D.

November 11, 2009 § 3 Comments

D ang pangalan nya

Nakita ko sya sa bintana ng isang restaurant. May hinihintay, nasa labas ako nagyoyosi. Alam kong sya yun dahil sa balat sa kanyang noo. Normal na babae; hindi masyadong kagandahan, may itsura, tama lang. Sakto lang ang katawan walang boobs malaki ang kanyang pwet. May nunal sya sa pagitan ng kanyang dalawang suso, alam ko iyon dahil nakabukas yung butones ng damit nya nung nakilala ko sya.

D ang pangalan nya yun lang ang alam ko tungkol sa kanya. Taga-Cainta, mas matanda sakin ng dalawang taon, nakilala ko sya dahil lumapit sya sakin sa isang bookstore at nagtanong kung maganda ba daw yung binabasa ko. The Last Don yun ang title nung libro si Mario Puzo ang author, hindi ako nagsinungaling at sinabing tipikal na Puzo novel. Drugs, Sex and violence -hindi ko gusto yung libro, parang paulit-ulit na lang yung mga sinusulat ni Puzo.

Niyaya nya akong kumain, hindi ako madalas sumasama sa kung sino-sino pero sumama na din ako. Kumain kame sa restaurant at pumuwesto malapit sa bintana,Umorder ako ng adobo saka dalawang kanin sya walang ibang inorder kundi mango juice. Tapos na kaming kumain, nagmamadali ako nung panahong iyon kaya nag-paalam na ako pero hindi ako makaalis dahil sinabi nya sakin may problema daw sya. Wala akong pakealam sa problema mo gusto kong sabihin pero nakinig na lang din ako. May problema sya sa syota nya, nambababae daw. Tinanong ko kung anong balak nya- kung hihiwalayan ba nya ito. Gusto daw nyang makaganti. Inalok akong sipingan sya kahit isang saglit. Nanlake ang singkit kong mata. Ayoko! ayokong maging kasangkapan ng isang paghihiganti. Nagsorry ako sa kanya at iniwan syang mag-isa sa lamesa. Hindi ko alam kung tama nga ba yung desisyon ko. Ano kayang nangyare kung pumayag ako? magiging masaya kaya sya kung sinipingan ko sya nung araw na iyon? Makakaganti nga kaya sya sa boypren nyang babaero?

D ang pangalan nung babae may balat malapit sa noo, nakita ko syang muli doon sa restaurant sa may tapat ng bintana na tila bang may hinihintay pa rin sya doon… hanggang ngayon

Day 4: Daily Blog Entry

Twit

November 10, 2009 § Leave a comment

inaantok ako gusto kong matulog kaso ginising mo na naman ang natutulog kong puso.

daily blog entry day 3

MJ

November 9, 2009 § 3 Comments

Nanaginip ako kanina. Alam mo yung panaginip na parang nangyare sa buhay mo? Ayun parang bumabalik ka sa pastlife mo. Kahit na hindi ako naniniwala sa reincarnation dahil kabaklaan lang yan, si Jun Encarnacion kase ang naalala ko na hindi ko pa alam kung ganyan nga talaga ang spelling ng apelyido nya dahil tamad akong mag-google

Around 1900s siguro 1920 or unang decada ng siglong yan. Alam mo yung pelikulang Godfather yung suot nung si Don Vito nung nasa Italya sya, nung bata pa sya at hindi pa sya boses kapre. Ganun yung suot ko. So malamang ang setting nito eh ibang bansa dahil kung dito yun malamang nakabahag ako.

Yung asawa ko nag-away daw kame tapos lumabas ako ng bahay pinasundan nya ako sa mga kapatid nyang lalake. Nagpunta ako sa isang lugar kung saan madaming nagbebenta ng yosi. May nagbebenta din daw dun ng marijuana at dahil nag-away kame ng asawa ko napagdesisyunan kong bumili ng marijuana. Ilegal din ang jutes nung panahon na iyon kaya nahirapan akong maghanap. Nakita ko yung mga kapatid nya alam kong sinusundan ako kaya nagtago ako.

Nakabili na ako ng marijuana. Sinindihan ko na kaso hindi ko na alam kung naging high ako dahil ginising ako ng tatay ko at inutusan para bumili ng sigarilyo.

Kahit sa panaginip tinututulan ng tatay ko ang paggamit ng droga.

Daily Blog Entry Day 2

140

November 8, 2009 § 7 Comments

now playing There’s A Light That Never Goes Out by The Smiths

yung kanta sa paborito kong pelikula sa sinehan ngayon ang 500 days of summer

To Die by your side is such a heavenly way to die

Natatae ako

FerBert is now friends with Hitler the Imaginary Friend

Efbee Hates you

Photongina likes this

Twitter, Plurk, Tumblr and Facebook killed my writing skill

Bakit ka magsusulat kung pwede ka naman kumuha ng litrato at iexpress ang nararamdaman mo sa larawan na iyon?

Bakit ka gagawa ng pagkahaba-habang blog entry kung kaya mo naman sabihin ang gusto mong ipahiwatig sa loob lamang ng 140 characters.

Bakit ka makikiinteract sa mga tao na hindi ka sigurado kung totoong tao nga ba o bot lang kung pwede ka naman makipag-usap sa mga totoong taong kakilala mo sa facebook?

Nakakalungkot ang blogosphere, Patay. Hindi na tulad ng dati na maraming may sense na entries. Karamihan sa mga bloggers na palagi kong binabasa hindi ko na alam kung nasaan at kung patay na sila, sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa

Aminado ako na hindi naman talaga ako mahusay magsulat dati pero naniniwala ako na mas magaling akong magsulat noon kesa ngayon. Ilang buwan na akong di nakakapasulat. Isa sa mga hobby ko ang pagsusulat at pagbabasa. Nanlalabo na ang mata ko kakabasa. Pumurol na ang paraan ko sa pagsusulat dahil nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng katha ng iba kesa sa isulat ko sa ilang paragraphs ang gusto kong sabihin.

Nakuntento ako sa pagkwekwento ng mga pangyayare sa buhay ko sa 140 characters. Gusto kong magsulat ulet yung umaabot ng 500 mahigit na words na nalilimbag ko sa blog ko hindi yung 100 words pa lang nahihirapan na ako.

140 characters.

140 fucking characters nakuntento na ako dyan. Diretso wala nang pasikot-sikot. Sapul agad.

Ano ang kulay ng langit? sasagutin ko yan ng Asul wala ng kadugtong hindi tulad dati na maari kong sagutin yan na ang langit ay kasingkulay ng isang dilag na umakit sa akin, dinala sa paraiso, inibig at bumuhay sa aking dugo. Ang kulay ng langit ang hindi asul bagkus ito`y pula dahil pag-ibig ang naghahari sa langit. Mas nangingibabaw ang kulay na hindi nakikita ng mata kesa sa huwad na asul na tinatakpan ang kulay ng dugo na bubuhay sa tigang na puso blah blah blah blahx1000

Gusto kong magsulat ulet, gusto kong magsulat ng may sense hindi yung nagsulat lang ako dahil gusto kong may bagong entry dahil inaaway na ako ng mga nagbabasa dito, dahil hinahanap na ako ng mga stalkers ko. Gusto kong magsulat ng higit sa 140 characters yung pagsusulat.

araw-arawin ko kaya ang pagsusulat baka sakaling manumbalik yung sigla ko.

DAILY BLOG ENTRY No. 1

FHQZ 6430

November 6, 2009 § 1 Comment

naniniwala ako na ang susunod na henerasyon ay magiging lupon ng mga bobong nilalang kung hindi matatapos ang paggamit ng sticky caps ngayon.

Ayon sa subject ko sa panitikan dati, ang wikang Pilipino ay buhay, dynamic, nagbabago. Maaring ang mga wikang inimbento ng mga bakla katulad ng chorva, eklavu, chenelin ay malimbag sa diksyunaryo balang araw at mapasama bilang kilalang salita sa wikang ito. From Filipino to Flip, mula sa pagiging Pilipino sa Pinoy at mula sa Pinoy ang salitang Noypi. Tanggap ng madla ang salitang iyan. Dahil nakikiayon ang salita sa galaw ng panahon, ang pagbabago ng mga panahon ang dahilan ng pagbabago ng mga salita.

Hindi ko lang matanggap na balang araw makakalimutan na ng mga batang Noypi ang Letrang Q at Letrang S. Letrang Z ang ginawang pamalit sa letrang S, at ang P nagiging F. Aq zi Efbee, za lungzod ng pazig aq nakatira, aq ay may alagang azong mataba. Higit pa riyan ang pagdaragdag ng mga hindi naman kinakailangang letra sa mga salita tulad ng H at E. ang Po nagiging Foe, Poe, Poh, Puh. FUTANGINA NYO!

Ang paggamit ng mga numero sa mga salita na nagmimistulang isang formula sa physics ang nagpapagulo sa utak ko. Ang G pinapalitan ng numerong 6, ang A ng numberong 4 at O ng Zero. Kung pagsasamasamahin ko lahat ng iyan mula sa pagtatype ng sticky caps na may halong ZQHF at 6430 sa mga letra ang kalalabasan ng pangungusap na kakantutin ko yang pekpek mo hanggang sa madugo ay K4nK4ntutHin k0 y4n6 F3kf3K m0H H4n664ng Z4 m4dug0 at depende pa yan sa isang tao maaring lagyan pa nya ng mga hindi kanaisnais na character ang pangungusap na yan tulad ng makikita sa font na webdings.

Masakit sa mata, hindi sya magandang tignan.

Ayon sa isang propesor ko sa kolehiyo may isang salita ang nakapagpabago ng daigdig, Isang Japanese word na nakalimutan ko kung ano yun. Tinanong sila ng mga Amerikano sinagot sila ng Hapon ng salitang iyon (dalawa ang kahulugan ng salitang ito), hindi mawari ng mga Kano kung àng ibig ba nilang sabihin ay nakikipag-ayos sila o tumutugon sa hamon ng digmaan. Hindi sila nagkaintindihan at nasawi ang maraming buhay.

Kung balang araw lahat ng mga tao sa susunod na henerasyon ay ganyan magtype naniniwala ako na iyan ang magiging rason ng isa pang digmaang pandaigdigang dahil hindi na magkakaintindihan ang bawat isa.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for November, 2009 at Kokey Monster.