Flick

December 10, 2009 § 7 Comments

Gagawa ako ng pelikula love story para patok sa kabataan, may konting love scene para patok sa mga matatanda. Konti lang PG-13, yung love scene na hindi bastusin. Tapos may konting action scene sampalan ganon. haha. Tapos comedy para entertaining. Wala masyadong drama para mag-enjoy ang lahat kase naniniwala ako na kaya nanonood ng pelikula ang tao para mag-enjoy ngayon kung gagawin mong heavy drama baka wala masyadong manood.

Kukuha ako ng award winning director kung buhay pa sana si Lino Brocka sya ang kukunin ko o kaya si Quentin Tarantino na lang. Yung mga artista normal lang ang itsura o kaya ubod ng panget para makarelate talaga ang mga normal na tao. Yun ang target ko average na tao. O kaya sobrang panget nung bida iniisip kong kunin si Bentong para maging leading man tapos si Melai ng PBB o si Patani ng Survivor ang kukunin kong leading lady.

Kaso ang problema hindi ito click sa madla, ang gustong mapanood ng mga tao yung mga Mestisang artista may lahing amerikano, kastila, hapon, german sheperd etc. Ayaw nilang nakakakita ng kakulay nila sa TV. Gusto nila yung kumikinang sa kaputin, matatangos na ilong, may abs, may malalaking maskels. Mga artipisyal kagandahan.

Hindi bebenta sa masa ang iniisip kong pelikula walang manonood nun kahit na gaano kaganda ang script kahit na magaling ang direktor dahil may problema ang Pilipino, na ang pelikula kelangan maganda yung artista, kelangan uber cheesy o kaya emo na magiging cause ng depression o kaya naman sobrang corny. Yun ang problema ang gusto ng mga Pinoy sobra eg: sobrang mapauti, sobrang maganda ang abs, sobrang nakakainlove, sobrang madrama tulad ng maalaala mo kaya. Sa sobra nitong mga gusto nilang mapanood hindi na sobrang makatotohanan ang kinalalabasan. Fake kumbaga parang ikaw lang.

With Wings

December 9, 2009 § 5 Comments

Orgasm ang nadarama ko pag naghihiwalay na ang dalawang parte ng katawan. nahahati sa dalawa. naiiwan sa lupa ang aking etits at mga paa habang ako naman ay tinutubuan ng pakpak ng paniki at gutom na gutom na appetite.

Noong nakaraang bilog ang buwan nasira yung binili kong damit sa Zara, pukengina kase hindi ako nagcheck ng kalendaryo hindi ko namalayan na magtratransform na naman pala ako.

Nagtratrabaho ako bilang isang modelo pag umaga, nakikita nyo ako sa inyong telebisyon marahil pinagpapantasyahan nyo din ako pag kayo’y mag-isa sa inyong kwarto. Nakita nyo na ba yung cover ko sa isang magazine na wala akong damit? ang sexy ko dun hindi nyo mahahalatang kabilang ako sa lahi ng impakto.

Aswang ang nanay ko o ghoul sa English para sa mga konyo at ang tatay ko naman ay Isang kapre at papano ang kanilang anak ay naging isang manananggal yan ay dahil duwende ang lolo ko at sirena ang lola ko. May kapatid din akong laging tambay sa Balete Drive, maswerte yun kase nakakasakay sya sa mga sasakyan ng libre hindi sya pinagbabayad ng mga driver. Tapos yung tito ko sa umaga nangangarera sa Sta. Ana pero pag sapit ng gabi nagiging Tikbalang sya, patay na patay sya kay Petrang Kabayo at Pinsan ko din pala yung sikat na sikat na bampira ngayong si Edwardo Kuleng napanood nyo na siguro yung pelikula nyang takipsilip. Yung undin na nagtatago sa toilet nyo yan ang pride ng family namin biruin mo ang daming hindi nakakatae, Tita ko yun. Si Tita Undin.

Nainlab na din ako minsan katulad ko din syang manananggal kaso mas mahal nya yung katulong nyang si Janice kesa sakin, Tomboy ata ang putangina hindi nya ako sinisipot sa mga date namin dahil inaalagan nya si Janice na anim na buwang buntis ang hindi nya alam tyanak pala yung pinagdadala ng katulong nya kaya imbes na makakain sya, sya tuloy yung nakain ng Anak ni Janice. Karma is truly a bitch.

Bilog na naman ang buwan, at eto naghihiwalay na naman ang katawan ko. ohhhhh ahhhhh ang sarap. Lumilipad ako sa langit at pinagmamasdan ang buwan, OO emo ako. Isa akong emong mananaggal na mahilig tumingin sa buwan dahil suntok sa buwan na lang ang magkaroon ng taong magmamahal sakin. Habang nasa ere ako pinapakiramdaman ko ang hangin, gusto-gusto ko pag yung hangin humahampas sa aking mukha at hinayaan kong tangayin ako at inakay nga ako ng hangin, dinala sa maliit na kubo

Buntis ang babaeng nakatira sa kubo wala syang ibang kasama hindi ba nya alam na delikado ang mag-isa. Pinagmasdan ko sya natatakam ako sa batang dinadala nya. Hindi ako si Pedobear tangina mo, ayokong kantutin yung fetus gusto ko syang kainin. Nakatikim na ba kayo ng balut? parang ganon ang lasa ng fetus kadiri pero yummmy . Nasa bubong ako handa ng ilabas ang dila ko nang mapagmasdan ko ang mukha ng babaeng lalapain ko. Ang amo ng mukha, dalagang-dalaga at tila hindi sya buntis kundi madami lang nakain.

Gusto ko na syang biktimahin pero may pumipigil sa akin, gusto ko lang syang pagmasdan magdamag, gusto ko lang syang makita, ayoko syang galawin. Hindi ko sya kayang kainin. Siguro eto na ang panahon para makapagbagong buhay ako siguro magiging vegetarian na lang ako at mga askal na lang ang kakainin ko pero kadiri to death ayoko ngang magkarabies. Kumakalam ang sikmura ko pinipigilan ito ng puso ko. Tama na sabi ng utak ko gawin mo ang tama at puso ko’y sinasang-ayunan ang utak ko pero ang tyan ko’y naghahunger strike pakainin ko na daw ito. Alin ang pipiliin ko? Mas malala pa itong desisyon na ito kesa sa desisyon kung sino ang dapat iboto.

Nagising sya at alam ko’y sya natatakot, pagkakataon na para sya’y lapain kaso pinili kong umalis pero paghampas ko ng pakpak ko sinabuyan ako ng gasolina at sinilaban gamit ang isang kandila.

Ang babaeng buntis na kung saan ako’y nabighani ay isa palang bitch na papatay sakin.

Liek Taht

December 5, 2009 § 2 Comments

I hate December, I am suffering from Seasonal-I’m-a-lazy-bastard-i-dont-have-time-to-google Disorder basta Seasonal Something Disorder. I’ll call it na lang SEX where S is Seasonal and X is disorder and E is the missing whatever dahil gusto ko lang. Im stupid like that.

Yung tite ko lumiliit na naman at mukhang iisa na lang yung balls ko dahil malamig nagsishrink. Fuck You December yer making tis fat bastard life miserable. I curse a lot like FUCK YOU MOTHAFUCKASUNUBABITCH dahil laking kanto ako, i dont have breeding you know. Sabi nga ni Assunta sa isa sa pinakamagandang pelikula ng aughties (sa paningin ko): ANO AKO ASO? Breeding nyo mukha nyo basta something like that kase i dont memorize lines from movies maliban na lang kung John Lloyd movie iyan.

Wala pa pala kameng xmas decorations, tinatamad din akong magkabit ng borloloy so bahala na at wala pa ring nangangarolling ngayon, january pa lang nag iipon na ako ng barya para ipamigay sa mga batang mangangarolling ngayong pasko kaso pinambili ko na lahat ng yosi. Wala din pala akong pera ngayon, im soo poor i wanna sell my kidneys for mooolah. Maghahanap ako ng trabaho pag hindi na ako tinatamad saka mag-eenroll na din naman ako eh. I just wanna sleep and masturbate all day. Ang ginaw na eh ang hirap na maligo. Ang tigas tigas na din ng uten ko.

PS. Namiss ko Magrant. muhaha

Pitik-Bulag

December 4, 2009 § Leave a comment

Hinawakan mo ang kamay ko, nagkatinginan tayo, mata sa mata. Hindi ko binitawan ang kamay mo, ipinatong ito sa dibdib ko. Inakap mo ako, mahigpit. Hindi na ako makahinga sa higpit, hinawakan kita sa ulo at idinampi ang labi ko sa iyong noo. Hinawakan mo ang mukha ko at pinagtapo ang dalawang labi ng dalawang taong nagmamahalan. Pinikit ko ang aking mga mata at sandaling pinakiramdaman ang tibok ng aking puso.

Hawak ko pa rin ang kamay mo ayokong bitawan para akong isang batang ayaw mawalay sa kanyang ina, gusto ko habang buhay na ganito kahit ganito lang ang gawin ko, uupo manonood ng tv o kahit walang ginagawa, walang tugtog sa paligid, basta katabi kita nasisiguro kong magiging makabuluhan. Gusto kitang makatabi sa pagtulog at mukha mo ang una kong makita paggising ko.

Dinala mo ko sa isang silid, tinabihan kita. Magkaakap tayo buong magdamag, hinalikan mo ako sa labi at muli kong ipinikit ang aking mga mata. Nasa paraiso ako lumilipad, ikaw ang aking droga hindi ko na kailangan ng shabu sayo pa lang naadik na ako. Bumilis ang tibok ng aking puso, bumilis, pabilis ng pabilis muli kong idinilat ang aking mga mata, mag-isa na lang ako sa aking kwarto at tanging unan lang ang kayakap ko, nanumbalik ako sa realidad. Sinampal ako ng katotohanan, muli kong ipinikit ang aking mga mata pinilit kong ibalik ka sa aking isipan pero wala ka na.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for December, 2009 at Kokey Monster.