Musca Domestica

December 2, 2008 § 30 Comments

Pagdating ng buwan ng marso kung saan mainit ang panahon sumusulpot din ang mga pesteng langaw sa paligid. Napansin nyo din ba na pag tag-init eh dumarami sila samantalang pag ganitong panahon eh halos wala kang makita? o baka dito lang sa bahay ganun ang sitwasyon.

Natutuwa ako sa mga fly trap, at nung uhugin pa ako kapag may dumidikit doon na langaw eh pinaglalaruan ko yun. Ano naman alam ng bata sa mga langaw at sa sakit na pwede nitong idulot, basta natutuwa lang talaga ako, ang tanga tanga ng mga langaw.

Isang araw may inobserbahan ako langaw. Nasa kusina ako at pinagmamasdan iyon. Dumapo sya doon sa meryenda ko, hindi ko binugaw, tinitignan ko ang bawat galaw. Ang mga langaw nandudura daw yan, yung saliva nila parang pinapalambot yung gusto nilang kainin, predigestion kumbaga tapos saka ulit nila sisipsip yung laway nila. Hinayaan ko lang yung langaw. Pinagmamasdan at mukhang sarap na sarap sya sa pagpapak nya ng meryenda ko

Hindi siguro nasatisfy sa meryenda ko tapos nakita yung mas malaking bagay na sa tingin nya eh pwede nyang kainin. Lumipad-lipad lang sya.. Fly fly. Buzz buzz buzz? ganyan ba huni ng langaw? tunog bubuyog. Basta buzz buzz buzz pagkakadinig ko sa huni nila. Ayun nga pagkatapos pagpyestahan at di nakuntento sa meryenda ko lumipat naman sya.

Dumapo na sya. Huli ka ngayon. Hindi na sya makalipad, nakadikit na yung paa at pakpak nya sa fly trap. Ayun mukha nga syang humihingi ng tulong sa mga kapwa nya langaw hanggang sa pati yung ibang langaw eh natrap na din. Patay kayong lahat. [insert evil laugh here]

Ang mga tao parang langaw din. Hindi nakukuntento sa isang bagay, lagi silang naghahanap ng “MAS“, mas malaki, mas maganda, mas okay, mas masarap etc. Hindi nila alam na yung paghahanap at paghahangad ng higit pa eh mapapahamak sila. Akala nila mapapabuti sila noon hanggang sa unti unti silang lalamunin ng kapusukan, matratrap na sila hindi na makakagalaw then eventually mamatay na sila.

Tulad na lang ngayon, May ilang mamumuno naghahangad na maging mas makapangyarihan sila o kaya naman ay mas mapahaba pa ang pamumuno nila. Hindi nila alam sa paghahangad ng “mas” na iyon ay unti unti na silang tinatalikuran ng publiko.

At siya nga’y binulag nitong kapusukan. Lumapit nang lumapit, walang pakundangan. Kaysarap na init, biglaang bumagsik. At siya ay tinupok, singbilis ng saglitGamugamong Munti (Sino ka ba Jose Rizal? THE MUSICAL)

§ 30 Responses to Musca Domestica

  • Maldito says:

    mga official natin ay langaw din naman na maiituring…

    ang tae ay ang pangulo…nag uunahan kung sino unang makadapo sa ebak.

    haha. may galit ka ba kay Gloria? saka sa mga sumisipsip.. haha.. bagay na bagay sila sa twilight. mga naninipsip..

  • yeye says:

    naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
    toink.

    smile naman jan ferbie. look at the sky🙂

    hindi ko nakita ng smiley chuva sa langit. maulap.. ang malas ko

  • vera says:

    political blog eh?

    oo mas gusto ko ang mas kasi ambisyosa ako. pero may mabuting paraan naman para makuha mo yung gusto mo. wala naman masama sa mangarap. yan si gloria, gusto nya maging presidente ng 100 years? sige, pero walang sweldo. hahahha

    onga no halos mga entry ko puro patungkol sa public ek ek.. haha..

  • ronturon says:

    takte! natawa ako dun sa sinundan mong langaw a…. hehehehe,,,…. sana iniligtas mo.. kawawa naman.. lols..

    sabi ng tropa ko, kapag dinapuan ng langaw yung sopas mo, bago mo tanggalin, ilublob mo ng sobra yung langaw para mawala yung bacteria nya,.. eyng?

    sabi nya kasi nasa langaw din daw yung pangontra(?) toink!

    — hindi ako naniwala!

    ***

    unang comment ko.. lolz!

    tama nga na di ka maniwala dun.. ang daming mikrobyong dala ng langaw at samut saring sakit pwede mong makita dito.. like eeewwwwy..

  • p0kw4ng says:

    ang lakas ng trip pero makabuluhan,hihihi

    ganon din kahit dto sa ibang bansa…lumalabas ang langaw pag summer!

    pag tag ulan din madaming langaw.. kase mahilig sila sa moist chever..

  • Aiko says:

    buzz buzz din pala ang tunog ng mga langaw.

    haha.. pakinggan mo pag nandito ka sa pinas.. malamig ata dyan sa inyo eh kaya di mo naririnig ang huni ng langaw..

  • lio loco says:

    makibaka. wag matakot. no to cha-cha. may dugong tibak ka ba sir ferbert? ako, mahilig mag rally nung college. hehehe. at napaisip pa ko kung bakit musa domestica ang title. un pala scientific name lang pala. haha. naaalala ko tuloi ang pamosong linia na “who wants some poo poo pie?” sa a bug’s life. lol!

    haha.. hindi ako tibak.. tahimik lang ako dito sa bahay na nagrarally mag isa.. sa mga ganitong entries ko na lang dinadaan ang pakikiisa ko sa masa.. hehe.. oo musca domestica ang scientific name ng langaw.. weeee

  • gilbert says:

    akala ko summer na summer yung post… yun pala eh pulitika…

    tama yan.. ihambing ang mga yan sa langaw!!!

    pwede din silang ihambing sa basura minsan

  • beero says:

    ganyan naman talaga tayong mga tao. di tayo nakukuntento sa kung ano ang meron tayo. laging nandun yung possibilities na maghanap tayo na “MAS”. human nature yun ika nga nila. tignan mo na lang ang mga congressman, di na nakuntento sa sweldo nila at pati pork barrel eh pinagdidiskitahan. lols.

    kaya pala nambababae ka hindi ka nakuntento sa isa.. now i know.. haha.. jk

  • kala ko kuwentong langaw lang, malalim pala.

    darn politics. hayyyy…

    in fairness,may promotion pa ng JoseRizal: The Musical sa huli ah=)

    napanood mo na ba doc yung Musical na yan? ako hindi eh.. di ko nga alam kung pinapalabas pa rin yan ngayon..

  • kirk says:

    bangaw lang ang may tunog na buzz buzz buzz… kapag langaw palang fly fly fly parin siya. kaya dalawang klase ang trap meron, isang fly trap at buzz trap. weh! korni pota.

    i strongly disagree with your opinion that house flies wants the better tasting food for pleasure, in fact hindi naman sila kumakain ng pagkain natin. infact they are surging back their stomach contents to make it easier to for them to injest it onces it liquify. yun ang sinsabing dumudura ang mga langaw.

    so the logic is, hindi gusto ng langaw ng mas maganda… ang tanging dinadala nila eh sakit para sa iba at hindi sila naghahanap ng MAS.

    kung ikukumpara ko ang langaw sa ating lipunan, hindi siya yung naghahangad ng kapangyarihan (GMA) bagkus yung mga politiko na sampa ng sampa ng impeachment sa kanya na ang ginagawa lang ay magdura ng dumi sa ating bansa.

    nakalimutan ko isasagot ko masyadong seryoso.. haha

  • fjordz says:

    astig! tinamaan ako dun ah? hehehe hindi kasi ako marunong makuntento, parati akong may hinahanap.. gusto ko ganito ghusto ko ganun, tapos pag nakuha ko na, may bago na naman akong gusto.. ganun ako.. ewan ko ba.. hindi ko naman maalis yung ganung ugali ko tsk tsk.. tulungan mo nga ako Idol Ferbert! hahaha

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    idol akin na pera mo ako hahawak para matuto kang makuntento.. haha

  • Meryl says:

    One Sick Bastard,

    Statue? Wow, so dahil seryoso ang entry mo, magkocomment ako ng seryoso din… NOT!

    Tumigil ka sa kadramahan mo, anung kalokohan naman ‘yang may buzz buzz ka pang sinasabi d’yan na naririnig mo? Pwe!

    XOXO,
    Fag Deity

    FAG! nasanay ka lang kase na pag ako eh puro kababuyan.. you fag! pwe ka din.. asan na yung tanong? ayusin mo.. bleh

  • Meryl says:

    May tanong ako. Bakit may lumalabas akong picture pag nagkocomment ako dito at bakit ‘yang picture na ‘yan? Ano meron? Pano ko yan babaguhin? Hahahaha. Seryoso.

    gravatar.com

    xoxo One Sick Bastard

  • sexy moi says:

    sabi nila, nature na raw ng tao talaga ang di nakukuntento. kasi daw pag kuntento ka na yun daw yung naabot mo na yung last stage ng buhay mo kaya ready ka na mamatay. kaya pag ready na mamatay ang mga tao, kuntento na sila.

    waahahaha.. parang nonsense yung comment ko basta diko ma explain. anyway, sabi din nila mahilig daw sa light colored thingy ang mga langaw unlike ng lamok sa dark naman daw mahilig. ewan ko sabi ng teacher ko dati.

    la la la la la la la la la la ayan ang nonsense na reply..

  • sexy moi says:

    btw, cordilleran po ako pala pero marunong ako mag ilocano and ilocano kami mag usap sa bahay…

    apir.. naimbag nga aldaw kenka.

  • mia says:

    ang mga langaw talaga. tsk tsk.

    buzz buzz. un ba talaga ang huni nila? hahaha.

    hindi.. pisnge pisnge pisnge pala ang huni nila.. haha

  • Kris Jasper says:

    Yung malaking itim sa face ni pres. GMA? langaw ba yun?

    kung ang mga pulitiko ay mga langaw.. yung malacanang ba ay isang malaking tae?

    tae ng kambing yung nasa face ni gloria kaya naman madaming langaw ang lumalapit sa kanya.. nag aastang langaw na din sya.. fly fly

  • GODDESS says:

    ayos, ah.. langaw lang nung una biglang nag-segue sa politics.

    malaman tong post mong to. at! wag mo na uulitin yung video niyo ng boyfriend mo! baka himatayin lola ko syo.

    hahaha. basta ctrl + alt +del lang ah.. haha

  • janus says:

    ok sana ang charter change pero mukhang gusto ni gloria maulet ang nangyari sa rehimeng marcos. taenang langaw yan! lol

    kung singtalino sana nya si marcos pyag ako kaso wag na.. 2001 pa sya nakaupo.. sobra na yun

  • utakmunggo says:

    kapupulutan rin pala ng aral tong blog mo efbee. magaling! magaling! di nga tayo makuntento. parang langaw. hehe

    pero may tanong ako. sabi mo, NOONG uhugin ka pa.. bakit ngayon ba hindi ka na inuuhog? hehe

    wala na akong uhog ngayon eh.. kase gwapo ako.. haha

  • mr_d says:

    teh shet. ang lupit nitong post na ito fb. nakakahiya na tuloy mag blog ng walang kwentang bagay hehehehe.

    errr mababaw na koment lang kaya ko: noong hiskul ako may kinakainan kami tuwing lunch na may flytrap na punong puno ng mga langaw. ayon habang kumakain ng longganisa may 40 langaw kang audience sa tabi.

    oi Boss Manding! buzz buzz

  • parang meron koneksyon sa isang kong na blog yan try mo tol basahin yung “wala akong pero” shit ewan ko ung ibang tao talaga e di na lang makuntento kung anong meron “MAS” mas gusto talaga nila ung angat sila nakakainis ang dami talaga TANGA p0ta… ^^ ahihihih

  • “WAla akong PERA” ahaha mali ohh… churiee.. pansin mo !?!?

  • lunes says:

    minsan may langaw. pinukpok ko. nayupi siya. ayun naglabasan ang mga puting uod galing sa katawan nya.wehehe.. walang kwentang obserbasyon ung akin.nakakadiri pa..

    naku apo.. miss na kita.tsktsk…

  • janus says:

    hayun lumipad na sa outer space ang .com ko. hahaha

    natamad nako sa.com ko, hindi ko naman ma update atsaka babayaran ko pa yearly. hahaha, eh wala nako pera! tae!

  • Jmar says:

    Hahahaha! Natuwa rin ako sa mga fly trap minsan. Isang beses, pinagmamasdan ko ang mga nagkukumahog na mga langaw na nakadikit sa isang flytrap sa may probinsya namin. Maya-maya, nalingat lang ako sandali, may maliit na daga na ring nakadikit dun sa fly trap. Hahahahahaha! Nakakatuwa.😀

  • ced says:

    wow! ang seryoso! ibang level to ah!

    kung ang langaw mahilig sa MAS malaking tae… ang lalake mahilig sa mas malaking???

  • matet says:

    astig! galing ng pagkakasulat sa post na to.. kudos sau! prang ngaun na lang ulit ako nakabasa ng logical na article… good job.. namamasyal lang ako at nagbabasa ng mga posts..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Musca Domestica at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: