Hagdan

May 24, 2010 § 30 Comments

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGG!

Tapos our katulong started screaming.

AHHHHH AHHHH AHHHH AHHHH AHHHH AHHHH WAAAAAAH! (Note: Hindi ko sya ginagahasa)

Bakit ka ba sumisigaw?

Dugo! Dugo! Dugo! (Note: Hindi ko sya dinivirginize)

tapos inikspeksyon at hinawakan ko ang ulo ko at tinignan ang kamay ko

Uh oh. Dugo nga.

Nahulog na naman ako sa hagdan for the nth time. Isinumpa ata ako, lagi akong naaksidente sa hagdan at kung ikwekwento ko lahat ng karanasan ko sa hagdanan malamang aabutin tayo ng siyam-siyam.

Aligaga na naman ang mga tao sa bahay, nasa akin na naman ang atensyon. Ako na naman? Pati mga tsismosong kapitbahay namin nagsilabasan ng kanilang bahay at pumunta sa harapan ng gate namin.

I’m Okay

No! You’re not. Paano mong masasabing okay ka samantalang dumudugo na yang ulo mo. Sumakay ka na sa kotse pupunta tayong ospital.

This is tyranny! Ayokong pumunta ng ospital, pinakamalungkot na lugar sa buong universe ang ospital. Ayokong nakakakita ng mga may sakit, ng mga namamatay, namamatayan, at mga matatandang walang bantay. Tatlong taon ang ginugol sa ospital noong nag-aaral ako ng nursing. Kung ikaw ang nurse o kaya doctor maaring matuwa ka pa pero kapag ikaw na ang pasyente tignan ko lang kung hindi ka malungkot.

Weird siguro pero pangrap ko noong bata ako na maospital ako. Yung kuya ko kase nagkasakit noon tapos naospital sya at lahat ng atensyon ng pamilya ko eh nakatuon sa kanya. Inakala ko na maganda ang maospital, nasa sa iyo ang lahat ng atensyon, you get to eat what you want at lahat ng tao sa paligid mo mabait sayo. Pero noong ako naman ang naospital nag-sawa ako sa atensyon, oo napapabili ko sila ng lahat ng pagkaing gusto kong kainin pero hindi ko din makain dahil bawal o kaya naman wala akong appetite, Mabait silang lahat sa akin. Ang daming plastic sa mundo no?

Mga unang dalawang araw sa ospital eh naeenjoy ko pa pero pagdating ng ikatlong araw, nalungkot na ako. Mas lalo akong magkakasakit sa lugar kung saan alam mong may mga namamatay sa paligid mo, umiiyak at mga taong umaasang gagaling pa sila pero wala nang pag-asa. It’s so depressing gusto kong umeskapo besides kung nakahiga ka lang bente-kwatro oras tignan ko lang kung di ka mabore.

Mabalik tayo sa unang tagpo, nakipagtalo pa ako sa ate ko dahil ayoko talagang pumunta ng ospital pero dahil mas matanda sya sa akin sumakay ako ng kotse at ang daming tao sa labas ng gate namin. Gusto ko sanang kumaway at sumigaw ng Hello Fans kaso suplado ako.

Tinanong ako ng doctor kung may anong nararamdaman ko, kung may masakit ba sa akin.

Doc, ang puso ko matagal nang kumikirot. Ang sakit-sakit na. Hindi ko na kaya.

Ngumiti si Duktora, yung oh-great-another-lunatic-bakit-ba-ako-nagpupunta-sa-pasyenteng-may-diperensya-sa-utak? na klase ng ngiti.

Tapos hinubad nya ang pantalon ko kasama ng salawal ko, sinumulan nyang himasin ang alaga ko tapos noong matigas na ito isunubo na nya nang buong-buo at nagkantutan kami maghapon. Pina-xray nya ako at ipanagawa ng mga ilang bagay, ang koklusyon okay naman ako. Niresetahan nya ako ng gamot, pinauwi at eto ako ngayon gumagawa ng blog entry. The End

In Your Face

May 16, 2010 § 28 Comments

Sa isang silid kung saan puno ng mag-aaral wag mong asahan na yung pinakamaboka ang pinakamatalino. Sa laro ng mga bata na teks wag mong ismolin kung si Barbie ang ginawa nyang pamato. Sa isang inuman kung saan may isang nagdadaldal ng kanyang sekswal na eksperyensya wag mo syang seryosohin dahil epekto lamang ‘yon ng alak.

Ngayon kung may nakita sa gilid, tatahi-tahimik, walang imik yun ang dapat mong kaibiganin dahil sya ang tunay na matinik.

Sa isang dekada at kalahati na pagpasok ko sa paaralan kabisado ko na ang tipo ng mga estudyante. Kung sinong madaldal yun ang walang alam. Dinadaan sa salita ang kamangmangan, nagpapanggap na may utak kahit na alam naman nya sa sarili nyang nasa pagitan lang ng hita nya ang bagay sa kanyang katawan na walang diperensya.

Eugene, Ilabas mo na ang iyong isang-daang porsyento -Ghost Fighter

Kahit sa Celebrity Death Match kung sinong unang gumalaw syang matatalo sa huli, Sa anime talo ang unang gumamit ng buo nyang lakas.

Masarap magpanggap na walang alam, walang kakayahan at mahina tapos sa bandang huli gugulatin mo na lang sila. BOOM PANIS! ASAN ANG YABANG MO NGAYON? Mapapahiya na lang sila, magkukulong sa kwarto at maglalaro sa sulok kasama ng mga retards.

Alam mo kung bakit hindi kita pinapatulan? Gusto kong isipin mong wala akong alam, bigyan ka ng kumpyansa sa sarili, palakihin yang naghuhumerantadong ego mo, pabilugin lalo ang bulok mong itlog at bibiglain na lang kita. Pasasabugin ko yang ego mo at isusupalpal sa pagmumukha mo. Babasagin ko yang bayag mo.

Sulat

May 15, 2010 § 10 Comments

Dear Future Girlfriend,

Memoryado ko na lahat ng linya sa One More Chance. Kabisado ko na pati facial expression ni John Lloyd pati yung pag-pout nya ng lips nung hiniwalayan sya ni Basha. Ilang beses kong inulit yun, prinaktis ko sa harap ng salamin, nagmukha lang akong tanga pero ginawa ko. Ilang beses na rin akong naasar kay Bea- ang baba ng pride. Ako na lang… ako na lang ulit. Mukha syang tanga. Naiinis ako dahil alam kong balang araw gagawin ko din iyon.

Dalawangpu’t dalawang taon na akong nag-hihintay sayo, dalawang dekadang inilaan ang sarili ko sa paghahanap ko sa’yo. Hiniling ko sa Maykapal na bigyan ako ng himala pero Walang himala, ang himala ay nasa puso ng mga tao. Tayo ang gumagawa ng mga himala, ng mga Dyos (Walang Himala 1981).

Sabi nila lahat daw ng kailangan mo sa panahong ito ay mahahanap mo na sa internet. Sinubukan kitang i-google nagbabakasakaling mahanap kita pero nabigo lamang ako at sinabi ko sa mga kaibigan ko na: Darating siya, alam ko darating siya at mamahalin niya ako para sa mga taong hindi nagmahal sa akin” (Ikaw Pa Lang Ang Minahal 1992)

Kung mas bata ka maaring masabihan kita na ang problema kase sayo huli ka nang pinanganak pero kung mas matanda ka sakin hihiramin ko yung linya ni ate shawie: Ang problema naman sa’yo maaga kang pinanganak (Kahit Konting Pagtingin 1990). Pero hindi naman ako choosy wala namang kaso kung mas matanda ka o mas bata sakin basta Taas na nga dalawang kamay ko sayo, Mahal na nga kita palagay ko. Maging sino ka man! (Maging Sino Ka Man 1991) Wala din akong pakealam kung Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain (Palimos ng Pag-ibig 1985), at walang kaso sakin kung baboy ang kapatid mo dahil alam ko naman idedeny mo ito at sasabihin mo sakin ito: My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo! (Minsa’y Isang Gamugamo 1976)

Maarte ako, kalalake kong tao ang dami kong kaartehan. Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik (Kaya Kong Abutin ang Langit 1984) pero ineensayo ko na rin ang pagsasundance para di na ako mahirapan pag pinagawa mo sa akin to.

Alam kong mahirap akong mahalin, Alam ko, dahil buong buhay ko sinubukan ko mahalin ang sarili ko nahirapan din ako(A Very Special Love 2008) pero kung iniisip mong wala akong puso Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!! (Bata, Bata…Paano Ka Ginawa 1998) May kapasidad din ang puso ko na tumibok. Maaring tama ang sinabi ni Mark Lapid na maghanap ka man ng puno… sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso. Saging lang ang may puso! (Apoy Sa Dibdib ng Samar 2006) Mr. Lapid, May puso ang saging pero wala itong kakayahang tumibok.

Kung nababasa mo man ito gusto kong malaman mo na matagal na akong naghihintay sa’yo, sa sobrang tagal Gutay-gutay na ang katawan ko… pati na ang kaluluwa ko gutay gutay na rin (Pasan Ko ang Daigdig 1987)at wag kang mag-alala dahil kung may Ex kang Val ang pangalan wala akong pakealam sa kanya dahil lahat ata ng kakilala kong babae may ex na Val, Si Val, si Val, Si Val puro na lang si Val(Saan Nagtatago ang Pag-ibig 1987). Wala talaga akong pake sa kanya dahil he’s nothing but a second-rate, trying hard copycat! (Bituin Walang Ningning 1985)

At bago ako magpaalam nais kong tanungin kung Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? o kailangan mo ako dahil mahal mo ako? (Milan 2004) OO makapal ang mukha ko at assuming ako na mahal mo na ako.

PS. Kung nababasa mo man ito magparamdam ka.
PPS. Hindi ako mahilig manood ng Cinema One. Hindi talaga. Pramis!

Nagmamahal,
Efbee

4 1/2

May 12, 2010 § 18 Comments

Napagusapan ang oras ng pagtatagpo pati lugar ng tagpuan planado na din. Alas singko ng hapon sa may pagitan ng Kalye ____ at Kanto ____. Hindi nakatulog sa sobrang pagkasabik, medyo matagal na din tayong hindi nagkita hindi ko na nga maalala kung ano ang itsura mo o kung paano ka magsalita. Alam ko nung isang linggo lang yun pero parang ilang taon na ang lumipas nung huli kitang nakita. Dinalaw ng antok pero may ngiti pa rin sa labi ko.

Sa panaginip hindi mo ko tinantanan nagising na lang ako basa na ang aking salawal, masyadong mapusok ang mga panaginip ko kung saan kasama kita. Nasa iisang isla lang daw tayo parang yung sa temptation island kaso tayo lang ang nandun walang mga bitchy beauty queens, tatanga tangang muchaha, mga adik na artista at baklang mamatay tapos kakainin natin. Tayong dalawa lang sa islang iyon. Tila ba sa mundong ito tayo lang ang nabubuhay  ganon ang pakiramdam naten kaya naman Nagsimula tayong maghalikan, nilabas ang dila, bumaba sa pagitan ng mga hita at nagsimulang umurong sulong ang bewang naten. Nagising ako, naputol ang panaginip at basa ang aking brip, masakit ang puson kaya naman nagjakol agad ako.

Alas singko ang oras ng usapan, umalis ako ng bahay ng alas tres dahil alam kong trapik na naman ngayon, nakakahiya naman sayo kung malate ako. 3:30 nung makarating ako sa tagpuan, maayos ang takbo ng mga sasakyan, walang trapik medyo napaaga ng isang oras at kalahati. excited much? sinimulan kong magbilang ng jeep; anim na pulang jeep, pitong kulay berde, sampung kulay pink at nawalan na ako sa konsentrasyon nung binilang ko ang mga kakaragkarag na jeep na dapat nang mahimlay sa junkshop.

Alas kwatro y’medya isang pack na ng yosi ang naubos ko, naubos ko lahat yun dahil sa kaba. Tatlumpung minuto na lang magkikita na ulit tayo pagkatapos nun pwede na tayong maglaro ng habulang gahasa at taguan sa ilalim ng kama ng motel.  Napabili pa ako ng chewing gum kay aling chorvah para naman pag naghalikan tayo hindi mo ko sabihan na mabaho ang hininga. Inamoy ang sarili, chineck kung amoy araw na ako, ayos!  may epekto pa rin nag mumurahing pabangong nabili ko sa mall.

Alas singko oras ng pagtatagpo pero hindi ka pa rin dumarating inisip ko na lang natraffic ka, nagsimulang magbilang ng babaeng nakamicro mini. Sampung babaeng nakamicro mini, walo dun ang makinis ang legs at ang dalawa makapal lang talaga ang pagmumukha at natitiyak kong walang maisuot  kaya kinuha na lang ang shorts ng nakakabatang kapatid.

5:30 wala ka pa rin, tinignan ang cellphone kung may text ka pero wala. Para akong baliw na labas-suksok-labas-suksok sa bulsa ang selepono. Buti pa ang 222 pag tinext ko;  agad nagrereply, ikaw sampung beses na kitang tinetext wala pa rin, kahit man lang HU U? na reply wala. Sinubukan kong tawagan ka kada kinse minuto pero hindi mo sinasagot.

Hindi ko namalayan ang oras alas otso na pala. Tatlong oras na rin akong nag-iintay sayo. Napaupo na lang ako sa gilid ng bigla akong tawagin ng isang pamilyar na boses, inasahan kong ikaw ko yun kahit boses lalaki ang tumatawag sakin, malay ko ba kung bigla kang nagkasoar throat o kung nagasgas ang lalamunan mo nung chinupa mo ako. Lumingon ako napangiti na lang ako, isang kaibigan ang nag-aya sakin para makipag-inuman. Tinanggihan ko ang paanyaya dahil umaasa akong darating ka.

Alas Nuebe y’ medya  apat na oras at kalahati na akong nag-aantay sayo, nalanghap ko na ang lahat ng polusyon ng maynila, iritable na rin ako at puro mura na lang ang lumalabas sa bibig ko. Tinext ko yung kaibigan ko na nakita ko kanina sinabi kong susunod ako. Nakarating ako sa inuman, tinignan ko ang cellphone ko pero nung makita kong wala kang text pinatay ko rin agad ito.

Pagkauwi ko ng bahay binuksan ko ang cellphone isang mensahe ang natanggap ko mula sayo at nalungkot na lang ako para sa sarili ko nung mabasa ko ang text mo.

Sorry, Nakatulog ako.

[Ang entry na ito ay unang naipaskil sa isa kong blog (kantodiyes.wordpress.com) noong July 9, 2009, inilipat ko lamang dito]

Pocketbooks

May 11, 2010 § 3 Comments

Alam kong masama pero mahilig akong mangbatikos ng mga engkanto na nag-aanyong tao o kaya ng mga hayop na nagkatawang-tao. Ang unang impresyon ay nagtatagal ayon sa tv commercial ng Axe, ngayon kung nakilala kita na walang habas-ang-dila na masarap sapakan ng bomba ang bunganga malamang hindi agad kita papansinin dahil ayoko ng mas maingay sa akin. At kung unang pagkikita palang natin at agad akong naangasan sa’yo, asahan mo na bukas-makalawa nakagawa na ako ng blog entry para sayo. Kung isang libro ang tao, malamang ang mga kinamumuhiaan kong tao ay nasa pagitan ng seksyon ng Pakitbuks pur Inday at ng Don’t-Waste-Your-Money-This-Book-Sucks a.k.a Twilight Section.

Hindi ako natulog kagabi, nakatutok ako sa balita at umaasang magbabago ranking ng mga kandidato. Seryoso binoto nyo si Erap? Bakit? Manok ko si Gibo at gusto ko din manalo si Gordon pero dahil mukhang Noynoy-Erap ang naglalaban pinalanangin ko na sana manalo si Noynoy. Ano ba ang nagawa ni Noynoy sa kongreso at senado? Ilang batas na ba ang naisapatupad nya? Ang kasagutan ay wala, pero sya ang binoto ng tao. Wala na akong magagawa sya ang gusto ng masa.

Bilang isang tao karapatan ko na pansamantalang magtampo dahil hindi nanalo ang inaasahan kong makakapagpabago ng Pilipinas ngunit bilang isang Pilipino kailangan ko ding igalang ang boses ng mas nakakarami, ang pinili ng taong-bayan at suportahan ang susunod na pangulo ng bansang ito.

Wala akong tiwala kay Noynoy, hindi ako nakakasigurado kung maayos nya sa loob ng anim na taon ang pagdurusa ng Pilipinas na matagal nang nakasadlang sa putikan pero umaasa pa rin ako. Sya ang lider ng bansa pero nasa atin pa rin ang boses, tayo pa rin ang boss, tayo pa rin ang masusunod.

Balik tayo sa usaping pagiging laitero ko, hindi ako naniniwala sa komersyal ng Axe, hindi nagtatagal ang unang impresyon -ang pathetic lang, yun ang tagline nila samantalang yung amoy ng produkto nila eh hindi man lang nagtatagal ng limang oras. At ang gusto ko sa mga taong hinuhusgahan ako eh pinapatunayan nilang mali ang pananaw ko.

Minsan dumalaw ako sa isang bookstore at naghanap ng mga mababasang libro. Malaki ang bookstore madaming taong dumadalaw dun araw-araw at malaki din ang tyansa na ang mga librong gusto kong basahin ay mailagay katabi ng Twilight. Hanap ako ng hanap ng libro at may humila sa akin na kung ano sa section ng mga librong di kaaya-aya, at tinignan ko nga iyon at nahanap ko ang librong hinahanap ko. Ngayon kung pinairal ko ang pagiging gago ko at hindi pinuntahan ang section na iyon maaring hindi ko mahanap yung librong iyon.

Isipin nating nasa pakitbuks for inday at twilight section si Noynoy, syempre hindi mo yun pagtutuunan ng pansin dahil alam mo na sa sarili mo na puro basura ang mga librong nandun, pero hindi mo rin masasabi kung si Noynoy ba ay ang librong hinahanap mo na naligaw lang sa section na iyon.

Hindi naman ata tama na hindi pa man din nakakaupo si Noynoy ay gusto na syang ipa-empeach, saka na natin sya batikusin pag nakaupo na sya. Pagbigyan nyo namang umupo ang tao sa kanyang posisyon. Inilahal sya ng mas nakakarami sa atin, respeto na lang sa kapwa, igalang natin ang pinili nila. Magkaisa na lang tayo at ipagdasal ang bansang ito. Hindi ako mawawalan ng pag-asa para sa bayan ko at Sana lang talaga mapatakbo ng maayos ni Noy ang bansang ito… Sana

Otistik

May 6, 2010 § 9 Comments

We would be warm below the storm in our little hideaway beneath the waves, resting our head on the sea bed in an octopus’ garden near a cave Octopus’ Garden (The Beatles)

Lahat ng mga kaibigan ko na paborito ko ang The Beatles, lahat ata ng tema ukol sa sitwasyon ng tao nagawan na nila ng kanta. Kasama ang Octopus’ Garden sa listahan ko ng limang paboritong kanta. Sa daang-daang awitin nila mahirap pumili ng lima, para kang isang magulang na pinapapili kung sino ang paborito mong anak. Ganon ang pakiramdam, ayaw mong pumili pero alam mo sa sarili mo na mas may sinasang-ayuhan kang isa o dalawa mula sa isang dosena mong anak.

Isa sa negative traits ko ang pagiging isang Escapist o pagtakas sa masalimuot na realidad. Pinapagana ang imahinasyon para pasiyahin ang sarili at kalimutan ang di kaaya-ayang sitwasyon. Hindi sa ayaw kong tanggapin ang katotohanan kundi gumagawa lang ako ng paraan para aliwin ang sarili ko at pansamantalang ituon ang atensyon ko sa isang bagay na nilkha ng isipan ko. At marahil naintindihan nyo na rin kung bakit paborito ko ang Octopus’ Garden ng The Beatles.

Maraming nawiwirduhan sakin pag sinasabi kong gusto ko ang Octopus’ Garden. Ano ka kinder? Kinder lang ang matutuwa sa kanta tungkol sa ilalim ng dagat at tungkol sa isang hardin ng isang pugita. Ngumingiti na lang ako pag tinatanong o sinasabi nila iyan.

Hindi ba’t masayang isipin na may isang lugar sa ilalim ng dagat na ginawa para sayo, para protektahan ka sa mga bagay sa mundo, bigyan ka ng kasiyahan, isang lugar kung saan pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo, walang manghuhusga, walang nilalang na babasag ng puso mo.

Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko iniisip ko na walang kahirapan sa mundo, na walang gagong pulitiko, walang mga babaeng nananakit ng kalalakihan, walang away, na hindi magulo bagkus payapa ang mundo, na walang nagugutom na bata, walang umiiyak na matanda, walang nasasaktang puso, walang digmaan at sugatang sundalo pero tuwing minumulat ko ang mata ko bumabalik ako sa realidad na kailangan kong tanggapin na hindi perpekto ang mundong kinagagalawan ko. May mga nagugutom, mga matatandang nilipas na ng panahon, may mga nagkakasakit,mga sundalong namamatay kada digmaan, may mga nagdadalamhati, may mga bitch na hobby ang makapanakit ng damdamin at may mga pulitikong sadyang gago.

Madalas akong umeskapo, nagpupumilit kumawala sa mundong ito pero naniniwala pa rin ako na mas maayos ang bukas kaysa ngayon.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for May, 2010 at Kokey Monster.