Dorry

October 19, 2009 § 5 Comments

Ano nga ba yung inulam ko kanina?

Unti unti nagiging mahina ang memorya ko, Nagiging mapurol na ang dating matalas na lapis. Saang libro ko nga ba nabasa yung tema patungkol dito? Sinong banda nga ulit yung kumanta ng la la la oohhh ahhh la la?

Masyado akong bata para maging ulyanin at hindi angkop sa edad ko ang uminom ng pampatalas ng memorya. Unti unti akong nakakalimot sa mga bagay bagay.

Minsan tumambay ako sa isang kapihan kasama ang kaibigan ko ng may tumapik sa balikat ko. Tinignan ko sya ng masama -sino ba naman kaseng putanginang ang tatapik sa balikat ng taong di mo kakilala. Nakahanda na yung sasabihin ko- Putanginang kaputaputahang putangina mo anong problema mo gago?. Napasin nya siguro na mumurahin ko sya kaya inunahan na nya ako. Tangina ka. hindi mo ko naalala. Si kuya ______ mo to, pinsan mo gago. Tumawa sya ng malakas nakisabay na rin ako at tumungo dala na rin ng sobrang hiya. Sinong normal na tao ang nakakalimot sa isang tao na halos taon taon mo nakikita dahil sa reunion na inoorganisa ng lola mo? wala. hindi ako normal. matagal ko nang alam iyon.

Hindi ko talaga matandaan kung anong kinain ko kaninang tanghalian. Nakalimutan ko na rin ang lasa ng beer, limot na rin ang pag-ibig na inalay ko sayo, hindi ko na matandaan na mapait pala ang magmahal dahil ngayon puro tamis na lang ang nalalasahan ko. Unti unti ko na muling binubuo ang buhay ko, kahit papano tumitibok na rin ang puso ko na matagal na dapat huminto sa pagtibok.

maraming salamat sa alaala pero wala na akong matandaan ngayon.

§ 5 Responses to Dorry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Dorry at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: