Pitik-Bulag

December 4, 2009 § Leave a comment

Hinawakan mo ang kamay ko, nagkatinginan tayo, mata sa mata. Hindi ko binitawan ang kamay mo, ipinatong ito sa dibdib ko. Inakap mo ako, mahigpit. Hindi na ako makahinga sa higpit, hinawakan kita sa ulo at idinampi ang labi ko sa iyong noo. Hinawakan mo ang mukha ko at pinagtapo ang dalawang labi ng dalawang taong nagmamahalan. Pinikit ko ang aking mga mata at sandaling pinakiramdaman ang tibok ng aking puso.

Hawak ko pa rin ang kamay mo ayokong bitawan para akong isang batang ayaw mawalay sa kanyang ina, gusto ko habang buhay na ganito kahit ganito lang ang gawin ko, uupo manonood ng tv o kahit walang ginagawa, walang tugtog sa paligid, basta katabi kita nasisiguro kong magiging makabuluhan. Gusto kitang makatabi sa pagtulog at mukha mo ang una kong makita paggising ko.

Dinala mo ko sa isang silid, tinabihan kita. Magkaakap tayo buong magdamag, hinalikan mo ako sa labi at muli kong ipinikit ang aking mga mata. Nasa paraiso ako lumilipad, ikaw ang aking droga hindi ko na kailangan ng shabu sayo pa lang naadik na ako. Bumilis ang tibok ng aking puso, bumilis, pabilis ng pabilis muli kong idinilat ang aking mga mata, mag-isa na lang ako sa aking kwarto at tanging unan lang ang kayakap ko, nanumbalik ako sa realidad. Sinampal ako ng katotohanan, muli kong ipinikit ang aking mga mata pinilit kong ibalik ka sa aking isipan pero wala ka na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Pitik-Bulag at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: