Sulat

May 15, 2010 § 10 Comments

Dear Future Girlfriend,

Memoryado ko na lahat ng linya sa One More Chance. Kabisado ko na pati facial expression ni John Lloyd pati yung pag-pout nya ng lips nung hiniwalayan sya ni Basha. Ilang beses kong inulit yun, prinaktis ko sa harap ng salamin, nagmukha lang akong tanga pero ginawa ko. Ilang beses na rin akong naasar kay Bea- ang baba ng pride. Ako na lang… ako na lang ulit. Mukha syang tanga. Naiinis ako dahil alam kong balang araw gagawin ko din iyon.

Dalawangpu’t dalawang taon na akong nag-hihintay sayo, dalawang dekadang inilaan ang sarili ko sa paghahanap ko sa’yo. Hiniling ko sa Maykapal na bigyan ako ng himala pero Walang himala, ang himala ay nasa puso ng mga tao. Tayo ang gumagawa ng mga himala, ng mga Dyos (Walang Himala 1981).

Sabi nila lahat daw ng kailangan mo sa panahong ito ay mahahanap mo na sa internet. Sinubukan kitang i-google nagbabakasakaling mahanap kita pero nabigo lamang ako at sinabi ko sa mga kaibigan ko na: Darating siya, alam ko darating siya at mamahalin niya ako para sa mga taong hindi nagmahal sa akin” (Ikaw Pa Lang Ang Minahal 1992)

Kung mas bata ka maaring masabihan kita na ang problema kase sayo huli ka nang pinanganak pero kung mas matanda ka sakin hihiramin ko yung linya ni ate shawie: Ang problema naman sa’yo maaga kang pinanganak (Kahit Konting Pagtingin 1990). Pero hindi naman ako choosy wala namang kaso kung mas matanda ka o mas bata sakin basta Taas na nga dalawang kamay ko sayo, Mahal na nga kita palagay ko. Maging sino ka man! (Maging Sino Ka Man 1991) Wala din akong pakealam kung Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain (Palimos ng Pag-ibig 1985), at walang kaso sakin kung baboy ang kapatid mo dahil alam ko naman idedeny mo ito at sasabihin mo sakin ito: My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo! (Minsa’y Isang Gamugamo 1976)

Maarte ako, kalalake kong tao ang dami kong kaartehan. Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik (Kaya Kong Abutin ang Langit 1984) pero ineensayo ko na rin ang pagsasundance para di na ako mahirapan pag pinagawa mo sa akin to.

Alam kong mahirap akong mahalin, Alam ko, dahil buong buhay ko sinubukan ko mahalin ang sarili ko nahirapan din ako(A Very Special Love 2008) pero kung iniisip mong wala akong puso Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!! (Bata, Bata…Paano Ka Ginawa 1998) May kapasidad din ang puso ko na tumibok. Maaring tama ang sinabi ni Mark Lapid na maghanap ka man ng puno… sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso. Saging lang ang may puso! (Apoy Sa Dibdib ng Samar 2006) Mr. Lapid, May puso ang saging pero wala itong kakayahang tumibok.

Kung nababasa mo man ito gusto kong malaman mo na matagal na akong naghihintay sa’yo, sa sobrang tagal Gutay-gutay na ang katawan ko… pati na ang kaluluwa ko gutay gutay na rin (Pasan Ko ang Daigdig 1987)at wag kang mag-alala dahil kung may Ex kang Val ang pangalan wala akong pakealam sa kanya dahil lahat ata ng kakilala kong babae may ex na Val, Si Val, si Val, Si Val puro na lang si Val(Saan Nagtatago ang Pag-ibig 1987). Wala talaga akong pake sa kanya dahil he’s nothing but a second-rate, trying hard copycat! (Bituin Walang Ningning 1985)

At bago ako magpaalam nais kong tanungin kung Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? o kailangan mo ako dahil mahal mo ako? (Milan 2004) OO makapal ang mukha ko at assuming ako na mahal mo na ako.

PS. Kung nababasa mo man ito magparamdam ka.
PPS. Hindi ako mahilig manood ng Cinema One. Hindi talaga. Pramis!

Nagmamahal,
Efbee

§ 10 Responses to Sulat

  • Jepoy says:

    LOL

    “10 seconds nalang, PROMISE.. 10 seconds nalang”..

    Promise hindi rin ako mahilig manood ng Cinema 1 hihihihi

    Seriously, kelangan mo munang manligaw para maiabot mo ang letter na ito Mr. Gary V.

    FerBert Bautista said: LOL! Gardo V yan tsong as in Gardo Verzosa at hindi ako marunong manligaw. dinadaan ko lang sa pagpapacute at kindat pag may gusto ako. haha

    Happy Weekend!

  • taympers says:

    hahahaha… bakit parang mga mellow drama o masyadong emosyonal ng mga napili mong pelikula? ayos sa love letter ah… pero sana makita mo na ang babaeng yun. sana, sana, sana.

    FerBert Baustita said: Dahil yan ang madalas na klase ng mga Pinoy Movies.

  • Jag says:

    Hanep sa trip halos puro love stories hehehe…halatang di ka nanonood ng cinema1 pramis hehehe…

    napadaan lng parekoy!

    FerBert Bautista said: Hoy hindi labistori yung pelikula ni Mark Lapid. huhlolz

  • maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Kung ganyan ka ba manliligaw sa akin e baka matawanan kita, PROMISE! Pero, maniniwala akong wala kang babaeng maiiwang luhaan.

  • xprosaic says:

    Ayos! galing naman… nasasama mo ang mga linyang yun… pati mga 80s at 70s pinatos mo na rin… magaling! magaling! magaling! -neozep

  • aninipot says:

    hanep…. di halatang panay cinema 1 nalang ang pinapanood mo….pero ang galing…

  • hahaha:) nice!daig mo pa ako kabisado mo mga linya!

    senti, senti.masaya po kaya maging single.hehe.pera lang po kung marrying age na po kayo. (nga ba?)

    goodluck po!😀

  • Vinna says:

    Hi. Natuwa ako dito. kaya, dapat mag-comment ako.😀 Nice. Idol. :)))

  • Wait no more, FB cuz I’m here na! Wahahahahha ayus na love letter ahhh at kabisado mo yung mga excerpts!!!! Sana may excepts din from horror, napanood mo ba dyan yung kay Ian Venrancion, yung pinatay nya yung may-ari ng karinderia tapos pinakain nya sa mga pulis na nag-iimbentiga yung karne ng tao? Hahahaha

  • miss gee says:

    nakaka inlove ka sa sulat mo!

    *napapa-tumbling ako haha :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Sulat at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: