/wrist

February 22, 2010 § 42 Comments

Noong Early 2000 nauso ang kanta ng Salbakuta na stupid love. Saulado ko ang lyrics nun *Nang mainlab ako sayo akala ko’y pag-ibig mo ay tunay*. Uso din nung mga panahon iyon ang hiphop attire at isa ako sa mga nabiktima na magsuot ng elephant pants at maluluwag na t-shirt. Highschool ako nun ang tanging pakay ko lang nun maging katanggap-tanggap sa madla at makiayon sa uso na kinalaunan pinagsisisihan ko rin.

At noong mga huling taon nga ng Aughties napansin ko na unti-unting nauuso sa mga kabataan ang Emo Fashion. Hairstyle pa lang masasabi mo na agad ah emo to. Magulong-buhok-na-may-bangs-na-may-nakataas-na-konti-na-parang-bagong-gising-o-bagong-jakol-at-naipahid-yung-tamod-sa-ulo-dahil-wala-syang-mapagpunasan-kind-of-hair.

Nagsusuot sila ng skinny jeans kahit na ipit na ipit na yung betlogs nila. Okay lang sa babae magsuot ng skinny jeans (CAMELTOE GALORE) pero hindi ko alam kung bakit pati ang mga kalalakihan ngayon eh naaatim magsuot nito. Nakakahinga pa ba yung birdie nila? at sa mga katulad kong malaki ang bayag kahit kailan hindi ako makakapagsuot nito.

Pambansang sapatos din nila ang Chuck Taylor at panuntunan ata yan sa Emo Fashion na kailangan Chuck Taylor ang sapatos kahit na peke at Swift Taylor ang nakalagay na tatak ng sapatos ayos lang basta mukhang Chucks. Kadalasan black din ang shirt nila at may studded belt tong mga kabataan ngayon. Panghuli ang Guyliner, kung di na lang kaya sila matulog mas makakatipid pa sila kesa naman sa gumatos pa sila sa eyeliner, ganon din naman eh magmumukha lang silang panda.

Mula sa simpleng genre ng musika naging synonymous ng Emo ang salitang Malungkot. Kung titignan mukha ngang malungkot ang mga batang ito, mga nagrerebelde sa magulang o kaya`y pinabayaan ng lipunan. Masyadong malungkot ang henerasyon na ito at tingin ko tataas ang porsyento ng mortality rate ng Pilipinas sa susunod na mga taon dahil sa paglalaslas ng pulso ng mga kabataang ito.

Sabi nga ni Ramon Bautista sa twitter nya: This Country needs an Emo Rehabilitation Center. Totoo maraming taong malungkot ngayon hindi lang mga kabataan, dapat siguro maging plataporma din ito ng mga tumatakbo sa pagkapangulo ang pasiyahin ang taong-bayan. At dahil isang malaking porsyento ng mga botante ang emo kailangan din siguro nitong mga presidentiables magbago ng hairstyle para mapatunayan nilang nakikiisa sila sa pinagdaraan ng mga tao ngayon

On sekantot wag na lang pala. lol

Advertisements

Nesia

February 19, 2010 § 3 Comments

Pumunta ka ng bar o kung noong nakaraang dekada ka pinanganak sa Disco, nakakita ka ng babae at nilandi mo ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na angkop para sa mga batang manonood. Paggising mo wala na sya sa tabi mo inalala mo ang mga pangyayari kagabi napangiti ka at medyo kinilig pero nalungkot ka nung nakalimutan mo ang pangalan nya. Alam mong nagpakilala kayo sa isa’t-isa pero hindi mo na maalala. Itatago sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap noong gabing iyon kasama na dun ang pangalan ng babaeng nakasiping mo.

Nakakapagpatalas daw ng memorya ang pagbabasa. Nitong mga nakaraang araw puro pagbabasa ng libro ang ginawa ko bukod sa panonood ng porn, panonood ng pelikula at pakikinig ng mga musika because im cultured liek taht. Kabisado ko ang kwento, alam ko ang mga nangyari mula chapter 1 hanggang sa dulo, alam ko kung saang page matatagpuan ang quotable line na pwede ko sanang gawing facebook status pero hindi ko maalala ang karakter ng kwento. Kilala ko kung anong klase syang nilalang, kung anong itsura nya sa isipan ko pero hindi ko maalala ang pangalan nya.

Kilala mo ang pagkatao nya, mula sa paborito nyang kulay hanggang sa posisyon nya sa kama pag natutulog sya. Alam mong ayaw nya sa aso at takot sya sa pusa, alam mong kung saang unibersidad sya nag-aral, ang naganap sa kanya mula noong kabataan nya na naging sanhi ng kung ano man sya ngayon. Kilalang kilala mo ang pagkatao nya pero hindi ang pangalan nya. Alam kong hindi katanggap-tanggap ang makalimutan ang pangalan ng taong halos ilang araw mong nakasama, binuo mo ang imahe nya sa iyong isipan kasama ng paglalahad ng may akda tungkol sa kanya.

Kung ako ay isang karakter sa isang libro ayokong may makalimot ng pangalan ko. Hindi pa ba sapat ang mga binahagi kong pangyayari sa buhay ko para hindi mo maalala ang sariling pangalan ko? Pero kung sa tunay na buhay mas ayokong makalimutan ng mga tao kung ano ako dahil mas mahalaga sakin ang personalidad o ang pagkatao kesa sa sariling pangalan ko. Hindi ako ang pumili ng pangalan ko pero kung sino ako yun ay dahil sa mga naganap sa buhay ko. Kalimutan mo na ang pangalan ko wag lang ang mga naibahagi ko sayo. Maaring hindi ka sang-ayon sa sinasabi ko pero hindi pangalan ang humulma sakin kundi ang mga bagay na ibinahagi ko sa kwento ko.

Nagbabalik mula sa hukay, Ako si Ferbert Bautista muling nagbabahagi ng kwento tungkol sa aking pagkatao.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for February, 2010 at Kokey Monster.