GUILTY!

October 7, 2008 § 29 Comments

Anti-Obscenity and Congress assembled: Pornography Act of 2008

Napakahusay ng pagkakaexplain ng batas na yan. Mapapahanga ka. Putangina isang batas para pangalagaan ang integridad ng mga babae at upang ilayo sa mahalay na imahe ang mamamayang Pilipino at kung sino mang may akda ng batas na ito pupurihin sya ng marami pero kung titignan mabuti at babasahin mo ng buo ang batas magigimbal ka sa katotohan at matatakot.

Bilang isang tambay at walang pakinabang sa lipunan na tulad ko hindi ko dapat pinapansin ang mga batas, hindi naman ako nagbabayad ng buwis, hindi naman ako productive citizen ng bansang ito. Ngunit balibaligtarin man natin ang mundo dumadaloy pa rin sa ugat ko ang dugo ang lahing hindi-atakot-hindi-atakbo, at karapatan ko bilang mamamayan at anak ng mga ninuno kong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas na paki-alaman at alamin ang mga batas.

Okay yung batas eh, Wala akong kwestyon dun pero dahil din sa batas na to maaring malimitahan ang kakayahan ng mga artist naten (e.g manunulat, direktor, pintor, skulptor). Kung maalala nyo noong taong 2001 nung kasagsagan ng kotrobersya patungkol sa pelikulang “LIVE SHOW” o “TORO” nagkaisa ang mga artista para ipaglaban ang tinatawag na freedom of speech, na karapatan ng bawat mamamayan na ipahayag ang kanyang saloobin at pakiwari sa mga bagay bagay sa lipunan sa pamamagitan ng pamamaraan na napili nya.

Maganda yung pelikula, sasabihin ko yan hindi bilang isang malibog na nilalang pero bilang isang taong mahilig manood ng pelikula. Sinasad sa kwento ang katotohanan, ang mga lihim, ang mga bagay hindi naten alam tungkol sa buhay ng mga torero’t torera, ang mga hirap at pasakit at ang kahihiyang kailangan nilang pagdaan para lamang kumita ng pera. At kung ika-cut mo lahat ng eksenang sekswal doon sa pelikula wala kang mapupulot na aral pagkatapos mong panoorin mabibitin ka lang at patuloy na magtatanong “baket ganun” anong nangyare” “huh” at hindi pa rin malalantad sa publiko ang totoong buhay na pinagdadaan ng mga ganitong tao. Nakakalungkot langdahil hindi pa umabot ng isang linggo ang pagpapalabas nito sa sinehan, Pinatanggal kase to ng MTRCB sa mga sinehan. Nagkaganon man nag-uwi naman ng parangal ang pelikulan yun. Ang pelikulang tinuturing na pornograpiya ng iba ang sya pang mag uuwi ng parangal para sa bansa.

Karamihan ng makikita mo sa museum may mga babae at lalakeng nakahubad at kung ituturing na obscene ang mga ganitong bagay maglalaho ng tuluyan ang salitang art sa diksyunaryo. Ang kilalang artist sa buong mundo na si Michaelangelo ay may painting sa ceiling ng Sistine Chapel ang Creation of Adam at kung makikita nyo ang mga larawan sa google nasasakop makikita ang Isang lalaking nakahubad. Sa mga nobela ni Paulo Coelho may ilang eksenang erotiko kang mababasa dito. Natural lang na sumulat ang isang manunulat tungkol sa isang bagay, karapatan nya yun bilang manunulat, nasa kamay nya kung lalagyan ba nya ito eksenang sekswal o hindi.

Ngayon kung ipapatupad ang ang batas na ito ano na lang mangyayare satin? Magkukulong na lang ba tayo sa kung anong pwedeng ipagawa satin ng batas ng ito? hahayaan na lang ba naten na mawalan ang kakayahan ng mga artists naten, kung nilimitahan kung anong pwedeng gawin ng isang manunulat para mo na rin syang tinanggalan ng karapatang mabuhay, kung sasabihin mo kay Fernando Amorsolo na bawal syang magpinta ng hubad na larawan para mo na rin syang pinutulan ng kamay, at kung sasabihin mo sa mga direktor at producer ng pelikula na ang pagpapalabas ng sex acts ay magtutulak sa kanila para lamunin sila ng lupa at masunog sa impyerno. Ang pelikula ay ginawa para ilarawan ang buhay ng tao at parte ng buhay ng tao ang kantutan. Hindi pa pinapanganak ang maaring susunod na national artist ng Pilipinas at potensyal na Nobel Awardee para sa literatura tinanggalan mo na sya na pagkakataong ipamalas ang talento nya.

Kung tuluyang mapapasabatas itong Senate Bill 2464 para na rin tayong dinala sa nakaraan sa panahon ng mga Kastila na kung saan ang mga nobela ni Rizal ay itinuring na malaswa o obscene sa lipunan. Nakakalungkot lang na pagkatapos ng 110 taon ng idependence ng Pilipinas hindi na mga Espanyol ang tumutol sa mga artist naten sa mga bagay na maari nilang gawin kundi kapwa Pinoy na nila mismo.

Obscene? Malaswa? Nasa Tao kung pano nya titignan ang isang bagay, Depende din sa isang tao na kahulugan nito. Kung makitid ang utak nya maaring husgahan nya agad ito bilang bastos. Napakaipokrito ng batas na to, papogi lang sya, katulad sya ng isang lalakeng puro porma lang ang alam pero kung hahamunin mo sa isang suntukan eh magtatago lang din sya sa palda ng kanyang ina.

Kaipokrituhan, nagkantutan ang magulang mo kaya ka ginawa panong naging masama ito. Pinanganak tayong nakahubad, anong masama sa hubad na iskulptura, na larawan? Anong masama ang akda ng manunulat patungkol sa sex? Masama bang ipahiwatig ng isang tao ang kanyang nararamdaman? Oh c’mon utak mo ang masama! Malaswa na kung malaswa pero kung hindi ipapahayag ang saloobin mo ang tawag dun kaplastikan, Hindi kalaswaan ang mga bagay na ito, pagpapakatao.

Piringan mo na lang ng mata ang mga Pilipino para hindi sila makakita ng kung ano sa tingin mo ang malaswa, Bigyan mo ng ipod ang lahat ng mamamayan at punuin mo ng gospel songs, sermon ng pari at novena ang laman nito para hindi mapasukan ng kahalayan ang kanilang utak, I-scotchtape mo na ang bunganga namin para hindi na kame makapagmura, o mas mabuti pang patayin mo na lang ako kesa maging plastik at hindi ilahad ang saloobin ko. I PLEAD GUILTY YOUR HONOR AT ISANG MALUTONG PUTANGINA ANG PARA SAYO!

Pwede nyong idownload ang batas na ito DITO (Kung may pakealam ka sa bayan o kung simpleng tagapagtangkilik ka lang ng porn basahin ito ng buo at bigyan ang atensyon ang section 3 na napakitid ng depinisyon ng Obscene at Porno)

Tagged:

§ 29 Responses to GUILTY!

  • samieboi says:

    ang batas ay naglalayon na supilin ang PORNograpiya at hindi ang artistic juices ng mga taong nasa industriya ng arts. iba ang pornograpiya sa artistically done na pelikula o kwento o kung ano pa man.

    ang mga pelikula, artikulo at ano pa man ay nisscreen at dumadaan sa maraming klase ng “tests” bago ito naka-categorize kung acceptable or PORN galore na. Wala kasing Censorship sa pilipinas, meron lang taga regulate, dyan pumapasok ang mtrcb at ung iba pang nagreregulate. gaya ng sabi ko dumadaan yan sa maraming maraming maraming tests. take for example a movie, dadaan yan sa average person test, contemporary test, national identity test, isolated passage test, social redeeming factor test, dominant theme test… yan lang naaalala ko sa media law. hahah!!! at pag napasa niya yang mga yan eh di gora ipapalabas… pero kung bumagsak eh wala an… porn talagang maituturing yon.

    ang (mga) hubong katawan sa sistine chapel ay kinakailangan at accepted kasi nga Creations story yun. ang gawa ni Paulo Coelho na mga erotic scenes sa novels ay called for sa nobela niya, hindi basta isinalampak lang. iba ang meaning ng porn..un siguro ang dapat gawin ng batas, ang mas idefine pa kung paano ang isang bagay ay matatawag na porn at ipaalam sa mga tao ung definition n aun.

    totoo na nasa tao kung paano niya titingnan ang isang bagay. pero sa ayaw man at sa gusto natin, nasa isang lipunan tayo na may “matrix” na kailangan sundin.

    hindi ka makukulong… alam mo kung bakit? kasi may “artistic” taste ang mga chorva mo…😀

    at ang haba ng entry ko mali mali pa ata ang nailagay ko🙂

    alam mo bang eto na ang pinakamahabang entry ko at ito rin ang pinakamahabang comment na natanggap ko? gaya nga ng sabi ko sayo yung depinisyon kase ng Porno at Obscene sa batas na topic ko eh napakasikip, na tinurin na malaswa lahat ng bagay na nakahubad o nagpapakita ng mga sexual acts at porno na agad na matatawag ang mga bagay na nag iistimulate o nag aarouse ng impure thoughts, so kung may taong nalilibugan sa shampoo commercila ituturing na agad na porn yun. Sana lang talaga pinaliwanang mabuti nung batas kung ano ang tamang depinisyon ng malaswa sa porno.. haha wag kang mag alala walang magagalit sayo, ako pa mismo magtatanggol sayo pag meron.. bwahahahaha

  • Leyn says:

    para sa isang katolikong bansa, talagang susulpot ang mga ganyang batas. misyadong sakim ang tao para hindi maunawaan ang kahulugan ng “liberty”.

    Tama ka, “Nasa Tao kung pano nya titignan ang isang bagay”. Ang problema, misyado nang maraming manyak sa mundo o mga taong ginagamit ang freedom of speech para matrigger ang pambabastos ng kapwa… dapat ano eh, may mga batas na para lang sa mga manyak. haha.

    o wag ka guilty, malibog ka… hindi ka manyak.

    hindi talaga ako guilty hahahaha.. tama ka na rin na madaming umaabuso sa kanilang kalayaan.. tsktsktsk

  • mangbadoy says:

    ayus ka leyn!!!!

    seryoso ang topic tapos napunta ka sa line na to:

    o wag ka guilty, malibog ka

    anuber.. isa ka pa.. haha

  • coldman says:

    ang haba naman nito parang galit na galit ka. Lol!

    congrats nga pala!

    hindi naman ako galit.. tama lang.. naiinis lang lang..

    salamat kuya coldie.. weee

  • beero says:

    hahaha. ang angas naman ng post na to. alam ko isa ka sa unang magri-react sa batas na yan eh. lols. di ako magpapaka-ipokrito kasi maraming pornos na rin napanood ko. at di ko naman sasabihin na puro kalaswaan ang pino-portray sa isang malaswang pelikula. alam ko sa bawat ng frame o scene sa pelikula o anumang uri ng media ay naghahangad magparating ng isang mensahe sa mga manonood.

    hindi ako unang tumalak.. hanube.. haha.. nakita ko lang kase sa multiply yung law.. kaya ayun nainis ako.. ano ba naman yun nude photos eh maitituring ng agad na porno.. pano na lang yung naglalayong magbigay ng inpormasyon tulad ng mga katutubong hubot hubad na pinapalabas sa national geographic

  • kris jasper says:

    yung mga mambabatas Dyan kasi eh.. feeling morally rich, mga kurakot naman!

    Ba’t d2, laging may frontal nudity sa TV, pero yung crime rate hindi naman mataas? yung mga pulis walang dalang baril, karamihan sa mga tao may trabaho…

    Mga retarded kasi ang nasa gobyerno jan eh. NAgreregress…

    kase dapat binibigyan muna nila ng atensyon ang ekonomiya ng pinas, edukasyon at problema sa pangungurakot.. mas iniintindi pa nila to eh alam ko naman na pag nasa bahay sila nanonood din sila ng porn..

  • jericho says:

    wow. usapang porn? hehe. porn is a cultural thing as well. related sya sa sexual norms i think. so sexual revolution na ba? hehe

    exactly! nasabi mo na porn is a cultural thing at related sya sa sexual norms.. physiologic needs din ng tao ang sex.. tong mambabatas na to lalo na si villar kala mo naman hindi tao na hindi nakikipagsex..

  • utakmunggo says:

    ayy nagmamalinis lang yang mga kupal na yan. palibhasa may cork sa pwet kaya lahat ng tae napunta na sa utak.

    I LOVE IT!! hahaha

  • Ang haba naman ng post mo! Tungkol pa ata sa batas!

    Sige mamaya ko na babasahin. Uuwi muna ako. Nasa opis pa kase. Hehe. = P

  • V says:

    madalas naman kasi ang mga artists ay nasa extremes ng tinatawag natin na norms, at pag lumabas ka don, deviant ka na agad, at turing sayo ay isang flaw or threat sa order at sistema ng society na kinabibilangan mo. wala namang problema kung magkaron tayo ng mga kung ano anong batas, yun nga, sana iexpound pa nila ng mabuti yung definition. ayun yung mga comment sa taas. tama yun. retarded kasi ang kadalasan ng pilipino, palibasa lumaki nalang tayong mangmang at pinabayaan na manghula kung ano ba tong mga batas na to. maintindihan ba yan ng ordinaryong porn dvd vendor sa mga eskinita ng maynila? buti kung nakapag phil.constitution, sociology at kahit english101 man lang yun. yun gobyerno magfocus sana sa edukasyon. diba diba diba.

    well said V.. well said!

  • Hindi ko napanood ‘yung Live Show. Dun sumikat si Klaudia Koronel, ‘di ba?

    Honestly, wala naman talaga akong pakialam sa mga batas na ‘yan. Andami dami nang batas sa Pinas, pero bakit ganito pa din tayo? Kulang kasi ang gobyerno sa effective implementation.

    Kasama din tayo sa dapat sisihin. Wala tayong pinapakitang suporta sa gobyerno. Walang takot. Walang disiplina. Lahat nilalabag. Tatakas hanggang hindi mahuhuli.

    It’s a cycle. Parang gulong. It goes on and on and on…

    Parang nalalayo na comment ko sa main topic… *LOLz*

    Ang gusto ko lang talagang sabihin eh kung gusto ng gobyernong ipatupad ‘yan eh di ipatupad nila. Period. Hindi ako mag-ooppose. Kahit papaano naman eh may tiwala ako sa gobyerno. Alam kong may maganda silang intention. Basta kung sino ang nakaluklok, dun ako.

    Kung mawalan man ng trabaho ang mga Viva Hot Babes at Baywalk Bodies dahil sa batas na ‘yan, I really don’t care. Eh ‘di maghanap sila ng ibang trabaho.

    Me sense ba ang comment ko, FB? Pati ako naguluhan na din nung binabasa ko. *LOLz*

  • Maldito says:

    alam mo ang paghuhubad ay isang art para sakin..syempre kung may magandang katawan ka lang naman, why not flaunt it..

    iba ang pornograpiya sa paghuhubad with art..

    ang pornograpiya ang ang paghuhubad ng walang sense, meaning and style…

    sa akin lang eh. tangena ang net kung walang hubaran..

    lols

  • popoy says:

    napanuod ko ang TORO o yung LIVE SHOW. artistic ang pagkakagawa. naniniwala din ako na nasa utak ng tao ang kalaswaan. kakitiran ng utak ang masabing pornograpiya ang isang medium na naglalarawan ng hubad o sekswal na akto. kung ito naman ay naipaliwanag ng mabuti at ang taong umiintindi ay broad minded(sana tama ako sa paggamit ng ingles) aba magiging sining ito para sa kanya. ito ay malaki at kumplikadong tema na pagdedebatehan. iba ibang pananaw at opinyon. pero syempre sino ang magwawagi? ang nakararami at ang mga taong maniniwala sa napakagandang opinyon regarding sa issue ngang ito.🙂

    di ba ang ganda nung live show.. pamilya ng mga puta.. mahusay yung direktor nun saka pati mga artista..

  • axel says:

    NO for NO PORN… hehehe…

    ayos! wooohooo

  • yeye says:

    nursing is an art.toinks. hahahaha joke..biglang ganun eh hehehe

    naku panu ka na niyan alien???

    hahahaha

    gudlak sa kanila..di nila makakayang sugpuin ang porn….if i know..mga mambabatas mahilig din sa ganyan. LOLZ

    oo naman.. art talaga ang nursing.. pati pagtitiklop eh kelangan inaartehan.. haha

  • mayui says:

    ang kitid ng isip ng mga gumawa niyang batas na yan.
    pero kung sakali mang maisabatas yan, may pag-asa pa rin naman ang mga producers at directors dahil pwede silang umapila dahil nga nao-oppress ng batas na ito ang freedom of expression.

    nga pala, na kay PGMA ang huling hatol dyan sa batas na yan.

    alam mo bang si Villar ang may gawa ng batas na to. at alam naman nateng lahat na kachokaran sila ni Arroyo so ang ending baka mapasa ang batas na to.. ganyan naman eh kahit saang larangan may palakasan.. tsktsktks

  • repah says:

    naku.. fb.. malamang pag naaprove na yan.. pinaghahanap ka na ng pulis pangkalawakan ngayon.. dahil ikaw ang kaunaunahang lumabag sa batas na yan.. ehehehe.. pizzzz..!

    hindi pa naman sya approve so technically hindi ko pa sya nalalabag

  • ickatot says:

    nanghihikayat ka ba na tumutol sa bill na yan? para namang galit na galit ka kasi eh. easy lang.

    akala ko about PORN lang siya, kaya pede namang boto ako sa batas na yan, not until mabasa ko lahat

    part of section 3!!
    (2) showing, depicting or describing human sexual organs or the
    (3) showing, depicting or describing completely nude human

    sabihin na natin na kawawa ang mga fansclub ng mga live show, pero kung isasama ang 2&3 heller?! pano na lamang ang mga med/nursing student na dun lang natututo sa human anatomy

    o di ba? sobrang mali.. maling mali..

  • ron says:

    i have to agree with you. ang galing ng arguments mo.🙂 art is art. but art is subjective and it goes with almost everything else. ang utak ng tao ang magdidikta kung malaswa ang isang bagay o hindi. pero i have to admit may mga pelikula na walang art yung mga “sexual attributes” tingin ko yun dapat ang iregulate nila but not totally eradicating them…

    hindi rin maganda na burahin ang sex sa kahit anong forms ng arts… may utak ang tao. sexual ang tao. the more na pigilan mo yan, lalong magpupumiglas. kailangan maging malaya ang isip…

    off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out🙂

    http://kundiman.net/ekwentomo-entries/

    weeee.. dudlak sayo sa contest na to.. wee

  • may says:

    lahat nga naman ng bagay ay relative. iba-iba sa pananaw ng tao. pedeng maganda sakin ang pangit sayo at ang masama sakin ay mabuti para sayo. Siguro dahil na rin sa differences na ito ay dapat i-reconsider ang ilang mga bagay bagay sa mundo🙂 hay naku, wag ka magalala, marami tayo makukulong pag nagkataon, tpos magparty tayo sa loob ng kulungan.hehe

  • Ice says:

    disadvantages ng freedom–tama ba ako o tama lang? hahaha.

    pero sa bagay, tama nga naman na sayo na kung paano mo titingnan ang isang bagay. kumbaga, kanya kanyang trip lang.

    i’m innocent. that’s all. XOXO

    may tama ka nakainom ka ba? lols

  • Jhaynee says:

    napaka informative naman ng post na ito… hehehe…

    naging topic namin sa computer class yang pornography sa internet..

    sa tingin ko naman, kung pornography ang tukoy ng batas ay hindi na base sa opinion ng tao yun dahil iba naman ang context at intention ng pornography.. at doon yun nagkaiba.. sa intention..

    ingatz!!

  • burinj says:

    ang kalaswaan ay depende sa utak ng isang tao, kung pano ka mag isip..ang pag supil sa pornos ay positibo sa iba at masyadong magiging nega naman para sa iba…depende na lang sa level ng kayang abutin at saklawan ng mga utak natin!

    nice post,…napadaan lang at napabasa

  • byter says:

    isang-daang(100%)porsyentong pagsang-ayon sa ngalan ng mga tambay dito sa kanlurang visiyas. isang malaking ka-ipokritohan ang batas na ito at isang malaking factsheet ang nag-propose ng batas na ito. ang mga taong na-ooffend sa mga ganito ay mas mahalay pa sa mga gumagawa nito. mga mapagkunwaring mga factsheet. linisin kaya nila muna ang mga sarili nila. turuan nila ng magagandang asal ang mga adik nilang mga anak at mga apo. linisin nila ang druga sa lipunan natin at ibitay ang lahat ng corrupt sa ating gobyerno. pag nagawa nila yun, maniniwala na ako sa kanila.
    Tambayan Ni Byter

  • Donita Rose says:

    meron akong mahabang comment na ipo-post ko mamaya. apir!

  • Donita Rose says:

    eto na yung sakin. sorry naman kung biglang lumalayo sa topic. hahah!

    ==========

    natutuwa ako sayo kapag may ipinaglalaban ka, masyado kang passionate sa mga causes na sinu-suportahan mo. apir! anyhoot.

    point 1. parang gagong siraulo si Manny Villar.

    point 2. para sa sexion 3 ng article.

    hindi lang hubad na imahe ang nakakapagbigay sa isang tao ng impure thoughts. may mga tao na kapag nakakita o nakahawak ng leather naa-arouse, pero does it mean na obscene na yun? eh kung leather chair naman ang tinitignan at hinahawakan? kung ang isang babae pinicturan na nagbe-breastfeed ng baby, at may isang malibog na boylet na tinigasan sa picture na yun obscene na ba yung pic na yun? i think not. yung mga images ng hubad na tao sa mga science classrooms at ospital, msasabi bang obscene yun kc may pinakitang etits o vagina? eh for educational purposes naman ang gamit nun.

    mas often nga na mas nalilibog ang mga tao sa mga hubad na imahe pero still marami pa din items ang nagti-trigger ng libog, na hindi lang limited sa naked bodies at people during the act of intercourse, kaya kung ganun dapat lahat ng bagay banned na din sa tv, film, print, etc. kc lahat ng bagay pwedeng mag-cause ng uncontrolled sexual desires.

    point 3.

    madaming ibang bagay na nakakapagpa-baba ng “moral, spiritual and social well-being” ng mga tao. bakit ito pa ang pinagtuunan nya ng pansin? sino ba sya para magset ng moral standards, eh ang daming immoral sa gobyerno. public sexual acts lang ba ang batayan para maging immoral? madaming politico ang corrupt, ang may affairs, ang pumapatay ng mga inosenteng citizens, hindi ba’t nakakapagpababa din naman yun ng morality ng bansa? bakit hindi yun ang pagbigyan nya ng pansin? instead na istorbohin nya ang mga taong nanahimik sa loob ng kanilang mga kwarto at nanonood ng movie ni Maria Ozawa.

    point 4.

    hindi dahil may kasabihang “history repeats itself” eh ibig sabihin mag-move backwards na tayo para maulit. parang imbis na umusad ang mga tao mula sa mga irrational laws at maging free to express themselves, eh ino-oppress at kino-control pa lalo. and for what? para mas maganda ang image nya in the next election? (kelan ba next election?) anyway, this is all BS.

    sana ang susunod na batas na ipapasa nya, yung makakatulong naman sa pag-unlad ng bansa. sayang lang oras nya sa pag-isip nito. kung bored sya sana guitar hero na lang sya.

    NO TO NO PORN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading GUILTY! at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: