Lock The Door

October 27, 2008 § 44 Comments

Mahina ang immune system ko. Kumpleto naman ako sa vaccine pero tuwing nagkakasakit lang ako umiinom ng Vitamin C. Nursing ang dating kursong kinukuha ko, umabot din ako ng 3rd year sa kursong yun kaya may alam ako kahit papano sa sakit. Magaling din akong mag alaga yun nga lang hindi ko kayang alagaan ang sarili ko. Sobrang ewan, ibang tao naalagaan ko samantalang sarili kong health napapabayaan ko.

Batang hikain ako kaya naman madalang akong payagang maglaro noon, yung tipong konting takbo lang eh aatake na ang asthma sakin. Minsan din sa buhay ko payat ako, normal ang pangangatawan ko noon pero dahil na rin sigurong may halong steroids ang gamot sa asthma tas hindi pa ako pinapayagang maglaro dati at pinapabayaan pa ako sa kusina sino ba naman ang hindi lolobo?

Madalas din akong sipunin. Walang buwan na hindi ako tinatamaan ng sipon kahit summer may sipon ako. Madali akong mahawaan ng sakit, nakasabay lang kita sa jeep tas may sipon ka sigurado pagbaba ko masakit na ang lalamunan ko, unang senyales na aatake na ang sipon.

Habang ginagawa ko tong entry na to eh kasalukuyan akong pinapahirapan ng sipon at pinapayaman ko ang may-ari ng factory ng gamot. Ayaw na ayaw ko pa naman ang sinisipon lalo na pag binabara ang ilong, dumudugo na ang ilong ko kakasinga.

Minsan nakakahiya naman ito lalo na pag may kausap ka. May kaklase ako dati recitation yun eh. Habang nagdada-daldal sya at ineexplain sa klase ang anatomy ng tao biglang tumulo yung sipon nya. Tawanan ang buong klase pero alam mo ba kung ano yung mas nakakahiya pa sa tumulo at lumobo ang sipon mo sa publiko? yun ay yung nakalimutan mong ilock ang pinto at nahuli kang nagjajakol.

PS. Bunga lang lahat ito ng malikot kong imahinasyon. wag nyong isipin na nahuli akong nagjajakol.. haha.. pang highschool lang yun.. haha

1 vs. 100

October 23, 2008 § 52 Comments

Nitong nakalipas na araw may mangilang-ngilang blogs akong nababasa patungkol sa sentimyento nila sa Pilipinas at kung gaano nila kinamumuhian ang pagiging Pilipino. Nagbigay sila ng mangila-ngilang dahilan, mga apat o lima.

B
igyan mo ko ng isang daan dahilan kung baket ayaw mong maging Pilipino at bibigyan kita ng isang dahilan kung baket kelangan mahalin mo ang bayan mo. Isa lang ang maibibigay ko, kelangan mong mahalin ang Pilipinas dahil ito lang ang kaisa-isang bansa mo.

Pwede kang magpalit ng citizenship pero kahit baligtarin mo pa ang mundo dumadaloy pa rin sa ugat mo ang dugo na kinakahiya mo, ang pagiging Pilipino. Ayaw mo sa Pilipinas, ayos lang yan. Ayaw din naman sayo ng Pilipinas at kung sinusuka mo at ikinakahiya mo ito, Pakyu ka parekoy!

H
indi ko alam kung baket may ganitong klase ng tao na para bang isang malubhang sakit ang pagiging Pinoy. Hindi daw maganda ang Pilipinas, naikot mo na ba ang Pitong Libo isang daan at pitong isla ng Pinas? Kung hindi at nasabi mo na hindi maganda ang bayang sinilangan mo gago ka. Dapat sa mga ito pinapagahasa sa mga baklang gorilla o kaya pinapakain ang etits sa mga aso.

Mahalin mo ang Pilipinas dahil ito lang ang tanging bayan mo, wala kang magagawa kung baket hindi ka sinilang sa Timbuktu.

Buti pa tong mga to nagpapanggap na Pinoy kahit halata naman na hindi.

white sluts wannabe
Kita mo na. Mga yan nga gustong maging Pinoy at tumira sa Pilipinas samantalang ikaw na nandito na kinakahiya mo pa.

Ampalaya Candy

October 19, 2008 § 37 Comments

Ang ampalaya na ata ang pinakaayaw ng gulay ng lahat ng tao, samantalang ang Asukal naman ang pinakapaboritong pinapapak ng langgam. Isang mapait isang Matamis. Dalawang magkaibang lasa na hindi ako sigurado kung pwede nga bang paghaluin.

Alam sa buong kusina na may lihim na pagtingin si Ampalaya kay Asukal, halata iyon sa kilos nya. Wala syang bukambibig kundi puro si Asukal na lang. Gayunpaman ayaw nya umamin, kinkimkim nya at itinago lamang sa sarili ang pakiramdam na iyon. Mabait si Asukal, matalino at sya yung tipo na pwede mong iharap sa dambana. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung marami ang magkagusto dito isa na dun si Manga.

Sabi ng ilan bagay daw itong si Manga at Asukal, dahil kung pagsasamahin sila isang napakasarap na merienda ang pwedeng magawa. Nagselos si Ampalaya dahil alam nyang hindi sila pwedeng magkatulyan ni Asukal hindi sila makakabuo ng masarap na pagkain, di tulad ng paghahalo ng matamis at maasim, kailanman hindi magiging matamis ang mapait. Sa panaginip na lang nya nakakasama si Asukal, pinapangarap na balang araw ay magiging sila din.

Isang araw nagpalipad hangin si Asukal kay Ampalaya, sinabi ni asukal na may gusto din ito sa kanya pero tinawanan lang sya. Labis na nasaktan si Asukal kaya naman lumayo ito at hindi na nya kelanman binanggit ang tungkol sa nararamdaman nya. Si Ampalaya hindi makapaniwala sa nagawa nya, pinalayo nya ang bagay na tanging napapatibok sa puso nya at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa nararamdaman nya, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa isang pang pagkakataon na sabihin ulit sa kanya ni Asukal ang nararamdaman nya pero mukhang hindi na mangyayare yun dahil nasasaktan pa rin si asukal sa nagawa ni Ampalaya. Pareho na silang nag aasam na makasama ang isa’t isa, gabi gabing hinihiling sa tala na maging sila gayunpaman pareho din silang mahina kaya hanggang bulong na lang sa hangin ang pagsabit nila ng Mahal Kita at sa panaginip na lang nilang pwedeng iparamdam ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Hindi mabubuo ang isang relasyon kung wala sa kahit isa sa dalawang taong may pagtitinginan sa isa’t isa na magkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang sarili nya. Malungkot dahil pareho naman nagmamahalan sina Ampalaya at Asukal yun nga lang pareho din silang duwag, takot pumasok sa relasyon at maaring takot din masaktan dala ng trauma. Pero hanggang kailan na lang ba nila pwedeng itago ang relasyon nila. Ang hayop nakakulong sa hawla ay mas nagwawala kesa sa mga hayop na nasa kagubatan at malaya, ang dadaming pilit na pinipigilan at mas nakakatakot kesa sa damdamin na naipapahayag, masakit sa puson ang libog na hindi naiilabas.

Para sa dalawang kaibigan kong naiibigan wag kayong matakot, alam kong mahal nyo ang isa’t isa. Sana lang magkalakas ang isa sa inyo na ipahayag ang pagmamahal nito. Panahon na siguro para makagawa ng Ampalaya Candy ang paghahalo ng matamis at mapait.

Lucky me, Lucky you

October 15, 2008 § 22 Comments

Naisip ko maswerte pa rin ako. Kahit na siguro inakaala kong natatampo ang Dyos sakin dahil binagsakan nya ko ng sangkaterbang problema. Pero kung tutuusin mabuti nga’t humihinga pa ako’t nabubuhay. May kinakain, maayos na tinutulugan at may pambili sa mga walang kwentang bisyo.

Sa taong 2030 tinatayang nasa 550 milyong katao ang mabubuhay at aasa sa isang dolyar, isang dolyar na 47 piso sa kalakalan. Dumarami ng dumarami ang naghihirap, laganap sa buong mundo parang isang epidemya na kumakalat. Naisip mo ba kung gaano ka kaswerte? Hindi ka natutulog sa lansangan, may maayos kang higaan. May tahanan ka at hindi ka inaabutan ng ulan sa kalye. May kinakain ka samantalang ang iba kumakalam ang sikmura.

Krimen ang isang bunga ng kahirapan. Ang taong kumakalam ang sikmura ay kayang magnakaw para makakain at para sa pamilya. Ang pamilya ng taong nakaratay sa ospital at nahihirap ay kayang mangholdap para lamang madugtungan ang buhay ng kapamilya. Maling gawain, nagagawa ng kahirapan. Nakakapagnakaw sila, nagkakasala, nakakagawa ng masama. Masisi mo ba naman sila, hindi mo pa naranasan ang sitwasyon nila. Kung ikaw ang nasa lugar nila walang gustong tumulong, walang maasahan at kumakalam ang sikmura mo’t kelangan mong mabuhay maari mong tiisin pero kung meron ng umaasa sayo ano na lang ang gagawin mo?

Milyong milyong tao ngayon ang nasa lansangan, ber month na ngayon malamig, iuulan walang masilungan. Milyong milyong tao ngayon ang walang kinakain. Daang milyong katao ngayon ang walang trabaho. At ilang milyon ang namamatay dahil walang pambili ng gamot.

Malupit ang tadahana para sa kanila, ikaw maswerte ka kung nababasa mo to ngayon dahil may pang internet ka. Pero sila kahit pambili ng isang kilo ng bigas na pumapatak sa 32 pesos ang isang kilo wala. Naisip mo ba kung gaano ka kaswerte? Na kahit isipin mong malas ka na’t hindi ka nakabili ng damit, napaglakwatsa, mga materyal na bagay, may pang yosi ka pa, nakakainom ng alak samantalang ilang milyon sa buong mundo ang hindi makainom ng tubig dahil wala sila noon, walang bahay at damit na mga physiological needs ng tao. Binabale wala mo ang ilang bagay samantalang ang iba’y wala at umaasang magkaroon nito. Baka naman pwedeng isagawa mo kahit papano ang nasa Matthew 25:34-40. Simple bagay, pwedeng makapagpabago kahit papano sa buhay ng isang tao.

Maswerte ka, sana maisip mo yun.

Hindi mabilang ang taong naghihirap at kasama ako sa 10,227 blogista sa buong mundo na nakikiisa para sa pagbabago ng at naghahangad ng mas mabuting buhay sa kapwa.

You see men sailing on their ego trips Blast off on their spaceships Million miles from reality No care for you, no care for me So much trouble in the world now All you’ve got to do is give a little -BOB MARLEY

Inggiterang Reyna

October 11, 2008 § 26 Comments

Kung kabilang ka sa henerasyon ko na naexperience ang childhood noong dekada nobenta maaring inaabangan mo sa telebisyon ang Batibot. Nauso din dati ang mga pambatang telenobela o yung mga cartoons na punong puno ng drama. Sino ba ang hindi nagalit kay Miss Minchin nung minaltrato nya at ginawang katulong si Sara ang munting prinsesa? At sino din ba ang hindi nawili sa cartoons na kilala sa Hapon bilang Shoukoushi Ceddie o mas kilala bilang Cedie dito sa Pilipinas? Sinabayan si Remi sa pagkanta ng “aking ina, mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina’, sinubaybayan ang tadhana ng kambal ng tadhana na si Julio at Julia. At nung mga preteens na inabangan si Judy Abott tungkol sa kanyang Daddy Long Leg.

Pati mga paboritong fairy tales ginawa din cartoons tulad na lang ng Cinderella, The Secret Garden at Snow White. Nalaman ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinapalabas ang mga cartoons na ito sa telebisyon, kasalukuyang ineere ang Snow White sa umaga. Pinakasikat na ata ang katagang “salamin salamin sabihin sa akin kung sino ang pinakamaganda sa buong kaharian” at sasagot naman itong mahiwagang salamin at sasabihin na ang reyna ang pinakamaganda. Tapos darating ang panahon na masusuklam ang reyna dahil hindi na sya ang pinakamaganda. Ipapatay nya si Snow White.

Naisip nyo ba kung ano ang maaring gawin ng isang tao dahil sa inggit? Yung reyna pinapatay nya si Snow White, yun na ata pinakakarumal-dumal na pwedeng gawin ng isang taong punong puno ng inggit sa katawan ang pumatay para lamang makuha ang gusto nya. Napakabarbaric. Yung iba maninira ng pagkatao para lamang pababain sa kinatatayuan mo, magpapanggap na kaibigan mo pero pagtalikod mo duguan na ang likod mo dahil punong puno na ito ng saksak.

Invidia ang latin term ng inggit at si Leviathan ang demonyong sumisimbolo sa kasalanang ito. Kung malimit kayong magbasa ng bibliya o nagpapanggap na santo o talagang palasimba kayo o marahil nag-aral sa isang ekwelahang katoliko alam kong alam mong kabilang sa 7 deadly sins ang inggit kasama na dyan ang ang Lust, Gluttony, Greed, Sloth, Wrath at Pride.

Sa pananaw ko normal sa isang tao ang mainggit. Ang pagka-inggit ang kakulangan ng isang taong tignan ang sarili at pahalagahan ito at imbes na tumingin sa biyayang kanyang natatamo mas binibigyang pansin nya ang natatanggap ng kapitbahay nya. Sino ba ang nakuntento na sa sariling biyaya? Kung kuntento ka na sa sarili mo at sa mga bagay na na sayo isang masigabong palakpakan ang para sayo. Sino ba hindi nainsecure sa sarili nya, si Britney Spears nga naiinsecure sa legs nya, si Nicole Kidman ayaw sa ilong nya, at marahil pati si Angelina Jolie minsan nasuklam sa labi nya dahil sa sabi sabi na kung ano ang size ng labi sya din size ng pekpek. Marami akong insecurities sa katawan at dahil doon naiinggit ako sa mga ibon na kayang lumipad ng matayog sa langit pero seryoso naiinggit din ako sa porn stars. haha

Balik tayo sa usapang Snow White, sa kwentong ito isinaad din ang aral na wag basta basta magtitiwala sa mga tao, dahil baka akalain mo na mabuti pala ang kanilang intensyon pero yun pala may lason ang mansanas na ipapakagat sayo. Dala ng pagkainngit nagpapanggap ang isang tao pero sa ang totoo nabubulok na ang utak nito kakaisip ng masama sayo. Hindi ko din alam kung ano na ang nangyare sa inggiterang reyna marahil tumanda syang puno ng pagsisisi at kumulubot ang balat, pumanget at noong namatay sya napunta sa impyerno at doon tuluyang natusta ang kaluluwa nito.

“Envy consists in seeing things never in themselves, but only in their relations. If you desire glory, you may envy Napoleon, but Napoleon envied Caesar, Caesar envied Alexander, and Alexander, I daresay, envied Hercules, who never existed.” -Bertrand Russel

GUILTY!

October 7, 2008 § 29 Comments

Anti-Obscenity and Congress assembled: Pornography Act of 2008

Napakahusay ng pagkakaexplain ng batas na yan. Mapapahanga ka. Putangina isang batas para pangalagaan ang integridad ng mga babae at upang ilayo sa mahalay na imahe ang mamamayang Pilipino at kung sino mang may akda ng batas na ito pupurihin sya ng marami pero kung titignan mabuti at babasahin mo ng buo ang batas magigimbal ka sa katotohan at matatakot.

Bilang isang tambay at walang pakinabang sa lipunan na tulad ko hindi ko dapat pinapansin ang mga batas, hindi naman ako nagbabayad ng buwis, hindi naman ako productive citizen ng bansang ito. Ngunit balibaligtarin man natin ang mundo dumadaloy pa rin sa ugat ko ang dugo ang lahing hindi-atakot-hindi-atakbo, at karapatan ko bilang mamamayan at anak ng mga ninuno kong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas na paki-alaman at alamin ang mga batas.

Okay yung batas eh, Wala akong kwestyon dun pero dahil din sa batas na to maaring malimitahan ang kakayahan ng mga artist naten (e.g manunulat, direktor, pintor, skulptor). Kung maalala nyo noong taong 2001 nung kasagsagan ng kotrobersya patungkol sa pelikulang “LIVE SHOW” o “TORO” nagkaisa ang mga artista para ipaglaban ang tinatawag na freedom of speech, na karapatan ng bawat mamamayan na ipahayag ang kanyang saloobin at pakiwari sa mga bagay bagay sa lipunan sa pamamagitan ng pamamaraan na napili nya.

Maganda yung pelikula, sasabihin ko yan hindi bilang isang malibog na nilalang pero bilang isang taong mahilig manood ng pelikula. Sinasad sa kwento ang katotohanan, ang mga lihim, ang mga bagay hindi naten alam tungkol sa buhay ng mga torero’t torera, ang mga hirap at pasakit at ang kahihiyang kailangan nilang pagdaan para lamang kumita ng pera. At kung ika-cut mo lahat ng eksenang sekswal doon sa pelikula wala kang mapupulot na aral pagkatapos mong panoorin mabibitin ka lang at patuloy na magtatanong “baket ganun” anong nangyare” “huh” at hindi pa rin malalantad sa publiko ang totoong buhay na pinagdadaan ng mga ganitong tao. Nakakalungkot langdahil hindi pa umabot ng isang linggo ang pagpapalabas nito sa sinehan, Pinatanggal kase to ng MTRCB sa mga sinehan. Nagkaganon man nag-uwi naman ng parangal ang pelikulan yun. Ang pelikulang tinuturing na pornograpiya ng iba ang sya pang mag uuwi ng parangal para sa bansa.

Karamihan ng makikita mo sa museum may mga babae at lalakeng nakahubad at kung ituturing na obscene ang mga ganitong bagay maglalaho ng tuluyan ang salitang art sa diksyunaryo. Ang kilalang artist sa buong mundo na si Michaelangelo ay may painting sa ceiling ng Sistine Chapel ang Creation of Adam at kung makikita nyo ang mga larawan sa google nasasakop makikita ang Isang lalaking nakahubad. Sa mga nobela ni Paulo Coelho may ilang eksenang erotiko kang mababasa dito. Natural lang na sumulat ang isang manunulat tungkol sa isang bagay, karapatan nya yun bilang manunulat, nasa kamay nya kung lalagyan ba nya ito eksenang sekswal o hindi.

Ngayon kung ipapatupad ang ang batas na ito ano na lang mangyayare satin? Magkukulong na lang ba tayo sa kung anong pwedeng ipagawa satin ng batas ng ito? hahayaan na lang ba naten na mawalan ang kakayahan ng mga artists naten, kung nilimitahan kung anong pwedeng gawin ng isang manunulat para mo na rin syang tinanggalan ng karapatang mabuhay, kung sasabihin mo kay Fernando Amorsolo na bawal syang magpinta ng hubad na larawan para mo na rin syang pinutulan ng kamay, at kung sasabihin mo sa mga direktor at producer ng pelikula na ang pagpapalabas ng sex acts ay magtutulak sa kanila para lamunin sila ng lupa at masunog sa impyerno. Ang pelikula ay ginawa para ilarawan ang buhay ng tao at parte ng buhay ng tao ang kantutan. Hindi pa pinapanganak ang maaring susunod na national artist ng Pilipinas at potensyal na Nobel Awardee para sa literatura tinanggalan mo na sya na pagkakataong ipamalas ang talento nya.

Kung tuluyang mapapasabatas itong Senate Bill 2464 para na rin tayong dinala sa nakaraan sa panahon ng mga Kastila na kung saan ang mga nobela ni Rizal ay itinuring na malaswa o obscene sa lipunan. Nakakalungkot lang na pagkatapos ng 110 taon ng idependence ng Pilipinas hindi na mga Espanyol ang tumutol sa mga artist naten sa mga bagay na maari nilang gawin kundi kapwa Pinoy na nila mismo.

Obscene? Malaswa? Nasa Tao kung pano nya titignan ang isang bagay, Depende din sa isang tao na kahulugan nito. Kung makitid ang utak nya maaring husgahan nya agad ito bilang bastos. Napakaipokrito ng batas na to, papogi lang sya, katulad sya ng isang lalakeng puro porma lang ang alam pero kung hahamunin mo sa isang suntukan eh magtatago lang din sya sa palda ng kanyang ina.

Kaipokrituhan, nagkantutan ang magulang mo kaya ka ginawa panong naging masama ito. Pinanganak tayong nakahubad, anong masama sa hubad na iskulptura, na larawan? Anong masama ang akda ng manunulat patungkol sa sex? Masama bang ipahiwatig ng isang tao ang kanyang nararamdaman? Oh c’mon utak mo ang masama! Malaswa na kung malaswa pero kung hindi ipapahayag ang saloobin mo ang tawag dun kaplastikan, Hindi kalaswaan ang mga bagay na ito, pagpapakatao.

Piringan mo na lang ng mata ang mga Pilipino para hindi sila makakita ng kung ano sa tingin mo ang malaswa, Bigyan mo ng ipod ang lahat ng mamamayan at punuin mo ng gospel songs, sermon ng pari at novena ang laman nito para hindi mapasukan ng kahalayan ang kanilang utak, I-scotchtape mo na ang bunganga namin para hindi na kame makapagmura, o mas mabuti pang patayin mo na lang ako kesa maging plastik at hindi ilahad ang saloobin ko. I PLEAD GUILTY YOUR HONOR AT ISANG MALUTONG PUTANGINA ANG PARA SAYO!

Pwede nyong idownload ang batas na ito DITO (Kung may pakealam ka sa bayan o kung simpleng tagapagtangkilik ka lang ng porn basahin ito ng buo at bigyan ang atensyon ang section 3 na napakitid ng depinisyon ng Obscene at Porno)

Bebang

October 4, 2008 § 37 Comments

Meron akong kaklase dati ubod sya ng panget, itago naten sya sa pangalang Bebang. Napakasama ng mukha na tila bang pinaglihi sya sa problema. Tao naman sya may ilong, may tenga, may mata, may labi, kumpleto naman ang bahagi ng katawan nya yun nga lang nagkulang sya sa ganda. Yung buhok nya parang ginawa nang planeta ng mga kuto at parang lahat ng kuto sa Pilipinas eh nag-evacuate sa ulo nya.

Isang araw tinamad akong pumasok at napagtripang magsakitsakitan ng tyan (kids kung gusto nyong hindi kayo papasukin ng mga magulang nyo magpabalik balik lang kayo sa toilet kahit na hindi naman kayo naglalabas ng sama ng loob). Yung araw din na yun ang saktong araw na pipili pala kame ng makakapareha para sa school program (yung sing and dance slash disaster number ng mga gradeschool student). Nag cecelebrate ako sa hindi pagpasok pero lingid sa kaalaman ko si Bebang pala ang makakapareha ko dahil absent nga ako (Kids ang lesson dito wag umabsent sa school kung ayaw nyong ipareha kayo sa babaeng kuto. Okay?). Karma ata tawag dito dahil ayokong pumasok. Sabi nga ni Angelica Panganiban sa Iisa Pa Lamang; Karma’s a Bitch.

Wala na rin naman akong magagawa eh, kahit magmakaawa pa ko sa mga kaklase ko na makipagpalit ng partner hindi rin naman sila papayag. Ayaw nila sa babaeng may samaligno ang pagmumukha. Di naglaon naging magkaibigan din kame nitong si Bebang, lagi nya akong binibigyan ng baon nya (alam nyo naman ako bigyan lang ng pagkain bestfriends forever na tayo). Para akong si Alessandra sa pelikulang Hubog na burger lang ang katapat ng katawan, tinutukso tukso kame ng mga kaklase namin, magsyota daw kame pero hindi naman ako napipikon, konti lang gusto ko lang naman silang murahin at ilublob ang pagmumukha nila sa toilet bowl. Nung sumunod na school year nagtransfer na sya ng school, mula noon wala na akong balita sa kanya.

Nitong buwan lang may nagmessage sakin sa Friendster (yung social networking site para sa walang social life at mundo ng mga glitter comments). Napakagandang babae nung nagPM sakin, shet! hindi pa ko nagjajakol pero nilabasan na ako. Putangina ang sarap ganda nya! Nagulat na lang ako dahil kilala nya ako. Taragis si Bebang pala yun. Sino bang mag-aakalang gaganda ang babaeng yun, mukha lang syang basura na walang halaga dati at ngayon isa na syang obra ni Da vinci na hindi matatawaran ang halaga.

Karamihan satin nabubulag sa kung ano ang nasa panlabas na anyo, mas binibigyang halaga ang pisikal na bahagi kesa sa pagkatao. Pero wala rin ang silbi ng mukhang daig pa ang sa Reyna kung ang ugali naman ay mas panget pa sa isang palaka? Anong pwedeng ipagmayabang ng isang prinsesang singganda ng buwan ang panlabas na anyo pero tulad ng buwan hindi naman makinis ang ugali nito. Maaring singganda ka ng buwan ngayon pero pagsikat na ng araw nawawala ang kinang mo, naglalaho ang liwanag mo at hindi na nakikita ang kagandahan mo.

PANOORIN ANG VIDEO..

Where Am I?

You are currently viewing the archives for October, 2008 at Kokey Monster.