Oh Captain! My Captain!

December 8, 2008 § 35 Comments

Mayaman ka pala eh” yan ang naririnig ko tuwing nalalaman ng tao na seaman ang tatay ko at kapag nababatid nila kung ano ng posisyon ng tatay ko nagkakaroon ako ng isang milyong pogi points na tila ba yari ako sa diamante. Astig no may pera ka lang gwapo ka na agad. Hindi po ako mayaman, Tatay ko oo pero ako hindi at masabi ko lang mga babae ng tatay ko ang mapera hindi ako.

Nakita ko na rin kung pano mambola tong tatay ko nung minsang sinamahan ko syang bumili ng cellphone, putangina basketball. Bola kung bola pati nagbebenta ng cellphone binobola nya. Ayos lang naman sakin mambabae sya sa harap ko wala naman na ang mama ko pero kung sakaling buhay si pa si mama malamang eh magbarilan kameng dalawa. Ama laban sa Anak.

Nung nagkainternet kame sya pa nagturo sakin kung anong pornsite ang magandang bisitahin kapalit nun eh tinuruan ko sya kung pano gumamit ng YM. Malandi ang tatay ko pati sa world wide web may kalandian sya. Tinanong nya ko kung pano gumamit ng webcam tinuruan ko naman, Mabuhay! may kacybersex na ang tatay ko.

Hoy ano yan?” sabi nya nung nahuli ko syang nagyoyosi eh di sinagot ko sya “ano pa eh di yosi“. Hindi naman na sya nagalit. Tahimik lang sya mula noon natuwa na ako kase legal na akong magyosi sa bahay. Naalala ko pa nung bata ako pilit ko syang pinapatigil sa pagyoyosi, malakas sya manigarilyo. Dalawang pakete isang araw, Pugon! Sinabi ko na rin sa kanya na pag tinuli na ako mag-aasawa agad ako pag di sya tumigil sa kakapanigarilyo. Tumawa lang sya. Ngayon sakin pa sya humihingi na yosi pag nauubusan sya.

Pag nalalasing sya nagbabago yung ugali nya, nababasag yung katahimikan nya at lumalabas yung pagiging likas na komedyante. Mga dalawang taon na ang nakakalipas, may family reunion kame sinama ko yung ex ko, pinakilala kay tatay, lagot lasing sya sinabihan yung ex ko na wag daw syang magpapabuntis at lagi daw ipaalala sakin na gumamit ng condom. Putanginang hiya ko nun, pinagpawisan ako ng malagkit. Ngiti na lang naisukli ko sabay mura ng pabulong ng putangina.

Malakas ang boses nya, parang ako- yung tipong makabasag eardrums na boses. Makulit si Papa, hindi makulit na Cool na makulit yung makulit na nakakairita. Tatlong beses kang tatanungin tungkol sa isang bagay kelangang tatlong beses ka rin sumagot.. pauli ulit.
Halimbawa “Kumusta na pag-aaral mo?” tatlong beses nyang itatanong nyan na sunod sunod at tatlong beses din akong magsisinungaling at sasagutin na Okay naman.

Hindi ko pa nakitang umiyak si Papa, maging nung namatay si lolo hindi sya umiyak ewan ko lang nung namatay si Mama kase wala pa naman akong muwang nun. Itlog, nagkukunwaring matigas pero sa loob malambot. Ayaw lang nya sigurong ipakita samin na nahihirapan sya o nasasaktan. 1995 nung huling nakasama ko si Papa sa selebrasyon namin ng pasko, akala ko mauulit na yun ngayon, hindi na naman pala.. sa 11 sasakay na ulit sya ng barko.

Lagi kong sinasabi na pag naging tatay ako, hinding hindi ako magiging katulad ng tatay ko. Sisikapin kong maging mabuting ama sa mga anak ko pero kanina nakita ko yung sinulat ko nung Highschool, isang essay tungkol sa kung sino ang idolo namin; nilagay ko dun na Idol ko ang tatay ko at nilagay ang salitang to; Dad, you’re someone to look up to no matter how tall I’ve grown

Totoo na hindi kame close ng tatay ko, kase madalas pa syang nasa dagat kesa kasama ako, hindi ko sya makausap tungkol sa problema ko not unless nakainom ito, hindi sya perpektong ama, madami syang kamalian nakikita ko yun pero alam kong pilit nyang pinunupuan yung mga pagkukulang nya, hindi man sya yung tipong ideal dad eh natitiyak ko naman na kahit babaero sya eh mabuti syang tao. Hindi man sya kasing cool ng iba, at kahit malandi sya eh mahal na mahal ko ang tatay ko. Kahit na tinubuan na ako ng buhok sa ibat ibang parte ng katawan ko lagi ko pa rin sinasabi kay Papa yung salitang I love you.

Hindi ko kailangan isang mala-Dyos na ama, yung ibibigay lahat ng gusto ko at laging nandyan pag kailangan ko. Responsable si Papa at hindi nya nakakalimutan na kamustahin ang kalagayan ko, namin magkakakapatid. Kahit madaling araw babangon yan at ichecheck ako sa kwarto, at kapag nakikita pa nya akong gising, tinatanong nya kung anong ginagawa ko sinasabi ko na lang na “binibisita ko yung pornsite na suggestion mo“. Sabay sasabihan ako ni Papa ng gago, tatawa at babalik na ulit ito sa kwarto nila ng madrasta ko.

§ 35 Responses to Oh Captain! My Captain!

  • kulot says:

    very nice post about your father, share mo naman yung pornsite na yun

  • churvah says:

    usapang tatay pala dito.
    tatay ko din eh,di kami masyadong close,madalas rin magka banggaan pero,labs na labs ko un.

    one time,umuwi ako ng late.
    di pa ako pumapasok ng bahay tinatalakan na ako,nakapagpalit na ako ng damit tumatalak pa rin,nung tumigil siya,lumabas ako ng kwarto..tapos sabay sabi nya ” kumain ka na” pagtingin ko sa mesa nakahain na, may kasama pang gatas..hahaha! naguilty tuloy ako bigla.

    nagkukunwaring matigas pero sa loob malambot

    gnun ata talaga ang magulang,ayw ipakita sa mga anak pag nahihirapan sila..( gnun kasi ako,hehe)

    advance meri x-mas,FB!🙂

  • Gugol says:

    What’s up with father and son relationships? Laging twisted…

    Natatandaan ko yung blog ko dati. Panay mura sa tatay ko ang laman. Hahaha…

    Dati yun. Magulo noon.

    Iba na ngayon.

    Oo, minumura ko pa rin siya sa loob-loob ko. Pero this time, in English na.

    Ang bantot pag Tagalog e.

    Haha… Nah, okay na kami. Pero hindi na siguro kami magiging close. Mutual respect na lang. Buti ka pa, nakakabiruan mo tatay mo kahit papaano.

    Pero buti pa ako, andito sa Pinas tatay ko.

    Kanya-kanya lang talaga ano?

  • V says:

    KALA KO BA MAHABA????

    joke lang. ako din mahal ko din ang tatay ko.😀 kahit na minsan mabigat ang pagtapik nya sa balikat ko. okay lang. sanayan lang.

    tatay natin e..

  • Base sa post mo, mukha namang cool ang Dad mo. Aba, nagse-share pa nga s’yo ng pornsites eh. *LOLz*

    Buti ka nga may Dad pa. Ipagdasal mo lagi siya na laging in good health siya.

  • Aiko says:

    ang kulit ng dad mo, sinusiportahan ang iyong pornographic needs at pati ibang bisyo. ahahaha.

    nasa-sad ako sa entry na to. sensitive topic kasi para sakin ang mga magulang. wish ko lang may nage-exist sa mundo na isang perpektong ama. ang tanging communication lang namin ng dad ko eh tuwing bibigyan nya ko ng baon at uutusan ako magsaing. pasigaw pa yun lahat. oh well. pero i don’t hate my dad, sinasabi ko lang, mas mahal ko lola ko. ahahahaha!

    ge mwahugsz,
    aiks.

  • Angel says:

    Mayaman ka pala eh– yan din madalas sinasabi sakin ng mga nagtatanong kung nasan parents ko..
    kahit kami ng dad ko hindi rin kami talaga close lalo pa nung nag abroad na sya.. Pero alam ko din na mahak nya kami kaya sya nagpapakahirap dun. Agree ako na walang perpektong ama. Pero maswerte tayo at yung binigay satin eh yung mga responsable.

  • p0kw4ng says:

    cool naman nya!

    bihira naman yata ang perfect na magulang..halos lahat may pagkukulang pero ang mahalaga di kayo pinababayaan…

  • Kris Jasper says:

    Oh em gee!!!

    galing! buti na lang at kausap ko si dad kanina lang, or else guilty conscience na naman ako…

    “Dad, you

  • coldman says:

    ewan ko ba pero hirap akong magsabi ng I love you sa Tatay ko. Anyway, I’m glad may suggested pornsite ang tatay mo. Lol!

  • gilbert says:

    Naku, usapang tatay, wala akong masasabi dyan… tatay ko kasi tahimik masyado, so hindi ko rin nakakausap ng matino…

    pero sa kanya ako natuto gumamit ng baril…

  • pey says:

    tatay ko din naman, hindi perpekto.. pero ganun pa man labs ko padin siya…
    nakakatuwa na nakakapagsabi ka nang i love you sa papa mo… bihira lang ang mga taong ganun..

  • jeniffer says:

    di ko alam kung maaastigan ako sa tatay mo dahil tinuturuan ka nya ng mga site ng porn oh mag eempathy na lang ako sayo dahil nauunawaan ko ang nararamdaman mo..

    kahit na sabihin siguro natin na ganun si father mo.. wala pa rin namang magbabago ama mo pa din siya.. siguro kailangang tanggapin mo na lang kung ano xa.. at kung may pagkakataon na makapagusap kayo.. maaari mong sabihin ang mga nararamdaman mo ukol sa kanya.. sa tamang panahon.. Ikaw na rin naman ang nagsabi na mabuti ang iyong ama.. sa tingin ko maiintindihan nya🙂

  • Meryl says:

    Wow, based sa mga nabasa ko, mukhang ok naman ang daddy mo ah. Pornsites? Coolness. Hahahaha.

    Ganun talaga kapag seaman ang daddy, hindi naman nila gustong mapalayo sa’yo eh pero kelangan lang talaga. Isipin mo na lang, wala kang laptop at internet connection at datkom kundi dahil kay erpats. Hahaha.

    Pero malaki ka na FB (figuratively at literally, LOLOLOLOLOL), kaya alam mo na kung paano intindihin ang mga bagay-bagay.

  • Jericho says:

    naks. may natatago ka palang sweetness FB? hehe

  • pEyt says:

    usapang “wala kayo sa tatay ko!” ba ito? hehehe
    nakakatuwa nmn nasasabi mo pa sa tatay mo ang “i love you”…
    ako…”may matador pa ba?”:)

    ~napatambay lng dito…nagcomment na rin^_~

  • fjordz says:

    hindi pa kayo close sa lagay na yan ng tatay mo ah.. saya niyo kaya! seaman din ang tatay ko at base sa kwento mo, close na ang tawag sa relationship na meron kayo ng tatay mo. e yung sa akin nga eh halos hindi kami mag usap san ka pa! nagkakailangan dahil parang halos di na kami magkakilala.. ganun yata talaga pag matagal na hindi nagkikita ang magulang at anak.. tsk tsk at ganun ang sinasabi ko sa sarili ko. na kapag ka nagkaanak na ako, sisikapin kong magkasama kami at makilala niya ako. hindi yung ako bilang tatay niya at siya bilang anak kundi bilang tao. nalilimutan kasi yata yun ng mga tao.

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

  • n4n says:

    Minsan, inabot kami ng ulan sa bandang Recto kaya napabili sya ng t-shirt nang di-oras. Binigay rin nya agad sakin pagkauwi, at suot ko ngayon kasi parang gusto ko nang umuwi at makipag-inuman sa kanya kung pwede. Pareho na kami ng shirt size, alam mo?

  • Maldito says:

    kahit anong pilit ko pa na gustuhin na maibalik tatay ko, indi pwde.

    Yun ang pinakamasakit.

    Yung may gusto kang baguhin pero yung taong gusto mong ipalam ang pagbabago mo ay wala na.

    Siguro nga tama ka, ang kamalian nalang ng mga tatay natin ang ating ituwid sa future anaks natin.

    sana ako, maigawa ko na ang pagkukulang ko pag tatay na ako.

  • ayen says:

    hindi pa ba cool ung dad na nagsheshare ng pornsites? =)

  • astig talaga father mo. pati pornsite! para lag kayong magkapatid niyan ah.

    so seaman pala si father mo. alam kong loyal at mabait ang father mo (parang ikaw, hehehe, nanipsip pa ako) pero no offense ha? totoo ba yung sinasabi nilang karamihan sa mga seaman ay seamanloloko? wag kang magalit, ha? nagtatanong lang. marami kasi akong prends na girls na may mga nakalandiang seaman tapos malalaman lang nila eventually na may syota/fiancee/asawa/ka-live in/anak na pala. sabagay, di ko naman mablablame ang mga seaman dahil talaga namang malungkot ang laging nasa dagat at once in a blue moon ka lang may nakakakiskiskisang balat ng babae.

  • mcrey says:

    Hahah… ayus ah…

    yung tatay ko babalik naman dito sa 27… tapos Bday nya sa 10. Bale bukas na yun… hahha…

  • mangbadoy says:

    inperness bunso tumulo ang uhog ko! ako rin twing hinahatid lang ako sa airport ni papa nag-sasabi ng “i love you”…

    di kame close at minsan natanong ko na rin kung bakit sya ang tatay ko…

  • lio loco says:

    you have such admirable courage. i can never say “i love you” to my parents upfront. ewan ko. nababaduyan ako eh. o siguro, duwag lang talaga ako. anyhow, treasure your moments with your dad. haven’t had the chance to bond with him since i was a kid. long story. spare me the tissues.😀

  • na* says:

    anak ng. . .seaman.

    e mayaman ka pala e, toink!

    impernes, natats ako sa pagbisita nya sa kwarto at pangumusta ng madaming beses sa loob ng isang minuto…

    hmmmmmmmm, magkakaiba ang mga tatay, TALAGA. . .tatay mo sa tatay ko, ibang-iba…pero isa lan ang sigurado ko, mahal nila tayo, at mahal natin sila.

    mas madalas ka pa yatang nag-aalabyu sa tatay mo kesa sa akin. . .chuckles!

    -na*

  • Jof says:

    anong pornsites yan ah?! hehe aq muntik ng mhuli saking gngwang kbabalaghan. wahaha!

    nice post pare! keep it up!

  • kirk says:

    Isang eksena kagabi…

    (7PM) Nanay: Anak eto siopao, kumain ka.
    (8PM) kumain ako, pagkalaki laki ng siopao, pota. Dalawang beses ang laki sa regualar size ng siopao. Busog na busog ako.
    (9PM) Dumating si Papa
    Papa: Kumain ka na ba?
    Ako: Oo.
    Mama: Naku Mar, hindi pa kumakain ng kanin yan.
    Papa: (Galit na galit) Kapag ikaw nagksakit $%^^#!!

  • nakakakendeng ng puso sa sobra akong na-touch… hindi ganyan ang tatay ko.. pero kung sabagay mas magugulat ako kung siya pa ang magbibigay ng pornsite sa akin.. di ako yung tipong magsasabi ng iloveyou sa magulang.. di kami yung tipong showy na pamilya, kaya ipagpatuloy mo yan…more chicks for you (wag na more power)… cheers;p-glesy the great

  • utakmunggo says:

    ito ba yung ayaw mong malipad ng hangin nung nagmamadali kang parang natataeng lumisan ng flurk? hehe

    ang hirap siguro ng ganyan, taon kung magkita tapos yung eksenang paglisan hindi ko kaya yun. mukha akong bakulaw na umiiyak sa tuwing may eksenang exodus.

    dati rin sabi ko sa sarili ko kapag naging nanay ako hindi ako magiging strikta sa mga anak ko. lagi ko silang bibigyan ng kendi. pero ala rin, mas malala pa nga ako sa nanay ko pagdating sa istrikness. hindi ako namimigay ng chocolates sa sarili kong mga anak. tsk.. makapagkumpisal nga.

    mabuti efbee at close kayo ng fafi mo kahit na madalas kayong oceans apart. wag mong aalisin ang pagiging ma- i love you sa kanya, kahit na yang mga buhok na tumubo sa ibat ibang parte ng katawan mo ay isa isa na ring malagas dala ng katandaan.

    sinaniban na rin tuloy ako ni mang emong. kasalanan mo to.

  • “potangina”

    ta3 ganyan din tatay ko POLICE tatay ko kahit ayaw ko talagang sabihin ang trabaho ng tatay ko e alam na nila sa tulong ng mga Chismoso at chismosa

    tol

    di talaga nag kukulang tatay mo !

    kaya ka niya di pinag babawalan sa ginagawa mong paninigarilyo

    pagkat alam niya, na alam mo na, kung ano ang TAMA at MALI!!!

    parang ako pala ang tatay mo pero di lahat ng ugali ung tipong d mo ko makikitang umiiyak kc nga e wala naman tayong mapapala pag umiiyak…

    ^^
    ayos ung post mo about sa TATAY mo nice nice

    http://jex009.blog.friendster.com

  • Pilar says:

    aww.. nice blog about your dad…🙂 sana ganyan din ako magisip… mapagtanim kxe ako ng sama ng loob… iblogroll kita sa blog ko, gusto ko ung pagsusulat mo🙂

  • kamotenista says:

    nalungkot ako…namiss ko tuloy si tatay ko…isa akong proud tatay’s girl…grin

    sana makauwi ako sa pasko…*sad*

  • panda says:

    bakit ang tatay pagdating sa lalake, close???

    trying hard ako eh…

    kkulang na lang magpa-transplant ako ng etits para maging close kami… the heck!

    i love my father too…

  • brotherutoy says:

    aside from breakups, itong mga tatay-bunso posts ang isa sa mga pinakamadadramang tagpo sa web. di lang pala dun, kasi kahit sa seminaryo, lahat ng kilala ko may issue with their fathers. kahit ang alpha male namin, sisinghut-singhot sa topic na ito.

    sayang, kamamatay lang ng tatay ko four months ago. pwede ko pa sana syang ibili ng webcam. hehe…

  • watusiboy says:

    natawa ako dun sa pornsites. likas na chickboy yata talaga ang mga seaman. pero at least, sabi mo nga, responsable naman. meron kasing iba na hindi.

    ako hindi ko pa nasasabi sa tatay ko ang mga salitang i love you. ewan ko ba, nakakahiya e. hehe. alam naman na nya siguro yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Oh Captain! My Captain! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: