Suso Enhancer

September 10, 2008 § 43 Comments

Marami sa mga kababaihan ay hindi nabiyayaan ng “HINAHARAP”, OO hinaharap yung suso/dede/dyoga/boobs at yung iba nagpupunta pa kay Belo o Calayan para magpadagdag at kung kabilang ka sa tinatawag na lower class at gustong gusto mo talagang lumaki ang suso mo pwede ka naman magpainject ng silicon yun nga lang isang malaking goodluck sayo.

Ticket to stardom ang malaking boobs. Tignan mo si Rosanna Roces aminadong nagpadagdag sya ng boobs para lang makapasok sa showbiz, Kabilang din ata si Maui Taylor sa mangilang-ngilang artistang salamat po doc ang boobs, hindi naman sya umamin pero kung napanood mo na ang semi-porn flick nya masasabi mo naman kung ano ang tunay sa hindi.

Nagkalat ang produktong pampalaki ng boobs. Kanikanina lang habang wala akong magawa at pinipindot ang remote control ng tv nadaan ako sa isang TV shopping network. Nakakita ng mga babaeng nakabra kaya naengayo akong panoorin. Ayun pampalaki na naman ng dede. May mga babaeng mukhang bayaran ang nagsabing lumaki ang suso nila dahil sa produktong yun. Syempre di naman ako naniwala. Napakadali lang naman sabihin na Cup A ka dati at pagkatapos mong gamitin ang produktong “suso enhancer” ay naging Cup F na ang boobs mo.

Ewan ko kung totoo nga ang sinasabi sa channel na yun o katulad din sya ng mga herbal supplement na nagsasabing gagaling ka sa diabetes o kung ano man sakit pero pagkatapos ng commercial sasabihin “NO ACCLAIMED THERAPEUTIC EFFECT“. It’s liver lover boy!

Gaano ba kahalaga sa inyong mga babae ang laki ng boobs? Sa totoo lang wala naman akong pakealam kung maliit man yang boobs mo. Aanhin ko naman ang suso kung wala ka namang puso.

Ayos nga eh kase sa panahon ngayon kung gusto mong tumangkad may mabibili ka ng gamot, kung gusto mong yumaman pwede kang tumaya sa lotto o kaya sumali sa game show, kung gusto mong gumanda pwede kang magparetoke ng mukha. Lahat nabibigyan ng lunas, lahat nagagawan ng paraan, lahat ng pangit pwedeng pagandahin, lahat ng maliit pwedeng palakihin, pero hindi lahat kayang solusyunan.

Nanonood ako kanina ng news, may isang babaeng nilason ang kanyang anak at pagkatapos nyang lasunin kanyang supling nagpakamatay naman sya dahil sa kahirapan. Sana may solusyon sa kahirapan, sana may produkto sa TV shopping network na hindi lang nakakapagpalaki ng suso kundi nakakapagbigay din ng solusyon sa problema ng lipunan. Sana kung gaano kaliit si Gloria ganun din kaliit ang utang ng Pilipinas. Sana kung gano kadaling sukatin ang height ng pangulo ganun din kadaling solusyunan ang problema ng bansa. Sana boobs na lang ang problema ng Pilipinas para isang tawag lang kina Belo o Calayan meron ng lunas.

“You start out happy that you have no hips or boobs. All of a sudden you get them, and it feels sloppy. Then just when you start liking them, they start drooping”- Cindy Crawford

Tagged: ,

§ 43 Responses to Suso Enhancer

  • xG says:

    sakto lang boobs ko
    di malaswa ang laki🙂

    at di ako naniniwala
    na wala kang pakealam sa suso
    kala ko nga tungkol ito sa snail
    acheche

    oo naman.. sakto lang ang boobs mo.. at PARAMIS wala akong pakealam sa suso.. pwet ang habol ko.. haha..

  • Roxy says:

    Isa ako sa mga babaeng hindi nabiyayaan ng malaking boobacles. Isa sa mga advantage, hindi mahalay! pero gusto ko parin ng mejo malaki para mejo yummy wahehehe mejo lang, katamtaman.

    pero.. hindi ako magpaplaki ng boobacles, masaya nako na hindi hinahalay. ewan basta.

    Happy boobs day🙂 ( . ) ( . )

    pwede pa rin naman maging yummy kahit maliit ang boobies.. wala sa suso yan.. nasa pu… pu… pu… puso.. hehehe

  • I’d prefer long legs over big boobs.

    But having a big heart is still, and will always be, the best.

    Pero advantage pa din sa babae ang big boobs. *LOLz*

    gusto ko din ng mahaba ang legs.. ahihihi.. pero tama sinabi mong advantage talaga ang malaki ang suso..

  • jeck says:

    napanood ko nga sa news yung nanay na nilason ang sarili matapos lasunin ang mga anak. tsk tsk. nakakalungkot. dahil sa kahirapan, kung anu-ano na ang nagagawa ng mga tao. ano nga ba ang solusyon? sana mabasa ni gloria tong post mo.

    about sa dede, hmmmmmm… kung ako tatanungin, mas gusto ko sa babae yung malaki ang pwet kesa sa malaki ang suso. sino ba mas malaki ang suso sa inyo ni greenpinoy? na-curious lang ako.

    malamang ipasara ni gloria tong blog ko pag nabasa nya dahil sa mga kahalayang pinagsusulat ko..

    MAS MALAKI ATA ANG SUSO ko kesa kay Jason.. hhahahaha.. yaan mo next time sukatin natin

  • beero says:

    Aanhin ko naman ang suso kung wala ka namang puso. – huwaw! parang salawikain eh no. hehe.

    napanood ko rin yung news. tsk. tsk. di ko akalain na may gagawa nun dahil sa kahirapan.

    eh sabi ni mark lapid saging lang daw ang may puso kaya dun na lang ako sa may suso.. aanhin ko naman ang saging aber? hahaha. ganun talaga sa sobrang kahirapan nagpapakamatay sila. remember last year yung batang nagpakamatay dahil din sa kahirapan. Madaming buhay pa ang kelangang ibuwis bago masolusyunan ang kahirapan.. taeanang corruption kase eh..

  • gasti says:

    mas gusto ko ang babaeng maumbok ang pwet kahit hindi kalakihan ang boobs. masarap isipin ang mga posibilidad..plus factor na rin kung maputi at mahaba ang legs..ahihi!

    napanood ko rin yang suicide ng mag iina..napakawalang kwentang nanay talaga di man lang nya tinanong mga anak nya kung gusto pa nila mabuhay..ang babata pa naman.

    yan gusto ko yan.. tapos chinita! rawr! hahaha..
    honga kung gusto nyang magpakamatay sana di na nya dinamay yung mga anak nya.. pwede naman nyang ipaampon yun eh.

  • Pedro says:

    napanuod ko din yung news. hindi ko lang napansin kung may suso o wala.

    nakakalungkot isipin na kung kelan wala ng yung mag-iina ay tsaka pa nagdagsaan ang tulong sa kanila. kung napaaga lang sana ay napakinabangan pa nila yung mga yun habang nabubuhay sila.

    malaking factor talaga ang boobies. pag parang si olive sa popeye kasi yung babae, walang kadating dating.

    walang suso dun sa news! lagi naman ganyan eh.. parang mga pulis sa pelikula ang tulong ng gobyerno.. saka lang darating pag tapos na ang bakbakan..

  • mangbadoy says:

    malaking factor ng yung boobs buti na lang si bebeko average lang pero mas okay kung long ang legs… sarap i-lick heheheh! pero mas okay talaga yung bumper ng girls kesa boobs… hehehe preference lang!

    ano yung lick? hahaha.. ewan ko pero tinigisan ako dyan.. hahahaha… bumper saka boobs pareho lang yun di ba?

    • jhe says:

      hehe kaka 2wa naman usapan d2 puro hinaharap well nko ako d din nabiyayaan ng hnaharap at puwet pero im happy naman kase level up naman ako xa kagandahan hehe.. pero atracted ang big boobs and big bootcks dba guys?

  • chiskars says:

    napanood ko din ung news… and wow kuya, ang ganda mong magsalita,,, hindi retokado yan huh…

    kaia sa tuwing makakakita ako ng boobs,,, maaalala ko ang mga sinabi mo…

    maganda ako magsalita? hindi lang yan ang maganda sakin.. maganda din akong lalake.. haha
    salamat ha? sa boobs mo pa ako maaalala.. hahaha

  • yeye says:

    aanhin ko naman ang suso kung wala namang puso

    un eh! hahaha

    oo nga.. kaya ayos lang na wala ka nun.. alam ko naman may heart ka.. hehe

  • ellieshe says:

    tama lang yung boobs ko..ndi malaki, ndi maliit..pero biniyayaan ako ng malaking pwet..haha..nu b yan..

    grabe kawawa naman ung mga bata..pinaampon nlang sana niya..tsk tsk..buhay nga nman,

    sana pinaampon na lang sayo tutal madami ka naman ipakakain.. tsktsk..

  • ice says:

    oo nga sana…

    “sana’y pag ibig nalang ang isipin..” kanta ni jolina

    regarding sa post mo about suso alam mo ba kung bakit ang size nila ay A,B,C,D,E,F?

    A – almost flat
    B – Barely Noticeable
    C – Comfortable
    D – Damn Good
    E – Extremely Hot
    F – Fake boobs

    c u around…

    live well
    laugh often
    love much
    enjoy life

    yo ice.. mine is F! lol

  • ice says:

    correction lang

    E- extremely BIG

    hehehe.. ayos lang..

  • kamotenista says:

    ay ako hindi rin biniyayaan ng hinaharap puro lang back. pano hindi ako ginising nung namibagay ng relief goods na Hinaharap….wahaha

    ayos lang yan.. siguro naman sexy back yan? hehe

  • superboi says:

    ako, “blessed” ako sa harap at sa likod. konting bawas lang sa bewang mga 1 inch, eh killer bod na ang meron ako. wahahhah!!!

    kidding aside…

    kung ako ang papipiliin, ayoko ng medyo blessed kasi medyo kahit naman payat ka nagmumukha kang chubby pag meh hinaharap kang sagana. pag mashado naman maliit parang di naman ako babae. pwede sana kung sakto lang. un ung okei!

    ay shet superboi nga pala ako hano… bakit ako nangangarap ng boobs? hahahah :))

    =) winner!

    uh superboi.. bakla ka no? pano ka nagkaroon ng boobs.. hahaha.. ay harts yu samie!

  • lei says:

    grabe naman un F? haha. ano yun palanggana? dito sa states marami nun. hindi nga lang para sa mga White kungdi para sa mga Itim. Ang super laki kasi ng mga Joga nila. harhar. Lalo na pwet, parang salbabida. Magsasawa ka dito Efbee.

    yung F. hot air balloon.. hehehe

  • ays says:

    sus. di ko pinangarap ang hinaharap. LOL.

    okay lang naman ako sa sarili ko basta wag lang ako masabihan na laging nakatalikod. GETS? XDXDXD

    loler blades.

    laging nakatalikod. flat chested? loler blades? laugh out loud na my gulong? haha

  • Kris Jasper says:

    sana nga ang Pinas eh ganun.. para tayo ang number one exporter of milk (na hiyang kay baby)

    honga.. lulusog pa mga taong bayan

  • Maldito says:

    ok lang maging boobless….basta indi lang heartless…echus..puro kalibugan lang naman ang nasa utak mo efbe…maniwala!

    nalungkot ako sa mag ina..

    ganyan na ba kagrabe ang gutom at kahirapan sa pinas? hu hu hu…

    ako tinangka ng lasunin ni nanay..

    indi dahil wala kaming makain..

    pero dahil sa sobrang pasaway ko na. hu hu hu

    ganito lang talaga mag isip ang mga taong walang sex life.. hahahaha.. taena parang kaninang madaling araw lang nagrelease ka ng kalibugan mo sa plurk.. hahaha

  • utakmunggo says:

    meron pa ngang pink nipol cream diba? ehehe suskow! kuntento na ako sa hinaharap kong mukhang likod. ahahaha
    hayop ng analogy nitong post mo ah. oo nga ano sana’y magdilang anghel ka at maging sing liit ni gloria ang utang ng pinas. at sana’y ang maging problema nalang ng bansa ay suso (or escargot, sa pranses.)wahaha

    piman.

    oo meron ganon.. para maging pink ang nipples.. sana gumamit si avy scott ng avyscott.com ng produktong yun.. hahahaha

  • popoy says:

    fb, ikaw lang ang nakakapgkonek ng SUSO sa usaping politikal at kahirapan ng Pilipinas, kaya hindi nakakapanghinayang na iboto ka sa PLLP.lols walang koneksyon,hahaha🙂

    eh ano naman kung maliit ang suso, pero kaipokrituhan kung sasabihin mo FB na ayaw mo ng malaking suso, hindi ikaw si fb at ikaw ay nagpapanggap lang kapag sinabi mo yan.wahahaha.

    dahil sa entri mong to bakit hindi tayo maglagay ng SUSO icon sa bandila ng Pilipinas? hala ako.wahahaha

    Paramis ayoko ng malaking suso.. Gusto ko tama lang tapos papalikihin ko yun kakalamas.. hahaha.. SUSO icon? snail? haha

  • meron din yung pampa-pink ng nipples.:)

    nakakatakot lang dito na baka lahat na lang ng bagay iasa sa mga supplement na iyan. hay.

    darating ang araw lahat ng sakit ay may katumbas na herbal supplement.

  • jericho says:

    ayos ah .. Mula Suso to Arroyo .. hehe

    next time naman bakas mula etits to obama.. hehe

  • romydiaz says:

    yung cleavage talaga ang malakas humatak sa akin. parang humihigop papunta sa gitna ng kawalan. kailangan kong sisirin ang kalaliman…

    hahahaha.. kaya pala naglalaway ka kay madame auring.

  • mcrey says:

    Hindi ako naniniwala na na nagpakamatay siya dahil sa kahirapan… tingnan mo naman yung bahay nila, gawa sa bato… eh yung iba nga gawa sa yero hindi pa rin nagpapakamaty…

    Pero hindi rin naman masasabi kung sino ang may kakayanan ang sikmura sa wala eh… pero hindi ko lang talaga mapaniwalaan na pinatay nya yung pamilya nya at sarili nya sa kahirapan kasi mas maraming miserable kaysa sa kanya.

    hindi lahat ng bahay na yari sa bato ang nakatira eh mayaman.. tignan mo ako.. nakatira sa bahay na gawa sa bato pero naghihirap.. naghihirap ang puso ko.. hahahaha emo puta!

  • axel says:

    Master, kayo po ba ay nakasubok ng magpadagdag?? HEhehe..

    magpadagdag ng ano? lagi naman nadaragdagan ang taba sa katawan ko so di na kailangan.. eheheh

  • fjordz says:

    ayos to…

    “Aanhin ko naman ang suso kung wala ka namang puso.”

    at sayo pa nanggaling hahaha…

    quotable quote mo yn hehehe

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    marami ding quotables sa blog mo.. kadalasan nakakapan laslas pulso.. ahahaha

  • har har says:

    “Aanhin ko naman ang suso kung wala ka namang puso.”
    -naks..!😉 lam q kasi karamihan ng guys un tnitignan.

    ” Sana kung gaano kaliit si Gloria ganun din kaliit ang utang ng Pilipinas. Sana kung gano kadaling sukatin ang height ng pangulo ganun din kadaling solusyunan ang problema ng bansa. ”

    -uhmm… may sense🙂
    karamihan kasi ng may katungkulan s gobyerno pangsariling kapakanan ang inuuna,,
    pinaglilingkuran ang sarili.. bihira ung mga tumutulong tlaga.
    bkit ndi k kumandidato??? hehehe

    • jhe says:

      maganda nga un kay gloria well.. lahat naman yata ng naging pangulo ng bansa ehh hinusgahan natin mga tao.. ehh.. huh saken lang talagang ganun un binigay na buhay satin ni lord mag pasalamat nalang… masuwelo lang talaga ang bansan u.s,london at iba pang mayayaman na bansa.. d 2lad ng pinas minalas sa pag asenso..!!

  • lunes says:

    late nanaman ako sa komento.wehehe.

    oo napanood ko ung news na un. may natira pa ngang isang bata,ung nakitulog sa kamag-anak. hay, mahirap maging universal ang solusyon.

    natawa naman ako sa quote na yan..wehehe.

    yung panganay.. maswerte. hindi sya kasama sa mga nilason..

  • Noime says:

    hahaha. katamtaman lang ang sukat ng boobs ko. tangena. sa pwet nga lang bumawi. LOL. hmm, buti hindi mo nasabing.. “sana boobs na lang ang soulusyon ng problema ng pinas!”. hahaha.

    sinabi ko nga.. hahaha.. nuber

  • Trishie says:

    Kontento na ako sa boobs ko! haha😀

    Ganda naman ng post mo. Iyak na ko eh. haha.
    Tama, walang lunas sa lahat.🙂 Di gaya ng suso, breast enhancer lang ang katapat.

    xoxo.

    oi si trishie pers taym magcomment sakin.. woooh! hahaha

  • acey says:

    OMG! grabe ang title. super nakakatawa!

    OMG si acey!super pretty!

  • BM Garupa RN says:

    It has a lot of sense when it is public issue. tama ka, sana nga lahat ng bagay sa mundo pwedeng solusyonan. I enjoy reading your blog pare! Galing -galing talga. Gawa ka ng amgandang blog pa totoong kwento ng buhay. Creative mind and passionate in writing, yun meron FB. I’m proud friend of him. Good day Beyatch!

    awww.. BM yer so sweet.. Miss you girl! lol.. xoxox

  • halos wala nga akong boobs.

    ayos lang yan.. may puso ka naman siguro..

  • ron says:

    ang galing mo tsong! napatawa moko ng sobra! hahahaha!

    nabasa ko din yung about sa nanay na nilason niya yung anak niya..grabe ibang level! tsk! ganun na ba talaga kalala ang kahirapan sa pinas… hays…

    kudos!

    peace out🙂

    oi ron! salamat! magaling din akong sa pag ahihihih… lol

  • joice says:

    aylabdis, yeaaah.

    nakakatawa yung mga comments, anubeh. naghahalo na yung boobs sa kahirapan ng pilipinas. haha🙂 but yeah, i like the analogy

    oi joice.. we miss you! balik blog ka na please!

  • kirk says:

    Sana may solusyon sa kahirapan, sana may produkto sa TV shopping network na hindi lang nakakapagpalaki ng suso kundi nakakapagbigay din ng solusyon sa problema ng lipunan.

    Bakit kasi pinipilit ang suso sa ekonomiya ng bansa. Hahaha!

  • Donita Rose says:

    hahah! ngayon ko lang binasa tong entry na to.

    tama! walang silbi ang malaking suso, kung wala naman puso ang nagmamayari nito. buti na lang ako pareho meron. hahaha!

    minsan di rin maganda ang malaking suso, minsan hassle din. hahaha! nyak.

    sana yung mga artistang malaki ang suso ay ginagamit nila yung kayamanan na nae-earn nila sa pagpapakita ng boobs, para makatulong sa lipunan. oha, eh di solved na ang problema.😀

    sana din yung may malalaking boobs magproduce ng gatas lalo na ngayong banned na ang gatas galing china.. hahaha

  • b@kekang says:

    anu b 2ng entry u?may lungkot at libog..ngpakamatay b yung nanay dahil sa kahirapan oh dahil maliit ang suso nya..anu b kc..wak u nga pgsamahin..ngu2luhan ang damdamin q huh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Suso Enhancer at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: