Lucky me, Lucky you

October 15, 2008 § 22 Comments

Naisip ko maswerte pa rin ako. Kahit na siguro inakaala kong natatampo ang Dyos sakin dahil binagsakan nya ko ng sangkaterbang problema. Pero kung tutuusin mabuti nga’t humihinga pa ako’t nabubuhay. May kinakain, maayos na tinutulugan at may pambili sa mga walang kwentang bisyo.

Sa taong 2030 tinatayang nasa 550 milyong katao ang mabubuhay at aasa sa isang dolyar, isang dolyar na 47 piso sa kalakalan. Dumarami ng dumarami ang naghihirap, laganap sa buong mundo parang isang epidemya na kumakalat. Naisip mo ba kung gaano ka kaswerte? Hindi ka natutulog sa lansangan, may maayos kang higaan. May tahanan ka at hindi ka inaabutan ng ulan sa kalye. May kinakain ka samantalang ang iba kumakalam ang sikmura.

Krimen ang isang bunga ng kahirapan. Ang taong kumakalam ang sikmura ay kayang magnakaw para makakain at para sa pamilya. Ang pamilya ng taong nakaratay sa ospital at nahihirap ay kayang mangholdap para lamang madugtungan ang buhay ng kapamilya. Maling gawain, nagagawa ng kahirapan. Nakakapagnakaw sila, nagkakasala, nakakagawa ng masama. Masisi mo ba naman sila, hindi mo pa naranasan ang sitwasyon nila. Kung ikaw ang nasa lugar nila walang gustong tumulong, walang maasahan at kumakalam ang sikmura mo’t kelangan mong mabuhay maari mong tiisin pero kung meron ng umaasa sayo ano na lang ang gagawin mo?

Milyong milyong tao ngayon ang nasa lansangan, ber month na ngayon malamig, iuulan walang masilungan. Milyong milyong tao ngayon ang walang kinakain. Daang milyong katao ngayon ang walang trabaho. At ilang milyon ang namamatay dahil walang pambili ng gamot.

Malupit ang tadahana para sa kanila, ikaw maswerte ka kung nababasa mo to ngayon dahil may pang internet ka. Pero sila kahit pambili ng isang kilo ng bigas na pumapatak sa 32 pesos ang isang kilo wala. Naisip mo ba kung gaano ka kaswerte? Na kahit isipin mong malas ka na’t hindi ka nakabili ng damit, napaglakwatsa, mga materyal na bagay, may pang yosi ka pa, nakakainom ng alak samantalang ilang milyon sa buong mundo ang hindi makainom ng tubig dahil wala sila noon, walang bahay at damit na mga physiological needs ng tao. Binabale wala mo ang ilang bagay samantalang ang iba’y wala at umaasang magkaroon nito. Baka naman pwedeng isagawa mo kahit papano ang nasa Matthew 25:34-40. Simple bagay, pwedeng makapagpabago kahit papano sa buhay ng isang tao.

Maswerte ka, sana maisip mo yun.

Hindi mabilang ang taong naghihirap at kasama ako sa 10,227 blogista sa buong mundo na nakikiisa para sa pagbabago ng at naghahangad ng mas mabuting buhay sa kapwa.

You see men sailing on their ego trips Blast off on their spaceships Million miles from reality No care for you, no care for me So much trouble in the world now All you’ve got to do is give a little -BOB MARLEY

Tagged: ,

§ 22 Responses to Lucky me, Lucky you

  • samieboi says:

    waahhh hindi ako nakagawa๐Ÿ˜ฆ ako pa man tong nagpromote. shet. huhuhuhu

    nakagawa ka na.. nakagawa ka na.. hahaha

  • Noime says:

    malamang maswerte nga ako.
    sana pwedeng maipamahagi ang swerte anoh?

    PS. hindi ko binasa lahat.๐Ÿ˜€

    pwede.. share mo sakin swerte mo.. padalhan mo ko ng pera dito sa pinas.. makakatulong ka pa sa ekonomiya

  • V says:

    aruy tagos sa laman.

    di ka pa nakakapunta dito sa amin ano? hmm. makikita mo literal ang ibig sabihin ng kahirapan.

    nakagawa nadin ako ng entry ko.

    di pa pero nakita ko na itsura.. nasa latest entry mo

  • Donita Rose says:

    astig! help end poverty! apir! ako ngayon pa lang gagawa.๐Ÿ˜€

    woooohoooo! para sa kinabukasan! para sa mundo! help end poverty simulan nyo sakin, bigyan nyo ko pera.. hahaha

  • beero says:

    woohoo! two thumbs up ako sayo dahil sa entry na to. alam mo na siguro kung bakit. hehe.

    minsan nga di natin naiisip na maswerte pa rin tayo dahil nga sa mga sarili nating mga problema. but if we’ll just try to see things around us, we’ll realize na marami pa rin tayong ipagpasalamat…

    dahil isa ka sa dahilan kung baket maraming naghihirap? ikaw kase eh ang dami mo nabubuntis.. hahahaha joke lang

  • churvah says:

    so maswerte na pala ako ng lagay na to,
    okay fine,hehe!

    kaka panibago lng,ang seryus ata ng entry na mo ngayon..pero galing ha! sapul ako.

    entry for a cause.. kelangang maseryoso.. hehe musta churvah?

  • McRey says:

    Sa tingin ko dapat nang i-pursue sa congress yung paglalaan ng mga telecom company ng bilyon-bilyong pera para sa pagpapatayo ng mga school and other tulong para sa mahihirap…

    So ang .30 cents mo na bayad sa text ay magiging .40 cents na…

    Pero parang hindi naman totoo na .30 cents ang singil kapag globe-to-globe eh… piso pa rin…

    Ewan ko ba, mga sinungaling na mga business people ngayun para lang makahatak ng clients… shet sila.

    huwaw san mo yan natutunan.. so dapat pala magreklamo tayo dahil piso ang singil samantalang 30 cents lang dapat ang kelangang bayaran.. baka kase may system lost pa yan ala meralco.. pft.. watta corrupt diz pipol

  • hokens says:

    hubaw! hu-hu-hubaw!!! maraming salamat sa pagbubukas mo ng aking kaisipan na marami pa rin akong natatanggap na biyaya sa mundong ibabaw. ka-tsag!!!

    hubaw saka ka-tsag? salita yan ng anong planeta? hehehe.. di ko alam ibig sabihin

  • ron says:

    crap… parang nakonsiensiya naman ako kasi may internet ako๐Ÿ˜ฆ but i couldn’t agree with you more๐Ÿ™‚ mahirap manghusga ng mga tao at sabihing mahirap talaga ang buhay without actuallu putting ourselves to those people living in total poverty… gusto ko magsulat nito.๐Ÿ™‚

    dapat nagregister ka din sa http://www.blogactionday.org para naman nakatulong sa mundo yang husay mo sa pagsusulat..

  • vhonne says:

    hayz… masasabi ko na… swerte din ako… lucky me beef mami… hindi na ako magiging masyadong reklamador… hehehe

    di ako kumakain ng lucky me na may sabaw.. mas okay yung pancit canton

  • Kris Jasper says:

    aray! palareklamo kasi ako.. kung minsan nakakalimutan ko…

    nakakalimutan kong magpasalamat.

    i forgot how to be contented….

    hay…

    sapul ba manager? bang bang bang.. hahaha

  • popoy says:

    isa sa mga suliranin ng bawat bansa ang kahirapan. mahirap solusyunan ang usaping yan. marami na ring mga ginawang hakbang pero ang iba binabatikos ang iba ewan ko ha pero ginagawang pagkakaperahan. mga sakim.

    maswerte pa nga rin ako dahil may trabaho ako at nakakakain naman ng mga pagkaing gusto kong kainin, nakakabili ng mga bagay na gusto ko at nakakatulog ng mahimbing kahit bulok ang bahay namin. nagpapasalamat ako at ndi ko nararanasan nag mga bagay na tinukoy mo na mukha ng kahirapan.

    ayos fb. nais ko din sumulat ng ganito. pano ba sumali dyan sa Blog Action Day 08?

    dapat nagregister ka kuya sa http://www.blogarction.org bago mag october 15 kase 10/15/08 ang blog action day pero pwede pa rin ata ngayon magreg.. kakacheck ko lang nung site pwede pa kaya go.. para sa pagbabago ng mundo..

  • utakmunggo says:

    alam kong maswerte ako sa lahat ng meron ako noon at ngayon, at di ko nakakalimutan yon. kahit sa mga anak ko, lagi kong pinamumukha na hindi lahat ng gusto nila kaya naming ibigay. pero yung pangangailangan nila, sinisikap naman naming magkaron din sila.

    yun naman ang mahalaga eh kung ano yung kailangan hindi yung gusto lang.. sa panahon ngayon kelangan maging praktikal.. dapat yung kelangan lang ang kunin dahil aahin mo naman isa pang ipod psp at kung anik anik pa di ba?

  • oo nga naman. swerte pa rin tayo no…

  • kamotenista says:

    masuwerte pa rin kahit minsan isa akong patay-gutom (as in gutom lang).

    ang galing ng entry na FB.

  • Ayiene says:

    I am in!
    Nakiisa rin ako sa Blog Action Day!
    Let us all stop poverty!

  • kirksydney says:

    Woooo I’m in! Kudos!

  • eloiski says:

    saludo po ako senyo!

    oo nga at maswerte pa ako sa lagay na ito.
    ang dami dami kong nirereklamo!

    pero hayun mas meron pa pala dapat magreklamo ng sobra kaysa sa akin!

    maswerte ako dahil may magulang ako na napakabait at pinag-aaral ako!

    swerte pa talaga ako!

  • Ice says:

    i’m in!

    alam mo naman tayo efbee, share your blessings!
    yahooooo!!๐Ÿ˜„

  • yeah maswerte tayo!!!! always be thankful sa lahat ng blessings… pray for those who needs God the most… pray for those who need strength… and pray for those who are lost.. amen!!! cheers;p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Lucky me, Lucky you at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: