Otistik

May 6, 2010 § 9 Comments

We would be warm below the storm in our little hideaway beneath the waves, resting our head on the sea bed in an octopus’ garden near a cave Octopus’ Garden (The Beatles)

Lahat ng mga kaibigan ko na paborito ko ang The Beatles, lahat ata ng tema ukol sa sitwasyon ng tao nagawan na nila ng kanta. Kasama ang Octopus’ Garden sa listahan ko ng limang paboritong kanta. Sa daang-daang awitin nila mahirap pumili ng lima, para kang isang magulang na pinapapili kung sino ang paborito mong anak. Ganon ang pakiramdam, ayaw mong pumili pero alam mo sa sarili mo na mas may sinasang-ayuhan kang isa o dalawa mula sa isang dosena mong anak.

Isa sa negative traits ko ang pagiging isang Escapist o pagtakas sa masalimuot na realidad. Pinapagana ang imahinasyon para pasiyahin ang sarili at kalimutan ang di kaaya-ayang sitwasyon. Hindi sa ayaw kong tanggapin ang katotohanan kundi gumagawa lang ako ng paraan para aliwin ang sarili ko at pansamantalang ituon ang atensyon ko sa isang bagay na nilkha ng isipan ko. At marahil naintindihan nyo na rin kung bakit paborito ko ang Octopus’ Garden ng The Beatles.

Maraming nawiwirduhan sakin pag sinasabi kong gusto ko ang Octopus’ Garden. Ano ka kinder? Kinder lang ang matutuwa sa kanta tungkol sa ilalim ng dagat at tungkol sa isang hardin ng isang pugita. Ngumingiti na lang ako pag tinatanong o sinasabi nila iyan.

Hindi ba’t masayang isipin na may isang lugar sa ilalim ng dagat na ginawa para sayo, para protektahan ka sa mga bagay sa mundo, bigyan ka ng kasiyahan, isang lugar kung saan pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo, walang manghuhusga, walang nilalang na babasag ng puso mo.

Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko iniisip ko na walang kahirapan sa mundo, na walang gagong pulitiko, walang mga babaeng nananakit ng kalalakihan, walang away, na hindi magulo bagkus payapa ang mundo, na walang nagugutom na bata, walang umiiyak na matanda, walang nasasaktang puso, walang digmaan at sugatang sundalo pero tuwing minumulat ko ang mata ko bumabalik ako sa realidad na kailangan kong tanggapin na hindi perpekto ang mundong kinagagalawan ko. May mga nagugutom, mga matatandang nilipas na ng panahon, may mga nagkakasakit,mga sundalong namamatay kada digmaan, may mga nagdadalamhati, may mga bitch na hobby ang makapanakit ng damdamin at may mga pulitikong sadyang gago.

Madalas akong umeskapo, nagpupumilit kumawala sa mundong ito pero naniniwala pa rin ako na mas maayos ang bukas kaysa ngayon.

§ 9 Responses to Otistik

  • eloiski says:

    ako naman peborits ko yung ano hey jude! wahahaha!

    hindi ko pa naririnig yang kantang yan eh!

    yang poste mo parang galit na galit sa mga babae eh!

    yang mga babaeng yan talaga o!
    tsk tsk tsk! hakhak!

  • lyzius says:

    naku efbee beatles forevah…
    hmmm naiiyak iyak pa ako pramis kapag Imagine ang tugtog…
    anyway, sana maraming mahikayat sa oplan balik blog mo na yan para me mabasa na ulit ako…
    ahihihi…

  • haha, ako nowhere man ang favorite ko.

    at anu, ahm, ganun talaga, minsan, naiinggit ako sa mga heschudents ko, kasi parang wala silang issues sa buhay. . . pero ika ko nga, di bale ng nasasaktan, di bale ng madaming issues, basta may emotion, may social interaction, may socio-emotional aspect. . . .BASTA NAGMAMAHAL.

    yun. yun naman yung masarap sa pagiging buhay bilang tao.

    okay lang na tumatakas panandalian, wag nga lang matagal…kasi nga “panandalian” (anu daw?) anyway, ayun nga. . .kelangan din bumalik sa totoong mundo, on your case, kung sang PLANETA man yan pinupuntahan mo. . .hear the people say “EARTH CALLING EFBEE”

    wateber tambler! =P

  • Gugol says:

    ang ganda naman ng pagsasalarawan mo ng iyong proseso ng pagjajax.

  • kikilabotz says:

    ako parang hindi ko na naabutan ang beatles at wala rin akong alam sa mga kanta nila. hehe.

    napadaan sir

  • gillboard says:

    gusto ko kanta ng beatles Something

    pag videoke… lagi kasama sa mga kinakanta ko yan.. hehehe

  • mia says:

    walang mga babaeng nananakit ng kalalakihan? hindi pa dapat baligtad yan. :)) hahaha. joke. your so emo ha. ewww

  • M says:

    Hello ~f0eWhZ~.

    Nice site. Xlinks?

    Sose.

    Hindi ako mapalad na maexpose sa kanta ng Beatles. Hindi ito ang hilig na musika ng utol ko noon. Mga tito ko lang na lasenggo ang nakikinig dito at wala pa akong muwang para magset ng musical preference. Palagay ko kailangan ko ng Across the Universe na pelikula.

  • samjuan says:

    ako naman helter skelter ang madalas na tumatatak sa utak ko kapag nag bi-beatles sound trip ako. haha. panalo lang eh.

    viscious cycle ang moda. haha. parang gulong ng aegis. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Otistik at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: