With Wings

December 9, 2009 § 5 Comments

Orgasm ang nadarama ko pag naghihiwalay na ang dalawang parte ng katawan. nahahati sa dalawa. naiiwan sa lupa ang aking etits at mga paa habang ako naman ay tinutubuan ng pakpak ng paniki at gutom na gutom na appetite.

Noong nakaraang bilog ang buwan nasira yung binili kong damit sa Zara, pukengina kase hindi ako nagcheck ng kalendaryo hindi ko namalayan na magtratransform na naman pala ako.

Nagtratrabaho ako bilang isang modelo pag umaga, nakikita nyo ako sa inyong telebisyon marahil pinagpapantasyahan nyo din ako pag kayo’y mag-isa sa inyong kwarto. Nakita nyo na ba yung cover ko sa isang magazine na wala akong damit? ang sexy ko dun hindi nyo mahahalatang kabilang ako sa lahi ng impakto.

Aswang ang nanay ko o ghoul sa English para sa mga konyo at ang tatay ko naman ay Isang kapre at papano ang kanilang anak ay naging isang manananggal yan ay dahil duwende ang lolo ko at sirena ang lola ko. May kapatid din akong laging tambay sa Balete Drive, maswerte yun kase nakakasakay sya sa mga sasakyan ng libre hindi sya pinagbabayad ng mga driver. Tapos yung tito ko sa umaga nangangarera sa Sta. Ana pero pag sapit ng gabi nagiging Tikbalang sya, patay na patay sya kay Petrang Kabayo at Pinsan ko din pala yung sikat na sikat na bampira ngayong si Edwardo Kuleng napanood nyo na siguro yung pelikula nyang takipsilip. Yung undin na nagtatago sa toilet nyo yan ang pride ng family namin biruin mo ang daming hindi nakakatae, Tita ko yun. Si Tita Undin.

Nainlab na din ako minsan katulad ko din syang manananggal kaso mas mahal nya yung katulong nyang si Janice kesa sakin, Tomboy ata ang putangina hindi nya ako sinisipot sa mga date namin dahil inaalagan nya si Janice na anim na buwang buntis ang hindi nya alam tyanak pala yung pinagdadala ng katulong nya kaya imbes na makakain sya, sya tuloy yung nakain ng Anak ni Janice. Karma is truly a bitch.

Bilog na naman ang buwan, at eto naghihiwalay na naman ang katawan ko. ohhhhh ahhhhh ang sarap. Lumilipad ako sa langit at pinagmamasdan ang buwan, OO emo ako. Isa akong emong mananaggal na mahilig tumingin sa buwan dahil suntok sa buwan na lang ang magkaroon ng taong magmamahal sakin. Habang nasa ere ako pinapakiramdaman ko ang hangin, gusto-gusto ko pag yung hangin humahampas sa aking mukha at hinayaan kong tangayin ako at inakay nga ako ng hangin, dinala sa maliit na kubo

Buntis ang babaeng nakatira sa kubo wala syang ibang kasama hindi ba nya alam na delikado ang mag-isa. Pinagmasdan ko sya natatakam ako sa batang dinadala nya. Hindi ako si Pedobear tangina mo, ayokong kantutin yung fetus gusto ko syang kainin. Nakatikim na ba kayo ng balut? parang ganon ang lasa ng fetus kadiri pero yummmy . Nasa bubong ako handa ng ilabas ang dila ko nang mapagmasdan ko ang mukha ng babaeng lalapain ko. Ang amo ng mukha, dalagang-dalaga at tila hindi sya buntis kundi madami lang nakain.

Gusto ko na syang biktimahin pero may pumipigil sa akin, gusto ko lang syang pagmasdan magdamag, gusto ko lang syang makita, ayoko syang galawin. Hindi ko sya kayang kainin. Siguro eto na ang panahon para makapagbagong buhay ako siguro magiging vegetarian na lang ako at mga askal na lang ang kakainin ko pero kadiri to death ayoko ngang magkarabies. Kumakalam ang sikmura ko pinipigilan ito ng puso ko. Tama na sabi ng utak ko gawin mo ang tama at puso ko’y sinasang-ayunan ang utak ko pero ang tyan ko’y naghahunger strike pakainin ko na daw ito. Alin ang pipiliin ko? Mas malala pa itong desisyon na ito kesa sa desisyon kung sino ang dapat iboto.

Nagising sya at alam ko’y sya natatakot, pagkakataon na para sya’y lapain kaso pinili kong umalis pero paghampas ko ng pakpak ko sinabuyan ako ng gasolina at sinilaban gamit ang isang kandila.

Ang babaeng buntis na kung saan ako’y nabighani ay isa palang bitch na papatay sakin.

§ 5 Responses to With Wings

  • McRey says:

    Gosh abel gosh.

    Emo si fuck buddy… ay eefbee pala.

    Malay mo kapag pinanganak ka ulit hindi ka na manananggal, tiktik ka naman o kaya fairy.

  • repah says:

    hahaha.. i’m back… fb… hehehe.. mangugulo ulit ako… kso mukhang ako ata naguluhan sa post mo..

    ikaw ba ang manangal na ito????? hehehehe.. sbi ko na nga ba hidi ka tao… hahahaha….

    hindi ko akalain ngayun.. pati manangal eh nkakalat na rin sa modelling industry… hindi na rin pla sila kakaiba…. di ko tuloy alam kung yung mga kilala kong tao.. eh aswang o tao tlaga..?

  • lababo says:

    ayus to ah.. ang drama nung huling linya. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading With Wings at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: