Ampalaya Candy

October 19, 2008 § 37 Comments

Ang ampalaya na ata ang pinakaayaw ng gulay ng lahat ng tao, samantalang ang Asukal naman ang pinakapaboritong pinapapak ng langgam. Isang mapait isang Matamis. Dalawang magkaibang lasa na hindi ako sigurado kung pwede nga bang paghaluin.

Alam sa buong kusina na may lihim na pagtingin si Ampalaya kay Asukal, halata iyon sa kilos nya. Wala syang bukambibig kundi puro si Asukal na lang. Gayunpaman ayaw nya umamin, kinkimkim nya at itinago lamang sa sarili ang pakiramdam na iyon. Mabait si Asukal, matalino at sya yung tipo na pwede mong iharap sa dambana. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung marami ang magkagusto dito isa na dun si Manga.

Sabi ng ilan bagay daw itong si Manga at Asukal, dahil kung pagsasamahin sila isang napakasarap na merienda ang pwedeng magawa. Nagselos si Ampalaya dahil alam nyang hindi sila pwedeng magkatulyan ni Asukal hindi sila makakabuo ng masarap na pagkain, di tulad ng paghahalo ng matamis at maasim, kailanman hindi magiging matamis ang mapait. Sa panaginip na lang nya nakakasama si Asukal, pinapangarap na balang araw ay magiging sila din.

Isang araw nagpalipad hangin si Asukal kay Ampalaya, sinabi ni asukal na may gusto din ito sa kanya pero tinawanan lang sya. Labis na nasaktan si Asukal kaya naman lumayo ito at hindi na nya kelanman binanggit ang tungkol sa nararamdaman nya. Si Ampalaya hindi makapaniwala sa nagawa nya, pinalayo nya ang bagay na tanging napapatibok sa puso nya at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa nararamdaman nya, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa isang pang pagkakataon na sabihin ulit sa kanya ni Asukal ang nararamdaman nya pero mukhang hindi na mangyayare yun dahil nasasaktan pa rin si asukal sa nagawa ni Ampalaya. Pareho na silang nag aasam na makasama ang isa’t isa, gabi gabing hinihiling sa tala na maging sila gayunpaman pareho din silang mahina kaya hanggang bulong na lang sa hangin ang pagsabit nila ng Mahal Kita at sa panaginip na lang nilang pwedeng iparamdam ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Hindi mabubuo ang isang relasyon kung wala sa kahit isa sa dalawang taong may pagtitinginan sa isa’t isa na magkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang sarili nya. Malungkot dahil pareho naman nagmamahalan sina Ampalaya at Asukal yun nga lang pareho din silang duwag, takot pumasok sa relasyon at maaring takot din masaktan dala ng trauma. Pero hanggang kailan na lang ba nila pwedeng itago ang relasyon nila. Ang hayop nakakulong sa hawla ay mas nagwawala kesa sa mga hayop na nasa kagubatan at malaya, ang dadaming pilit na pinipigilan at mas nakakatakot kesa sa damdamin na naipapahayag, masakit sa puson ang libog na hindi naiilabas.

Para sa dalawang kaibigan kong naiibigan wag kayong matakot, alam kong mahal nyo ang isa’t isa. Sana lang magkalakas ang isa sa inyo na ipahayag ang pagmamahal nito. Panahon na siguro para makagawa ng Ampalaya Candy ang paghahalo ng matamis at mapait.

Tagged:

§ 37 Responses to Ampalaya Candy

  • samieboi says:

    sa bahay, kaya namin nakakain ang ampalaya ay dahil sa niluluto ito nila mama at papa with asukal at shempre may iba pang laman ung luto pero nilalagyan nilang sugar para nga hindi ganon kapait. masarap naman siya lalo na para sa isang gaya ko na hindi naman kumakain talaga ng ampalaya.

    so asukal and ampalaya go together.. magkaiba sila ng lasa eh. parang toyo nilalagyan ng suka para masarap siyang sawsawan. ;p

    kung sino man yan mga yan nawa’y hulugan sila ng malaking bato sa ulo ng mabagok. wahahah!!! pero ayoko yatang kumain ng ampalaya candy, parang durian candy yata kalalabasan non, erk! :-&

    hehe. goooooooooodmorning efbee๐Ÿ˜›

    kulang ang bato kelangan buong mundo ang mahulog sa ulo nila.. sobrang DUWAAAAAAGGG!!! masarap naman ang durian candy ah.. baka malay mo masarap din kalabasan nung ampalaya candy.. kaya kung ikaw man sam may minamahal ipahayag mo yan.. owkie.. hahaha

  • lunes says:

    gusto ko ang gulay na ampalaya.wehehe..ang sarap lalo na pag hafcook.ahaha.

    malungkot ang kwento..tsktsk.. parang meron akong nabalitaan nun dito sa blogosperyo..long ago..hmmm..

    kumakain din ako ng ampalaya.. masarap sya eh.. sino sila sa tingin mo? lols. bigyan kita ng clue.. babae si ampalaya.. lalake si asukal..

  • Ayiene says:

    Tama, umamin na kasi!
    Umamin na, walang mangyayari kung walang aamin!
    hahahaha! Kaso, sana ganun kadali ang pag-amin.๐Ÿ˜

    Ang saklap ng buhay! Kawawa si Ampalaya!
    Kawawa sa Asukal.

    Di ako kumakain ng ampalaya, ikaw?

    kumakain ako.. oo umamin na.. sos! kulang sa sprite ang katawan nila.. kelangan nilang magpakatotoo

  • Isa na namang blind item. Bloggers ba sina Ampalaya at Asukal? Haha. = P

    OO BLOGGERS SILA! hahaha.. sa lawak ng blogosperyo hanapin mo kung sino sa kanila.. hahaha

  • redlan says:

    wow, marami ka talgang unique idea. ampalaya at asukal. ampalaya candy. panu na ang may mga diabetes niyan. hehehe. opposite attracts raw. maganda ang mensahe ng post na to.

    keep it up!

    ayun ampalaya candy.. pwede sa may diabetiko ewan ko.. hahaha.. sana nga.. hahahaha

  • churvah says:

    napangiti ako sa entry na to,wala lng,hehe!

    ako favorite ko ang ampalaya,isa sa pinaka paboritong gulay yan..lalo na pag ako ang nagluto,hehe!saka bitter rin akong tao,pero bawal naman sa akin ang asukal,tsk!

    ang dami talagang chismis sa blogosperyo,hehe! sana may umamin kina ampalaya at asukal..sabi nga “never hold back from telling someone how you feel,cause when you finally decide to tell them,it might be too late” hehehe..aun at may text kowts pa ngang naisama.

    napangiti ka kase naging ampalaya ka na rin at asukal na hindi maipahayag ang damdamin? hahaha

  • Hener says:

    Masarap nga yung putaheng ampalaya na hinaluan ng asukal. pramis. mawawala yung pait nun eh.

    masarap? pwedeng pamalit sa chicharon mo? lols

  • fjordz says:

    ayos! iba ka talaga idol!! sige na nga! aaminin na namin!! oo kami na ni tut tut! hahaha!!

    juk lang!

    pero tinamaan ako… duwag kasi talaga ako.. pero alam mo idol, ang mahirap kasi sa ganitong kalagayan e, minsan, para bang ikaw lang ang nagmamahal, yun bang one-sided? hindi ka talaga sigurado kung totoong may pagmamahal siya sa yo o kung may pagamamahal PA siya sayo.. alam mu yun.. panu kung wala na.. panu kung nawala na yun dahil andaming pagkakataon na pinalampas ko noon??

    hayz!! pag ibig naman talaga o.. nakakasira ng ulo…

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    yehesss.. sino yan? hahaha.. minsan kase kelangan din nateng sumugal.. kung gustong malaman kelangang magkalakas ng loob.. hindi naman natuklasan ni magellan ang pilipinas kung wala syang lakas ng loob.. kelangan mo lang maging matapang at maging handa sa kung ano ang pwedeng mangyare.. goooooodluck sayo idol!

  • jeniffer says:

    “Hindi mabubuo ang isang relasyon kung wala sa kahit isa sa dalawang taong may pagtitinginan sa isaโ€™t isa na magkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang sarili nya.”

    –> should I say na ito ang “PANINIWALA KO SA BUHAY”.. grabe tagooosss… love you pare!!!

    pero sino pinatatamaan mo nyan.. hmmp..

    yes.. walang kang boyps? sige i love you too.. hahahaha..

  • ysmael says:

    Excellent analogy Ferbert. I can relate to to amplaya and asukal.
    Alam ko ang nararamdaman ni amplaya.

    Mahusay kang sumulat
    ——————————–

    Magpa gisa na lang siya at lagyan ng binateng itlog, saka kamatis. Pwede ring lagyan ng konting asukal. Hehehe

    hindi rin naman mararamdaman yun ni ampalaya kung magkakalakas din sya ng loob.. sana magkaroon ka ng lakas ng loob kung sakaling marananasa mo ang ganitong bagay…

    salamat nga pala.. weee.. oo masarap ang bianateng itlog na may amapalaya at kamatis

  • eloiski says:

    hindi ko gusto ang ampalaya pero kung gagawin nila itong ampalaya candy, bakit hindi?

    sana nga matauhan yang dalawang yan para naman happy ending ang drama at hindi ko na kasuklaman ang ampalaya!

    onga.. sana happy ending na.. masarap ang ampalaya.. nasasarapan ako sa mapait.. bitter is <3 lols

  • byter says:

    hay…samtyms ganon talaga ang lyf parang buhay ang mahalaga ay importante. minsan may mga bagay talaga kahit anong pilit nating pilitin hindi talaga pwedeng pilitin (…ang gulo). anywiez, naka-relate ako sa kwento ni asukal at ni ampalaya minsan kasi naging ampalaya ako, at naging asukal na rin in my past life.
    Tambayan Ni Byter.

    salamat naman na parang thank you na nakarelate ka sa kwento na parang story ni asukal na parang sugar saka ni amapalaya na parang bitter gourd.. ayan magulo na din ako.. nahawaan mo ko.. hahahaha

  • Huwawww… Parang telenovela ata itong si Ampalaya at Asukal.

    Sana hindi magkaanak ang dalawang ito. Parang di ko maisip kung anong lasa non. Ampalaya Candy ba yun?

    Magandang blog. I like it.

    malay mo maging cute yung anak nila pwedeng maging pangulo ng pinas yung bebe nila.. anw salamat

  • hehe, nayun nalan ulit ako naglagay ng link at nagbuo ng na*. . . hehehe. . .

    ang gandaaaaaaaaaa. . .

    pero, paano napunta sa hayop ang mga pagkaing ito? ahahaha. . may pa-hawla hawla ka pa dyan…hehe.

    sapul, sapul ako. . .

    flyfly!

    yehey! buo ang napundingalitaptap.. hahaha.. pano napunta sa hayop.. ewan ko.. pampadagdag lang sya.. hahaha

    sapul din naman sya eh.. alam ko naman mahal nyo ang isat isa.. teka parang kayo nga to ah.. hahahaha.. sana maging masaya kayo.. sana..

  • utakmunggo says:

    wur da helm is my kowment? packing akismet ate it up na naman. tsk..

    teka lang (ulit) anong chismax ito? sinong nagiibigan? at sino sa dalawa ang mukhang ampalaya?

    ginintuang aral: it is because we are so different that we have so much to share.

    hang galeng noh? kumulot rin ba buhok mo sa kilikili? (takte. kailangan ko na palang magpabunot..)

    askimet ate yer comment? pero wala sya pagcheck ko.. lol.. alam mo bang ako lang ata ang lalakeng walag buhok sa kilikili.. weird nga eh.. mga ate ko naiinggit sakin kase di ko na kelangang magpawax..

  • Donita Rose says:

    rawr. bakit kc nagpapa hard-to-get pa si ampalaya? sya na nga yung nilapitan ni asuakal. sos. dapat dun niluluto at pinapakain sa mga lasing. kawawa naman si asukal.

    sana magka-inlaban na si asukal at ampalaya. para kwento naman ni melon at ni malunggay ang next. what? i dunno. apir.

    hahaha.. naisip ko nga talong saka uod eh.. yikes.. o kaya okra juice..

  • kamotenista says:

    ay kumakain ako ng ampalaya at minsan sa talambuhay ko pinakain este kumain ako ng ampalaya plus asukal. Pag namundok ka matitikman mo ang mga pinaghalo halong putahe na hindi mo akalain na pwede pla yun…hehe

    kung usapang puso ito tulog po ako nung namibagay si Kuya Jesus ng common sense pagdating sa usapang puso…*grin*

    balak ko nga mag ermitanyo at manirahan pansamantala sa bundok para makatikim ng butiki, at mga dahon dahon.. err..

  • Saminella says:

    Magbenta tayo ng Ampalaya Candy. Sagot ko na ang kabitteran.

    panalo! woot

  • mnel says:

    at the end of the day… it’s all just in the mind.๐Ÿ˜›

    ohhh teh secret..

  • may “kilala” akong ampalaya. may “kilala” akong fit sa description ni asukal. Sino naman kaya yung mangga?

    hehe. chismosa talaga.

    nalungkot naman ako. sobra.

    oi sino yan? kung kilala mo nga sila itanong mo kay ampalaya..

  • popoy says:

    awww.fb ang ganda ng short story mo. ang alamat ng asukal at ampalaya.lols

    pero tama ka. bakit ba ksi kelangan maduwag kung alam naman ng bawat isa at sigurado silang mahal nila ang isa’t isa? dapat iparamdam ang pag-ibig. hindi yung tinatago.๐Ÿ™‚

    sino kaya yung tinutukoy mo? hmmm parang alam ko to. parang lang๐Ÿ™‚

    bigyan mo nga kuya kahit konting tapang tong dalawang to.. hahaha.. sino yan? hmmmm? sino ba tong mga to? di ko nga sila kilala eh.. hahaha

  • ron says:

    madali akong maattract sa taong maraming similarity sakin. ganun naman talaga yata. instinct kumbaga. pero kapag nagmahal ka ng total opposite mo, it’s a challenge. pero hindi naman yun ang basehan… love is a horizontal force… it levels people down to a certain point…
    ๐Ÿ™‚

    ganun din ako madalas naattract ako sa mas maraming similarity sakin kase nagkakasundo kame sa bagay bagay.. pero minsan ayos din sakin yung magkaiba kame…

  • axel says:

    ayoko ng ampalaya, ako ay sweet na tao eh… hehehe

    masarap ang ampalaya.. talong naman ang ayaw ko

  • Kris Jasper says:

    Dyos ko, ang drama mo ngayon ah? Charo Santos, ikaw ba yan?

    patingin naman ng nunal….

    anw, bat di mo na lang sabihin sa 2 mong frends na M.U naman pala sila, so tama na kamo ang pa tweetums at pag emote. Sayang kamo ang oras.

    may nunal ako ilalim banda ng mata.. hahaha.. ewan ko sa kanila.. duwag kase eh.. hay life

  • lethalverses says:

    ayun o! kaya idol ko itong efbee na to.

    kenkoy na may sense ang metapora at personipikasyon ng asukal-ampalaya-tao.

    at humirit pa sa bandang huli na mukhang may pinatutungkulan ngang totoong tao ang lathalang ito.

    yung parang ampalaya na hindi nakapiling ang asukal gaya ng ampalaya na hindi nakapiling ang asukal. syet labo ko talaga

  • mangbadoy says:

    ang ampalaya dapat ibabad sa asin bago lutuin para mawala ang pait tama ba bunso? so ibabad mo na lang sya sa asin para maging matamis sya…

  • ron says:

    magandang idea nga yun! hahaha! magsanib tayo ng umayos tong mundo..hehehe!

  • lei says:

    ibang klase ung ganitong mga post na kapag binasa mo mapapaisip ka ng malalim.. may mga nakatagong “deep meanings” kasi. Parang read between the lines ang drama. haha. ung mga ganitong klaseng post hindi dapat iniintindi ng literal.. mawawala ka kung ganun. haha.

    di ko magets kung sinong ampalaya at asukal un. haha. dun nalang ako sa literal.. hindi ako kumakain ng ampalaya.. magkakamatayan tayo! lols.

  • Noime says:

    naintriga ako. nabanggit mo na yan nuon eh. hahaha.

  • b@kekang says:

    muscovado b yung asukal?hmn…ampalaya at asukal pag umpugin q kea ulo nyo..patumpik tumpik p kc eh!

  • caryn says:

    kakaintriga ang candy na yan ha. what about ampalaya chips? somone told me they were sweet.

  • hayup ah. sino ba yang mga yan? pictures please hehehe! so sad love story. maging matapang na kasi at ipakita ang TUNAY na nararamdaman. para naman me happy ending kayo. hohummmn!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ampalaya Candy at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: