Bebang

October 4, 2008 § 37 Comments

Meron akong kaklase dati ubod sya ng panget, itago naten sya sa pangalang Bebang. Napakasama ng mukha na tila bang pinaglihi sya sa problema. Tao naman sya may ilong, may tenga, may mata, may labi, kumpleto naman ang bahagi ng katawan nya yun nga lang nagkulang sya sa ganda. Yung buhok nya parang ginawa nang planeta ng mga kuto at parang lahat ng kuto sa Pilipinas eh nag-evacuate sa ulo nya.

Isang araw tinamad akong pumasok at napagtripang magsakitsakitan ng tyan (kids kung gusto nyong hindi kayo papasukin ng mga magulang nyo magpabalik balik lang kayo sa toilet kahit na hindi naman kayo naglalabas ng sama ng loob). Yung araw din na yun ang saktong araw na pipili pala kame ng makakapareha para sa school program (yung sing and dance slash disaster number ng mga gradeschool student). Nag cecelebrate ako sa hindi pagpasok pero lingid sa kaalaman ko si Bebang pala ang makakapareha ko dahil absent nga ako (Kids ang lesson dito wag umabsent sa school kung ayaw nyong ipareha kayo sa babaeng kuto. Okay?). Karma ata tawag dito dahil ayokong pumasok. Sabi nga ni Angelica Panganiban sa Iisa Pa Lamang; Karma’s a Bitch.

Wala na rin naman akong magagawa eh, kahit magmakaawa pa ko sa mga kaklase ko na makipagpalit ng partner hindi rin naman sila papayag. Ayaw nila sa babaeng may samaligno ang pagmumukha. Di naglaon naging magkaibigan din kame nitong si Bebang, lagi nya akong binibigyan ng baon nya (alam nyo naman ako bigyan lang ng pagkain bestfriends forever na tayo). Para akong si Alessandra sa pelikulang Hubog na burger lang ang katapat ng katawan, tinutukso tukso kame ng mga kaklase namin, magsyota daw kame pero hindi naman ako napipikon, konti lang gusto ko lang naman silang murahin at ilublob ang pagmumukha nila sa toilet bowl. Nung sumunod na school year nagtransfer na sya ng school, mula noon wala na akong balita sa kanya.

Nitong buwan lang may nagmessage sakin sa Friendster (yung social networking site para sa walang social life at mundo ng mga glitter comments). Napakagandang babae nung nagPM sakin, shet! hindi pa ko nagjajakol pero nilabasan na ako. Putangina ang sarap ganda nya! Nagulat na lang ako dahil kilala nya ako. Taragis si Bebang pala yun. Sino bang mag-aakalang gaganda ang babaeng yun, mukha lang syang basura na walang halaga dati at ngayon isa na syang obra ni Da vinci na hindi matatawaran ang halaga.

Karamihan satin nabubulag sa kung ano ang nasa panlabas na anyo, mas binibigyang halaga ang pisikal na bahagi kesa sa pagkatao. Pero wala rin ang silbi ng mukhang daig pa ang sa Reyna kung ang ugali naman ay mas panget pa sa isang palaka? Anong pwedeng ipagmayabang ng isang prinsesang singganda ng buwan ang panlabas na anyo pero tulad ng buwan hindi naman makinis ang ugali nito. Maaring singganda ka ng buwan ngayon pero pagsikat na ng araw nawawala ang kinang mo, naglalaho ang liwanag mo at hindi na nakikita ang kagandahan mo.

PANOORIN ANG VIDEO..

Tagged: , ,

§ 37 Responses to Bebang

  • samieboi says:

    ako ata non panget din.. hanggang ngayon. hahahah :))

    the best video ever… kadire. hahaha

    aysus si Little Miss Philippines 1995 hindi daw maganda oh.. sabi ko nga sayo, isang inch na lang sa height mo sure win na pagiging Ms. Universe mo.. hehe

    salamat nga pala sa video na to.. weeee

  • hecktor says:

    kumusta naman kaibigan….hahahahha

    ayos lang naman rey.. ikaw kumusta ka na? haha

  • hecktor says:

    hindi na talag ako makapgblog tol…busy maxado sa work e…hihihi

    magresign ka na.. panira yan sa pagbablog.. haha

  • abou says:

    pwede ko ba ma add si Bebang sa friendster (yung social networking site para sa walang social life at mundo ng mga glitter comments)ko?

    oo naman hanapin mo lang sya dun sa personal account ko.. ang tanong alam mo ba kung ano yun? hahaha

  • Leyn says:

    aha. alam ko tong vid na to.

    lam mo isa lang ang napatunayan ko this week, malakas ka manlait, at isa kang plastik.

    uy. rhyming words. hihi.

    ano ba yang vid na yan? di ko alam yan eh.. hahaha.. oo malakas akong manlait.. anuber platinum ako hindi ako plastik.. haha

  • Aabangan ko ang love story niyo ni Bebang! Ferbebang rules! (Parang Kimerald lang. *LOLz*)

    eh kung ChiLex na lang kaya.. Chi****ko Alex? hahaha

  • lunes says:

    san nakakabili nung ganung synthetic na balat??.wehehe..ung ganun sa video.gusto ko nun.wehehe.

    meron daw sa raon.. 3 for 100 kaso skin lang ni shrek ang available. hahaha

  • Lyzius says:

    naniniwala ako sa mga sinabi mong pwedeng maging maganda ang ubod ng pangit na nilalang noong araw…

    hindi ko naman sinasabi na isa akong buhay na eksampol ha…

    naniniwala lang naman ako…

    basta!

    oo naman.. La oro ka eh.. sigurado akong maganda ka din nung bata ka

  • Ejiikiieru says:

    hey dude … ako rin may ganyang kaklase katulad ni bebang … kaso hindi siya gumanda ganuon pa rin itsura niya … pero nagpaparami na siya … she’s only 21 but she’s got 6 kids already! … lol

    hahaha.. 6 kids? ilang taon sya noong una syang manganak? kalurkey

  • utakmunggo says:

    women look better as they age. fact of life. heehee

    ganun din naman ang lalake ah.. parang alak lang yan.. habang tumatagal lalong sumasarap.. ahaha

  • ellieshe says:

    habang tumatanda daw ang isang tao..gumaganda/gumagwapo..at hindi ako naniniwala jan :-((

    tama ka kabsat..kahit anung ganda ng isang tao kng panget ang ugali..wala rin.

    maganda ka naman ellieshe eh.. wag ka mag alala.. weee

  • jericho says:

    hahaha. ang kulet. nakakatanso sya. hehe

    nakakatanso? kung ano man yun sige bwahahahaha na lang.. hehe

  • Marc says:

    buti na lang kahit bebang ang name ng wife ko eh maganda sya. bwarrrhhhh! ano pa hinihintay mo?, sakyan mo na si bebang na bagong overhaul!

    di nga? bebang ang name nya? hahaha

  • na* says:

    ahaha. . .ayan, ayan. . . maganda na ba talaga sya? as in? ahaha…huwaw, hindi ka nya nisnob. . .e dati ba nice na sya?

    hmmmmmmmm. . .ayan, mapanglait…ahaha!

    anyway, namis ko na si efbee. . .

    flyfly!

    kookoo namiss kita! magblog ka na ulit!

  • ron says:

    hehehe! karma’s a bitch nga. hehehe! what i really like about this blog is that it’s so humorous but there’d be always moral lesson in the end. marami kasing blogs na comedy pero they tend to go overboard. ang bagal mag-load ang you tube..hays…

    salamat sa comment! hahaha! natawa ako! hahaha! peace out!

    bwahahah.. hindi dahil pinuri kita eh pupurihin mo na rin ako.. sige sayo na puri ko.. hahaha..

  • Ambo says:

    Hahaha alang hiyang bebang nasa video! Kaaliw!

    bwaahahahahahhahahahahahhahahaha

  • eloiski says:

    ay oo yung mga mukhang ewan noong bata sila eh aba nagiging dyosa pag nagdalaga na.

    pero ang mga cute naman noong bata pag nagdalaga nagiging bebang na…

    eh.. cute ako nung bata ako eh.. pati ngayon.. pramis.. hehe

  • mayui says:

    mas okay naman na mula sa pangit naging maganda, parang ugly duckling, kesa naman kabaligtaran.
    ahaha! hanep na stripping yan!

    enjoy ka sa stripping? vavavoom.. lols

  • yeye says:

    karma’s a bitch

    yeahryt..
    ang bilis ng karma sau ferbie..

    ang babaw ng kaligayahan mo.baon lang pala katapat mo hakhak..

    di ko mapanood ung vid. no comment na langa!

    sus dapat pinanood mo di naman yan porno..

  • Keiyt says:

    Naiintriga tuloy ako kung ano itsura niya dati tapos ngayon. (: Baka naisip niyang babae siya at kailangan niyang magpaganda.😐

    Aliw ang video!😀

    gusto mo malaman itsura nya? hmmm.. singganda mo.. hehe

  • mcrey says:

    Karma’s a bitch!!!

    hahaha

    yan kasi eh… pero ganyan talaga… yung mga pangit kong kakilala dati ang ganda-ganda na ngayun tapos yung mga magaganda dati sila naman yung pangit ngayun!

    SHET!

    hala lagot yung mga magaganda ngayon baka pumanget sila.. karma! haha

  • kris jasper says:

    yung video.. hahaha!!! pero akala ko alien yung lalabas…

    ikaw ba yun mike? lol (joke lang!)

    natawa naman ako.. bwahahahahahahaha

  • Donita Rose says:

    ahaha! ang kulit ng video. ahm… yeh, good for bebang. nakakatuwa naman ang kwento nya, parang cinderella lang. hihi! apir.😀

    musta na si maria? ahihihihi

  • lethalverses says:

    newbie here…

    ang gwapo nyo po dun sa video!!! kelan pa po kayo nagpakalbo ng ganun?

    hehe mishu efbee!! kahit drowing ka sa kulam hehehehe

  • Ice says:

    Nakakatuwa si Bebang.

    Siguro nung bata pa ako pangit ako… HMMM… Chika!

    WAHAHAHAHAHA! SHIYEEEEEEEET.

  • nakakatuwa naman na di ka isa sa mga taong nasisilaw sa ganda… nacurious tuloy ako sa before and after na itsura nya…. totoo yan… lamo ba ayaw kong magkaroon ng magandang kaibigan na popular.. di naman sa nilalahat ko sila pero madalas mejo adik sa atensyon at iba ang ugali… may mga tao talaga ng ang ganda nga di naman maganda ugali, masyadong in love sa sarili.. irita pa naman ako sa mga ganun.. cheers!!!-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  • kamotenista says:

    aabangan ko yung love story ninyo ni bebang…wahaha

    ako isang angel ung bata,kitten nung lumaki ng konti, isang dragon na ngayon!….wahaha

    walang lab story na magaganap..

  • jep says:

    putek yan, ang ganda ng babae eh.. nakaka L tapos yakee may lumabas na matabang eww.. buti nagkasya siya sa katawang damit ng babae.. hahaha

    oie baka magulat nlang kami kayo na pala ni bebang..

    na-L ka dun sa babae.. kahit nung wala na syang buhok? hahaha.. madaming ganyan eh.. maganda sa panlabas na anyo pera sa loob nabubulok..

  • ms.L says:

    ganda ng video hahahahahahaahahha!

    yeah! rakon!

  • Maldito says:

    sabi nila noong una ampon daw ako dahil mukha akong anak ng pusakal sa aming magkakapatid..

    pero tgann mo ngayun…ako ang laman ng praises ng pamilya…

    pasensya na, indi ko sinasabi na gwapo ako….pero indi sa lahat ng oras ang panget at palagi nalang panget..

    bow.

  • lei says:

    prang betty lang ah. lakas mo pala manglaet kuya efbee. haha. planeta ng mga kuto. lols. anyway, bilog talaga ang mundo, kitam, ung babaeng di mo matanggap taggap dati eh pang model na ang ganda ngayon. malay mo maging gf mo pa yan. lols.

  • M says:

    Patunayan mo sa blog ito na tunay ngang nagbago na si Bebang mula nung huli kayong magkita.

    Ika nga ng mga eksperto, batas ng Internet: Litrato.

    alam mo bang baket itinago ko lang sa bebang ang pangalan nya. una dahil alam na ng mga offline friends ko tong blog ko at ayokong mapaaway ako dahil kadalasan sila ang topic ko.. so hindi ko talaga magagawang magpost ng picture dito.. picture ko nga di ko maipost pic pa nya..

  • byter says:

    tskk..tssk…kelan pa kaya meron retoke para sa attitude? ang mukha madaling pagandahin pero ang ugali, shontem, kahit isang libo’t isang surgery ang dadaan mo at toneladang liha ang ikiskis mo sa sarili mo dwagentz ka pa rin kung panget ugali mo.

  • Hi there! I like your page 🙂
    If u r looking for Paid Surveys this is the place for you.
    Start advancing your paychecks at http://tinyurl.com/8rwdd3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bebang at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: