4 1/2

May 12, 2010 § 18 Comments

Napagusapan ang oras ng pagtatagpo pati lugar ng tagpuan planado na din. Alas singko ng hapon sa may pagitan ng Kalye ____ at Kanto ____. Hindi nakatulog sa sobrang pagkasabik, medyo matagal na din tayong hindi nagkita hindi ko na nga maalala kung ano ang itsura mo o kung paano ka magsalita. Alam ko nung isang linggo lang yun pero parang ilang taon na ang lumipas nung huli kitang nakita. Dinalaw ng antok pero may ngiti pa rin sa labi ko.

Sa panaginip hindi mo ko tinantanan nagising na lang ako basa na ang aking salawal, masyadong mapusok ang mga panaginip ko kung saan kasama kita. Nasa iisang isla lang daw tayo parang yung sa temptation island kaso tayo lang ang nandun walang mga bitchy beauty queens, tatanga tangang muchaha, mga adik na artista at baklang mamatay tapos kakainin natin. Tayong dalawa lang sa islang iyon. Tila ba sa mundong ito tayo lang ang nabubuhay  ganon ang pakiramdam naten kaya naman Nagsimula tayong maghalikan, nilabas ang dila, bumaba sa pagitan ng mga hita at nagsimulang umurong sulong ang bewang naten. Nagising ako, naputol ang panaginip at basa ang aking brip, masakit ang puson kaya naman nagjakol agad ako.

Alas singko ang oras ng usapan, umalis ako ng bahay ng alas tres dahil alam kong trapik na naman ngayon, nakakahiya naman sayo kung malate ako. 3:30 nung makarating ako sa tagpuan, maayos ang takbo ng mga sasakyan, walang trapik medyo napaaga ng isang oras at kalahati. excited much? sinimulan kong magbilang ng jeep; anim na pulang jeep, pitong kulay berde, sampung kulay pink at nawalan na ako sa konsentrasyon nung binilang ko ang mga kakaragkarag na jeep na dapat nang mahimlay sa junkshop.

Alas kwatro y’medya isang pack na ng yosi ang naubos ko, naubos ko lahat yun dahil sa kaba. Tatlumpung minuto na lang magkikita na ulit tayo pagkatapos nun pwede na tayong maglaro ng habulang gahasa at taguan sa ilalim ng kama ng motel.  Napabili pa ako ng chewing gum kay aling chorvah para naman pag naghalikan tayo hindi mo ko sabihan na mabaho ang hininga. Inamoy ang sarili, chineck kung amoy araw na ako, ayos!  may epekto pa rin nag mumurahing pabangong nabili ko sa mall.

Alas singko oras ng pagtatagpo pero hindi ka pa rin dumarating inisip ko na lang natraffic ka, nagsimulang magbilang ng babaeng nakamicro mini. Sampung babaeng nakamicro mini, walo dun ang makinis ang legs at ang dalawa makapal lang talaga ang pagmumukha at natitiyak kong walang maisuot  kaya kinuha na lang ang shorts ng nakakabatang kapatid.

5:30 wala ka pa rin, tinignan ang cellphone kung may text ka pero wala. Para akong baliw na labas-suksok-labas-suksok sa bulsa ang selepono. Buti pa ang 222 pag tinext ko;  agad nagrereply, ikaw sampung beses na kitang tinetext wala pa rin, kahit man lang HU U? na reply wala. Sinubukan kong tawagan ka kada kinse minuto pero hindi mo sinasagot.

Hindi ko namalayan ang oras alas otso na pala. Tatlong oras na rin akong nag-iintay sayo. Napaupo na lang ako sa gilid ng bigla akong tawagin ng isang pamilyar na boses, inasahan kong ikaw ko yun kahit boses lalaki ang tumatawag sakin, malay ko ba kung bigla kang nagkasoar throat o kung nagasgas ang lalamunan mo nung chinupa mo ako. Lumingon ako napangiti na lang ako, isang kaibigan ang nag-aya sakin para makipag-inuman. Tinanggihan ko ang paanyaya dahil umaasa akong darating ka.

Alas Nuebe y’ medya  apat na oras at kalahati na akong nag-aantay sayo, nalanghap ko na ang lahat ng polusyon ng maynila, iritable na rin ako at puro mura na lang ang lumalabas sa bibig ko. Tinext ko yung kaibigan ko na nakita ko kanina sinabi kong susunod ako. Nakarating ako sa inuman, tinignan ko ang cellphone ko pero nung makita kong wala kang text pinatay ko rin agad ito.

Pagkauwi ko ng bahay binuksan ko ang cellphone isang mensahe ang natanggap ko mula sayo at nalungkot na lang ako para sa sarili ko nung mabasa ko ang text mo.

Sorry, Nakatulog ako.

[Ang entry na ito ay unang naipaskil sa isa kong blog (kantodiyes.wordpress.com) noong July 9, 2009, inilipat ko lamang dito]

§ 18 Responses to 4 1/2

  • Jepoy says:

    Ikaw pala ang author ng entry na ito. Nakita ko ito dati sa blog na prinomote ni chicksilog.

    Alabet!

    Reply ni Gwapong FerBert Baustita: Ay oo. Nakita mo siguro sa blogsikret nya, mga nagtatanong kung saang blog ako lumipat dati. lumang entry na to, last year pa, nilipat ko lang dito😀

  • the scud says:

    ayus ang kwento mo. based on personal experience ba yan? hehe.

    FerBert Bautista said: fiction lang😀 pero may mga ilang parte na base sa totoong buhay. siguro 75% fiction tas 25 yung totoo🙂

  • gillboard says:

    ouch. nakaranas nako nyan.. di nga lang ganun katagal ako naghintay. maikli lang pisi ko sa mga ganyan…hehehe

    FerBert Bautista said: maghihintay ako pero wag nyang asahan na habang buhay ko syang hihintayin. char! lol

  • xprosaic says:

    Ahahahahhahaahhaha natawa naman ako sa kwento mo… buti di ko pa naranasan ang ganun… at malamang di ko mararanasan yan dahil di ako tumatagal lalo pa kapag late.. hehehehehehhe

    FerBert Bautista said: bakit mo pinagtatawanan ang kwento ko? maglalaslas ako ng pulso lol

  • busyokology says:

    awts. naindyan. hehe.
    ako weakness ko ang maghintay. iiwanan ko sya kung ako. hehe

    binasa ko talambuhay mo (lol) at nabasa ko si airwolf, naku paborito ko yun nun. galing ng helekopter nya.

    FerBert Bautista said: Maganda daw yung palabas na yun sabi ng kuya ko kasing gandang-lalake ko, unfortunately di ko sya naabutan nung nagkamulat ako

  • domjullian says:

    resbakan natin yan. kutusan natin.

    FerBert Bautista said: wag na😀 niresbakan ko na yung pekpek nya. loljoke lang😀

  • kikilabotz says:

    waaahh maxado k kasi daw excited eh. hahaha. ayan ..

    bawi k n lng nxt tym

    FerBert Bautista said: wala nang next time kase napatay ko na sya. lulz

  • jayvie says:

    aaaaaaawww.

    isa sa mga pinaka nakakainis na pangit na ugali ay ang pagiging injanera/injanero.. at haler, dahil nakatulog? hindi ba uso ang alarm sa kanya?? hehe. sorry, got carried away.😛

    FerBert Bautista said:

    Korekted by! Double Check! Apir!

  • marco says:

    sorry naman…. nakatulog pala siya e… hehehe

    FerBert Bautista said: It’s not right😐

  • janus says:

    hoy FB gawa ka na ng libro! pwde na! hehe.

    yan ang isang dahilan sa pagkasira ng relasyon, ang walang oras sa isa’t isa dahil nakatulog ampucha. haha

    FerBert Bautista said: Oy Janus! Bigyan mo ako ng publisher na di manglalait at gagawa ako ng libro. lol

  • roanne says:

    ayyy gawain ko yan! affected ako… sorry naman hahhaa

    FerBert Bautista said: Dapat atang isali na to sa Commandments ni God. Thou shall not make Indyan. lol

  • xprosaic says:

    Ahahahhahahahah sorry naman… kasi naman maaawa ka talaga sa kalagayan mo… lalo pa kung ang reply lang eh… sorry nakatulog ako… aahahhahahahah… pero mukhnag epektib na sagot yun ah… sorry naman nakatulog ako… hehehehehehehe…

    FerBert Bautista: Heniwei fiction lang to. gawa-gawa ko lang yung text nya na nakatulog sya pero seryoso inindyan ako. lol

  • maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Baka naman sadyang ayaw niya magpakita sayo. =)) tsk ang mga girls talaga hirap ispelingin!

    FerBert Bautista said: Nalungkot ako lalo. loljk

  • Hinde man lang sya nag-isip ng magandang dahilan..walang ka effort effort nakatulog?wtf!

    FerBert Bautista said: Apir!

  • oo, AT MINSAN, RASON MO DIN YAN

    “nakatulog ako”

    parang oo, narinig ko na yan sayo…sus! anyway, natawa ako, nagkocomment back ka na ulit. hohoho!

  • ay… ba’t ganun, one liner lang talaga yung text? di kaya sira yung selepono niya at di nagaappear ang mga missed calls mo? nakatulog. siguro napanaginipan naniyang nagkita kayo.haha

  • miss gee says:

    aw! akala ko nananadya si ateng, nakatulog lang pala haha

  • haha.. ilang beses ko na ring ginamit ang linyang yan! hanggang ngayon, lusot pa rin ako! nyahaha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading 4 1/2 at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: