Inggiterang Reyna

October 11, 2008 § 26 Comments

Kung kabilang ka sa henerasyon ko na naexperience ang childhood noong dekada nobenta maaring inaabangan mo sa telebisyon ang Batibot. Nauso din dati ang mga pambatang telenobela o yung mga cartoons na punong puno ng drama. Sino ba ang hindi nagalit kay Miss Minchin nung minaltrato nya at ginawang katulong si Sara ang munting prinsesa? At sino din ba ang hindi nawili sa cartoons na kilala sa Hapon bilang Shoukoushi Ceddie o mas kilala bilang Cedie dito sa Pilipinas? Sinabayan si Remi sa pagkanta ng “aking ina, mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina’, sinubaybayan ang tadhana ng kambal ng tadhana na si Julio at Julia. At nung mga preteens na inabangan si Judy Abott tungkol sa kanyang Daddy Long Leg.

Pati mga paboritong fairy tales ginawa din cartoons tulad na lang ng Cinderella, The Secret Garden at Snow White. Nalaman ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinapalabas ang mga cartoons na ito sa telebisyon, kasalukuyang ineere ang Snow White sa umaga. Pinakasikat na ata ang katagang “salamin salamin sabihin sa akin kung sino ang pinakamaganda sa buong kaharian” at sasagot naman itong mahiwagang salamin at sasabihin na ang reyna ang pinakamaganda. Tapos darating ang panahon na masusuklam ang reyna dahil hindi na sya ang pinakamaganda. Ipapatay nya si Snow White.

Naisip nyo ba kung ano ang maaring gawin ng isang tao dahil sa inggit? Yung reyna pinapatay nya si Snow White, yun na ata pinakakarumal-dumal na pwedeng gawin ng isang taong punong puno ng inggit sa katawan ang pumatay para lamang makuha ang gusto nya. Napakabarbaric. Yung iba maninira ng pagkatao para lamang pababain sa kinatatayuan mo, magpapanggap na kaibigan mo pero pagtalikod mo duguan na ang likod mo dahil punong puno na ito ng saksak.

Invidia ang latin term ng inggit at si Leviathan ang demonyong sumisimbolo sa kasalanang ito. Kung malimit kayong magbasa ng bibliya o nagpapanggap na santo o talagang palasimba kayo o marahil nag-aral sa isang ekwelahang katoliko alam kong alam mong kabilang sa 7 deadly sins ang inggit kasama na dyan ang ang Lust, Gluttony, Greed, Sloth, Wrath at Pride.

Sa pananaw ko normal sa isang tao ang mainggit. Ang pagka-inggit ang kakulangan ng isang taong tignan ang sarili at pahalagahan ito at imbes na tumingin sa biyayang kanyang natatamo mas binibigyang pansin nya ang natatanggap ng kapitbahay nya. Sino ba ang nakuntento na sa sariling biyaya? Kung kuntento ka na sa sarili mo at sa mga bagay na na sayo isang masigabong palakpakan ang para sayo. Sino ba hindi nainsecure sa sarili nya, si Britney Spears nga naiinsecure sa legs nya, si Nicole Kidman ayaw sa ilong nya, at marahil pati si Angelina Jolie minsan nasuklam sa labi nya dahil sa sabi sabi na kung ano ang size ng labi sya din size ng pekpek. Marami akong insecurities sa katawan at dahil doon naiinggit ako sa mga ibon na kayang lumipad ng matayog sa langit pero seryoso naiinggit din ako sa porn stars. haha

Balik tayo sa usapang Snow White, sa kwentong ito isinaad din ang aral na wag basta basta magtitiwala sa mga tao, dahil baka akalain mo na mabuti pala ang kanilang intensyon pero yun pala may lason ang mansanas na ipapakagat sayo. Dala ng pagkainngit nagpapanggap ang isang tao pero sa ang totoo nabubulok na ang utak nito kakaisip ng masama sayo. Hindi ko din alam kung ano na ang nangyare sa inggiterang reyna marahil tumanda syang puno ng pagsisisi at kumulubot ang balat, pumanget at noong namatay sya napunta sa impyerno at doon tuluyang natusta ang kaluluwa nito.

“Envy consists in seeing things never in themselves, but only in their relations. If you desire glory, you may envy Napoleon, but Napoleon envied Caesar, Caesar envied Alexander, and Alexander, I daresay, envied Hercules, who never existed.” -Bertrand Russel

Tagged: , ,

§ 26 Responses to Inggiterang Reyna

  • Leyn says:

    mali ka, “salamin salamin, sabihin sa akin kung sino ang nagtataglay na kagandahang angkin”!!! HAHAHA.

    normal lang ang mainggit, hindi lang maganda yung tipong super deny ka na naiinsecure ka rin kahit papano. atsaka naninira ng iba para itago ang sarili mong insecurities.

    actually na iinsecure ako sayo e, bigyan mo naman ako ng konting fats.

    hahahaha.. mali pala yun.. basta yun din yun.. hahaha.. ako naman inggit sa multimedia chiva skills mo

  • damdam says:

    oo nga, common ang mainggit, pero ang karirin ang pagiging ingitera ay hindi na normal.

    but ifairneess, maraming naging successful jan sa tabi tabi dahil lang sa inggit. una na ang linyang “gusto kong yumaman” at “ayokong maging dukha” lol.. it can serve as a drive to reach something. pero pag sumobra ang inggit shet! por sure ang mga linya nila katherin at scarlet ang mangingibabaw! too much tv na ata ako.. lol..

  • Maldito says:

    tamang tama ang tema mo efbe sa sinabi ng evil witch dito sa office..sinabihan ba naman ako na “PROUD KA BA NA FAMOUS BLOGGER KA AT MAY AWARD PERO NAG BLOBLOG SA OFFICE”. shes a bitch!!!ano nalang ang kwenta ng lapop ko at ternet sa bahay kung indi ko gagamitin…

    lahat ng nnaiingit…namamatay din..yan lang msasabi ko..potaness nila..

    bdtrip ako.

  • utakmunggo says:

    kaya kung ako sa iba diyan, eh sloth na lang ang karirin nyo sa 7 deadly sins; wala kang masasaktan, pero wala ka ring masusuot kinabukasan kasi hindi ka naglaba ang tamad mo kasi..

    ang sabi raw eh kapag sinisiraan ka ng isang tao, hindi naman raw ito inggit sa iyo. ang ibig sabihin lang daw non, eh masyado siyang hanga sa iyo pero sa negatibong paraan lang niya nae-express. parang asa kubeta lang na nage-express ng negatibong bagay. ganun.

  • V says:

    basta ang alam ko masama yun inggit. lalo na kung yun na yung naghahari sa puso ng isang tao. kasalanan sa diyos yun. kahit na tunog tradisyunal na katoliko ako. mas okay na yun kesa walang pinanghahawakan. yan ang pinaka ayaw ko sa lahat ng 7 deadly sins.

    pero naisip ko nga yung cycle ng hate, minsan gusto ko din pumatay ng mga inggitera sakin. mga sakim kasi, di nalang magtyaga para naman magkaron sila ng silbi sa mundo

  • YUng reyna? ayun oh… kumakanta sa TV ng Aawitan kita (yikes! corny!).

    si A inggit lagi sa blog ko. remind ko kaya siya na deadly sin yun at pabayaan na lang nya ako sa hobby ko. hmmm….

  • Gilbert says:

    minsa, nagpopost ng mga tungkol sa ganito ang mga tao, kapag may gustong patamaan. Sino kaya ang inggitero/inggitera ang pinatatamaan ni fb?

    op kors maliban kay inggiterang reyna.

  • eloiski says:

    wow! seryus mode ata itech ha!

    well, well well bwisitna bwisit talaga ako sa mga inggit tsenelyn na yan!

    dahil sa inggit, pilit nilang binabagsak ang isang tao!

    parang sa papa ko! amp!
    bunso kasi siya kaya ayaw pasapaw nung mga ate at kuya niya!

    hay! problema nga naman!

  • ron says:

    woooooow! paborito ko lahat ng mga cartoons na sinabi mo. hehehe! hindi ko na nga lang sila napapanood kasi tanghali na akong nagigising. ahehehe!

    nako ibang klase talaga ang inggit kapag hindi nacontrol. it will corrupt a person and do evil stuff…

    i want to believe the good in people, pero sa panahon nagyon normal ng maging cynical or skeptic…

    sino ba ang gustong may sak sak sa likod? hehehe!

  • Jhaynee says:

    may dalawa na akong inggitera posts… does that mean in overly sinful??? ooooohh…

    agree ako sa patama thingy.. sino ba to efbee? natamaan naman kaya siya?? hehehe

    btw, yung reyna ayon sa disney cartoons, hinabol ng 7 unano este dwarfs pala hanggang umabot sila sa bangin at hindi na makatakas ang reyna. ayon at nahulog kaya namatay..

    idol talaga kita magsulat efbee..

    nagreresearch ka talaga.. hehehe..

    ingatz!!

  • na* says:

    hmmmmmmmm…kulang yata.

    parang nay nas hinihintay pa akong sabihin mo.

    tama, normal lan mainggit pero maling hayaan mong mainggit ka nalan…dapat makita mo rin ang sarili mo.

    pero tama, mali yun. . .
    *anu na ba talaga, tama o mali…so na*) ahahaha…

  • Jon Cabron says:

    imho, ok lang mainggit kung gagawin mo yun na inspirasyon para maabot mo yung mga bagay na gusto mo para sa sarili mo. lagi mo lang tatandaan na hindi magiging kapunuan sayo ang kakulangan ng ibang tao. mainggit ka at humanga ka, normal yun pero wag mong kakalimutan na mas maganda pa rin na gumawa ka ng bago kesa piliting ipagpatuloy ang isang bagay na hindi pa nga binibitawan ng may ari.

  • mia says:

    sa ospital madaming inggetera at inggetero. kaya nga ako ang bida e.

    kailangan may napoleon na pangalan. ayheytchu

  • aba parang maghenerasyon tayo ah.. kasi perfect lahat ng mga dinescribe mo eh… hahaha at kabisado pa ang mga tag lines at official soundtrack ng mga cartoons na yun ah… sus napakasinungaling ng taong nagsasabi na di siya marunong maiinggit.. wushu, utot nya…cheers;p glesy the great

  • coldman says:

    di naman obvious na kapamilya ka? lol!

    natuwa lang ako dahil lahat yan ay napanood ko, siyempre pinanganak ako sa dekada 80 kaya di tayo nagkakalayo ng edad. lol!

    haay! nakakamatay ang inggit sabi nga nila PERO mas maganda kung gawin mo na lang ‘tong inspirasyon para maabot ang mga pangarap mo ( wag ka nga lang mantatapak!)

    =)

  • lunes says:

    xmpre napanood ko ung mga cartoons na un.wehehe. ung charlotte pa nga di nasama sa taas..

    nakakatakot ang inggit.ung uncle ko nun binaril dahil sa inggit.wehehe.. kaya tc sa inggit.

  • byter says:

    sabi ng mahiwaga at sikat na kasabihan “beauty is in the eyes of the beholder” pwes kung meron magsabi sa sayo na pangit ka DUKITIN mo mata nya.

    PS ilabu:
    peboryt ko lahat ng cartoons na enumerate mo. na miss ko na nga si Judy Abott.

    Tambayan Ni Byter

  • Donita Rose says:

    ahaha! naalala ko yung usapan natin dati tungkol kay angelina jolie. oh yeh.

    tama ang iba, natural nga naman talaga ang inggit, pero hindi rin naman maganda yung kinasusuklaman na yung taong kinaiinggitan. if anything dapat, kung inggit ang isang tao sa isang tao dapat ginagamit nya yun for inspiration and personal growth. labo.

    i mean, halimbawa kagaya ko, nainggit ako sa ex nung crush ko dati, kc maganda, matalino at super artistic pa.

    meron na ko nung naunang dalawa (HAHAHA! KABLAGAAAM!) kaya nag-aral ako ng art, para hindi ako mainggit sa kanya kasi ngayon halos pareho na kami ng artistic abilities. tas in the long run, dahil na-inspire nya ko talaga to be a better artist, eh nakalimutan ko na kung bakit ako naiinggit sa kanya at naging friends din kami. ahaha!

    mas sayang kasi sa oras at panahon kung uubusin mo lang to sa araw araw nag pag-hate sa isang tao dahil insecure ka. at wala din naman ikabubuti kung mamatay ka sa inggit.

    kung sino man ang inggit sayo, pabayaan mo na lang. kung sinisiraan na ang pagkatao mo, chaka mo na lang pasabugin ang bahay nya. apir!

  • Noime says:

    Favorite ko yung Judy Abott.😀

    Ako, minsan lang ako mainggit. Ewan ko ba kung baket.

  • Roxy says:

    Madami talagang ingitero/ingiterang frog sa mundong ibabaw. Hindi na natin maalis yun. Kahit tayo mismo nagiging ganun din. Pero kung sobra na sila at dumadating sa point na naninira na at gusto ko na ipapatay. Inggitin mo lalo! para sha ang mamatay sa inggit. wahehe.

  • kamotenista says:

    ako marami ring inggit sa katawan….gaya nalang ng inggit ko sa’yo…hehe

  • FerBert says:

    salamat sa lahat ng nagcomment.. ag totoo nyan tinatamad akong magreply.. hahaha.. sorry na ah.. taenang kaseng juan tamad eh sumapi na naman sakin..

    salamat ulit..

    xoxo
    FB

  • grabe ah… pinanonood mo rin ba yung mga cartoons na yun dati… dahil ako oo…

  • raechelle says:

    the best talaga ang mga morning cartoon shows!

    pero walang tatalo kay TOM SAWYER. hahaha

  • xG says:

    title pa lang alam ko na
    hahahaha

    homaygad
    sasabihin ko na lang
    pagnagkita tayo
    hahahahaha

  • Hener says:

    “i know everyone hates us. everyone wants to be us.”

    nabasa ko lang kung saan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Inggiterang Reyna at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: