Auld Lang Syne

December 29, 2008 § 25 Comments

Nung nakaraang bagong taon lang ako nakapagpaputok. Sanay na akong paputukin ng ibang bagay at magpalabas ng likido na tiyak na ikakatuwa ng mga bakla. Ipinagbawal sakin ang mga paputok, bukod sa hikain ako lagi din akong nanonood ng new year special ng Magandang Gabi Bayan nuon ni bise presidente Noli De Castro. Madalas kong makita ang duguan at mukhang sigsig na mga kamay at mga bagay bagay na parang sa horror movies mo lang makikita o kaya sa slaughter house – Yummeh.

Isang beses lang akong nagpakasaya sa watusi, bumili ako sa tindahan, pinaglaruan, nahuli, pinagalitan at dahil isa akong mabait na bata na kulang na lang tubuan ako ng halo at pakpak sinunod ko naman ang utos ng nakakatanda. Pero last year dahil matanda na din naman ako, hindi ko alam kung ano nagtulak sakin para bumili ng paputok. Sa loob ng labingsiyam na taon ko sa mundong ibabaw noon lang New Year 2008 lang ako nakapagpaputok- wala naman nangyare saking masama, nakakapagblog pa ko. kumpleto pa ang mga daliri ko, at madami pang malalamas at mapapaligaya ang mga daliring ito- Salamat sa Dyos.

J
anuary 2 noon hindi ko pa naeenjoy ang bakasyon pinagduduty na kame sa isang ospital, nagbabakasyon pa rin ang diwa ko noon- tinamad ako (ano pa nga bang bago) pero dahil new year pinilit ko na lang pumasok. Pinilit kong magbago, nakarating ako sa ospital saka ko na lang nareceive ang text na wala kameng Clinical Instructor. Kung kelan ako sinipag saka naman mawawalan ng saysay ang kasipagan ko.

Abril noong nagpagdisisyunan kong tumigil muna sa pag-aaral. Nasa gitna ako ng operating room at taga assist sa mga doctor, naisip ko na lang na hindi ko kakayanin ang buhay na ganito. Masaya ang kursong nursing kaso hindi na ako naging masaya noon. Ayokong mabuhay na sinusunod ang gusto ng pamilya ko sakin, gusto ko ako naman ang masunod ngayon. Tinawagan ko ang ate ko’t umiiyak ako’t humingi ng patawad. Sayang daw ang utak ko. Alam kong hindi nila maiintindihan ang dahilan ko, pati din siguro kayo. 32 units na lang BSN graduate na ako. Tanga? Ayos lang mabuti ng maging tanga kesa makulong sa isang bagay na alam mo naman hindi ka magiging masaya. Pero next June balik sa eskwelahan na ako pero sa pagkakataong ito hindi nila ako madidiktahan kung ano ang dapat kong kunin, may sarili akong mga paa at ibang direksyon ang gustong kong tahakin at kung magkamali man ako sa pagpili ko ng daanang tatahakin sisiguraduhin kong matututo ako dun at nakangiting haharapin ang kamaliang iyon.

Aksidente! Aksidente lang ang domain ko, wala akong balak magkaroon ng domain. Nag-eenjoy na ako dati sa Tanginang-Alien.Blogspot.Com. Nabisita ko lang ang isang website ayun napabili ako na hindi man lang nagdadalawang isip- Ganun ako kung ano naiisip ko ngayon gagawin ko kung ano man mangyare kinabukasan bahala na. Pagkabili ko ng domain pinagsisihan ko sya, tingin ko kase isa lang syang kapritsuhan sa buhay, mabubuhay pa rin naman ako na wala ito, hindi naman sya physiological needs ng tao. Pero andyan na eh, sayang naman kung hindi ko mapakinabangan. March 14, 2008 nagbukas ang kokeymonster.com

Ilang Disgrasya din ang nakasangkutan ko ngayon taon. Muntikang mamatay dahil sa motorsiklo. Naospital din ako dahil sa typhoid- at mula noon isinumpa ko na ang ospital. Kung magkakasakit man ulit ako hindi ako magpapaconfine, pakiramdam ko unti unting nababawasan ang oras ko sa paglalagi sa lugar na iyon. Madami pa akong kinasangkutang disgrasya pero tignan nyo naman hanggang ngayon buhay pa rin ako. At least responsable ako, maaring lapitin nga ako ng digrasya pero alam ko kung paano hindi madisgrasya ng babae at makabuo ng anak sa pagkabinata.

Nagmahal, nasaktan, napakanakit, nawalan, iniwan. Dalawang babae ang inibig ko ngayon. Sinaktan ako nung una, sinaktan ko naman ata yung ikalawa. Naging halimaw sa banga at lumaya na ng tuluyan ang adarna. Namatayan ng lola, nawalan ng isang kaibigan. Iniwan ng mga taong pinagkakatiwalaan. Madrama ang taon na ito sakin pwede na nga akong magsulat ng liham ngayon at ipadala kay Ate Charo para ipalabas ang talambuhay ko sa Maalala Mo Kaya. Pero baka hindi din ipalabas dahil haharangin yan ng MTRCB, madami sex scene eh.. ahihihi

Ngayon taon din na ito napagdisisyunan kong magpakita sa kapwa blogista, ayoko talagang magpakita noon dahil gusto kong maging Batman; may misteryo sa pagkatao. Pero enjoy kasama ang mga bloggers at mas palagi ko na nga silang kasama kesa sa mga offline friends ko. Kung may blog events man at may makita kayong hawig ni Jomari Yllana na matabang lalake, lapitan nyo baka ako na yun. Lagi lang ako sa blog events. Kung may makita man kayong nagwawala sa dancefloor baka ako na yun o kung may isa kayong makitang malaking mama na hindi masyadong nagsasalita samantalang yung mga kasamahan nya eh madadaldal baka ako din yun.

Enjoy ang blogosphere, madami din naman siguro akong napupunang hindi magaganda dito pero dahil na rin sa mga kakilala at naging kaibigan ko na blogger eh ayos na din yun. Pansin na din ng ibang tao ang ebolusyon ng pagsusulat ko parang pokemon lang. Dati-rati’y balahura ako magsulat, tinuringang porn blogger pero unti-unting nagbago iyon. Nagmature daw ako sabi nila ang sabi ko naman hindi rin, nawalan lang talaga ako ng sexlife.

P hilippines’ 3rd Best Humor Blogger.
Ang pagkapanalo ko sa project lafftrip laffapalooza ni Bossing Badoodles ay isa sa mga pinakamasayang experience ko sa blogosphere. Kahit papano sa isang taong mahigit kong blogger ay may maipagmamalaki na ako at ihaharap na napakagandang trophy sa magulang ng mapapangasawa ko. Pinakakita sa The TEN show ng TV5 Channel ang resulta, may screen caps ang kokeymonster.com- buti pa ang blog ko pinakita sa TV samantalang ako hindi. At muli, salamat sa lahat ng sumuporta at bumoto sa akin noon. Nasabi ko na ba na mahal ko kayo? sa sobrang pagmamahal ko sa inyo willing akong gawing nyong sex slave, latiguin at ipagawa sakin ang iba’t ibang position sa kamasutra.

Kasama ko sina Damdam at Lethalverses habang sinusulat ko to, nasa starbucks greenhills kame alas dos ng madaling araw. Nagkaayaan, wala sa plano, Biglaan lang. Nothing is certain in this world sabi nga ni Damdam habang nagtatalo sila ni LV. Agree ako dun, hindi naten alam kung anong mangyayare mamaya o bukas. May mga nangyare ngayon taon na ito na hindi ko inakala, hindi ko plinano at yung iba ako mismo ang gumawa ng desisyon. Tinatanggap ko ang mga posibilidad na pwedeng mangyare next year. Pero sasalubingin ko ang bagong taon na puno ng pag-asa kung hindi man masyadong naging maganda ang 2008 para sakin baka sa 2009 naman ang taon ko na.

Iiwan ko sa inyo ang isa sa pinakapaborito kong entry ngayong taon na ito na pinagpapasa-pasahan sa ibang blog; SAYO LANG ANG KALIBUGAN KO

Huling entry para sa taong ito! Goodbye 2008, Hello 2009! Happy New Year!

§ 25 Responses to Auld Lang Syne

  • utakmunggo says:

    nawalan lang ng sex life eh naging mature agad? hihihi

    nasayangan ako sa 30-something units. parang isang utot na lang yun eh. haaay.. pero tama ka. it’s your life and you should be at the helm. hindi pwedeng ang kapitan ang maglalampaso ng deck ng barko.

    asan na yung ni-mention mong poem na part2 ng “kalibugan”.

    pasumbong ah. alam mo, supladita tong blog mo saken. may mga araw na ayaw niyang magbukas. kelangan pa yata ng vaseline eh. hihihi

  • Gilbert says:

    08 has been good to us all. Happy New Year Efbee!!!

    Paborito ko ring post mo yang tulang yan… Sikat yan sa office namin!!!

  • kuri says:

    HAPPY NEW YEAR FROM ME, WIFEY and LILO!

  • ifoundme says:

    happy new year to all of us!

  • mcrey says:

    Yeah naman! Happy New year FB!!!

    Wahahaha, sayang hindi kita nakita dun sa Taste Asia, tinamad kasi ako pumunta eh… wahahaha!!!

    Kadiri parang ayoko na tuloy kumain ng sisig…

  • PIlar says:

    happy new year!!!😀 goodluck sa next year!:)

  • Tanga? Ayos lang mabuti ng maging tanga kesa makulong sa isang bagay na alam mo naman hindi ka magiging masaya.

    sobrang naisip ko din yan kaya hindi ko pinagpatuloy ang bsn at nag bs psych. . .

    at oo…kelangan kong balikan ang mga nangyari ng 2008…though ang s*cky ng dating nya sa akin….

    sana hapi an nuyir mo efbee…. payakap! Godbless

  • ron says:

    i applaud you for standing firm on what you want to do with your life. most people lacked the courage to do that to puruse their personal legends🙂

    and dami mong experinces ngayong 2008…at tiyak they will equip you for next year and the years to come🙂

    happy new year!

  • lio loco says:

    i’m with you, parekoi. hindi dapat tayo dinidiktihan ng kung ano at hindi natin dapat gawin. hahaha! putanginang gago ka talaga! panalo ung punung puno ng kalibugang tula mo. tinitigasan ako. lol! hapi new year kokeymonster. looking forward to more green, idiosyncratic posts from you. *kampay sabay tagay*

  • lethalverses says:

    woo!!

    ayun o si idol efbee!! sa wakas, after 6 months, nakita ulit kita parekoy.

    oo nga, dabest ang tulang yun – syet, tinitigasan ako.

    at hanggang sa uulitin bossing. happy new year saten.

  • Ayiene says:

    kuya efbeeeeee! happy new year. magiisang taon na rin tayong magkakilala. hahaha.

    i remember it all as if it was yesterdayyy..
    yung kinwento mo sa akin yung love life mo.. tapos kinabukasan, may kinwento ka ulit, sabi mo natauhan na yung gf mo nun. nagulat ako talaga nun. hahaha

    ingat parati.

  • Meryl says:

    Basta kung anong landas man ang feel mong puntahan eh andito lang ako. Forever na mambabastos at mambabalahura sa pagkatao mo.

    Sweet no?

  • samieboi says:

    new year new life new you para sa ating lahat.🙂

    masaya ako na “nakilala” kita at yung iba pa kahit paano dito sa “online world”. next agenda ko sa realidad na talaga ko kayo makikita ehehehe🙂

    enjoy mo lang ang buhay efbee but still be responsible. at totoong wag mo hahayaang madiktahan ang buhay mo ng gusto ng ibang tao, mahirap makulong sa hindi mo gusto dahil balang araw gigive up ka din😀

    wishing you all the luck next year😀

  • Kris Jasper says:

    Hey Mike! Hapi new year!

    Mabuti na lang at di ka nag-aasist sa circumcision op nung na-realize mo na ayaw mo sa nursing.. kasi parang kawawa naman yung patient kung bigla kang nag-walk out.
    🙂

  • Fred Thirst says:

    nice naman tol..nursing grad din ako kaya lang nakokonsensya ako na di magtuloy tutal may license na kea tloy ko na lang…

    maari ngang matatali ako sa mundo ng nursing pero siguro darating din tym na mgagawa ko din ang gusto ko- ang pagkanta at pagsusulat..

    pagpatuloy mo lang, inspirasyon ka sa mga tulad ko..hehehe.. mga first time blogger..sana maabot namin ng fren kong si lio loco ang naabot mo bilang blogista

  • coldman says:

    happy new year efbee!

  • ced says:

    happy new year utol!
    anung resolution? hmmm…

  • Jericho says:

    happy new year FB. JOmari yllana talaga ha .. hehehe.😉

  • eloiski says:

    happy new year!
    late man late pa rin!

    welcome 2009!

    hakhak!
    ang dami naman pala nangyari sayo nitong nakaraang taon
    at pinakdabest na ata dyan eh yung pagkapanalo mo!
    naks!

    joamri yllana ba kamo?
    owwwwsss? hekhek

    masaya nga talaga ang blogosphere at wala akong masabi, mas marami na nga ata akong blog friends kaysa offline! hala!

  • Dansoy says:

    May pahabol pa na blog. Kung ganun ikaw pala talaga ang hari ng kamasutra.

    Bilib naman talaga ako sau fB. Sa isinulat mu ngayon sa tingin ko gaganda na ang 2009 mu.

    Api new year.

  • HAPPY NEW YEAR!

    NAKAKATUWA NGA MGA ENTRIES MO DITO.

    AYII!

  • lei says:

    happy new year kuya efbee!!

    oh! talagang binasa ko to mula umpisa hanggang dulo. ganyan kita kamahal. lol.

    Ok lang kahit madrama etong 2008, at least makulay rin naman kahit papano dba? hehe. pero gaya nga ng sabi ko.. late lang kitang nakilala, pero kung maaga taung nagmeet dito sa blogsphere, kuha mo boto ko. lol.

    ung 32 units. napakalaking sayang. sana bago ka nagshift tinapos mo muna.. at least may natapos ka munang degree diba? pro.. its your choice so let it be. =)

    tc.

  • janus says:

    waw bago lang pla tong domain mo! hehe.. sa akin nagsara na. haha. mag iisang taon na sana!

    happy new year! cheers!

  • beero says:

    happy new year lil bro! natapos din ang 2008. hehe. maraming ngang nangyari pero andito pa rin tayo patuloy na nagkukulitan sa blogosperyo. more power sayo at sa blog mo!

    nakaka-mature pala pag alang sexlife. bat ako parang indi nagmature. lols.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Auld Lang Syne at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: