Mapanghing Unan

November 15, 2008 § 19 Comments

Labing anim na taon ang nakakaraan may isang batang lalakeng namatayan ng ina. Paggising na pagising nya sa umaga nakita nya ang kanyang mga kapatid at ama na nagsisiiyakan. Hindi sya umiyak, magulo ang sitwasyon sa kanya at hindi nya maintindihan kung baket iniiyakan nila ang natutulog na ina.

Dumami ang tao sa burol wala pa rin syang muwang kung anong nangyayare basta masaya sya’t nakakapagpuyat sya noong mga panahong iyon. Wala ang salitang patay sa bokabularyo nya. Namumuhay sya sa isang mundong puro chocolate at candy ang namumuno at lahat ng bagay ay walang hanggang nabubuhay na tila hawak ang philosopher’s stone.

Dumating ang araw na kelangan ng ilibing ang kanyang Ina doon lamang nya naunawaan ang lahat. Ipinaliwanag sa kanyan na pagkatapos ilagay ang kanyang ina sa puntod hindi na nya ito makikita kahit kelan, nakita ulit nyang umiiyak ang mga tao, tinignan nya ang bunsong kapatid, mas maliit pa sa kanya, tinignan nya ang kanyang ina, kinausap at walang narinig na salita doon na nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Pagkatapos ang libing kinuha nya at inangkin ang unan ng Ina, dapat ata pinamimigay ata ang mga gamit o kaya ay sinusunog o ano pero napasakanya ang unan ng kanyang mahal na ina. Matagal tagal din ang pinagsamahan nila ng unan na yun. Sobrang baho nun eh kase lagi syang umiihi sa kama. Like yeah kadirdir, so eeeeewwy to the nth power. Tinangka na rin iyong itapon ng kanyang mga kapatid pero nakikipagpatayan ito para lamang hindi maitapon.

nakakatandang kapatid: itatapon ko na tong unan mo. ang panghi. mapanghi pa sa kambing
bata: Putangina mo ka! subukan mong itapon at gagawin ko ding patapon yang buhay mo! tangina ka!

Syempre di nya sinabi yun. Marunong umarte yung bata kaya naman hindi nasusunog ang unan nya. Saksi sa mga bagay na ginawa nya mula nung bata sya. Doon nya binuhos ang nararamdaman nya nung namatay ang kanyang ina. Doon lang din sya umiiyak at nagpapanggap na hindi sya nasasaktan pag may kaaway sya sa eskwelahan. Yung unan lang din ang tanging kausap nya kasama ng mga laruan nyang robot. Yung mapanghing unan lang din na yun ang tangi nyang kaakap, at kahit aminado sya sarili nya na mabaho na ang unang iyon hindi nya iyon itinapon.

Nagbinata na sya, hindi na nya ginagamit yung unan na yun, nasa isang parte lang yun ng kwarto nya, Isang araw tinignan nya kung nandun pa yung unan na yun pero wala syang nakitang dugyuting unan. Siguro naitapon na yun o baka nasunog na o kaya naman pinagpyestahan ng mga daga. Hindi na rin nya binalak alamin kung anong nangyare sa unan. Sira-sira na din yun malamang at hindi na din nya magagamit.

October 15, 1992 namatay ang nanay ko, matagal- tagal na din na panahon yun. Tulad din sya ng mapanghing unan na gamit gamit ko noon. Alam kong nangyare yun pero hindi ko na marecall yung nararamdaman ko noon, Umiyak ako siguro nangulila rin pero nahihilom ng panahon ang sugat. Kahit gano pa kasakit ang sugat na natatamo naten maghihilom din yun. Namimiss ko ang nanay, Normal lang yun pero wala akong galit sa mundo. Nawalan ako pero patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo, hindi titigil ang mundo para sayo kelangan mo din sumabay at balang araw malilimutan mo rin lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon.

Tagged: ,

§ 19 Responses to Mapanghing Unan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Mapanghing Unan at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: