Yosi, Alak, Pera at Babae

September 14, 2008 § 37 Comments

Masaya magbalik tanaw sa nakaraan at muling isipin ang mga masasayang pangyayare tapos bigla kang ngingiti kung medyo sentimental kang tao maaring tumulo rin ang luha mo. Kani kanina ay nagbabasa ako ng mga lumang entries ko. Sa unang entry na ginawa ko sa pagtapak sa mundo ng blogosperyo sinabi kong “apat lang kailangan ko yosi, alak, pera at babae”

Napangiti ako sa mga nabasa ko. Hindi lang pala ako napangiti napamura din ako, nalibugan at natuwa sa mga pinagagawa ko. Para lang akong tuldok sa nobelang Da Vinci code noon. Baguhang blogger na walang muwang sa mundong pinasok, Isang blog hopper na kahit hindi naman kagandahan ang site ng dinadalaw ay sinasabing “Nice Site care to exlink?” para lamang magkaroong taong maglilink sa blog. Naranasan ko yan, ang maging parang isang manliligaw na nagmamakaawa sa babaeng natitipuhan na sana kahit konti lang eh mabigyan ng pansin.

Lumipas ang mga ang mga buwan nagsimulang magkaroon ng mga mambabasa at lumipas muli ang ilang araw ang mga mambabasa’y naging mga kaibigan. Nadagdagan ang mga taong dadalaw sa burol pag nawala ako dahil sa pagbablog. Nagkaroon ng mangilang ngilang kalandian pero isa lang talaga ang minahal. Nagmahal at nabigo.

Nasaksikhan ng World Wide Web ang pagbabago ko mula sa pagiging teenager na malibog sa pagiging lalaking tigang, mula sa pagiging sinungaling na blog hopper hanggang sa pagiging tunay na blogger. Pati kabiguan at kamalian ko nasaksihan ng mundo ng internet. Sobrang daming nagbago sa loob ng isang taon. Sobrang dami ng pinagbago ko. Naging mas mabuting tao ako mula nung pinasok ko ang tinatawag na blogosperyo.

Isang taon na akong blogista, Isang taon na akong nagkakalat ng lagim. Isang taon ko ng ipinapamahagi sa inyo ang aking buhay, Isang taon na simula ng mapaibig ako at maadik sa pagbablog. XOXO para sa inyo lahat. Salamat!

Ngayon hindi na lang apat ang kailangan ko nadagdagan na ito. Kailangan ko ng Yosi, Alak, Pera, Babae at kailangan ko rin ang makapagblog!

Tagged:

§ 37 Responses to Yosi, Alak, Pera at Babae

  • Mia says:

    tama tama kung hindi dahil sa blogger hindi ko kayo makikilala

  • Tisay says:

    happy birthday sa iyong blogging career. apir!😀

  • lei says:

    Malayu-layo na rin ang narating mo kuya efbee sa loob ng isang taon. Happy Anniv.🙂 Malamang kung wala ka, di ko malalaman ang libreng sites. Haha. Buti nalang di ka pa kinukuha ni God. Long live para sa’yo at sa iyong blog.

  • lunes says:

    happy birthday apo sa iyong love for blogging.

    marami kang readers na minamahal ang kokeymonster..

    at marami kang kaibigan sa blogosperyo na nagmamahal saiyo.

    Congrats!

    -lola lunes

  • pey says:

    happy birthday sa iyong blog…🙂

  • Haaayyy FerBert, isa ka sa mga naunang nagco-comment sa blog ko at naaalala ko pa na sinasali mo ako sa mga YM Conferences ng mga blogista at ipinapakilala. Sa ‘yo ko pa ata sinasabi dati na sana maka-meet ako ng mga blogista sa personal bago ako umalis ng Pilipinas papuntang Singapore. At nangyari nga. Madami na din akong nakilala sa blogosperyo at naging kaibigan. Kasama ka na dun. Malaki ang naitulong mo din sa ‘kin.

    Dahil d’yan binili ko kay Popoy ang ‘puke’ ni Madam Auring at ipanreregalo ko sa ‘yo sa anibersaryo mo. Abangan mo bukas ha, pina-DHL ko pa. *LOLz*

    XOXO,

    Gas Dude

  • Leyn says:

    hindi ako pupunta sa burol mo. may kasalanan ka parin sakin. jk… at oo nga pala. 14 ngayon… akalain mo nga naman. hehe.

  • ron says:

    wow… happy birthday sa iyong napakainteresadong blog🙂 seryoso to. at it’s cool to know na nalamn mong nagbago ka here in the blogosphere… that just means dynamic as writer and as a person… kudos!

    we want more..hehehe

  • xG says:

    yung totoo?
    alam ko
    na may potensiyal ka
    sinabi ko kay igno yan
    na konting polishing lang
    thru time
    makakayanan mo yan
    at di na naman nabigo
    ang diyosa powers ko🙂

    di ko nga pala matandaan
    ang eksakting araw
    na nagsimula ako sa blogosphere!
    shet😐

  • ice says:

    yosi alak pera babae?

    COUNT ME IN…

  • fauste says:

    teka… isang taon na ba ang lumipas nung ipalabas ung Kokey sa t.v.? at balik tayo sa pinag-ugatan ng lahat/root of all evil…
    bakit “kokey monster”? bang version ba ‘to ng cookie monster ng sesame street? o ung kokey na alien na nasa t.v.?

  • bryan says:

    keep blogging!

    woof!

  • isang taon na palang nagtitiis ang blogworld sa “lagim” mo.:D

    nga pala, ang bigat naman ng needs mo, hahaha. yosing ipapartner sa alak, perang pambili dun sa naunang dalawa at panggastos para dun sa isa pa (babae) at syempre blog–ang venue para sa mga topics mong may kinalaman sa yosi, alak, pera, at babae.

    gud luck sa susunod mong mga taon sa blogging!

  • V says:

    yikee daming fans na opisboys at opisgerls nyan e. sulat lang ng sulat!

  • joice says:

    wohho happy birthday🙂 grabe namiss ko talga to. tssss

  • Roxy says:

    hindi ko alam kung paano ako napadpad dito sa sa blog mo fb, basta alam ko unang bisita ko palang alam ko na ito ay babalik-balikan ko. At hindi ako nagkamali, parang may kulang ang pagbblog ko kung hindi ko ito mabisita, yun bang pang-araw araw na gawain na😀 nasasabik sa bawat entry mo, na-eexite sa updates mo, kinikilig sa mga kwento ng kalandian mo, natatawa sa katigangan mo. This blog, it never fails to amaze me.😀

    Maraming nagmamahal sayo at sa blog mo fb, isa na ako dun. Happy Burdi kokeyMonster!

    cheers
    Roxy xxxooo

  • popoy says:

    bday ba ng blog mo fb?
    huwaw hapi bertdey naman.
    hindi matatawaran ang pagiging blogista mo fb. hindi tao ang hindi makakaintindi sa mga sinusulat mo. nilakad mo ang malubak na daan tapos yung mabato tapos yung mabubog ngayon naghihilom na at nakahanap ka na ng tsinelas para sa smooth na paglalakbay…

    hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinsabi mo fb,pagkatapos ni xG ikaw na ang sumunod na nakilala ko sa blogospersyo, hanggang ngayon na kahit bibihira na lang tayo magusap at magchat, hindi ko makakalimutan na nagkaroon ako ng kakilala na ang pangalan ay si ______lols. fb🙂

    nasa fone ko pa yata yung picture ng starbucks natin.lols🙂

    goodluck at more power sa pagboblog🙂

  • churvah says:

    wow!
    happy birthday sa blog mo.
    isa ka sa mga unang na i-link ko sa una kong blog..hehehe.

    more blogging days/years to come.
    cheers!🙂

  • Marc says:

    Happy Anniversary bro! hehe!

  • kris jasper says:

    i remember last year nung toddlers pa mga site natin…

    i think our common denominator (Freak! i havent typed that word for like 20 years…) is we miss our mums.

    & i remember yung sabi mo eh papasok ka sa PBB

    & i remember nung may post ka about halimaw sa banga.

    & yung post mo na nagpa sex change ka..
    (ay, hindi pala ikaw yun. lol)

    seriously, HAPPY 1st BLOG BIRTHDAY MIKE!

  • beero says:

    oi, hapi blogging anniversary naman sau FB. isa ka na ngayong institusyon sa blogosperyo. di matatawaran ang galing mo sa pagsusulat ng kahalayan. ahehe. keep it up!

    xoxo
    kuya lex

  • jericho says:

    hindi pa tayo magkakilala. hmp! hehe

  • gasti says:

    congrats sa anniversary ng iyong blogging career. di na importante kung anuman yung nasimulan mo ang mahalaga eh kung papano mo ito tatapusin..goodluck! paniguradong magstay ka pa ng matagal sa pagbablog.

  • madbong says:

    huwaw, ganda ng site mo bossing…care to x-link ahahaha

    congrats sa isang taon mong blog

  • Meryl says:

    Kasama pala ako sa mga kailangan mo – beer.

  • mangbadoy says:

    senti nga!!!! happi anniversary bunso! muah hugs!! xoxo!

  • may says:

    wow.happy birthday sayo🙂 nakakatuwa naman.. nag-isang taon ka na sa pagbblog mo.. and nakakatuwa din malaman na nagbago ka through your writings.. kudos🙂 I’m always happy while and after reading your posts.. parang may powers yun mga salita, parang super “entizing” hehe.. anywayz, happy bday ulit sayo fb

  • McRey says:

    Yeahba! Introspection ito…

    hhmm…

    hui nice site, care for ex-link?

    ahahaha

    hui add mo naman sa link mo ang aking website…

    http://marijuanaden.tk

    Yung blog ko blog ko pa rin yun… yun pa rin yung uupdate ko…

    Super thank you talaga, you know salamat!!! ahahahaha

  • Pedro says:

    nagsimula si dolphy bilang extra. alalay ni ganito, alalay ni ganyan hanggang sa maging alalay ni panchito. tapos biglang sumikat na lang bigla at ngayon ay tinitingala bilang hari ng komedya.

    parang ako, pa-extra extra lang dito. tapos pwede bang mag-apply na alalay mo? baka sakaling gaya ni dolphy eh sumikat din ako ng kasing sikat mo. maging blogosphere celebrity din ako gaya mo. baka tingalain din ako kapareho mo. pero di ko na hahangadin pang maging sing libog mo. hahaha.

    mahusay ka mare. hindi ko nga inaakala na mas bata pa pala sa akin ang nasa likod ng mga blog entry na binasa ko dito at sa naunang site mo.

    congrats sa iyong anibersaryo. matagal pa ako. hahaha. sana andun din kayo sa araw ng pagdiriwang ko. xoxo mareng ferberta. mahal kita!

  • ced says:

    salamat din sa blog at nakilala ko kayo!=]

  • FerBert says:

    maraming salamat sa lahat ng nagcomment

    mahal ko kayong lahat

    inyong inyo na ang katawan ko!

  • ana banana says:

    Hapi bday sa blog mo… *nice site care to ex-link* (joke lang po!. Gusto ko name ng blog mo Kokey Monster… Coooll!!

  • beero says:

    ang tamad mo talagang magcomment sa comments eh no. o sya paghahati-hatian na namin ang katawan mo at nang maibenta sa palengke, 140 per kilo. LOLS. ingat FB!

    para sabihing hindi ako tamad.. ayan oh ikaw lang nireplyan ko sa entry na to.. hahaha

  • beero says:

    magcomment sa comments

    ERRATUM:
    magreply sa comments. haha.

  • gilbert says:

    belated happy birthday sa blog mo!!!

  • ayos ah. parang SUCCESS STORY pala no. aakalain mo ba namang darating ang panahon eh magiging IDOL ka nang sanlibutan sa BLOGOSPHERE? aakalain mo bang darating ang panahon at tatadtarin ka nila ng mga komento – at magiging kaibigan mo ang karamihan dito… isa lang ang ibig sabihin niyan. magaling ka kasi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Yosi, Alak, Pera at Babae at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: