Pocketbooks

May 11, 2010 § 3 Comments

Alam kong masama pero mahilig akong mangbatikos ng mga engkanto na nag-aanyong tao o kaya ng mga hayop na nagkatawang-tao. Ang unang impresyon ay nagtatagal ayon sa tv commercial ng Axe, ngayon kung nakilala kita na walang habas-ang-dila na masarap sapakan ng bomba ang bunganga malamang hindi agad kita papansinin dahil ayoko ng mas maingay sa akin. At kung unang pagkikita palang natin at agad akong naangasan sa’yo, asahan mo na bukas-makalawa nakagawa na ako ng blog entry para sayo. Kung isang libro ang tao, malamang ang mga kinamumuhiaan kong tao ay nasa pagitan ng seksyon ng Pakitbuks pur Inday at ng Don’t-Waste-Your-Money-This-Book-Sucks a.k.a Twilight Section.

Hindi ako natulog kagabi, nakatutok ako sa balita at umaasang magbabago ranking ng mga kandidato. Seryoso binoto nyo si Erap? Bakit? Manok ko si Gibo at gusto ko din manalo si Gordon pero dahil mukhang Noynoy-Erap ang naglalaban pinalanangin ko na sana manalo si Noynoy. Ano ba ang nagawa ni Noynoy sa kongreso at senado? Ilang batas na ba ang naisapatupad nya? Ang kasagutan ay wala, pero sya ang binoto ng tao. Wala na akong magagawa sya ang gusto ng masa.

Bilang isang tao karapatan ko na pansamantalang magtampo dahil hindi nanalo ang inaasahan kong makakapagpabago ng Pilipinas ngunit bilang isang Pilipino kailangan ko ding igalang ang boses ng mas nakakarami, ang pinili ng taong-bayan at suportahan ang susunod na pangulo ng bansang ito.

Wala akong tiwala kay Noynoy, hindi ako nakakasigurado kung maayos nya sa loob ng anim na taon ang pagdurusa ng Pilipinas na matagal nang nakasadlang sa putikan pero umaasa pa rin ako. Sya ang lider ng bansa pero nasa atin pa rin ang boses, tayo pa rin ang boss, tayo pa rin ang masusunod.

Balik tayo sa usaping pagiging laitero ko, hindi ako naniniwala sa komersyal ng Axe, hindi nagtatagal ang unang impresyon -ang pathetic lang, yun ang tagline nila samantalang yung amoy ng produkto nila eh hindi man lang nagtatagal ng limang oras. At ang gusto ko sa mga taong hinuhusgahan ako eh pinapatunayan nilang mali ang pananaw ko.

Minsan dumalaw ako sa isang bookstore at naghanap ng mga mababasang libro. Malaki ang bookstore madaming taong dumadalaw dun araw-araw at malaki din ang tyansa na ang mga librong gusto kong basahin ay mailagay katabi ng Twilight. Hanap ako ng hanap ng libro at may humila sa akin na kung ano sa section ng mga librong di kaaya-aya, at tinignan ko nga iyon at nahanap ko ang librong hinahanap ko. Ngayon kung pinairal ko ang pagiging gago ko at hindi pinuntahan ang section na iyon maaring hindi ko mahanap yung librong iyon.

Isipin nating nasa pakitbuks for inday at twilight section si Noynoy, syempre hindi mo yun pagtutuunan ng pansin dahil alam mo na sa sarili mo na puro basura ang mga librong nandun, pero hindi mo rin masasabi kung si Noynoy ba ay ang librong hinahanap mo na naligaw lang sa section na iyon.

Hindi naman ata tama na hindi pa man din nakakaupo si Noynoy ay gusto na syang ipa-empeach, saka na natin sya batikusin pag nakaupo na sya. Pagbigyan nyo namang umupo ang tao sa kanyang posisyon. Inilahal sya ng mas nakakarami sa atin, respeto na lang sa kapwa, igalang natin ang pinili nila. Magkaisa na lang tayo at ipagdasal ang bansang ito. Hindi ako mawawalan ng pag-asa para sa bayan ko at Sana lang talaga mapatakbo ng maayos ni Noy ang bansang ito… Sana

§ 3 Responses to Pocketbooks

  • my sentiments exactly… i too have voted for gibo pero since it is between noynoy and erap, i’d gladly have noynoy as our president. haaay… at saka hindi namn effective ang axe, sinungaling yun… wala namang tumatakbong mga babaeng naka-bikini papunta sa akin nung sinubukan ko yun eh. hehe… d*mn advertisements…

  • gillboard says:

    hindi ako maka noynoy… pero hindi ako bumoto.. so wala akong karapatang magreklamo… ang sa akin lang.. ayos na rin na siya yung nanalo.. pangalan man niya ang ginamit para makuha ang posisyon, at least kahit papaano, alam natin na walang gagawin yung tao para sirain ito. dahil sa ngayon, tanging yun lang ang hawak niya… ang pagiging isang Aquino.

  • may point tong si brader gillboard.

    at ganito din ang iblinog ko…haha, dahil dun sa dear noynoy, maiksi nga lang yun sa akin.hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Pocketbooks at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: