In Your Face

May 16, 2010 § 28 Comments

Sa isang silid kung saan puno ng mag-aaral wag mong asahan na yung pinakamaboka ang pinakamatalino. Sa laro ng mga bata na teks wag mong ismolin kung si Barbie ang ginawa nyang pamato. Sa isang inuman kung saan may isang nagdadaldal ng kanyang sekswal na eksperyensya wag mo syang seryosohin dahil epekto lamang ‘yon ng alak.

Ngayon kung may nakita sa gilid, tatahi-tahimik, walang imik yun ang dapat mong kaibiganin dahil sya ang tunay na matinik.

Sa isang dekada at kalahati na pagpasok ko sa paaralan kabisado ko na ang tipo ng mga estudyante. Kung sinong madaldal yun ang walang alam. Dinadaan sa salita ang kamangmangan, nagpapanggap na may utak kahit na alam naman nya sa sarili nyang nasa pagitan lang ng hita nya ang bagay sa kanyang katawan na walang diperensya.

Eugene, Ilabas mo na ang iyong isang-daang porsyento -Ghost Fighter

Kahit sa Celebrity Death Match kung sinong unang gumalaw syang matatalo sa huli, Sa anime talo ang unang gumamit ng buo nyang lakas.

Masarap magpanggap na walang alam, walang kakayahan at mahina tapos sa bandang huli gugulatin mo na lang sila. BOOM PANIS! ASAN ANG YABANG MO NGAYON? Mapapahiya na lang sila, magkukulong sa kwarto at maglalaro sa sulok kasama ng mga retards.

Alam mo kung bakit hindi kita pinapatulan? Gusto kong isipin mong wala akong alam, bigyan ka ng kumpyansa sa sarili, palakihin yang naghuhumerantadong ego mo, pabilugin lalo ang bulok mong itlog at bibiglain na lang kita. Pasasabugin ko yang ego mo at isusupalpal sa pagmumukha mo. Babasagin ko yang bayag mo.

§ 28 Responses to In Your Face

  • the scud says:

    galit ka ba? galit ka nga. at gusto ko ang entry na ito. naka-relate ako. supalpal sila.

    FerBert Baustista said: Di ako galit. mabait pa ako sa lagay na yan. lol

  • Sphere says:

    Shaks! may 1st here tapos nagwawala ka ang ulo wag masyadong mainit, mainit na nga panahon eh๐Ÿ™‚

    Salamat sa pagbisita sa bahay ko pwede po ba kita iadd sa link ko? yngat lagi๐Ÿ™‚

    FerBert Bautista said: tingin ko nga dala lang din to ng init ng panahon. sige lang add mo ko. libre naman eh walang bayad๐Ÿ˜€

  • so finally pala ay na-visita ko na 2008 Philippine’s 3rd Best Humor blog. galing!

    katulad ng gasgas ng example- mas maingay ang tunog ng latang walang laman. at mas madaling mabasag ang bote ng alak na may singaw na. okay!

    mabuhay!

    FerBert Bautista said:

    SALAMAT! wala na akong masabi eh masyadong deep i can not comprehend. lol

  • curiousclaw says:

    wow, isa palang awardee ang bumisita sa munti kong blogsite kanina. natuwa naman ako.๐Ÿ˜€

    @post: agree 100%, sa ibang bagay na walang kapararakan kasi bumabawi ang ma-eere dahil no choice sila e…๐Ÿ™‚

    pede ba kitang i-add sa blogroll ko para madali kong mabisita ang blog mo?

    FerBert Bautista said:

    LOL nilipas na ako ng panahon, isang taon na akong di nakakapagblog ngayon lang ulit kaya wala nang nakakakilala sa akin .haha
    at tulad nung sinabi ko kay Sphere sige lang wala naman bayad ang pag-add sakin sa blogroll. salamat

    • curiousclaw says:

      magaling ka pa rin, kasi umabot ka sa ganun level… malay mo sa pagbabalik mo di lang 3rd… 1st pa! aabangan ko yun.

      thanks pala sa pag- add. babalik ulit ako dito.๐Ÿ˜€

  • gillboard says:

    kaya pala marami lumalapit sakin kahit tahimik ako… hehehe…

    anyway, sino kaaway mo efbee?

    FerBert Bautista said: Kaaway ko ang sarili ko kuya Gibo. Schizophrenic ako eh. haha

  • teentoinks says:

    Naku dapat tinatawag na si ….. “DAKILANG BAJULAHHH…. palayain ang sumpa!” hehe Seriously, RELAX.. CHILL.. sino ba nagmumukang ewan sa ginagawa ng mga taong sinasabi mo… diba sila rin, kaya bilis…. Kame hame waaaaaavvveeee…๐Ÿ˜‰

    PS. HI nga pala bago po ako dito, salamat sa pagdaan sa e-hws ko!

    FerBert Bautista said: Zenki! teka Zenki nga ba? matanda na ako wala na akong maalala sa childhood anime na pinapanood ko๐Ÿ˜ฆ

  • Maldito says:

    oo na oo na! soreee na efbe……tatahimik na rin ako para sabihin na marami din akong alam. okies?ahahaha..

    welcome back efbe sa blogging.mwa mwa mwa……chupa!

    FerBert Bautista said: Pangatlong subok sa pagbabalik sa mundo ng blogosperyo tignan natin kung magtagumpay ako kung sakali mang hindi ihanda mo na ulit yang pagbati mo sa akin ng welcome back. lagi na lang akong nawawala eh. haha heniwei AMISHU BITCH!

  • maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Sabi nga nila, ang latang may laman ay walang ingay, at yung walang laman ang ginagawang tambol ng mga bata pag pasko.

    FerBert Bautista said: Napakamatalinhaga kailangan ko ng diksyunaryo. lol

  • jayvie says:

    hay naku, korek. nakakainis talaga yang mga madaldal na pabibo sa klase na mapagpanggap na may alam, when in fact, hangin lang laman ng utak. wahehe. apektado na naman ako sa post mo๐Ÿ˜›

    FerBert Bautista said: ewan ko tingin ko eh ako ikaw. parang iisang tao lang tayo nagkakarelate lagi sa mga sarili nating blog entries. hohoho

  • Jeck says:

    kung sino man ‘to, naku, kawawa naman. basagan na pala ng bayag ang labanan ngayon! hahaha

    tama ka, madalas kung sino yung maingay yun talaga ang walang binatbat.

    FerBert Bautista said: Ikaw yan Jeck. kawawa ka talaga babasagin ko yang bayag mo. loljk

  • salbehe says:

    Galit ka nga. Buti na lang wala akong bayag.

    FerBert Bautista said: Bigay ko sayo yung bayag nya gusto mo?๐Ÿ˜€

  • Jepoy says:

    Natakot naman akong awayin ka, baka alisin mo ang source ng existence ko. LOL

    Chillax lang Pre hayaan mo lang mga ganyang klaseng nilalang wag ka na mag sayang ng extra energy sa kanila.

    Wait lang, ‘di ko na check kung fiction ba ito o hinde LOL

    FerBert Bautista said: ay di naman sya fiction sa pagkakaalala ko onsekantot teka check ko baka nagkakamali ako. haha

  • Gugol says:

    ako na naman ba ito? e nauna kaya yung pagganti mo kesa sa paggawa ko sayo ng masama. sos. hahaha.

    FerBert Bautista said: Bago ang lahat pwede ba kitang tawagin sa totoo mong pangalan dito sa mundo ng blogosphere? ha Remedios? At gwapo ka talaga sayo umiikot ang mundo. Sige ikaw na yang tinutukoy ko baka umiyak ka pag sinabi kong di ikaw yan.

  • maingay ako nung nagaaral pa ko at pakitang gilas sa mga guro para peborit na nila ko at pwede na kong mag absent sa klase kung kelan ko gusto

    kasi marami akong alam

    pero aminado ako, kadalasan di ako ang pinakamatalino sa loob ng klase

    haha

    Ferbert Bautista said: Maingay ako sa tamang oras pero hindi buong klase at hindi rin ako ang pinakamatalino, nagpapanggap lang din ako minsan. lol

  • lei says:

    pero hindi naman lahat ng tao ganyan.. kadalasan, madalas akong nakakakilala ng mga taong kung minsan (as in minsan lang) maboka dahil may ibubuga. sabi nga nila, bakit daw kaylangan itago kung may ilalabas ka naman talaga. minsan iniisip ko ok din yung ganun, pero sympre wala parin tatalo sa humble at pa-simple kung pumatay.. parang utot, walang tunog pero naaamoy ng lahat.

    FerBert Bautista said: Lei, ikaw ba yung batang Lei na kasa-kasama namin dati nina Mariano at Xienah dati kung ikaw nga iyon, hello musta na u? Dalaga ka na ba? Asan na yung blog mo? pero kung hindi ikaw yun Hello pa rin๐Ÿ˜€

    • lei says:

      hahaha gusto kong sabihing oo, kasi feeling ko bata pa ako nun, kaso baka hindi ako yung tinutukoy mo kasi maraming lei sa mundo. pero opo, avid readers nyo po ako nila kuya M at xG nung mga year 2007 yata? ^^ pinayblogera po yung blog ko nun (sana naalala nyo pa! hehe) kung naalala nyo po ako.. hello din po! opo dalaga na ako๐Ÿ™‚

  • aperockstar says:

    tama! magingat sa mga tatahi-tahimik lang at nasa loob ng kulo.

    lalu na yung mga may gelpren diyan, ilayo nio sa mga silent type ang mga gelpren nio kung ayaw niong umiyak sa harap ng alak.

    oo, base sa sariling experience.

  • marco says:

    Masarap magpanggap na walang alam, walang kakayahan at mahina tapos sa bandang huli gugulatin mo na lang sila.

    –> agree ako dito!

  • xprosaic says:

    Ahahahhahahahahaha ilang beses ko na nagagawa yan… pano kasi epektib daw kasi sa akin ang mukhang abnoy na walang alam… ahahahahahhahahaha…

  • kikilabotz says:

    hala? sino kaaway natin? ahahahaha. uhmm relaxx.. hehe. cguro may mga taong nagyayabang kasi gusto lang talga nila pataasin ang confidence mo. kaw tong nakakaunawa kaw na lang muna ang magpasensiya.

    ahehe. ako tahimik lang din ako sa klase

  • Len says:

    uuhhmm, padaan lang po..๐Ÿ™‚

  • tim says:

    hehehehe.. nakakatakot.. pag ang galit talaga..

  • aninipot says:

    whew! chillax… umuusok ang bahay mo…hehe

    masarap manahimik at manggulat lalo na sa pinakamahirap na subject… nakakatuwang pagmasdan ang mga lihim na inggit ng ibang tao…. masarap ding manupalpal sa mga taong sa una pa lang minamaliit ka na…porke’t totoong bulilit…haha

  • yeye says:

    (cozy) rin๐Ÿ™‚
    relax lang. ung bayag mo ay este ang puso mo. hehehe

  • ay.. wow. whew! sobrang nafeel ko lang naman ang inyo pong post.haha..
    tama, yung mga madaldal, wala talaga sinabi yun, madaldal sila para mapansin. eh yung tahimik, kaya tahimik yun kasi alam nila mapapansin sila kahit tahimik sila, talented eh!

    tska yung mga tahimik may mga tinatagong blog.(ehem!) hehe.

    ganda po ng entry… pakalkal po ng inyong blog.hehe๐Ÿ™‚

  • eloiski says:

    ito ang poste mong tagos sa puso ng mga maboboka. naku. may kilala akong ganito eh. buti sana kung salita lang eh may kasama pang laway. putkate yun. sarap sipain sa pagmumukha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading In Your Face at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: