140

November 8, 2009 § 7 Comments

now playing There’s A Light That Never Goes Out by The Smiths

yung kanta sa paborito kong pelikula sa sinehan ngayon ang 500 days of summer

To Die by your side is such a heavenly way to die

Natatae ako

FerBert is now friends with Hitler the Imaginary Friend

Efbee Hates you

Photongina likes this

Twitter, Plurk, Tumblr and Facebook killed my writing skill

Bakit ka magsusulat kung pwede ka naman kumuha ng litrato at iexpress ang nararamdaman mo sa larawan na iyon?

Bakit ka gagawa ng pagkahaba-habang blog entry kung kaya mo naman sabihin ang gusto mong ipahiwatig sa loob lamang ng 140 characters.

Bakit ka makikiinteract sa mga tao na hindi ka sigurado kung totoong tao nga ba o bot lang kung pwede ka naman makipag-usap sa mga totoong taong kakilala mo sa facebook?

Nakakalungkot ang blogosphere, Patay. Hindi na tulad ng dati na maraming may sense na entries. Karamihan sa mga bloggers na palagi kong binabasa hindi ko na alam kung nasaan at kung patay na sila, sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa

Aminado ako na hindi naman talaga ako mahusay magsulat dati pero naniniwala ako na mas magaling akong magsulat noon kesa ngayon. Ilang buwan na akong di nakakapasulat. Isa sa mga hobby ko ang pagsusulat at pagbabasa. Nanlalabo na ang mata ko kakabasa. Pumurol na ang paraan ko sa pagsusulat dahil nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng katha ng iba kesa sa isulat ko sa ilang paragraphs ang gusto kong sabihin.

Nakuntento ako sa pagkwekwento ng mga pangyayare sa buhay ko sa 140 characters. Gusto kong magsulat ulet yung umaabot ng 500 mahigit na words na nalilimbag ko sa blog ko hindi yung 100 words pa lang nahihirapan na ako.

140 characters.

140 fucking characters nakuntento na ako dyan. Diretso wala nang pasikot-sikot. Sapul agad.

Ano ang kulay ng langit? sasagutin ko yan ng Asul wala ng kadugtong hindi tulad dati na maari kong sagutin yan na ang langit ay kasingkulay ng isang dilag na umakit sa akin, dinala sa paraiso, inibig at bumuhay sa aking dugo. Ang kulay ng langit ang hindi asul bagkus ito`y pula dahil pag-ibig ang naghahari sa langit. Mas nangingibabaw ang kulay na hindi nakikita ng mata kesa sa huwad na asul na tinatakpan ang kulay ng dugo na bubuhay sa tigang na puso blah blah blah blahx1000

Gusto kong magsulat ulet, gusto kong magsulat ng may sense hindi yung nagsulat lang ako dahil gusto kong may bagong entry dahil inaaway na ako ng mga nagbabasa dito, dahil hinahanap na ako ng mga stalkers ko. Gusto kong magsulat ng higit sa 140 characters yung pagsusulat.

araw-arawin ko kaya ang pagsusulat baka sakaling manumbalik yung sigla ko.

DAILY BLOG ENTRY No. 1

§ 7 Responses to 140

  • mnel says:

    pareho tayo efbee. gusto ko na ulit magsulat. minsan nakakatempt na huwag munang magplurk o mag-facebook para naman meron pa akong masulat sa blog ko. patay na nga ang blogosphere. and twitter/plurk/facebook killed it. may it rest in peace. amen.

  • Gugol says:

    Ahaha… may mga bagay na pangplurk lang… merong pangtwitter… merong pang Tumblr… at merong blog-worthy.

    ‘Tis the way of teh blog ninja. We haf te learn teh diff’rence ‘tween ’em.

  • Jeck says:

    at ganun na nga ang dahilan. sinimulan kasi ng plurk yan e. tapos biglang nawala si mariano. tapos puro ads na ang pinopost ng iba. wala na.
    nahihirapan na rin akong magsulat. di na gaya ng dati ang blogsphere. tara, salsal na lang tayo. lols

  • Poli Carpio says:

    Wah, nakakalungkot naman ‘tong post mo na ‘to. Nakalimutan ko na yata ‘yung feeling na excited at masaya ka habang nagsusulat ng mga entries para sa blog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading 140 at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: