M O O L A H

February 8, 2009 § 25 Comments

Alam mo yung pakiramdam na lakad ka ng lakad na hindi mo naman alam kung saan ka patungo? Yung naglalakad kang mag-isa sa isang direksyon sabay sa malakas na ihip ng hangin habang lahat ay naglalakad salungat sa direksyong tinatahak mo. Ramdam mong bibigay ka na at lalong sumasakit ang paltos ng mga paa mo at konting hakbang na lang, ilang hininga na lang ang maibibigay mo at susuko ka na talaga.

Ako yan dati, mahilig akong magmukmok dahil hindi ko alam kung sisikat pa ba ang araw para sakin. Hindi ko na alam ang pinagkaiba ng araw at sa gabi, hindi araw ang binibilang ko kundi oras na nasayang ko. Akala ko wala na talaga akong patutunguhan at kung kukunin man ako ng Poong maykapal ay hindi ako tatanggi. Yan ang pakiramdam ng isang tambay, yung alam mong wala kang naitutulong sa pamilya mo at wala kang nagagawa para sa sarili mo.

Mag iisang buwan na rin akong alila ng kompanya ko. Hindi ko namalayan na mabilis ang paglipas ng panahon at hindi ko napapansin na unti unti na rin palang namamatay ang blog na ito. Pasensya na mga kaibigan ito na ang pagkakataon ko para muling ibalik ang sarili ko at muling patunayan sa tatay ko na may magagawa ako at kaya kong tumayo sa sarili kong paa na hindi ako umaasa sa kanya.

Iba yung galak na nararamdaman mo habang sinasabihan ka na tanggap ka na pwede ka ng mahubad at kantutin mo na ako magtrabaho at maging parte ng kompanyang ito. Maliit lang ang kinikita ko kumpara sa nakukupit ko nung estudyante pa lang ako. Ngayon ko lang napansin ang kahalagahan ng pera. Barya ko lang dati ang sampung libo at pangyosi ko lang ang kinikita ko ngayon. Ngayon ko lang din talaga nabigyan ng importansya ang tagaktak ng pawis ng tatay ko para lamang maibigay sakin ang luho ko. Mahirap nga talagang kumita ng pera, at totoo nga ang sabi sakin na saka mo lang mabibigyan ng halaga ang isang bagay kapag naranasan mo na.

Habang naglalakad ako sa Cubao may mga ilang babaeng sumitsit sakin at nag aalok ng panandaliang aliw. Maswerte sila kung tutuusin dahil hindi sila natitigang (hahaha) pero ilang sampal muna ang kinailangan nila para magkakalyo at kumapal ang kanilang pagmumukha. Kahihiyan at dangal ang kapalit ng pera. Madaming kayang gawin ng isang tao para lamang sa dito. Hindi bale ng walang syota at tigang basta lang may pera, parang mali ata ah. Sige rephrase naten- hindi bale ng walang syota basta lang may pera at hindi tigang.

§ 25 Responses to M O O L A H

  • gilbert says:

    Emo natin ngayon ah… Mabuti naman at kahit papaano eh may natututunan ka sa nangyayari sayo ngayon. Mahirap talagang kumita ng pera. Kung pwede lang maging estudyante na may baon habang buhay, gagawin ko rin yun. Kaya lang life sucks talaga, kaya magtiis…

    at least ngayon, masasabi mo nang di ka na palamunin lang. hehehe

    magreresign na ako next month.. mas gusto ko pala talagang maging palamunin.. haha

  • ifoundme says:

    nakakamiss maging student. syempre ang iniisip lang natin dati nun kung kelan dadating ang allowance para makagimik na naman. hehe!

    lahat tayo dumadaan dyan. magsisimula talaga tayo sa baba para makaakyat. ako nga dati nung nagtatrabaho, galing pa sa magulang ko ang pambayad ng apartment, kuryente, tubig. kulang na lang ipadala ang bahay namin dito sa probinsya para di ako mahirapan. pero alam mo, kulang pa rin ang sweldo ko para sakin. hahahaha!

    may isang bagay nga lang ako natutunan din nun. patience pa rin.

    dadating din ang panahon na makakaluwag ka na.

    yung sahod ko kulang na kulang talaga pang sustendo sa mga luho ko

  • lio loco says:

    nagugulumihan ako sau. kala ko ba narsing istudent ka? eh bat nagpapakaputa ka na rin pala sa nakakasulasok na mundo ng mga kumpanya? kung ganun nga, matuwa ka sa panibagong yugto ng buhay mong ito. kelanman, hindi mo na maibabalik ang pagiging ebak mo nung estujante ka pa lang – palutang-lutang na walang direksyon. ganian din ako dati. pero mas maganda nga ang may pera at hindi tigang, di bale nang walang syota. kaya, nagpakaputa na ko. teka, may sense ba sinabi ko?

    di ba sabi mo wag akong pumasok sa call center? haha.. call boy na ako parekoy.. corporate slave.. mag iipon lang ako ng pera tas saka ako magpapatayo ng casa.. ngayon pa lang may 50% off ka na sa mga puta ko.

  • Dorina Pineda says:

    ayan! makakapag comment na ko. weeee

    una, ang laki ng barya mo! malaki siguro piggy bank mo nung bata ka no? wehehe.

    wag mo muna isipin kung anong gusto mong bilihin pag dating ng sweldo mo, isipin mo muna kung magkano iipunin mo. lalang.

    “…totoo nga ang sabi sakin na saka mo lang mabibigyan ng halaga ang isang bagay kapag naranasan mo na.”

    oo nga. sana ang buhay ngayon, parang nung unang panahon asin at rock lang ang pera. ahahaha. kung ganon, millionaryo na ko. madami kaming rocks dito sa bahay. wahahah.

  • chyng says:

    pag wala ka ng lablayp at jobless ka pa, yun nag mas kawawa.

  • Meryl says:

    Madadala ka ng hangin? I doubt it. Hahahahaha.

    Aray ko naman, Chyng. Hahaha. Kawawa daw ang walang lablayp at jobless. ARAY! Hahahahaha. Hoy, ang tagal tagal naman ng podcast mo! ‘Yun ibaangan ko eh. Haha.

  • beero says:

    medyo seryoso tayo ngayon bro ah. hehe. tama ka. matutunan nating i-value ang pera pag tayo mismo ang kumikita. at mas lalo nating mapapahalagahan yun pag sa mabuting paraan natin kinita. alam kong marami kang gustong patunayan at unti-unti mo nang nagagawa yun ngayong may trabaho ka na.

    hindi bale ng walang syota basta lang may pera at hindi tigang.– cheers! mabuhay ang mgs single. lols.

  • azul says:

    10k barya lang seo?oh wel richkid..nung istyudyent pa ko wala akong makikbak…tsk tsk…

    congrats sa trabaho mo…wag ng maxadong maluho para kumasya sahod mo…

    x’s advance hapi balemtayms

  • vanvan says:

    kung hindi mo na talaga gusto, bumitaw ka na..
    baka dumating ang araw na masasanay ka nang kumita ng pera, at kahit napakabattered mo na ay cge ka pa ng cge..

    cool lang..

  • Gugol says:

    Madalas din ako sa flyover ng Cubao dati. Pero hindi ako namimik-up ha. Hinding-hindi. Yak! So kadirsss…

    “Eto, kuya, batang-bata! Limang piso lang tsupa.”

    Alam mo bang napagkamalang callgirl si xG dun dati? Laughtrip!

  • p0kw4ng says:

    sabi ko din dati mas mabuti na ang may pera kahit na tigang…ngayon kahit na walang pera basta kailangan ko ng madiligan,hihihi

    tama ka…saka lang natin napapahalagahan ang isang bagay pag wala na sa atin..amen!

  • Kris Jasper says:

    Mas malaki nga ang kita kung student ka.

    Maka imbento nga ng time machine at iipunin ko na lahat ng nakupit ko nun.

  • Maldito says:

    pasalamat ka pa rin efbe may tatay ka..pasalamat ka na din kumikita ka ng pera.lalo na taghirap ang mundo ngayun..

    damihan mo nalang ang pera…bili ka nalang ng mga puta sa susunod pag marami ka nang na ipon..sampung kilo ang bilhin mo..

    ahahha..teka…alalahanin mo din…nabibili din ang pag ibig..ahaha..chus..emo

  • Sabi nga ng isang opismeyt ko dati,

    “Why pay for sex when you could get it for free?”

    Penge pera! = D

  • kulot says:

    babati lang ng maligayang araw ng puso sa inyo mga kapamilya

  • mnel says:

    Wag ka aalis jan! Sos ka. Gagaya ka kay Igno? Paguntugin ko kayo eh. Nung una akong nagkaroon ng summer job as an English teacher, don ko lang din nakita yung importansya ng perang winawaldas ko. Pero ngayong balik-estudyante ako, balik waldas na ulit ako. Hahaha!

  • sexy moi says:

    mahirap talagang kumita ng pera pero sometimes secondary na lang yung sweldo kung happy ka sa ginagawa mo.

    isipin mo na lang kahit libutin mo ang buong MM dika makakapulot ng 10K hehehe

    yun lang po… heypi hearts day!

  • BURAOT says:

    eh kung walang pera, maraming syota at hindi tigang?

    o kaya maraming pera, walang syota at hindi tigang?

    pwede.

  • popoy says:

    eto ang isa sa mga masasabi kong pinakamaganda mong entry fb. narealize mo din diba? mas masarap gastusin yung perang pinaghirapan diba kesa sa hiningi. ayun, saludo ako sayo fb.

    libre naman dyan. oooppssss may utang pa ako sayo ang tagal na nun magwawanyir na hahaah😀

  • gudang says:

    hmm.. nag-aaral pa lang ako, hmm.. napapaisip na talaga ako.. at mukang malapit na ko makumbinsi na mas mahirap pala talaga pag may trabaho na kesa ang maging estudyante.. hayy.

    –gudang!

  • muymuy says:

    naramdaman ko na rin yan dati nung nasa Pinas pa lang ako..tambay walang trabaho..feeling ko palamunin lang ako..

    yung pamilya ko may plano para sa akin..pero ako iba ang plano ko kesa sa kanila…ang hirap kasi kailangan mong mamili yung gusto mo ba yung gusto nila…magkakanervous breakdown ka sa kakaisip weh:D

    …sinunod ko sila at napagtanto ko tama sila..ngayon marami na akong pera..joke!…hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading M O O L A H at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: