In-Star-Net

November 28, 2008 § 23 Comments

Ang tipo kong babae yung mukha inosente, ahihi, Yung tipong walang muwang pero pag inaya mong makipaglandian eh game na game. Bwahaha. Gusto ko yung hindi bastusin ang mukha, ayoko ng masyadong malaki ang boobs, kahit cup A lang ayos na. Gustong gusto ko yung mukhang hindi pa basag ang hymen pero magaling . . . magmahal.

Nitong nakalipas na araw puro pelikula ni Sion Sono ang pinapanood ko, katunayan kasalukuyan kong inaantay ang pagload ng pelikulang EXTE sa crunchyroll. Sa mga di nakakakilala kay Sion Sono isa syang director na mula sa bansang Japan (actor din ata sya at writer. check nyo na lang sya sa wikipedia, na kung minsan ay hindi naman totoo ang nilalaman). Pinanood ko yung mala-lolita na pelikulang Strange Circus, incest yung tema ng pelikula at tiyak na magugustuhan ng mga manyak na pedo.

Last week pinanood ko din yung Suicide Club na hango sa Japanese manga na Jisatsu Circle , ginulo nito ang utak ko at binitin sa bandang huli. Sunod kong pinanood ang Noriko’s Dinner Table, sequel ng Suicide Club kung saan nainlove ako kay Yuriko Yoshitaka , mukhang inosente at napakasarap… mahalin. Bukod sa maganda si Yuriko na mahal ko na ata, maganda din yung pelikula.

Kung di nyo pa napapanood yung pelikulang nabanggit ko sige panoorin nyo na rin basta wag nyo na lang ako sisisihin kung di nyo magustuhan. Yung Huling dalawang nabanggit ko tungkol iyon sa kapangyarihan ng Internet. Kung ano ang pwedeng magawa ng internet sa buhay ng tao.

Kaibigan ng lahat si Google, isang katunayan na sa paggamit lamang ng internet ay makakagain ka na ng knowledge. At sino ba naman Pinoy ang hindi miyembro/naging miyembro ng Friendster. Ang paboritong networking site ng mga jologs at walang social life, na natitiyak kong nagluluksa habang ako naman ay tumatawa noong nagloko sila. Pake ko ba kung mabawasan ng 300+ ang mga kaibigan ko sa FS, hindi naman sukatan ang Friendster ng pagiging friendly ng isang tao at mas lalong hindi iyon ang batayan para sabihing close kayo ng crush mo. Kebs!

Malaking tulong ang nagawa sakin ng internet, nakakilala ng ibang tao, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nagkaroon ng outlet dahil sa pagbablog, nakagawa ng case presentation at may naitulong din ang internet para matapos ko yung thesis namin dati, ito din ang daan para kamustahin ang mga ilang kaibigang hindi na nakikita at kung minsan napapawi din ng internet ang init ng katawan ko. ang loser ko. lol

Ilan sa mga pulitko ngayon naglaunch na din ng website para makilala sila ng masa, nakita siguro nila ang malaking epekto at kung ano ang pwedeng gawin ng internet sa pangangampanya nila. Ayos lang wala naman masama dito ang kinaiinisan ko lang ay yung mga pulitikong nangangampanya na samantalang isang taon at pitong buwan pa bago mag-eleksyon. Anyway hindi ko rin naman sila iboboto.

Napakamakapangyarihan ng internet! Kaya nitong bumuo ng pagkakaibigan, bigyan ng lovelife ang mga sawi, pag-awayin ang mga magkabati o pagbatiin ang magkaaway, bigyan ng huwad na social life ang wala nito. Napakalawak ng sakop nito. Buong mundo halos gumagamit ng internet. Kaya na din nitong magpasikat ng mga di kilalang personalidad, In-Star-Net kumbaga, maging Instant Star gamit ang Net. Ngayon paraan na din ito para makalikom ng boto ang mga pulitiko. Isang click mo lang mapapawi mo na rin ang init ng katawan mo.

At sa taong may I.P number na 122.3.207.244 madami kang pwedeng hanapin sa google o yahoo pero pasensya na hindi mo mahahanap sa internet ang nude pictures ko. LOL

nude

UPDATE: 11.30.08 12:45am (may isa pang naghahanap) Zeusdemmet

not again (doh)

The Internet is so big, so powerful and pointless that for some people it is a complete substitute for life. ~Andrew Brown
Advertisements

Jomari

November 24, 2008 § 26 Comments

Umaarte ako!

Umaarte ako nung highschool. Lagi kong ginagampanan ang isa sa mga pinakamahalagang role noon, Gumanap na rin ako bilang Jose Rizal. Akalain mo yun. Wala akong hiya noong highschool, I can transform myself into a different person in a snap, in just a blink of an eye I can shift my emotions. Magaling daw akong umarte, Binigyan na rin ako ng parangal ng eskwelahan namin dahil sa kakahayan kong iyon. Best Actor! pft!

Sinong nakapanood ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind? May isang procedure dun na kung saan pwedeng burahin ang isang detalye sa memorya mo. Targeted Memory Erasure ang tawag dun, isang fictional non-surgical procedure kung saan pwede mong idelete lahat ng alala na ayaw mo tulad na lang ng memorya mo sa ex mo at kung totoo lang to buburahin ko ang alala ko na minsan umarte ako. Ewan ko pero nahihiya ako pag naalala ko yun.

Kung isa akong kape, ako ang magiging pinakamahal na kape dahil mahirap akong timplahin. Paiba-iba ang ugali ko, paiba-iba ang gusto ko, paiba-iba ang emosyon na kaya kong ipakita. Para akong Vendo machine na pipindutin mo lang kung ano ang gusto mo at ibibigay ko sya sayo yun nga lang kelangan ko munang maginarte. Chameleon ang tawag sa mga modelong paiba-iba ang mukha, Work it.. Work it. Fierce! As what would Tyra Banks say.

Wala sakin ang remote control ng TV, hindi ko kayang patayin at ilipat ang channel ng TV kapag gusto ko. Wala akong kontrol sa emosyon ko, minsan sasabog na lang ako. At kung hindi mo ko maintindihan ayos lang yan hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko. Kung ano maisipan kong gawin, gagawin ko agad yun ng walang kagatol gatol, kung gusto kong magsara ng blog kahit wala naman akong magandang dahilan, magsasara ako. Para akong babaeng laging may PMS mahirap intindihin, kaya naintindihan ko rin kung baket walang nagtagal na relasyon sakin na parang hangin lang na dumaan, hinaplos ang katawan ko sa isang iglap poof. Wala na! Houdinni! Magic!

At kung maisipan ko mang bumalik ulit, gagawin ko yun tulad ngayon. Tapos na ang pag-iinarte, Ending na soap opera kung saan ako ang leading man. Balik na ako sa normal na sarili ko, Nagbabalik na ako sa pagsusulat dito.

Mapanghing Unan

November 15, 2008 § 19 Comments

Labing anim na taon ang nakakaraan may isang batang lalakeng namatayan ng ina. Paggising na pagising nya sa umaga nakita nya ang kanyang mga kapatid at ama na nagsisiiyakan. Hindi sya umiyak, magulo ang sitwasyon sa kanya at hindi nya maintindihan kung baket iniiyakan nila ang natutulog na ina.

Dumami ang tao sa burol wala pa rin syang muwang kung anong nangyayare basta masaya sya’t nakakapagpuyat sya noong mga panahong iyon. Wala ang salitang patay sa bokabularyo nya. Namumuhay sya sa isang mundong puro chocolate at candy ang namumuno at lahat ng bagay ay walang hanggang nabubuhay na tila hawak ang philosopher’s stone.

Dumating ang araw na kelangan ng ilibing ang kanyang Ina doon lamang nya naunawaan ang lahat. Ipinaliwanag sa kanyan na pagkatapos ilagay ang kanyang ina sa puntod hindi na nya ito makikita kahit kelan, nakita ulit nyang umiiyak ang mga tao, tinignan nya ang bunsong kapatid, mas maliit pa sa kanya, tinignan nya ang kanyang ina, kinausap at walang narinig na salita doon na nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Pagkatapos ang libing kinuha nya at inangkin ang unan ng Ina, dapat ata pinamimigay ata ang mga gamit o kaya ay sinusunog o ano pero napasakanya ang unan ng kanyang mahal na ina. Matagal tagal din ang pinagsamahan nila ng unan na yun. Sobrang baho nun eh kase lagi syang umiihi sa kama. Like yeah kadirdir, so eeeeewwy to the nth power. Tinangka na rin iyong itapon ng kanyang mga kapatid pero nakikipagpatayan ito para lamang hindi maitapon.

nakakatandang kapatid: itatapon ko na tong unan mo. ang panghi. mapanghi pa sa kambing
bata: Putangina mo ka! subukan mong itapon at gagawin ko ding patapon yang buhay mo! tangina ka!

Syempre di nya sinabi yun. Marunong umarte yung bata kaya naman hindi nasusunog ang unan nya. Saksi sa mga bagay na ginawa nya mula nung bata sya. Doon nya binuhos ang nararamdaman nya nung namatay ang kanyang ina. Doon lang din sya umiiyak at nagpapanggap na hindi sya nasasaktan pag may kaaway sya sa eskwelahan. Yung unan lang din ang tanging kausap nya kasama ng mga laruan nyang robot. Yung mapanghing unan lang din na yun ang tangi nyang kaakap, at kahit aminado sya sarili nya na mabaho na ang unang iyon hindi nya iyon itinapon.

Nagbinata na sya, hindi na nya ginagamit yung unan na yun, nasa isang parte lang yun ng kwarto nya, Isang araw tinignan nya kung nandun pa yung unan na yun pero wala syang nakitang dugyuting unan. Siguro naitapon na yun o baka nasunog na o kaya naman pinagpyestahan ng mga daga. Hindi na rin nya binalak alamin kung anong nangyare sa unan. Sira-sira na din yun malamang at hindi na din nya magagamit.

October 15, 1992 namatay ang nanay ko, matagal- tagal na din na panahon yun. Tulad din sya ng mapanghing unan na gamit gamit ko noon. Alam kong nangyare yun pero hindi ko na marecall yung nararamdaman ko noon, Umiyak ako siguro nangulila rin pero nahihilom ng panahon ang sugat. Kahit gano pa kasakit ang sugat na natatamo naten maghihilom din yun. Namimiss ko ang nanay, Normal lang yun pero wala akong galit sa mundo. Nawalan ako pero patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo, hindi titigil ang mundo para sayo kelangan mo din sumabay at balang araw malilimutan mo rin lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon.

Hari ng Scandal

November 11, 2008 § 34 Comments

Alam nyo yung lata, yung science project ng mga bata sa elementarya, yung bubutasan tas lalagyan ng pisi tapos makakabuo na ng instant na laruan. Hindi ako naging matagumpay sa pagbuo nun. spell FAIL. P-H-A-I-L!

Naalala ko pa dati gumawa yung kuya ko ng ganun, nauto naman ako na pwede daw kameng mag-usap gamit yun. Pinalayo nya ako mga dalawang metro at itinapat nya ang bunganga nya sa butas ng lata at nagsalita. Tinanong nya ko kung naririnig ko sya at sumagot naman ako ng OO. Promise! nadinig ko talaga sya pero hindi ako sigurado kung gumana nga yung telepono nyang yun, dalawang metro lang ang distansya namin pano ko ba naman sya hindi maririnig eh pasigaw yun kung magsalita. Pagkatapos nun may bago na kameng laruan. Inalis ang pisi at ayun tumbang preso!

Malaki ang pasasalamat ng mundo kay Alexander Graham Bell sa pagkakaimbento ng telepono. Magha-hire pa siguro tayo ng mensahero para lang makarating ang mga mensahe naten sa ibang tao. Mapapagod sa kakapadala ng mga sulat sa mga kaibigan. Mamamaos kakasigaw sa mga kakilala tungkol sa magandang balita. Samantalang ngayon da-dial ka lang sa telepono, magriring at may ka-phonesex ka na. astig

Dati dinadaan naten sa mga sulat ang mga mensahe naten, napunta sa telepono naging beeper dumating ang panahon ng selepono at ngayon may ym na, meron na ding social networking sites at syempre plurk na pumapatay sa blogging karir ng mga kakilala kong blogger.

Mabilis ang pag-usad ng teknolohiya, dati mukhang brick game lang yung unang cellphone ko, masaya na ko sa paglalaro ng super mario sa family computer, at ayos na ko sa mga tinatagong porno na VHS format ng tatay ko at ngayon pwede ka na mismong magrecord ng iyong hot-steamy-absolutely-awesome sex scene at maging instant pornstar sa pamamagitan lamang ng cellphone. astig

Pa-bluetooth naman! walang kakupas-kupas na linya ng tropa ko noong nag-aaral pa ako. Umabot ng mahigit 80 ang nakolekta kong scandal, ako ang hari ng scandal sa classroom namin. Ayos, hindi ako tigang nung panahong yun. Putangina mong Commwarrior ka! nadale ng virus ang cellphone ko, ang ending nabura lahat ng pictures, mp3s at scandals sa cellphone ko. Natapos na din ang pagiging hari ng scandal ko sa classroom at nakontento na sa video streaming sa iyottube, xtube at redtube.

Nilalayon ng makabagong teknolohiya na mapabuti ang buhay ng tao at mas mapadali ang paggawa ng mga bagay-bagay. Minsan nga lang naaabuso, sa maling gawain nadadawit ang mga bagay na ginawa para mabuti ang buhay ng tao. Walang imbensyong masama, depende lamang ito sa paggamit ng tao, wala ding taong likas na masama, naniniwala akong may nakatagong kabutihan pa rin sa mga taong nag-aanyong kriminal. Lahat ng mga bagay na ginawa ng Dyos at ng tao may mabuting magagawa sa lipunan. Sabi nga sa kanta ni Cecil Alexander na pinamemorize samin nung elemantrya; All things Bright and Beautiful. . . . . . . . NOT!

PS. College student ka ba at gusto mo ba ng Ipod Touch? punta na sa site na ITO! click mo!

Binayaran ako ng yosi ni Yods para dito. Iboto nyo sya.

planetputoniyods

forbidden questions

November 4, 2008 § 35 Comments

tinatamad akong mag type kaya eto magsasalita na lang ako. Background Music “so what” ni Pink saka yung askal na alaga ng kapitbahay namin. Salamat sa lahat ng nagtanong.

.

Where Am I?

You are currently viewing the archives for November, 2008 at Kokey Monster.