ROAR-eo and TWIT-liet

January 26, 2009 § 36 Comments

Hinahangaan ng lahat ang Tigre; sunod sa leon ang tigre ang pinakamalakas na hayop sa kagubatan -Ang syang maaring pumalit sa kanyang pwesto pag namatay ito. Sa kanyang kulay itim at kahel na balahibo, mga matang mababagsik, nakakagimbal na sigaw at kakayahang humuli ng kanyang pagkain, pangarap ng ibon na maging isang tigre. Maging sing lakas at tikas ng halimaw na ito.

Sa kabilang banda ang Tigre’y nais lumipad, kakayahang hindi sya pinagpala. Gusto nyang ikampay ang kanyang pakpak at liparin ang malawak na kalangitan. Ayaw nyang katakutan, nais nyang mawala ang kanyang pangil, hindi nya gustong magimbal ang kagubatan sa kanyang sigaw… ibig nyang sya’y purihin sa kanyang huni tulad ng ibon na kinagigiliwan sa kanyang pag-awit.

Dalawang nilalang na magkaiba. Ang isa’y nasa itaas ng food chain habang ang isa’y itinakdang lapain ng kanyang hinahangaan. Hindi sila pwedeng magsama, hindi sila magkatulad. Walang patutunguhan ang kanilang pagkakaibigan. Itinago na lang nila ang paghanga sa isa’t-isa at nagpanggap ang ibon na takot ito sa tigre at ang tigre sa ayaw at sa gusto nya ay tinakot ang ibon. Habang sa likod ng lahat ng ito’y ang nararamdaman na paghanga sa isa’t-isa.

Takot ipahayag ang paghanga, duwag at hindi makayang ipahiwatig ang nararamdaman. Isang gabi sa isang madilim na parte ng kagubatan nagkantutan ang tigre at ang ibon hiniling nila kay Bathala na palayain sila sa sumpa at hayaan siang mamuhay na hindi tataas ang kilay ng kapwa nila hayop sa kanilang nararamdaman. Kinabukasan nakita silang nakahimlay, pareho ng walang malay. Sinalungat nila ang batas at kapalit noon ang kanilang buhay, hindi pwedeng magsama ang dalawang hindi makawangis na nilalang. Namatay ang ibon sa bisig ng tigre at ang tigre’y namatay katabi ng kanyang hinahangaan.

Matagal na panahon na ang lumipas ng tumubo ang dalawang halaman sa lugar kung saan nakahimlay ang ibon at ang tigre. Pinangalanan nila ang dalawang halaman ng Tiger Lily at Birds Of Paradise pagkilala sa dalawang nilalang na sinalungat ang batas at binigay ang buhay para magpakatotoo sa nararamdaman.

Maaring Tigre at Ibon tayo ngayon, magkasalungat at hindi itinakda para sa isa’t isa. Pero baka sa susunod na panahon maging halaman din tayo at maging malayang ipahayag ang nararamdaman at maari ng mag-ibigan.

I’m Lovin’ It

January 14, 2009 § 39 Comments

Pare napanood mo ba yung commercial pare?

IKR izzo kewl dude!

Hell Yeah! I was looking na nga sa vid nun sa youtube for like decades na pare.

Oh yeah pare yer right pare it’s so hard to find copy nung favorite commercial ko pare.

Pero dude you know i checked youtube kanina lang and guess what pare it’s like amazing race like amazing like that and someone uploaded it na.

Oh geez! Dude gimme the link pare like that’s my favorite commercial, I’ve never panood a palatastas sa tv like that pare.

Oh ayan na pare! Enjoy mo panonood pare.

OO lahat na lang nagkakagulo sa bagong commercial ng mcdo na unang pinalabas noong sunday, bukambibig na ng marami. Nararamdaman kong parang nagiging Marian Rivera na yan at Twiligt. Overrated Pare! Pero pucha naman ang ganda naman talaga nung commercial. Biruin mo kakapalabas pa lang sa tv nai-upload na agad yun sa youtube hindi tulad nung commercial ni Papa Piolo na inabot ng buwan bago maiupload sa video sharing site na yun.

First love pare! Sino ba naman hindi maaliw sa temang yun? Nakwento ko na sa inyo yung first gelpren ko na wala man lang kangkangang nangyare. Trese ako nun wala pa akong alam sa makamundong bagay pero kung nakapag-antay lang sana sya ng isang taon baka may nangyare samin, katorse ako nung maranasan ko ang malalanding bagay-bagay. ahihi

Grade 1 ako nung nakahalik ako ng babae, kaklase ko sya. Recess, tapos naglalaro kame at nadapa sya sakto sa mukha ko, ayun laplapan galore. Joke lang syempre simpleng dantay lang ng labi nya sa labi ko pero matagal na pagdantay. Walang syang reaksyon samantalang ako nahihirapan na kase ang laki ng balakang nya, napakabigat tapos nag-bell na ayun balik sa classroom na parang walang kalandiang naganap bukod sa panunukso ng mga kaklase namin. Hindi masarap ang first kiss ko wala man lang akong naramdamang kuryente o libog o kung anong pwede mong maramdaman pag kahalikan mo ang iniirog mo.

10 years old naman ako nung may magustuhan akong babae, kaso yung gusto ko gusto din ng kaibigan ko. Seatmate ko yung babae lagi nyang kinukuha yung kamay ko saka nya sya ilalock ang mga daliri nya sa daliri ko. Magkaholding hands kame habang nagkaklase. Ewan ko lang ah pero feeling ko minamanyak nya ako nun. Bwahaha! So ayun minahal ko sya ng patago, sabi ko pag tinuli ako liligawan ko sya. Pero hanggang ngayon tuli na ako’t lahat hindi ko pa rin sya naliligawan. Hanggang ngitian na lang kame pag nagkikita. Nawala na rin yung pagmamahal ko sa kanya. Nakalimutan ko na nga sya eh kung hindi lang sa commercial ng mcdo na yan hindi ko pa ulit sya maalala.

Pansin ko pwede ding pang motel yung bagong commercial ng mcdo eh. Palitan lang yung ilang eksena at background music ng Careless Whisper imbes na Ang Huling El Bimbo.

tuwing pumupunta ako dito naalala ko ang lahat parang kahapon lang..

parang ang tagal na naming magkakilala…

yung mga gusto kong posisyon gusto din nya…

tapos biglang..

at kahit hindi rin naging kame sa huli… Sya pa rin ang 1ST TIME ko

Bahay Bayan

January 12, 2009 § 25 Comments

Ipinangak ako sa probinsya ng Ilocos Sur; ang probinsya na tabako ang pangunahing produkto at tinuturing puting ginto ang bawang. Kaya ako naninigarilyo para suportahan ang produkto ng probinsya ko (napakawalang kwentang rason). Nung 4 months old ako tumira kame sa Sampaloc dahil nasa kolehiyo na noon ang panganay namin pero nung namayapa ang aking Ina bumalik kame sa probinsya. Doon na ako nagkaroon ng isip at lumaki tas every 2 weeks na lang kame lumuluwas ng maynila, mura lang ang pamasahe noon nasa 100-170 pesos, toddler lang ako kaya kalahati lang nun ang pamasahe ko ngayon anim na raang piso na ang pamasahe mula Maynila papunta sa kinalakhang bayan ko. Nagtaasan na ang lahat, height na lang ni Pangulong Gloria at ni Mahal ang hindi tumaas.

Ang salitang Ilocano ay galing sa salitang “I” (galing) at Looc (dagat) so ang mga Ilocano ay taong nanggaling sa dagat. Patunay na kame ay mahilig sumisid at kahit anong pwedeng sisirin tulad ng perlas sa kalooban ng babae ay sinisisid namin. Hindi ka naniniwala? gusto mo sisirin kita? LOL! Kung nanggaling sa dagat ang mga Ilocano baka kame ay kalahi talaga ni Dyesebel na ginantimpalaan ni Poseidon ng mga paa dahil umibig ang unang Ilocano sa tagalupa. Kung natuloy ang plano ni Marcos na magpatayo ng sariling republika sa Ilocos Region matapos syang mapatalsik sa Malacanang malamang yung kanta sa Little Mermaid ang anthem namin, isipin nyo na lang pati kameng mga kalalakihan bibirit ng Wish I could be part of the wooooooohhhrld.

Titignan ko mamaya pag nilubog ko ang ulo ko sa tubig ng sampung minuto at kung tutubuan nga ako ng hasang malamang totoo nga ang teorya kong dating merman/mermaid ang mga Ilocano. Kung hindi rin ako naging matagumpay dito pakicontact na lang ang kapitbahay kong si Damdam dahil baka binuburol na pala ako hindi nyo pa alam.

Isa sa pinakamahirap aralin na dialect ng Pilipinas ang dialekto namin ayon sa isang article na nabasa ko. Tip lang basta alam mo ang salitang “Ukinnam” nabubuhay ka na sa Ilocos, katumbas yan ng Putangina mo sa tagalog. Uki (kepyas/puke/pekpek o kahit na ano pang tawag mo sa pag-aari ng babae) Innam- (nanay mo). Walang topic na hindi pwede yan isali kahit sa pagpapakilala mo sa sarili mo, habang kumakain ka pwede mo yan sabihin. Mahilig magmura ang mga Ilocano putanginang yan.

Mainit din ang lugar namin, direktang tinatamaan ng araw kahit na hindi naman nasa Equator ang mismong lokasyon ng Northern Luzon, kaya kahit na nalahian ng Itsik ang tatay ko at Kastila ang nanay ko ang kinalabasan naging maitim pa rin ako. Kulay na angat sa mga tropa ko dito sa maynila dahil kapag kasama ko sila at tirik na tirik ang araw kitang kita ako samantalang pag gabi nagiging invisible ako. You can’t see me. awoooh

Ang pangunahing atraksyon ng hometown (Sta. Maria, Ilocos Sur) ko ang Nuestra Señora de la Asuncion isa sa walong UNESCO world heritage site ng Pilipinas. Itinayo sa tuktok ng burol. Dati daw sa baba ng burol ang simbahan pero ayon sa isang legend nawawala palagi ang rebulto ng patron at natatapuan sa may puno ng bayabas sa may burol at doon na itinayo ang simbahan mula noon. Sa tabi ng pintuan may imahe ni Mother Mary na nasa puno ng bayabas bilang pagkilala sa kwentong ito.

Bago ka makarating sa tuktok kelangan mong akyatin ang 85 na steps na malawak na hagdaan o kung may sasakyan ka naman pwede kang dumaan sa steep (ngayon ko lang nalaman na DAHILIG ang tagalog ng steep ) sa likod ng simbahan.

Lagi kang may choice, ikaw ang bahala kung ano ang tatahakin mong daanan basta sigurado naman na kahit alin sa dalawa mararating mo pa rin ang destinasyon mo. Mas mahirap kung wala kang sasakayan dahil kelangan mong akyatin ang dahilig o ang hagdanan pero mas maapreciate mo ang ganda ng tuktok pag mas mahirap na daanan ang pinili mo. Pansin ko lang din ang mga taong mas mahirap ang pinagdaan sa buhay mas na-appreciate nila ang ganda ng buhay.

PS. Sinabi ko nga pala sa sarili ko na hindi ako babalik ng probinsya hanggat hindi ako nagiging milyonaryo. Baka next lifetime na ako makabalik doon. lol. napanood nyo ba yung bagong commercial ng mcdo? ang gandaaaa! (walang kinalaman sa entry ko. haha)

I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
Two roads diverged in a wood, and I—
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference
The Road Not Taken by Robert Frost

sta. maria, ilocos surnuestra senora de la asuncionbell towerbell tower 2si maria nasa bayabas

Photo Credits: Rick Tamayo, Joel Garcia

Rurok

January 2, 2009 § 65 Comments

Ang tulang to ay hindi para sa makikitid ang utak. Kung pavirgin ka at nagpapakonserbatibo kuno nakikita mo yung red box na may X sa gilid ng window mo? click mo yun. okay

akda nina: Mariano Juancho, FerBert Bautista Heneroso Bistokya, Utak Munggo at PB

Nakapinid ang aking pintuan
nananabik sa iyong pagkatok
hawiin mo ang ulap at ang alabok
sa mga halik mong nakakahayok
handang pawiin ang yong uhaw at alinlangan
handang bumigay sa yong pangangailangan
handang i-alay ang sarili sa malikot mong mga kamay
handang sulitin bawat segundong hiram
suyurin ang lalim
amuhin ang hiyas
himasin ang matatayog na bundok
pigain ang bawat katas

Mainit at malagkit, pinagpapawisan ng malamig
Hinahabol ang hininga, naglalaway sa tuwina
dinakma, kinapa, hinimas biglang tumigas
at sa pagitan ng hita parang delubyong umaagas
nilalagnat yata ako at alaga ko’y umiigkas
sumasakit ang itlog may gustong ilabas

Ngayong gabi akin yang alaga mo
susuyurin ko ang kalaliman ng kepyas mo
at sisiguraduhin ligtas sa mga kamay ko
ilang daliri ba ang kasya sayo?
o baka naman isang kamao ang swak dito
kung gusto mo pwede ko din ipasok ang buong ulo
sama mo na ang balikat hanggang braso
sa kalooban mo’y doon ko gustong magtago
ibalik mo ako sa sinapupunan ohhhh!!!
at angkinin ang katawan mong pinagpapantsyahan ko

Isubo mo na lang masasarapan pa tayong pareho
sana’y tagalan mo ang pagsubmarino
upang ang sakit kong ito’y tuluyang maglaho
sige lang galingan mo mamaya ikaw nama’y sisisirin ko
sige pa at bilisan ang pagkabayo
malapit na.. ayan na.. bubulwak na sa bunganga mo
puting likidong puro at dalisay
mainit at malagkit. lunukin mong mabuti

Isubo mo! isubo mo! isubo mo ang sandata!!!
pati kaluluwa ko’y sasanib sayo
isubo mo! isubo mo! isubo mo ang sandata!!!
halikan ang ulo pati ang itlog
upang mata mo’y tumirik sa tuwina
ang sarap ng bunganga mo.. putangina mo ka!
supsupin nang supsupin, at katas koy iyong himurin
wag mag tira, hanggang ikaw ay kabagin

Gawin mong lollipop ang aking titi upang langit ay marating
na ang langit ay mag sisilbing bagong tambayan
paniguradong di na nanaising umuwi sa inyong bahay
titirahin kita sa inyong bahay, ikaw ang gagawin kong buhay

Papasukin ang kwebang pinagmulan ng tao
ihatid mo ako sa langit kong gusto
kakantutin kita hanggang marating mo
ika-pitong gloriang inaasam-asam nating pareho.

Ungol mo sa magdamag ang gawin nating tugtugin
ang puke mo naman ang aking tutuhugin
at igiling ang katawan na parang si luningning

Ipakikilala kita sa lahat ng posisyon
at patatagalin natin ang kantutan na parang prosisyon
dogstyle, 69, cartwheel at missionary
tatalbugin naten ang kamasutra gamit ang ating init
marami pang iba, basta go lang sa aksyon!
helicopter, mermaid, reverse cowgirl at python
lahat nang yan ay gagamitan ko ng mahiwaga kong baston
at paniguradong di magsasawa sa ganitong adiksyon
basta’t susundin mo ang isang kundisyon
mahalin mo akong tunay,wagas, hindi nauubos parang balon

Happy new Year sa lahat!

Where Am I?

You are currently viewing the archives for January, 2009 at Kokey Monster.