Flick

December 10, 2009 § 7 Comments

Gagawa ako ng pelikula love story para patok sa kabataan, may konting love scene para patok sa mga matatanda. Konti lang PG-13, yung love scene na hindi bastusin. Tapos may konting action scene sampalan ganon. haha. Tapos comedy para entertaining. Wala masyadong drama para mag-enjoy ang lahat kase naniniwala ako na kaya nanonood ng pelikula ang tao para mag-enjoy ngayon kung gagawin mong heavy drama baka wala masyadong manood.

Kukuha ako ng award winning director kung buhay pa sana si Lino Brocka sya ang kukunin ko o kaya si Quentin Tarantino na lang. Yung mga artista normal lang ang itsura o kaya ubod ng panget para makarelate talaga ang mga normal na tao. Yun ang target ko average na tao. O kaya sobrang panget nung bida iniisip kong kunin si Bentong para maging leading man tapos si Melai ng PBB o si Patani ng Survivor ang kukunin kong leading lady.

Kaso ang problema hindi ito click sa madla, ang gustong mapanood ng mga tao yung mga Mestisang artista may lahing amerikano, kastila, hapon, german sheperd etc. Ayaw nilang nakakakita ng kakulay nila sa TV. Gusto nila yung kumikinang sa kaputin, matatangos na ilong, may abs, may malalaking maskels. Mga artipisyal kagandahan.

Hindi bebenta sa masa ang iniisip kong pelikula walang manonood nun kahit na gaano kaganda ang script kahit na magaling ang direktor dahil may problema ang Pilipino, na ang pelikula kelangan maganda yung artista, kelangan uber cheesy o kaya emo na magiging cause ng depression o kaya naman sobrang corny. Yun ang problema ang gusto ng mga Pinoy sobra eg: sobrang mapauti, sobrang maganda ang abs, sobrang nakakainlove, sobrang madrama tulad ng maalaala mo kaya. Sa sobra nitong mga gusto nilang mapanood hindi na sobrang makatotohanan ang kinalalabasan. Fake kumbaga parang ikaw lang.

§ 7 Responses to Flick

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Flick at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: