M O O L A H

February 8, 2009 § 25 Comments

Alam mo yung pakiramdam na lakad ka ng lakad na hindi mo naman alam kung saan ka patungo? Yung naglalakad kang mag-isa sa isang direksyon sabay sa malakas na ihip ng hangin habang lahat ay naglalakad salungat sa direksyong tinatahak mo. Ramdam mong bibigay ka na at lalong sumasakit ang paltos ng mga paa mo at konting hakbang na lang, ilang hininga na lang ang maibibigay mo at susuko ka na talaga.

Ako yan dati, mahilig akong magmukmok dahil hindi ko alam kung sisikat pa ba ang araw para sakin. Hindi ko na alam ang pinagkaiba ng araw at sa gabi, hindi araw ang binibilang ko kundi oras na nasayang ko. Akala ko wala na talaga akong patutunguhan at kung kukunin man ako ng Poong maykapal ay hindi ako tatanggi. Yan ang pakiramdam ng isang tambay, yung alam mong wala kang naitutulong sa pamilya mo at wala kang nagagawa para sa sarili mo.

Mag iisang buwan na rin akong alila ng kompanya ko. Hindi ko namalayan na mabilis ang paglipas ng panahon at hindi ko napapansin na unti unti na rin palang namamatay ang blog na ito. Pasensya na mga kaibigan ito na ang pagkakataon ko para muling ibalik ang sarili ko at muling patunayan sa tatay ko na may magagawa ako at kaya kong tumayo sa sarili kong paa na hindi ako umaasa sa kanya.

Iba yung galak na nararamdaman mo habang sinasabihan ka na tanggap ka na pwede ka ng mahubad at kantutin mo na ako magtrabaho at maging parte ng kompanyang ito. Maliit lang ang kinikita ko kumpara sa nakukupit ko nung estudyante pa lang ako. Ngayon ko lang napansin ang kahalagahan ng pera. Barya ko lang dati ang sampung libo at pangyosi ko lang ang kinikita ko ngayon. Ngayon ko lang din talaga nabigyan ng importansya ang tagaktak ng pawis ng tatay ko para lamang maibigay sakin ang luho ko. Mahirap nga talagang kumita ng pera, at totoo nga ang sabi sakin na saka mo lang mabibigyan ng halaga ang isang bagay kapag naranasan mo na.

Habang naglalakad ako sa Cubao may mga ilang babaeng sumitsit sakin at nag aalok ng panandaliang aliw. Maswerte sila kung tutuusin dahil hindi sila natitigang (hahaha) pero ilang sampal muna ang kinailangan nila para magkakalyo at kumapal ang kanilang pagmumukha. Kahihiyan at dangal ang kapalit ng pera. Madaming kayang gawin ng isang tao para lamang sa dito. Hindi bale ng walang syota at tigang basta lang may pera, parang mali ata ah. Sige rephrase naten- hindi bale ng walang syota basta lang may pera at hindi tigang.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for February, 2009 at Kokey Monster.