Cidex & Autoclave

December 22, 2008 § 34 Comments

Binuksan ang shower at hinayaan mabasa ang buong katawan. Tumulo ang tubig sa mukha ko pababa hanggang paa. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa aking hubad katawan ay ang pakiramdam na sirang-sira na ang kinabukasan ko. Masakit ang balakang, may mga kalmot ako sa likod. Wala akong maalala, inaamin kong nakainom ako ng beer. Malakas akong uminom hindi ako basta-basta mapapatumba, kahit nakahiga kaya kong uminom. Ang tanging naalala ko lang ay bigla akong nahilo at naging malabo na sakin ang sumunod na eksena. Ang dumi dumi ko, binaboy nila ako, inabuso nila ang aking katawan at kinuha ang aking virginity- Ulul! naglinis ka lang ng kwarto at banyo hindi ka ginahasa, feelingero ka!

Payatas ang kwarto ko, tambak ng mga kung anu-anong gamit, may mga handouts at kung anong papel na nagkalat, mga balat ng candy at mga chichirang pinapapak habang nanonood ng tv at nag-iinternet. Naghalo ang malinis na damit at marurumi. Amoy pabango, tamod at pawis.

Ayaw na ayaw kong maglinis ng kwarto -mali. Tamad lang pala akong maglinis ng kwarto. Ang ayoko ay mamalantsa ng damit, ilang uniform at damit na ba ang nasunog ko? Paglabahin mo na lang ako ng underwear mo basta wag mo lang akong uutusang mamalantsa. Mas okay pang maglaba at paglaruan ang mga bula at habang kinukuskos ang damit ay kakanta ng labadami labango na hango sa commercial ng sabong panglaba noong kabataan ko.

Pag timaan ako ng topak saka lang ako naglilinis ng kwarto, mga every 3 months yun maswerte na kung sapian ako ng espiritu ni Mr. Clean at linggo linggo akong maglinis ng kwarto. Wala akong topak ngayon kailangan ko lang talagang maglinis dahil hinahanap ko ung USB ko. Pakalat kalat lang yun tas kung kelan mo naman kelangan saka naman sya biglang madi-disappear. Parang fling lang na kung di ka taglibog eh lalandiin ka samantalang pag tigang na tigang ka naman eh saka na lang biglang mamawala.

L’essentiel est invisible pour les yeux (The Essential is invisible to the eye) The Little Prince

Kung kelan mo sya kailangan saka mo naman sya hindi mahahagilap. So kalkal ako ng kalkal sa mga boxes dito sa kwarto, tignignan ko na rin sa cabinet baka sakaling nandoon saka sa refrigerator kase nung minsang mawala ang cellphone ko nakita ko sya sa ref -nagpapalamig siguro. Hindi ko nakita ang hinahanap ko. Wala sya, baka kinuha muna sya nung mga characters sa libro ni Mary Norton na The Borrowers. Sa kakahanap ko iba ang nakita ko, saka ko na lang siguro ikwekweto kung ano yung nahanap sa next entry ko.

Dahil nag-christmas vacation muna ang espiritu ni Juan Tamad at pansamantalang nilisan ang katawan ko, naglinis na din ako ng banyo. Minsan lang ako sipagin kaya nilubos-lubos ko na. Ayun pagkatapos kong maglinis pakiramdam ko ang dumi dumi ko at kung pwede lang akong maligo sa cidex solution at i-autoclave ang sarili ko baka ginawa ko na. Dala ng pagod at alikabok sa paglilinis at weather ng bayan naten ngayon eto ako inaatake na naman ng hika. O sya babatiin ko na kayo ng

Maligayang Paskokeymonster sa inyo!

§ 34 Responses to Cidex & Autoclave

  • prinsesa000 says:

    ang daming kwento… =)
    maligayang pasko kokey monster!!!

  • Aiko says:

    langya! sino nangrape sayo? sino bumaboy sa pagkatao mo?! sabihin mo saken! kailangan ng justice! ahahha!

    ano na ang status ng iyong paghahanap? nahanap mo ba ang hinahanap mo?

    maligayang paskokeymonster din!😀

  • xG says:

    pakilinis na rin
    yung kwarto ng kapitbahay
    pakidamay na rin yung akin
    haha

    allergic ako sa housedust
    di ako pwede maglinis🙂

    ako naman
    gusto ko ang mamalantsa
    kesa maglaba🙂

    nga pala
    off topic
    sabi ni igno magpapayat ka na daw
    para kamukha mo na si jomari
    at yung tropa natin e artistahin na talaga
    hahahaha

    maligayang…
    paano ba ipapasok
    ang datkom sa pabati?

    maligayang CHIKSIRISMAS sa iyo

    hah!
    pinilit
    hahahaha

  • Dasnoy says:

    Naks. May invasion palang nangyari sa kuwarto mo. Ilang araw kaya tatagal na malinis ang kuwarto mo ferb? Kung palagi ba namang aalis si juan tamad sa katawan mo, ide malinis sana araw2x ang kuwarto mo.

    Babati narin si DANSOY nga MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON.(Pahabol na kanta ng We Wish you a merry christmas….blah blah.. Sabay hulbot ng pera at ibigay sa akin)

  • Dansoy says:

    xet pangalan ko na mali pa! langya!

  • p0kw4ng says:

    hahaha bakit nga ba ganon..pag kailangan mo ang isang bagay saka nawawala..pag di mo kailangan nakikita mo laging pakalat kalat…

    ang nakakainis don eh yung feeling na alam mo kung nasaan pero hindi mo makita..parang nakita mo pero hindi pala…parang don mo nilagay pero hindi pala don…

    hapi pasko din sayo!

  • gilbert says:

    Maligayang Pasko Efbee!!!

    Baka kinuha ng mga dwende yung USB mo… ireregalo nila sa’yo sa Pasko.

    Kala ko pa naman, nakascore ka ngayong pasko. hehehe

  • yanah says:

    buti wala apng nakatirang ahas sa kwarto mo?
    at buti rin hindi ka nagkakasakit kapag sinusumpong ka ng paglilinis ng kwarto mo? hehehe
    sabagay.. mas malala pa insan ko sayo dahil hinhintay pa nyang may makita syang amag bago nya linisin ung kwarto nya…

    meri krismas FB

  • utakmunggo says:

    anong TAMOD? ano yon ha? amoy clorox ba yun? hehehehe

    walanghiyang celphone marunong pang magpalamig. aba’y sana’y mag awol na ang espiritu ni juan tamad at nang mamayat ka sa kalilinis. hehe

  • Noime says:

    Merry Christmas ren kuya🙂

    Haha. astegs. Kelan naman babalik yung spirit ni Juan Tamad? Hahaha. Aynako. Sana ako den ganun. Sana malinis ko na ren yung gamit ko dito. Potek. May di ren kase ako mahanap.

  • Ta3 Pareho din pala tayo na biglang sinipag dahil lang sa isang bagay try mo bashin ang RELO ni JEX, minsan talga e magandang di tayo lageh dumidepende sa katulong…

    ^^

  • jhum says:

    sakto na din yang paglilinis mo para sa bagong taon. bagong linis ang kwarto. hehe.

  • Renv Maro says:

    hahaha/// benta sir..

  • Maldito says:

    pakitransfer nalang din ng punong mangga sa labas papuntang makati…malaki na kasi eh…nakaksagabal..

    si inday pagkatapos maligo gahasin mo nalang din….wag maingay kasi natutulog ang bata…

    ang usb mo pala nasa loob ng oven..akala kasi ni Jr peanut..gagawing peanut butter..

    meri xmas jomari yllana…sana magkabalikan kayo ni aiko…

  • churvah says:

    hanep sa intro ah,:-P

    gnun tlaga, pag hinahanap di nakikita,
    wag mo hanapin at bigla na lang lilitaw USB mo.

    sana rin lang di na sumapi sau si Juan Tamad,hehe!

    maligayang pasko!🙂

  • dotep says:

    pagawa mong autoclave kuwarto mo para laging malinis! hehehe

  • eloiski says:

    hekhek!
    gusto ko maglinis ng kwarto lalo pa’t may mahahalungkat ako na kung anu-ano.
    Wala lang ang saya kasi,ang sarap ng feeling na wow nalinis ko to!
    Pero hayun nagpupunas pa lang ako eh binabahing na ako hanggang sa mamula na mata ko at hayun ayaw ko na. Hindi na tumitigil sipon ko.
    Kaya ang target ko rin banyo! Ang saya maglinis ng banyo tol! Ewan ko kung bakit! Hekhek!

    May pyutyur na ako, longkatuts! hekhek!

    MAligayang paskokeymonter sa iyo!

  • lio loco says:

    burara rin ako katulad mo. kaya kapagka may hinanap, madalas hindi ko na makita. tulad na lang ng foamy ng headset ko. puteek! pano ako magreresign sa pagiging callboy nito kung kulang ang gamit na ibabalik ko sa puke ng inang kumpanya. accountability ko pa naman un. pakshet talaga! meri xmas din sau parekoi. regaluhan mo naman ako ng babae ngaung pasko. pwede na si eva fonda.😀

  • hisnameisdencios says:

    pabango? tamod? pawis?
    sama sama? yari tayo jan hehe..
    kung anu pa man ay hala cge lang linis bago magpasko para masarap ang pakiramdam🙂

  • chyng says:

    Bakit mo pala naisipan maglinis? Ako never talaga. Harmony in chaos ang motto ko. Like you di ko mahanap mga gamits ko pag organized! hehe

  • brotherutoy says:

    at may quote pa kay Ruffa, este, sa Le Petit Prince pala.

  • Meryl says:

    Meryl Krismas! – Oha, effortless. Hahaha.

    Sana mapadalas ang pagkawala ng mga importanteng gamit mo para naman laging malinis ang kwarto mo. Hahaha. Papayat ka na nun! Woot woot.

  • kirk says:

    Ang gusto ko namang gawin ngayon eh labhan ang tatlong malaking palanggana na mga damit ko. Kaso may problema ako, Speed Babad ba gagamitin ko o Champion?

    *You are so biyutipul kirk, ganyan pag relaks ka lang, dito na sa speed babad!*

  • magdamagan says:

    ..waaaaaaaaaaa..
    ..ansipag naman..
    ..phone sa ref?!..
    ..baka next time iPod, mp3 mo at digicam nasa washing machine nah!!! wahahahah..

    ..MALIGAYANG PASKO POH!!^^

  • choco says:

    HAHAHAH! Astig ah! Cidex at Autoclave..kayanin mo kaya ang ilagay sa Autoclave machine?? Baka maluto lahat ng bacteria sa katawan mo kasama ka..hahaha! Kung nililinisan ko kwrto ko..feeling kp pinaparusahan ko sarili ko …WTF! hahaha! Meri Krismas!!!

  • sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

  • Kris Jasper says:

    At pano namna kaya napunta ang fone sa loob ng fridge?

    at ano naman kaya ang nakita mo? Mags yun no?

    Anyway, isa ka na palang archeologist?

    Merry Christmas!

  • hahaha… ako rin, pinakaayaw ko ang mamalantsa. kasi mainit, kailangan mong tumayo dahil hindi mo maplantsa maayos ang iyong mga damit kapag nakaupo ka lang at kahit gaano pa kagaan ang plantsa, pagkalipas ng kalahating oras na pamamamalantsa, nagiging mabigat na rin siya. pero unlike you, mahilig talaga akong maglinis ng kwarto kasi hindi ako makaaral o makatulog kapag magulo ang paligid ko.

    baka ang USB mo, dinala na ng mga daga, sa 3 buwan ba naman na hindi mo nilinis yang kuwarto mo. pero malay natin, dahil pasko na rinnaman bukas, makikita mo rin ito. wish mo na lang kay santa claus.

    merry christmas sayo! =)

  • Angel says:

    ako din soobrang tamad maglinis ng kwarto.. duh babae ako😆

    sana mahanap mo na yang hinahanap mo..

    merry christmas sa’yo..

  • lunes says:

    wow.grabeng sipag ang tumama sayo. Maligayang christmas pala…wehehe..

    nahanap mo pala ung usb??wehehe.. naku pagpalinisin na ako ng buong bahay, pagpalabahin, pagpahugasin wag lang magluto at magplantsa..ahaha..di tlaga ako marunong.

  • Finch says:

    maligayang pasko kokey!!🙂 have fUn

  • mcrey says:

    Ako naman yun PC ko ang nilinis ko…

    grabe punung puno ng alikabok, isang taon na yata hindi nalinis… minsan kasi bigla na lng sya namamatay ng walang dahilan… nasusunog kaya yung mga sapot at alikabos sa loob kaya nagooverheat ang mga part nya… hahahaha

    Happy New Year!

  • Medyo kinacareer ko ang pamamalantsa ngayon kasi maarte ako pagdating sa long sleeves at mga panyo. Gumagamit pa talaga ako ng Starch Spray kasi gusto ko malutong ang tela ng damit lalung-lalo na sa kuwelyo. Magaling mamalantsa ang Nanay ko kaya siguro namana ko lang sa kanya ‘yun.

    Belated Merry Christmas sa ‘yo efBee. Penge pera. *LOLz*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Cidex & Autoclave at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: