ROAR-eo and TWIT-liet

January 26, 2009 § 36 Comments

Hinahangaan ng lahat ang Tigre; sunod sa leon ang tigre ang pinakamalakas na hayop sa kagubatan -Ang syang maaring pumalit sa kanyang pwesto pag namatay ito. Sa kanyang kulay itim at kahel na balahibo, mga matang mababagsik, nakakagimbal na sigaw at kakayahang humuli ng kanyang pagkain, pangarap ng ibon na maging isang tigre. Maging sing lakas at tikas ng halimaw na ito.

Sa kabilang banda ang Tigre’y nais lumipad, kakayahang hindi sya pinagpala. Gusto nyang ikampay ang kanyang pakpak at liparin ang malawak na kalangitan. Ayaw nyang katakutan, nais nyang mawala ang kanyang pangil, hindi nya gustong magimbal ang kagubatan sa kanyang sigaw… ibig nyang sya’y purihin sa kanyang huni tulad ng ibon na kinagigiliwan sa kanyang pag-awit.

Dalawang nilalang na magkaiba. Ang isa’y nasa itaas ng food chain habang ang isa’y itinakdang lapain ng kanyang hinahangaan. Hindi sila pwedeng magsama, hindi sila magkatulad. Walang patutunguhan ang kanilang pagkakaibigan. Itinago na lang nila ang paghanga sa isa’t-isa at nagpanggap ang ibon na takot ito sa tigre at ang tigre sa ayaw at sa gusto nya ay tinakot ang ibon. Habang sa likod ng lahat ng ito’y ang nararamdaman na paghanga sa isa’t-isa.

Takot ipahayag ang paghanga, duwag at hindi makayang ipahiwatig ang nararamdaman. Isang gabi sa isang madilim na parte ng kagubatan nagkantutan ang tigre at ang ibon hiniling nila kay Bathala na palayain sila sa sumpa at hayaan siang mamuhay na hindi tataas ang kilay ng kapwa nila hayop sa kanilang nararamdaman. Kinabukasan nakita silang nakahimlay, pareho ng walang malay. Sinalungat nila ang batas at kapalit noon ang kanilang buhay, hindi pwedeng magsama ang dalawang hindi makawangis na nilalang. Namatay ang ibon sa bisig ng tigre at ang tigre’y namatay katabi ng kanyang hinahangaan.

Matagal na panahon na ang lumipas ng tumubo ang dalawang halaman sa lugar kung saan nakahimlay ang ibon at ang tigre. Pinangalanan nila ang dalawang halaman ng Tiger Lily at Birds Of Paradise pagkilala sa dalawang nilalang na sinalungat ang batas at binigay ang buhay para magpakatotoo sa nararamdaman.

Maaring Tigre at Ibon tayo ngayon, magkasalungat at hindi itinakda para sa isa’t isa. Pero baka sa susunod na panahon maging halaman din tayo at maging malayang ipahayag ang nararamdaman at maari ng mag-ibigan.

Tagged:

§ 36 Responses to ROAR-eo and TWIT-liet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading ROAR-eo and TWIT-liet at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: