Bulate

June 24, 2010 § 23 Comments

1990s, katatapos lang ng Persian Gulf War at nagsisimula pa lang maghasik ng lagim ang Al Qaeda. Kakapanalo pa lang ni Erap sa pagkapangulo at hindi pa kilala ang Abu Sayyaff at ito ang kwento ng pakikipagsapalaran ng ating bidang si Ferbert Bautista laban sa kanyang mortal na kaaway; ang kanyang Kuya.

FerBert: May bulate si (Insert pangalan ng pinsan na malaki ang tyan), pinainom sya ng pampurga ni lola kagabi tapos kanina nung nakita ko sya sa school kinuwento nya na may bulate yung tae nya. Siguro kaya din malaki ang tyan ko kase may bulate ako.

MNK (Mortal na Kaaway): You’re fat cause you’re fat. Hindi lang tyan ang malaki sa’yo pati braso, pisngi at hita mo kasama na ang suso mo.

Ferbert: Mataba ako kase dahil ‘yon sa gamot ko sa hika na may kasamang steroids tapos hindi nyo pa ako pinagpayagang maglaro sa labas yan ang sabi sakin ni Papa.

MNK: Baboy ka.

Ferbert: Ampon ka!

Nilabas ng kanyang mortal na kaaway ang kanyang laser beam at tinamaan ang ating bida sa mukha. Hindi naman nagpatalo ang ating bida at ginamit ang palakol ni diva para magkabukol ang kuya nya. Ang ending, walang nanalo sa kanilang dalawa. Pareho lang silang napagalitan; Ang kuya nya dahil sa pagiging immature at ang ating bida na si Ferbert Bautista dahil sa pagtawag sa kanyang kuya ng ampon.

Naghalungkat ako ng gamit ko kagabi at naalala ko ang kwento to dahil nakalimbag sya sa isang article ko noong highschool. Kakatapos lang noon ng 9-11 attack at nagsisimula pa lang bombahin ng mga kano ang Afghanistan.

Simula’t sapul hindi na ako pabor sa giyera. Parang away lang ng dalawa bata, nagsasakitan pero sa bandang huli pareho lang silang talunan.

Nag-aaway pa rin naman kami ngayon ng kuya ko pero wala nang pisikalang nagaganap hanggang palakasan na lang ng boses, lumaki din kami sa bahay na bawal magmura at kahit nagmumura kami sa labas ng bahay hindi naman namin mamura ang isa’t isa dahil hindi naman puta ang mahal naming ina.

Sinubukan ko din nga palang uminom ng pampurga dati kaso walang lumabas na bulate sa pwet ko. Ang konklusyon likas lang talaga na malaki ang tyan, pisnge, braso, hita at ang manboobs ko.

Advertisements

putanginamonggagokapaiiyakinmopalakopakyu

June 20, 2010 § 27 Comments

Umiyak ako… Humagulgol pa nga.

Sentimental akong tao, madali akong malungkot sa isang bagay. Isang itlog na nagpapanggap, nagkukuwanri na tinatawanan ang lahat pero tulad ng itlog madali din akong mabasag. Sa kabila noon hindi ako nagpapakita ng luha sa mga tao sa paligid ko. Sinisikap kong takpan ang mga luha ko sa pamamagitan ng mga ngiti. Bugbog na bugbog na ang puso ko; Hindi na rin kaya ng mga mata ko na pigilan ang pagpatak ng mga luha at ang drama ng intro ko putangina!

Matagal-tagal na din ako hindi umiyak ng ganito, nagiging manhid na ang tear ducts ko at putangina mong Toy Story 3 ka! PAKYU PAKYU AT ISA PANG PAKYU PINAIYAK MO AKO!

Hindi ito ang unang beses na naiyak ako sa sinehan, may isang tagpo na din na kasama ko yung Ex ko at nagkataong chick flick yung pelikula at parang-awa mo na wag mo nang itanong kung anong pelikula iyon dahil ilublob ko ang sarili ko sa mantika dahil sa kahihiyan. Headline Bukas sa isang tambloid: Isang lalaki prinito ang sarili dahil sa kahihiyan. Inihaw na Hotdog na binebenta sa inyong suking ihawan, limang piso pa rin.

Akala ko normal na chick flick lang iyon, isang pa-cute na pelikula iyon pala paiiyakin din ako tulad noong ginawa ng babaeng kasama kong nanood nito. Magsi-cr lang ako, ihing-ihi na ako. Sabi ko sa kanya. Pagkadating sa CR binuksan ko ang lababo at nagkunwaring naghuhugas ako ng mukha, kasabay ng pagdaloy ng tubig sa gripo ay ang pagpatak ng luha ko, tatlong minuto pa… Ayan, okay na ako.

Matagal nang naganap iyon, ni hindi ko nga matandaan kung nagkantutan ba kami nung Ex ko pagkatapos nung pelikula o kung ano man basta alam ko na hindi nya alam na iniyakan ko yung pelikulang yon. Napansin lang nya na singkit pala ang mga mata ko.

Manonood dapat ako ng Toy Story 3 noong gabi ng sabado pero ang mga putanginang magulang napaka-ulira, alas onse na nga nandun pa rin sila nakapila kasama ng kanilang supling. Dapat may batas tayo para ipakulong ang mga magulang na hindi pa pinapatulog ang kanilang anak pagpatak ng alas nuebe kaso wala tayo nun kaya napagdesisyunan ko na lang umuwi at bumili ng alak sa convenience store dahil mahal ko ang liver ko.

Pagkagising ko kanina, isang text ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko sa kolehiyo. Hindi na rin ako makatanggi dahil 2009 pa lang inaabangan ko na ang Toy Story 3. Grade 2 ako noong pinalabas yoong naunang Toy Story, Grade six naman ako noong part 2 at ngayong bente-dos anyos na ako, may kakayahan nang gumawa ng Ferbert Bautista Jr. hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong panoorin ang ikatlong parte ng pelikulang kasabay ko nang lumaki. At kapag sinabi kong lumaki, literal na lumaki. Malaking tao na ako. Kilala mo si Hagrid sa Harry Potter? Hindi ako ganon kalaki.

Naiyak ako dahil kasabay ng pagtatapos ng Toy Story ay ang pagtatapos din ng pagkabata ko. Ramdam ko yung emosyon, yung lungkot na kailangan mong mag-grow up at iwanan ang mga bagay na dati’y nakapagpasaya sa’yo dahil hindi na sya angkop para sa’yo.

Nag-CR ulit ako at sa pagkakataong ito nagkulong na ako sa cubicle at humagugol. Pulang-pula ang mata ko pagkalabas ko ng CR, pati mga kaibigan ko. Lahat kami lalake, mga nagsisiga-sigahan at kinantyawan namin ang isat-isa pagkakita namin sa aming mga mata dahil lahat kami pinaiyak ng isang pelikula na pambata ang tema.

May mga laruan pa rin ako noong bata ako, nandun pa rin sila sa kwarto ko sa probinsya at balang-araw ipapamana ko iyon sa magiging anak ko. Umaasa ako na yung naging bahagi ng pagkabata ko ay maging bahagi din ng kanya. Sana kung ano mang ligaya ang naidulot sa akin noon ng mga bagay na iyon ay magdulot din sa kanya ng saya. At isang malutong na Pakyu ulit Toy Story 3!

This blog entry will self-destruct in 5… 4… 3… 2… 1… NOT

Fleshy: Ang bagong karakter na dapat mong abangan sa Toy Story 3
Fleshy: Bagong karakter sa Toy Story 3

Kumusta Ka Na?

June 5, 2010 § 34 Comments

Ngayong araw na ito ay eksaktong isang taon na simula noong huli kaming magkita.

Umuulan at napagdesisyunan kong bisitahin sya. Dala-dala ko ang mga bulaklak na nabili sa Dangwa.

Umuulan na naman. Lagi na lang pag ganitong araw ng Hunyo, pumapatak ang ulan parang pumipigil sa akin na bisitahin sya.

“Kumusta ka na?”

Mensahe nya sa akin Isang taon at isang buwan na ang nakakaraan. Hindi ko naging ugali na magbura ng mga mensahe sa cellphone ko. Apat na libong mensahe, Ilang taon na ba sa akin ang cellphone na ito? Dalawang taon, sabay pa kaming bumili, pareho model sa parehong araw. Kaya siguro ganon na lang ang pagpapahalaga ko sa cellphone na ito. Kahit papano binabalik ako sa nakaraan noong magkasama pa kami.

Iniisip ko pa rin ang kasagutan sa katanungan nya. Kumusta na nga ba ako? Maayos naman ako sa paningin ko, may maayos na trabaho, hindi naman nagkakasakit sina Papa at Mama. Nakakakain pa rin ako tatlong beses isang araw, minsan lima pag sobrang gutom dala ng stress sa trabaho. Wala pa rin akong syota, may mangilan-ngilang napupusuan pero sya pa rin talaga ang laman ng puso ko. Maliban sa huling nabanggit ay nabibili ko pa din naman lahat ng gusto ko.

“Bibisitahin mo ba sya? Umuulan, wag mong kalimutang magdala ng payong.” Bilin ng nanay ko.

Pareho sila ng nanay ko, parehong maalaga, sa sobrang pag-aalalaga minsan nakakasawa na. Mahal ko sya pero nasakal ako, Tama na yung isang nanay sobrang sakit na sa ulo yung dalawa. Hiniwalayan ko sya pero nagkabalikan din kami kalaunan.

“Ma, asan yung payong ko?” Usisa ko sa nanay ko

“Tignan mo sa kwarto ni Grace (katulong naming) ginamit ata nya kanina noong namalengke” sagot ni Inay

Ayokong pinapagamit ang gamit ko pero wala na akong oras para magalit.

Madalas din nyang gamitin ang jacket ko noon pero hindi ko nakuhang magalit sa kanya. Panglalakeng kasuotan hindi ko alam kung paano nya napapamukhang tama ang isang maling kasuotan pag nasa katawan na nya. Siguro bulag lang talaga ako, binubulag ng pag-ibig at pinagmumukhang tama ang isang bagay kahit na mali naman talaga sa umpisa pa lang. Nasa kanya pa rin yung jacket ko, hindi ko na pinasoli.

Kumusta ka na? Bumubulong sa isip ko ang katanungang iyan. Nirehearse ko kung paano sasagutin baka sakaling itanong nya sa akin. Pero natawa lang ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi sya magtatanong. Hindi na sya magtatanong.

“Okay Ako.”

Paulit-ulit kong sinasabing Okay ako, Okay ako, Okay ako. Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili kong okay ako.

Nag-aabang ako ng masasakyan at bumabagsak pa rin ang malakas na ulan. Pumara ako ng taxi papunta sa lugar nya. Okay ako okay ako okay ako patuloy kong sinasabi sa isip ko habang patuloy ring bumubulong ang katanungang kumusta ka na.

Nakarating ako sa destinasyon at pinuntahan agad ang lugar nya. Nakatayo ako sa harapan nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ilang minuto pa lumabas na sa labi ko ang katanungang : Kumusta ka na?

Nilagay ko ang mga dala kong bulaklak sa puntod nya. Ngumiti ako, pinipigilang maluha at sinabing:

“Wag kang mag-alala Okay lang ako. Okay na ako.”

At tumila na nga ang ulan at muling sumikat si Haring-araw.

[Fiction | Para sa isang kaibigan]

Reply

June 1, 2010 § 18 Comments

Nakatanggap ako ng isang text message mula sa pamangkin ko kanina at niyayaya nya akong pumunta sa darating na kaarawan nya. Eto ang text nya:

Tito, I miss you. Are you still fat? Namimiss ko nang higaan yang tyan mo. Punta ka sa birthday ko please. I Love You [insert smiley face]

Mahal kong pamangkin,

Salamat sa pagbasag sa pantasya kong may abs ako, ako lang ang nakakaalam sa sarili kong may 6 packs ako tulad ng ako lang ang nakakaalam ako ang tunay na Jesus. Hindi ako foam para higaan mo pero dahil malakas ka sa akin sige higaan mo lang ako, pinaghirapan ko ang tyan ko. Ilang taon din akong lumamon ng marami para lamang mapalaki ito. Wala namang kaso sa akin kung higaan mo sya, mag-ingat ka na lang dahil may alaga akong buwaya sa loob ng tyan at baka bigla syang lumabas at lamunin ka ng buo. Oh ano gusto mo pa bang mahiga sa tyan ko? Sige lang joke lang yun, ang totoo may unicorn at rainbow ako sa loob ng tyan ko, ang loob ng aking katawan ay isang Disneyland kung saan mag-eenjoy ka. Pero dahil siraulo ang tito mo wag kang maniniwala sa sinasabi ko. Malawak ang imahinasyon ko at ugali ko ang mag-imbento.

At sa katanungan mo kung mataba pa rin ako pwes ihanda mo ang sarili mo dahil malaki ang pinayat ko mula noong huli tayong magkita. 15lbs sa loob ng isang buwan, pinatay ko ang sarili ko kakadiet at mapili na din ako sa pagkain kung dati-rati’y isaw ang paborito kong meryenda pwes ngayon tenga na ng baboy, like isaw is so dirty, yuck I dont make kain intestine, it’s so eewy and the smell is so mabaho at oo mahal kong pamangking ang maarte mong tito ay mas maarte na lalo.

Thanks to my daily routine of exercise sa tagalog Salamat sa araw-araw na pagjajakol ko at nabawasan ako ng konting timbang, akalain mo yun tamod lang pala yung nakakapagpabigat sa akin. Wag mong tanungin sa akin kung ano ang jakol dahil malalaman mo din iyon pag teenager ka na, kausapin mo ulit ako sa paksang pagjajakol pag tinubuan ka na ng buhok sa ibabang bahagi ng iyong katawan (No, it’s not your talampakan) at ieexplain ko lahat sayo.

Pupunta ako sa iyong birthday pero di pa kita nabibilhan ng regalo ang mahal naman kase ng gusto, wala naman akong perang pambili ng 250GB PS3 Slim kaya antayin mo na lang si Papa na makauwi ng Pilipinas sya na lang ang bibili ‘nun dahil mayaman ang lolo mo samantalang ang anak nya ay isang dukha.

Anyway, Salamat at umpisa pa lang ng araw ko ay pinasaya mo na ako. Mahal din kita at kung sakaling balang-araw kailanganin mo tong kwarto ko para sa syota mo dahil alam ko naman napakakonserbatibo ng Ate ko ay iaalok ko sya sa’yo basta wag kang mambubutis hangga’t di ka pa nakakatapos ng kolehiyo.

PS. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na ito samantalang onse anyos ka palang sa darating na kaarawan mo.

PPS. n22wa Aq na D u jeJEMON mGTxt 2LAD ng IbNg KbTaAN. nILAgy U AnG bUong SLitA. i’M SO pR0uD. 😉

Nagmamahal,
Ang pinakagwapo mong Tito

Where Am I?

You are currently viewing the archives for June, 2010 at Kokey Monster.