Auld Lang Syne

December 29, 2008 § 25 Comments

Nung nakaraang bagong taon lang ako nakapagpaputok. Sanay na akong paputukin ng ibang bagay at magpalabas ng likido na tiyak na ikakatuwa ng mga bakla. Ipinagbawal sakin ang mga paputok, bukod sa hikain ako lagi din akong nanonood ng new year special ng Magandang Gabi Bayan nuon ni bise presidente Noli De Castro. Madalas kong makita ang duguan at mukhang sigsig na mga kamay at mga bagay bagay na parang sa horror movies mo lang makikita o kaya sa slaughter house – Yummeh.

Isang beses lang akong nagpakasaya sa watusi, bumili ako sa tindahan, pinaglaruan, nahuli, pinagalitan at dahil isa akong mabait na bata na kulang na lang tubuan ako ng halo at pakpak sinunod ko naman ang utos ng nakakatanda. Pero last year dahil matanda na din naman ako, hindi ko alam kung ano nagtulak sakin para bumili ng paputok. Sa loob ng labingsiyam na taon ko sa mundong ibabaw noon lang New Year 2008 lang ako nakapagpaputok- wala naman nangyare saking masama, nakakapagblog pa ko. kumpleto pa ang mga daliri ko, at madami pang malalamas at mapapaligaya ang mga daliring ito- Salamat sa Dyos.

J
anuary 2 noon hindi ko pa naeenjoy ang bakasyon pinagduduty na kame sa isang ospital, nagbabakasyon pa rin ang diwa ko noon- tinamad ako (ano pa nga bang bago) pero dahil new year pinilit ko na lang pumasok. Pinilit kong magbago, nakarating ako sa ospital saka ko na lang nareceive ang text na wala kameng Clinical Instructor. Kung kelan ako sinipag saka naman mawawalan ng saysay ang kasipagan ko.

Abril noong nagpagdisisyunan kong tumigil muna sa pag-aaral. Nasa gitna ako ng operating room at taga assist sa mga doctor, naisip ko na lang na hindi ko kakayanin ang buhay na ganito. Masaya ang kursong nursing kaso hindi na ako naging masaya noon. Ayokong mabuhay na sinusunod ang gusto ng pamilya ko sakin, gusto ko ako naman ang masunod ngayon. Tinawagan ko ang ate ko’t umiiyak ako’t humingi ng patawad. Sayang daw ang utak ko. Alam kong hindi nila maiintindihan ang dahilan ko, pati din siguro kayo. 32 units na lang BSN graduate na ako. Tanga? Ayos lang mabuti ng maging tanga kesa makulong sa isang bagay na alam mo naman hindi ka magiging masaya. Pero next June balik sa eskwelahan na ako pero sa pagkakataong ito hindi nila ako madidiktahan kung ano ang dapat kong kunin, may sarili akong mga paa at ibang direksyon ang gustong kong tahakin at kung magkamali man ako sa pagpili ko ng daanang tatahakin sisiguraduhin kong matututo ako dun at nakangiting haharapin ang kamaliang iyon.

Aksidente! Aksidente lang ang domain ko, wala akong balak magkaroon ng domain. Nag-eenjoy na ako dati sa Tanginang-Alien.Blogspot.Com. Nabisita ko lang ang isang website ayun napabili ako na hindi man lang nagdadalawang isip- Ganun ako kung ano naiisip ko ngayon gagawin ko kung ano man mangyare kinabukasan bahala na. Pagkabili ko ng domain pinagsisihan ko sya, tingin ko kase isa lang syang kapritsuhan sa buhay, mabubuhay pa rin naman ako na wala ito, hindi naman sya physiological needs ng tao. Pero andyan na eh, sayang naman kung hindi ko mapakinabangan. March 14, 2008 nagbukas ang kokeymonster.com

Ilang Disgrasya din ang nakasangkutan ko ngayon taon. Muntikang mamatay dahil sa motorsiklo. Naospital din ako dahil sa typhoid- at mula noon isinumpa ko na ang ospital. Kung magkakasakit man ulit ako hindi ako magpapaconfine, pakiramdam ko unti unting nababawasan ang oras ko sa paglalagi sa lugar na iyon. Madami pa akong kinasangkutang disgrasya pero tignan nyo naman hanggang ngayon buhay pa rin ako. At least responsable ako, maaring lapitin nga ako ng digrasya pero alam ko kung paano hindi madisgrasya ng babae at makabuo ng anak sa pagkabinata.

Nagmahal, nasaktan, napakanakit, nawalan, iniwan. Dalawang babae ang inibig ko ngayon. Sinaktan ako nung una, sinaktan ko naman ata yung ikalawa. Naging halimaw sa banga at lumaya na ng tuluyan ang adarna. Namatayan ng lola, nawalan ng isang kaibigan. Iniwan ng mga taong pinagkakatiwalaan. Madrama ang taon na ito sakin pwede na nga akong magsulat ng liham ngayon at ipadala kay Ate Charo para ipalabas ang talambuhay ko sa Maalala Mo Kaya. Pero baka hindi din ipalabas dahil haharangin yan ng MTRCB, madami sex scene eh.. ahihihi

Ngayon taon din na ito napagdisisyunan kong magpakita sa kapwa blogista, ayoko talagang magpakita noon dahil gusto kong maging Batman; may misteryo sa pagkatao. Pero enjoy kasama ang mga bloggers at mas palagi ko na nga silang kasama kesa sa mga offline friends ko. Kung may blog events man at may makita kayong hawig ni Jomari Yllana na matabang lalake, lapitan nyo baka ako na yun. Lagi lang ako sa blog events. Kung may makita man kayong nagwawala sa dancefloor baka ako na yun o kung may isa kayong makitang malaking mama na hindi masyadong nagsasalita samantalang yung mga kasamahan nya eh madadaldal baka ako din yun.

Enjoy ang blogosphere, madami din naman siguro akong napupunang hindi magaganda dito pero dahil na rin sa mga kakilala at naging kaibigan ko na blogger eh ayos na din yun. Pansin na din ng ibang tao ang ebolusyon ng pagsusulat ko parang pokemon lang. Dati-rati’y balahura ako magsulat, tinuringang porn blogger pero unti-unting nagbago iyon. Nagmature daw ako sabi nila ang sabi ko naman hindi rin, nawalan lang talaga ako ng sexlife.

P hilippines’ 3rd Best Humor Blogger.
Ang pagkapanalo ko sa project lafftrip laffapalooza ni Bossing Badoodles ay isa sa mga pinakamasayang experience ko sa blogosphere. Kahit papano sa isang taong mahigit kong blogger ay may maipagmamalaki na ako at ihaharap na napakagandang trophy sa magulang ng mapapangasawa ko. Pinakakita sa The TEN show ng TV5 Channel ang resulta, may screen caps ang kokeymonster.com- buti pa ang blog ko pinakita sa TV samantalang ako hindi. At muli, salamat sa lahat ng sumuporta at bumoto sa akin noon. Nasabi ko na ba na mahal ko kayo? sa sobrang pagmamahal ko sa inyo willing akong gawing nyong sex slave, latiguin at ipagawa sakin ang iba’t ibang position sa kamasutra.

Kasama ko sina Damdam at Lethalverses habang sinusulat ko to, nasa starbucks greenhills kame alas dos ng madaling araw. Nagkaayaan, wala sa plano, Biglaan lang. Nothing is certain in this world sabi nga ni Damdam habang nagtatalo sila ni LV. Agree ako dun, hindi naten alam kung anong mangyayare mamaya o bukas. May mga nangyare ngayon taon na ito na hindi ko inakala, hindi ko plinano at yung iba ako mismo ang gumawa ng desisyon. Tinatanggap ko ang mga posibilidad na pwedeng mangyare next year. Pero sasalubingin ko ang bagong taon na puno ng pag-asa kung hindi man masyadong naging maganda ang 2008 para sakin baka sa 2009 naman ang taon ko na.

Iiwan ko sa inyo ang isa sa pinakapaborito kong entry ngayong taon na ito na pinagpapasa-pasahan sa ibang blog; SAYO LANG ANG KALIBUGAN KO

Huling entry para sa taong ito! Goodbye 2008, Hello 2009! Happy New Year!

Advertisements

Cidex & Autoclave

December 22, 2008 § 34 Comments

Binuksan ang shower at hinayaan mabasa ang buong katawan. Tumulo ang tubig sa mukha ko pababa hanggang paa. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa aking hubad katawan ay ang pakiramdam na sirang-sira na ang kinabukasan ko. Masakit ang balakang, may mga kalmot ako sa likod. Wala akong maalala, inaamin kong nakainom ako ng beer. Malakas akong uminom hindi ako basta-basta mapapatumba, kahit nakahiga kaya kong uminom. Ang tanging naalala ko lang ay bigla akong nahilo at naging malabo na sakin ang sumunod na eksena. Ang dumi dumi ko, binaboy nila ako, inabuso nila ang aking katawan at kinuha ang aking virginity- Ulul! naglinis ka lang ng kwarto at banyo hindi ka ginahasa, feelingero ka!

Payatas ang kwarto ko, tambak ng mga kung anu-anong gamit, may mga handouts at kung anong papel na nagkalat, mga balat ng candy at mga chichirang pinapapak habang nanonood ng tv at nag-iinternet. Naghalo ang malinis na damit at marurumi. Amoy pabango, tamod at pawis.

Ayaw na ayaw kong maglinis ng kwarto -mali. Tamad lang pala akong maglinis ng kwarto. Ang ayoko ay mamalantsa ng damit, ilang uniform at damit na ba ang nasunog ko? Paglabahin mo na lang ako ng underwear mo basta wag mo lang akong uutusang mamalantsa. Mas okay pang maglaba at paglaruan ang mga bula at habang kinukuskos ang damit ay kakanta ng labadami labango na hango sa commercial ng sabong panglaba noong kabataan ko.

Pag timaan ako ng topak saka lang ako naglilinis ng kwarto, mga every 3 months yun maswerte na kung sapian ako ng espiritu ni Mr. Clean at linggo linggo akong maglinis ng kwarto. Wala akong topak ngayon kailangan ko lang talagang maglinis dahil hinahanap ko ung USB ko. Pakalat kalat lang yun tas kung kelan mo naman kelangan saka naman sya biglang madi-disappear. Parang fling lang na kung di ka taglibog eh lalandiin ka samantalang pag tigang na tigang ka naman eh saka na lang biglang mamawala.

L’essentiel est invisible pour les yeux (The Essential is invisible to the eye) The Little Prince

Kung kelan mo sya kailangan saka mo naman sya hindi mahahagilap. So kalkal ako ng kalkal sa mga boxes dito sa kwarto, tignignan ko na rin sa cabinet baka sakaling nandoon saka sa refrigerator kase nung minsang mawala ang cellphone ko nakita ko sya sa ref -nagpapalamig siguro. Hindi ko nakita ang hinahanap ko. Wala sya, baka kinuha muna sya nung mga characters sa libro ni Mary Norton na The Borrowers. Sa kakahanap ko iba ang nakita ko, saka ko na lang siguro ikwekweto kung ano yung nahanap sa next entry ko.

Dahil nag-christmas vacation muna ang espiritu ni Juan Tamad at pansamantalang nilisan ang katawan ko, naglinis na din ako ng banyo. Minsan lang ako sipagin kaya nilubos-lubos ko na. Ayun pagkatapos kong maglinis pakiramdam ko ang dumi dumi ko at kung pwede lang akong maligo sa cidex solution at i-autoclave ang sarili ko baka ginawa ko na. Dala ng pagod at alikabok sa paglilinis at weather ng bayan naten ngayon eto ako inaatake na naman ng hika. O sya babatiin ko na kayo ng

Maligayang Paskokeymonster sa inyo!

Shawarma

December 18, 2008 § 49 Comments

Pag naging singyaman ako nina Ginang Socorro Cancio-Ramos na may ari ng National Bookstore at iba pang nasa alta sociedad ay magpapatayo din ako ng sarili kong bookstore. Kung sa iba Disneyland na ang happiest place on earth sakin bookstore at library ang pinakamasayang lugar sa mundo.

Mahilig akong magbasa kahit mga pocket books ng katulong namin binabasa ko pag wala na akong magawa. Sa sobrang hilig kong magbasa eh parati akong nagbabloghop, madalang ako maglog in sa mybloglog kaya hindi nyo nakikitang binibista ko ang blog nyo at hindi rin ako nag-iiwan ng komento. Reader ako hindi ako Commentor. Isa sa prinsipyo ko sa blogging ang lagi kong sinasabi na “Mas masahol pa ang taong nagcomment na di naman talaga nagbasa kesa sa lurker na hindi nagcocomment pero nagbabasa naman talaga”.

Seryoso, napakalaking insulto nung gagawin nyong magcocomment kayo para kunwari nagbasa kayo pero hindi naman talaga. Mahahalata naman kung sino talaga ang nagbasa at kung sino ang hindi. Anyway hindi naman tungkol sa comment ek ek ang topic ko ngayon gusto ko lang talagang pahabain kase napakaikli lang nitong ikwekwento ko. haha

K
anina nagpunta ako ng bookstore sa isang mall. Ayun eh di basa galore naman ako. Habang naghahanap ng magandang libro nakita ko ang mga kumpol kumpol na mga colegiala na nasa romance/fiction area. Hindi na rin ako nagtaka na hawak-hawak nila yung libro ng author na parang wrong spelling ang pangalan pero hindi naman talaga. Yung libro tungkol sa babaeng mukhang wala naman special sa kanya, tipikal na teenager tapos nainlove sa isang nilalang na matagal na dapat patay. so yeah alam nyo na siguro kung ano yung librong yun.

Palihim ko lang silang pinagmamasdan dahil ayoko naman isipin nila na minamanyak ko sila. Ang totoo medyo lang. haha. Nakita ko yung isang kasama nila, angat na angat yung ganda nya sa mga kasamahan nya. Malaki ang boobs pero mukhang inosente. Alam nyo naman na ganun ang tipo ko mga babaeng mukhang inosente pero magaling sa kama este magmahal.

Tapos may pumasok na isang babaeng parang galing sa costume party kase mukhang Ronald Mcdonald inspired yung outfit. Yellow pants (tight jeans), Red Shirt (na may nakasulat na hindi ko mabasa), Belt na kulay puti, red na plastik na sapatos tapos madaming abubot sa katawan. Actually mas mukha syang christmas tree kesa kay Ronald Mcdonald dahil sa mga borloloy nya sa katawan.

Tawanan yung mga pasosyal na mga colegiala, tapos bumanat yung type kong babae sabi nga “1 cheeseburger and 1 coke float please. Putangina! nasa likuran lang nya yung pinaparinggang nya. Ayun eh di turn off agad. Sayang maganda sana kaya lang mukhang mas malakas pa mang asar sakin, tapos yung isang kasamahan nya pinagsabihan sya. Malapit lang ako sa pwesto nila kaya dinig na dinig ko yung pagkakasabi ng kasamahan nya sa kanya “Pwede ba magtoothbrush ka muna, amoy shawarma eh”. Pagkarinig na pagkarinig ko nun eh hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Tumingin sya sakin sabay eskapo ako sa bookstore na yon. THE END

Sabi nga ni Vera “Magtanggal ka muna ng muta bago mo pansinin ang dumi sa mukha ng iba”. Kung manglalait ka man siguraduhin mo lang hindi ka din kalaitlait. At once na nasimulan mo ng manlait ihanda mo na rin ang sarili mo para laitin.

Forbidden Questions II

December 12, 2008 § 35 Comments

Isa sa epekto ng pagkakaroon ng tongue ring eh pagkabulol. Gumastos din ako nung nagpalagay nito dahil hindi lang sa ako nagpabutas sa chipipay na bangketa sa may recto. Ilang gamot din ang ininom ko at mas mahal pa yung gamot kesa sa pagpapabutas. Kaya uunahan ko na kayo kung mapansin nyo man na bulol ako dito yun ay dahil sa piercing ko sa dila, hindi talaga ako bulol sumasali pa ako sa oratorical contest nung highschool.

Fail! tinawag kong pedophilia si Santa imbes na pedophile at nakalimutan ko yung Japanese girl na kras ko. Mali din ang nasabi kong website ni kuya beero, wordpress yun hindi blogspot. Madami palpak sa podcast na to kaso nakakatamad naman ulitin mula sa umpisa like im so juan tamad kaya. So eto na. Ang part 2 ng naunang podcast ko . Eto na ang Forbidden question part 2.

. |

PS. natatanga pa rin ako sa pag-gamit ng audio plugin. haha.. so yeah salamat na lang ulit kay esnips

UPDATE. 12/13/08 2:35 pm
Para sa lahat ng humihingi ng kopya. oh ayan na. wag nyo na kong kulitin sa ym saka sa email. haha

DOWNLOAD! CLICK CLICK CLICK

Oh Captain! My Captain!

December 8, 2008 § 35 Comments

Mayaman ka pala eh” yan ang naririnig ko tuwing nalalaman ng tao na seaman ang tatay ko at kapag nababatid nila kung ano ng posisyon ng tatay ko nagkakaroon ako ng isang milyong pogi points na tila ba yari ako sa diamante. Astig no may pera ka lang gwapo ka na agad. Hindi po ako mayaman, Tatay ko oo pero ako hindi at masabi ko lang mga babae ng tatay ko ang mapera hindi ako.

Nakita ko na rin kung pano mambola tong tatay ko nung minsang sinamahan ko syang bumili ng cellphone, putangina basketball. Bola kung bola pati nagbebenta ng cellphone binobola nya. Ayos lang naman sakin mambabae sya sa harap ko wala naman na ang mama ko pero kung sakaling buhay si pa si mama malamang eh magbarilan kameng dalawa. Ama laban sa Anak.

Nung nagkainternet kame sya pa nagturo sakin kung anong pornsite ang magandang bisitahin kapalit nun eh tinuruan ko sya kung pano gumamit ng YM. Malandi ang tatay ko pati sa world wide web may kalandian sya. Tinanong nya ko kung pano gumamit ng webcam tinuruan ko naman, Mabuhay! may kacybersex na ang tatay ko.

Hoy ano yan?” sabi nya nung nahuli ko syang nagyoyosi eh di sinagot ko sya “ano pa eh di yosi“. Hindi naman na sya nagalit. Tahimik lang sya mula noon natuwa na ako kase legal na akong magyosi sa bahay. Naalala ko pa nung bata ako pilit ko syang pinapatigil sa pagyoyosi, malakas sya manigarilyo. Dalawang pakete isang araw, Pugon! Sinabi ko na rin sa kanya na pag tinuli na ako mag-aasawa agad ako pag di sya tumigil sa kakapanigarilyo. Tumawa lang sya. Ngayon sakin pa sya humihingi na yosi pag nauubusan sya.

Pag nalalasing sya nagbabago yung ugali nya, nababasag yung katahimikan nya at lumalabas yung pagiging likas na komedyante. Mga dalawang taon na ang nakakalipas, may family reunion kame sinama ko yung ex ko, pinakilala kay tatay, lagot lasing sya sinabihan yung ex ko na wag daw syang magpapabuntis at lagi daw ipaalala sakin na gumamit ng condom. Putanginang hiya ko nun, pinagpawisan ako ng malagkit. Ngiti na lang naisukli ko sabay mura ng pabulong ng putangina.

Malakas ang boses nya, parang ako- yung tipong makabasag eardrums na boses. Makulit si Papa, hindi makulit na Cool na makulit yung makulit na nakakairita. Tatlong beses kang tatanungin tungkol sa isang bagay kelangang tatlong beses ka rin sumagot.. pauli ulit.
Halimbawa “Kumusta na pag-aaral mo?” tatlong beses nyang itatanong nyan na sunod sunod at tatlong beses din akong magsisinungaling at sasagutin na Okay naman.

Hindi ko pa nakitang umiyak si Papa, maging nung namatay si lolo hindi sya umiyak ewan ko lang nung namatay si Mama kase wala pa naman akong muwang nun. Itlog, nagkukunwaring matigas pero sa loob malambot. Ayaw lang nya sigurong ipakita samin na nahihirapan sya o nasasaktan. 1995 nung huling nakasama ko si Papa sa selebrasyon namin ng pasko, akala ko mauulit na yun ngayon, hindi na naman pala.. sa 11 sasakay na ulit sya ng barko.

Lagi kong sinasabi na pag naging tatay ako, hinding hindi ako magiging katulad ng tatay ko. Sisikapin kong maging mabuting ama sa mga anak ko pero kanina nakita ko yung sinulat ko nung Highschool, isang essay tungkol sa kung sino ang idolo namin; nilagay ko dun na Idol ko ang tatay ko at nilagay ang salitang to; Dad, you’re someone to look up to no matter how tall I’ve grown

Totoo na hindi kame close ng tatay ko, kase madalas pa syang nasa dagat kesa kasama ako, hindi ko sya makausap tungkol sa problema ko not unless nakainom ito, hindi sya perpektong ama, madami syang kamalian nakikita ko yun pero alam kong pilit nyang pinunupuan yung mga pagkukulang nya, hindi man sya yung tipong ideal dad eh natitiyak ko naman na kahit babaero sya eh mabuti syang tao. Hindi man sya kasing cool ng iba, at kahit malandi sya eh mahal na mahal ko ang tatay ko. Kahit na tinubuan na ako ng buhok sa ibat ibang parte ng katawan ko lagi ko pa rin sinasabi kay Papa yung salitang I love you.

Hindi ko kailangan isang mala-Dyos na ama, yung ibibigay lahat ng gusto ko at laging nandyan pag kailangan ko. Responsable si Papa at hindi nya nakakalimutan na kamustahin ang kalagayan ko, namin magkakakapatid. Kahit madaling araw babangon yan at ichecheck ako sa kwarto, at kapag nakikita pa nya akong gising, tinatanong nya kung anong ginagawa ko sinasabi ko na lang na “binibisita ko yung pornsite na suggestion mo“. Sabay sasabihan ako ni Papa ng gago, tatawa at babalik na ulit ito sa kwarto nila ng madrasta ko.

Musca Domestica

December 2, 2008 § 30 Comments

Pagdating ng buwan ng marso kung saan mainit ang panahon sumusulpot din ang mga pesteng langaw sa paligid. Napansin nyo din ba na pag tag-init eh dumarami sila samantalang pag ganitong panahon eh halos wala kang makita? o baka dito lang sa bahay ganun ang sitwasyon.

Natutuwa ako sa mga fly trap, at nung uhugin pa ako kapag may dumidikit doon na langaw eh pinaglalaruan ko yun. Ano naman alam ng bata sa mga langaw at sa sakit na pwede nitong idulot, basta natutuwa lang talaga ako, ang tanga tanga ng mga langaw.

Isang araw may inobserbahan ako langaw. Nasa kusina ako at pinagmamasdan iyon. Dumapo sya doon sa meryenda ko, hindi ko binugaw, tinitignan ko ang bawat galaw. Ang mga langaw nandudura daw yan, yung saliva nila parang pinapalambot yung gusto nilang kainin, predigestion kumbaga tapos saka ulit nila sisipsip yung laway nila. Hinayaan ko lang yung langaw. Pinagmamasdan at mukhang sarap na sarap sya sa pagpapak nya ng meryenda ko

Hindi siguro nasatisfy sa meryenda ko tapos nakita yung mas malaking bagay na sa tingin nya eh pwede nyang kainin. Lumipad-lipad lang sya.. Fly fly. Buzz buzz buzz? ganyan ba huni ng langaw? tunog bubuyog. Basta buzz buzz buzz pagkakadinig ko sa huni nila. Ayun nga pagkatapos pagpyestahan at di nakuntento sa meryenda ko lumipat naman sya.

Dumapo na sya. Huli ka ngayon. Hindi na sya makalipad, nakadikit na yung paa at pakpak nya sa fly trap. Ayun mukha nga syang humihingi ng tulong sa mga kapwa nya langaw hanggang sa pati yung ibang langaw eh natrap na din. Patay kayong lahat. [insert evil laugh here]

Ang mga tao parang langaw din. Hindi nakukuntento sa isang bagay, lagi silang naghahanap ng “MAS“, mas malaki, mas maganda, mas okay, mas masarap etc. Hindi nila alam na yung paghahanap at paghahangad ng higit pa eh mapapahamak sila. Akala nila mapapabuti sila noon hanggang sa unti unti silang lalamunin ng kapusukan, matratrap na sila hindi na makakagalaw then eventually mamatay na sila.

Tulad na lang ngayon, May ilang mamumuno naghahangad na maging mas makapangyarihan sila o kaya naman ay mas mapahaba pa ang pamumuno nila. Hindi nila alam sa paghahangad ng “mas” na iyon ay unti unti na silang tinatalikuran ng publiko.

At siya nga’y binulag nitong kapusukan. Lumapit nang lumapit, walang pakundangan. Kaysarap na init, biglaang bumagsik. At siya ay tinupok, singbilis ng saglitGamugamong Munti (Sino ka ba Jose Rizal? THE MUSICAL)

Where Am I?

You are currently viewing the archives for December, 2008 at Kokey Monster.