Bahay Bayan

January 12, 2009 § 25 Comments

Ipinangak ako sa probinsya ng Ilocos Sur; ang probinsya na tabako ang pangunahing produkto at tinuturing puting ginto ang bawang. Kaya ako naninigarilyo para suportahan ang produkto ng probinsya ko (napakawalang kwentang rason). Nung 4 months old ako tumira kame sa Sampaloc dahil nasa kolehiyo na noon ang panganay namin pero nung namayapa ang aking Ina bumalik kame sa probinsya. Doon na ako nagkaroon ng isip at lumaki tas every 2 weeks na lang kame lumuluwas ng maynila, mura lang ang pamasahe noon nasa 100-170 pesos, toddler lang ako kaya kalahati lang nun ang pamasahe ko ngayon anim na raang piso na ang pamasahe mula Maynila papunta sa kinalakhang bayan ko. Nagtaasan na ang lahat, height na lang ni Pangulong Gloria at ni Mahal ang hindi tumaas.

Ang salitang Ilocano ay galing sa salitang “I” (galing) at Looc (dagat) so ang mga Ilocano ay taong nanggaling sa dagat. Patunay na kame ay mahilig sumisid at kahit anong pwedeng sisirin tulad ng perlas sa kalooban ng babae ay sinisisid namin. Hindi ka naniniwala? gusto mo sisirin kita? LOL! Kung nanggaling sa dagat ang mga Ilocano baka kame ay kalahi talaga ni Dyesebel na ginantimpalaan ni Poseidon ng mga paa dahil umibig ang unang Ilocano sa tagalupa. Kung natuloy ang plano ni Marcos na magpatayo ng sariling republika sa Ilocos Region matapos syang mapatalsik sa Malacanang malamang yung kanta sa Little Mermaid ang anthem namin, isipin nyo na lang pati kameng mga kalalakihan bibirit ng Wish I could be part of the wooooooohhhrld.

Titignan ko mamaya pag nilubog ko ang ulo ko sa tubig ng sampung minuto at kung tutubuan nga ako ng hasang malamang totoo nga ang teorya kong dating merman/mermaid ang mga Ilocano. Kung hindi rin ako naging matagumpay dito pakicontact na lang ang kapitbahay kong si Damdam dahil baka binuburol na pala ako hindi nyo pa alam.

Isa sa pinakamahirap aralin na dialect ng Pilipinas ang dialekto namin ayon sa isang article na nabasa ko. Tip lang basta alam mo ang salitang “Ukinnam” nabubuhay ka na sa Ilocos, katumbas yan ng Putangina mo sa tagalog. Uki (kepyas/puke/pekpek o kahit na ano pang tawag mo sa pag-aari ng babae) Innam- (nanay mo). Walang topic na hindi pwede yan isali kahit sa pagpapakilala mo sa sarili mo, habang kumakain ka pwede mo yan sabihin. Mahilig magmura ang mga Ilocano putanginang yan.

Mainit din ang lugar namin, direktang tinatamaan ng araw kahit na hindi naman nasa Equator ang mismong lokasyon ng Northern Luzon, kaya kahit na nalahian ng Itsik ang tatay ko at Kastila ang nanay ko ang kinalabasan naging maitim pa rin ako. Kulay na angat sa mga tropa ko dito sa maynila dahil kapag kasama ko sila at tirik na tirik ang araw kitang kita ako samantalang pag gabi nagiging invisible ako. You can’t see me. awoooh

Ang pangunahing atraksyon ng hometown (Sta. Maria, Ilocos Sur) ko ang Nuestra Señora de la Asuncion isa sa walong UNESCO world heritage site ng Pilipinas. Itinayo sa tuktok ng burol. Dati daw sa baba ng burol ang simbahan pero ayon sa isang legend nawawala palagi ang rebulto ng patron at natatapuan sa may puno ng bayabas sa may burol at doon na itinayo ang simbahan mula noon. Sa tabi ng pintuan may imahe ni Mother Mary na nasa puno ng bayabas bilang pagkilala sa kwentong ito.

Bago ka makarating sa tuktok kelangan mong akyatin ang 85 na steps na malawak na hagdaan o kung may sasakyan ka naman pwede kang dumaan sa steep (ngayon ko lang nalaman na DAHILIG ang tagalog ng steep ) sa likod ng simbahan.

Lagi kang may choice, ikaw ang bahala kung ano ang tatahakin mong daanan basta sigurado naman na kahit alin sa dalawa mararating mo pa rin ang destinasyon mo. Mas mahirap kung wala kang sasakayan dahil kelangan mong akyatin ang dahilig o ang hagdanan pero mas maapreciate mo ang ganda ng tuktok pag mas mahirap na daanan ang pinili mo. Pansin ko lang din ang mga taong mas mahirap ang pinagdaan sa buhay mas na-appreciate nila ang ganda ng buhay.

PS. Sinabi ko nga pala sa sarili ko na hindi ako babalik ng probinsya hanggat hindi ako nagiging milyonaryo. Baka next lifetime na ako makabalik doon. lol. napanood nyo ba yung bagong commercial ng mcdo? ang gandaaaa! (walang kinalaman sa entry ko. haha)

I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
Two roads diverged in a wood, and I—
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference
The Road Not Taken by Robert Frost

sta. maria, ilocos surnuestra senora de la asuncionbell towerbell tower 2si maria nasa bayabas

Photo Credits: Rick Tamayo, Joel Garcia

§ 25 Responses to Bahay Bayan

  • Nakapag-ikot na ako sa Ilocos Region nung nasa Pinas pa ako. Medyo active pa ako nun sa Photography Club at diyan kami nag photo op. Talaga namang napaka-ganda diyan. Ansarap kuhanan ng pictures ang mga simbahan. Masarap din ang pagkain. Hehehe. = D

    ‘Yun nga lang, pagod pagod sa byahe. Masakit sa pwet. *LOLz*

  • Joffred says:

    wow! new header! ngayon nlng ulit ako nkabisita dito. hehe

    i’ve never been in ilocos pero gus2 ko pumunta.

    mukha kasing mganda eh.

    teka. 220 ba na ang mga ilocano kuripot daw? wag ka maooffend pare ah.

    si Jof to!:p

  • azul says:

    c mama ilocana din sa la union aman cia pero ndi cia palamura at ndi rin mrunong lumangoy…wala lang may masabi lang.

    amen.

  • glenn says:

    ilocano rin kami ng tatay ko. ukinnayo amin. ahahaha

  • lio loco says:

    hindi ako matatas sa dayalektong ilokano pero nakakaintindi ako nang mangilan-ngilang salita dahil sa ilang taong pagtira ko sa baguio. at oo, kasama na run ang ukinnam. malamang, sa tuwing pumupunta ko sa vigan once in a blue moon nadadaanan ko ang bayan mo. nadadaanan ko nga ba? at may alaala ka rin pla sa puke ng inang sampaloc? sa sampaloc kami orihinal na nakatira at dito nabuo ang childhood memories ko. saka na lang kami lumipat ng probinxa nang mawalan ng bayag ang daddy ko. hindi kaya ikaw ung nakita ko noon na babyng nagpapakyu habang naglalaro ako ng bahay-bahayan sa kapitbahay namin? harhar!

    p.s. maganda nga ung commercial ng mcdo. panong hindi gaganda eh pamatay na eheads song ba naman gawing basehan at background?

  • popoy says:

    ewan ko kung nasabiko ito sayo fb, na isa ang ilocos sa pinakapaborito ko at ninanais kong mapuntahan na lugar/ prbinsya dito sa pinas. hindi ko alam pero kapag pinapakita ito, kung anong kalumaan at kapayapaan ang nararamdaman ko. nais ko din magtungo sa pagudpud at dun sa may windmill. gusto ko lang magphoto ops dun.lols🙂

    maganda ang simabahan, tiyak na maiibigan iyan ng aking ina dahil masyado yung relihiyoso🙂

  • yeye says:

    manong! hakhak

    wag mo na itry. hindi ikaw mermaid. si dugong ka. LOL. joke lang ferbie. peace mehn😀

  • Kris Jasper says:

    sabi nila ang mga taga ilocos daw eh, mmm… pano ko ba sasabihin to….

    yung mga taga ilocos daw eh… mmm….
    ayoko namang sabihing “kuripot”.

    Kwan daw, hindi masyadong magastos! yun!

  • dotep says:

    bok!

    bok din ba ang tawag sa tropa diyan sa ilocos?

    samin sa isabela bok eh…

    masasaya mga ilokano samin, malakas mang-trip ng dayo… ayaw magpasapaw… hehe

  • brotherutoy says:

    naku, kung ganun eh may pagkasyokoy ka pala.

    teka, parang mali.

    may pagkasirena ka pala, kokey.

    parang mali pa rin.

    anyway…

    napansin ko lang, puro tungkol sa tubig ang ngalan natin:
    Kapampangan- tao sa pampang ng ilog.
    Tagalog- taong taga-ilog.
    Cebuano (Sugbuanon) – taong tagatabing dagat.
    Maynila (sa may nilad) – sa tabi ng halamang tumutubo sa tabi ng dagat

    wala lang. nakwento ko lang.

    ngayon ko lang rin nalaman sayo ang tagalog word for steep.
    God bless!

  • ellieshe says:

    ukinnada !

    la lang..msabi lang n ilocano ako…nyaaahaha

    very informative, makasisid nga muna..hehe

  • Gilbert says:

    Isa ang Ilocos sa mga lugar na gusto kong bisitahin one of these days. Sana magkabudget ako.

    Salamat sa mga impormasyong inilathala mo. Matagal ko nang sinasabi ang ukinam, ngayon ko lang nalaman ibig sabihin nito…

  • Jericho says:

    wen manong! pareho pala tayong sumisisid. iba nga lang ang sa akin.. lol

  • samjuan says:

    Nadaanan namin yung sinasabi mong simbahan sa may burol! Di nga lang namin napuntahan noon. Naku, babalik ako sa Ilocos balang araw at sasagarin ko na hanggang pagudpud.

  • Aiko says:

    una sa lahat, nakakaloka ang header mo ang gulo, nakaka-distract sa pagbabasa. ahahaha.

    neway…

    hindi naman daw kuripot ang mga ilocano, mahilig lang mag-ipon at hindi gumastos. ahahha.

    pwede bang mag-picture sa loob ng simbahan?

    yung ate kong nasa manila, pupunta ng Vigan, malapit ba yun sa inyo? saan ang Vigan? ako lang ba o parang vagina na kulang ng A ang spelling ng vigan… gusto ko rin pumunta dyan at matuto sumisid. dyesebel ka pala… tsk.tsk.tsk.

    kapag milyonaryo ka na at babalik ka na sa ilocos chaka na ko sasama, siguro naman may private jet ka na non. masakit sa pwet mag-roadtrip ng ganon katagal. ahahaha. j/k.

    sasama ako kahit wala ka pang private jet, basta maganda ang banyo. ahihih.

    -Aiks.

  • abou says:

    wala akong alam sa ilokos. ang totoo nyan, wala akong alam sa geography.

  • utakmunggo says:

    KABAGIS!! anya ti sida yo?
    etchas. tama ba yon. haha.
    ako lang yata ang ilokanong pwede ibenta sa ilocos dahil sa katangahan ko sa lengwahe. naalala ko dati kapag ini-ilocano na ako ng tatay ko alam kong galit na galit na siya at umiiyak na ako kasi hindi ko alam baka pinapalayas na niya ako or something chenes chenes ganyan ganyan. pero sakto na siguro na mahilig ako sa pagkaing ilocano at magaling rin akong magluto ng pakbet.

    lol. maitim rin ang tatay ko, at kuripot pa. tatak ng ilocano ang kuripot diba? wen ah.

    halos dalawang dekada na rin akong di nakakabalik sa ilocos. (at ako’y titigil na baka mabisto pa edad ko ang lakas pa naman ng pang-amoy mo)

    ps. palagay ko ilocano rin si sarge nung past life.. kasi magaling ring… ah wala. erase erase erase..

  • Meryl says:

    Medyo nagulat naman ako habang binabasa ang entry mo, napakainformative, akala ko nasa ibang site ako. Buti na lang at may mga mura akong nakita, at alam ko, sure ako na kokeymonster nga ito. Hahaha.

    Sama din ako paguwi mo, pakilala mo na ako sa mga kamag-anak mo. Yiheee. Hahaha. Shet yan. Pero seryoso hindi pa ako nakakapunta dyan. Parang ang ganda.

    At ang ganda nga ng commercial ng McDo! Awww.

    Akala ko ngayon ang sunod na pedkest?

  • McRey says:

    WOW EFBEE!!!

    Ang ganda sa iyo!!!

    At ang ganda rin ng image gallery mo ah!!!

    Napanood ko na rin yung sa mcdo, tang ina nakakabad-trip!!! Nakkaines!

  • jeniffer says:

    I have a friend who is ilocano too.. kuripot nga bang talaga ang mga ilokano? hmmp..ang vigan ba ay sa ilocos medyo mahina ako sa mapa.. hehehe..

    kaya pala dark ang color ng friend ko.. lagi xa tinatamaan ng araw..🙂

    Join the senior bloggista campaign.. visit http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details..🙂

  • kamotenista says:

    wow ang galing mo talaga. una tatawa ka na wala lang kasi trip lang ang umpisa ng istorya pero eventually mari-realize mo kung ano ba talaga ang laman nito.naalala ko tuloy yung movie na Finding Forester ata yung title nun…not sure.

    great story ferbert!

  • lei says:

    ah. un pala ung meaning ng ukininam.. pucha, ung clasm8n ko nung elementary un lagi ang sinasabi eh. lol.

    ilocano ka pla. gaya ng tanong ng nauna sa aking magcomment.. kuripot nga ba ang mga ilocano? ikaw lang makakapgprove nyan. haha. =)

    mukang mganda ung mga sinasabi mong lugar.. sana makapunta kmi. hehe. swerte ka may probinsya ka. kami wala eh. waH!

    p.s
    talagang hnanap ko pa sa utube ung commercial na cnasabi mo. astig nga. haha. eheads fan k pla talaga. lol. =)

  • Yanah says:

    matagal ko ng gustong makapsyal sa ilocos. hindi alng matuloy-tuloy.. pag umuwi ako ng pinas, ill make sure na makaikot ako sa buong ilocos..😀

  • napanood ko na yung mcdo commercial na yan… nung first time kong napanood siya bigla kong namiss ang e-heads ulit…

    isa lang ang salitang ilocano na alam ko… hmmm…. lintek nakalimutan ko pa… ano nga ba sa ilocano yung kain? cheers;p-glesy the great

  • Lez™ says:

    ilokano ka met gayam..

    Napunta na rin ako dian sa ilocos dati mga 2007 ata un, sa Santiago ata un, ok ung mga bitches,ay!mali!beaches pala.. panalo ung lugar,malinis ang dagat..

    ukinnana!sarap ng pinakbet ng mga ilokano! panalo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bahay Bayan at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: