy Story 3! At grabe rin sa haba ang pila para mapanood yun! Makakapgmura ka ng matindi sa sobrang haba ng pila at iingay ng mga batang di naman lumaki kasama ang mga naunang toy story! Kainis much. Hahaha!

    PS. Yes, nagbblog pa rin ako! Hahaha! =)) AND I MISS YEW GUYZ

    SIBAKS PEOPLE REPREZUNT!

  • Maldito says:

    hindi ko pa napanood ito efbe..pero dahil sa parang maganda ok sige na nga.papanoorin ko na…hahays..

    kalungkot talga ang though na we need to leave things behind…even if we dont want to.

    charing! magka edad pala tayu.lols


    Dahil birthday mo sige makaedad na tayo… kuya. lol

  • Dorm Boy says:

    Cge papanoorin ko muna ang toy story 3 before ako magreact!

    Ano ung laruan na nasa baba ng nasulat mo? Ang cute! hahaha!

    Laruan para sa mga tigang. haha

  • roanne says:

    napanood ko na!! umiyak din ako =(

    nakakalungkot di ba? di ba? di ba? nakakaiyak daig pa ang telenovela

  • Ok lang umiyak..
    saan kaya nabibile yung bagong character ng toy story?…hehehe

    sa kinky koala. hrhrhr

  • beero™ says:

    hahaha. langya aliw ang bagong character ng toy story. lols. sex toy? tsk.

    HOY KUYA LEX! Kailan ka magbablog ulit?😀

  • ced says:

    oy! nagustuhan ko yung toy story 3! haha
    iyakin ka naman tlaga fb e. mana mana lang yan! hehehe

    oh! hello fleshy! i would like you to meet someone…

    mana ako sayo.

    Hello Fleshy meet Kuya Ced’s lonely putotoy. haha

  • timangkey says:

    hahaha fleshy! im sooooo gonna watch that movie.hahaha

    fleshy- lol hindi makaget over.hahaha

    Hagis dildo. Ayan nakaget-over ka na ba?😀

  • chevybo says:

    Isa lang ang napansin ko. Ayos yung bagong karakter sa toy story 3. Pasok! hehehe

    kase di ka nagbasa kaya sya lang ang napansin mo? lol joke lang

  • aabangan ko ang bagong karakter na ‘yan. anong role n’ya?

    Sya ang bagong kalabteam ni Woody dahil nawawala si Bo Peep

  • lio loco says:

    di nga, huling installment na ba ‘to ng toy story? baka parang james bond lang na paulit ulit ulit ang remake dahil malakas ang hatak sa mga matandang isip-bata.

    pero sa lahat ng pelikulang pang-kids ang bracket, eto ang pinakagusto ko.

    di mo binanggit ‘yung syota ni fleshy. si pokey, the 12-inch vibrator.

    Wala naman daw silang planong gawan ng ikaapat na chever. Kung gagawa man sila ng pang-apat malamang di na ako manonood. Hindi na si Andy ang may-ari sa kanila eh.

  • rico says:

    totoo bng may fleshy dun? parang wala nman hahaha

  • xprosaic says:

    Kapag manonood ba ng toy story3 may giveaways bang gaya nung nasa pic?! hehehehehehhehe… abuso na toh! lubusin na! ahahahhahahahha… dapat siguro bumili muna ng ganung toy bago manood baka sakali makarelate ang toy… syet ang gulo! ahahahhahahahha

  • Ruthan says:

    Dahil pinangunahan mo ko na nakakaiyak ang toy story 3. Hinanda ko talaga sarili ko na hindi ako maiyak… pero nung pinanuod ko.. ayun na.. naluluha na ko… pero ung katabi ko ang ingay magreact.. “no” ng “no”, di ko alam kung nadadala sya sa palabas o may ginagawa syang kababalaghan. tapos nung nakaka-touch na ung part, nagreact sya ulit.. “awww”.. kaya naudlot nanaman. tsk.

  • mcrey says:

    Kinder ako nung napanood ko yung Toy Story. Tapos yung toy story to hindi ko na maalala kung nong grade basta alam ko kasabayan yun ng 101 dalmatian na napanood ko naman nung grad 2 or 3.

    Hahahaha naalala ko nilalaro dn namin sa PS yung toy story dati.

  • di ko pa natapos panoorin yung toy story 3… pero sa sinabi mo, manonood na lang ako mag isa para may freedom akong lumuha! hek hek! ayos si fleshy ah? malay mo maisama na sya sa toy story 4? hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading putanginamonggagokapaiiyakinmopalakopakyu at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: