Ang Mangangaso

September 1, 2008 § 44 Comments

Meron isang mangangaso na mahilig mangolekta ng mga hayop. Sa katunayan meron syang zoo sa kanyang bahay, lahat ng klase ng hayop meron sya, mula sa mga ibat ibang uri ng insekto, isda hanggang sa mga kalahi mong tsonggo. Nilakbay nya ang buong mundo para makaangkin lahat ng hayop sa earth, pero may isang hayop na gustong gusto nyang mahuli. Sinasabing mythical creature lang yun pero naniniwala syang totoo iyon. Hinahanap ng mangangangaso ang Ibong Adarna. Yung ibong nakakapagpagaling sa pamamagitan ng pag awit ngunit pwede kang maging bato pag naiputan ka nito.

“Hangal! kailan man hindi mo matatagpuang ang ibong iyan, Hindi yan totoo. Kulang ka lang sa sex kaya ka nagkakaganyan” yan kantyaw sa kanya pero lalong naging pursigido ang mangangaso para hanapin ang ibong iyon dahil gusto nyang patunayan sa madla na nag eexist ang ibong adarna.

Natagpuan nga nya ito sa Bundok Tabor at doon napasakanya ang mahiwagang ibon. Nabayaran lahat ng kanyang pagod At ipinamukha sa mga di naniniwala na totoong may ibong adarna at hindi lamang ito gawa gawa. Inilagay nya ang ibon sa espesyal na hawla at sa tuwing aawit ang ibon nawawala ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso. Nagwika ang ibon at sinabing natatakot ito na baka masaktan nya ang kanyang amo pero sagot naman ng mangangaso kung masasaktan man ako dahil sayo wala na akong pakealam doon, nakahanda akong masaktan para sa ibong adarna.

Nagdaan ang mga panahon at tila ba nakalimutan ng mangangaso ang Ibon, gabi gabi umiiyak ang ibon at upang aliwin ang sarili nya ibinaling nya ang kanyang atensyon sa ibang bagay tulad ng pakikipagkaibigan sa iba pang animals na nasa bahay ng mangangaso. Pero isang gabi lasing na lasing ang mangangaso at ito ay nagwawala, hindi nya napansin na nasaktan na pala nya ang kanyang paboritong ibon. Nangamba ang mangangaso, mula noon hindi na sila nagkikibuan at napagdesisyunan na lamang ng nito na palayain ang ibon. Alam nyang hindi na ito masaya sa kanya, at kung patuloy nya itong kukupkupin hindi maiiwasan ang pagkakataong masaktan nya ulit ito, ayaw na nyang masaktan ang ibon, ayaw na nyang saktan ito kaya binuksan nya ang hawla. At kasabay ng pag ihip ng hangin lumipad ang ibon malayo sa kanya at iniwan na sya mag-isa. Samantalang ang mangngaso pinagmamasdan lamang ang paglayo ng ibon sa kanya, tumutulo ang luha’t nag-iisip kung tama ba ang ginawa nyang pagpalaya sa ibon pero umaasa syang babalik din ang ibon sa piling nya at tulad ng dati’y sila ay magiging masaya.

—————————————————————–

Gusto kong patunayan na may true love, nagtagpuan ko iyon. At nung natagpuan ko iyon ipinakita ko sa mundo na nag eexist ang true love. Yung ibong adarnang tinutukoy sa kwento ay yung taong nakapagpahilom ng sugatan kong puso noong mga panahong ayoko ng maniwala sa pag ibig. (hahaha.. bumabaduy na naman ako) Pero hindi naging matagumpay ang aming relasyon. Naging busy sya at ako naman ayun naging gago. Alam kong may mga bagay na hindi ko dapat ginawa pero nangyare na ang nangyare at wala na akong magagawa doon.

Nasaktan ko ang ibong adarna ko, pinaiyak ko sya At sa bawat buhos ng kanyang luha kapalit nun eh bugbog sa aking puso. Ayoko syang saktan, ayokong maging dahilan ng kanyang pag iyak pero Gago ako’t nagawa ko iyon. Sya yung takot na takot nung una na baka masaktan nya ako pero hindi ako yung nasaktan bagkus ako pa yung nakapanakit. Pinalaya ko na sya, humingi pa ako ng isang pagkakataon sa kanya pero naisip ko para saan pa kung mabibigyan ako ng isang pang pagkakataon baka masaktan ko lang ulit sya at kapag nagawa ko iyon hindi ko na mapapatawad ang sarili ko, hindi ko na kayang makakita pa kahit na isang patak ng kanyang luha. Pinalaya ko ang ibong adarna pero umaasa ako na babalik din sya sakin kapag pareho na kameng handa at pag dumating ang araw na iyon kami’y magiging masaya.

Para Sayo: Aantayin kita, aantayin ko ang araw na ako’y muling magiging masaya, ikaw pa rin ang reyna ko; ang dahilan kung bat tumitibok ang puso ko.

[Off Topic] bday ng yumao kong ina ngayong araw na ito. happy bday ma! [/Off Topic]

Tagged: ,

§ 44 Responses to Ang Mangangaso

  • Ayiene says:

    Kawawa naman yung Ibong Adarna, napabayaan. Pero may dahilan siguro ang Amo niya, kaya di natin masisisi ang Amo.

    Natandaan ko tuloy yung unang unang unang pag-uusap natin sa y!m nun, tungkol rin sa isa pang ibong adarna. iba pa siguro sa ibong adarna dito. di bale, makakahanap ka rin ng ibong adarnang tunay mong pahahalagahan at mamahalin.๐Ÿ˜‰

    smile na!

    nakasmile na ko. eto oh =D
    yung pinag usapan naten dati hindi iyon ibong adarna, halimaw yun sa banga. hahaha

  • na* says:

    hmmmmmmm. . . bitin, akala ko mas magiging detalyado,

    nakakalungkot..haaaaaaaaay.

    alam kong busy si adarna, pero anu ba kasing kagaguhan ang ginawa ng mangangaso?

    hmmmmmm, okay na din na nakita ko ang maturity pero minsan, pwede naman maging asertibo…. sana yun ang nangyari, mahirap kapag timidity lan.

    nagusap naman kayo diba? hehe, wala akong masabing matino-tino.

    salamat pala sa pagbigay sa akin ng chance mauna…

    flyfly!

    sya na lang siguro magsasabi sa iyo ng mga detalye. nalungkot ka? ako din eh nalungkot. hehe. Ang totoo di pa kame gaanong nag uusap pero mukhang papunta na rin doon. Hindi pa daw sya ready. So hinayaan ko na lang..

  • na* says:

    at may nauna…ahahaha! so yun, HINDI AKO ANG UNA! ahahaha! latsafahn!

    hahaha.. ayos lang yan. wala naman akong papremyo sa mga unang nagkokomento.. may next time pa.

  • Roxy says:

    Lahat ng tao ay may kanya kanyang pangangailangan. Siguro sa iyong sitwasyon kaya mo nagawa ang mga bagay na hindi karapat dapat, ay ang sa kadahilanang meron ka ding pangangailangan. At kung sakaling nabigyan ka ng isa pang pagkakataon, Wag kang matakot na siya ay masaktan bagkus ikaw ay matuwa dahil isa lang ang ibig sabihin nun. MAHAL KA NYA.

    Happy bertde keh mum!๐Ÿ˜€

    xoxoxoxo Roxy

    uhmmm.. ano ba sasabihin ko? apir na lang tayo.. hehe

  • Leyn says:

    kung ano man ang naging mga pagkakamali, sana hindi na maulit pag dumapo na ulit ang ibong adarna mo. nakakalungkot, kasi witness ako sa unang pagkakita mo sa kanya…

    welcome back fb. na-mess kita.๐Ÿ™‚

    kung dadapo man ulit. nakakalungkot pero ganun talaga. hanggang doon lang talaga. haha. unang pagkikita namin, salamat sa pagsama kinailangan ko noon ng lakas ng loob. buti nandun kayo.

    ay mess yu tu leyn!
    congrats nga pala sa domain!
    wooohoooo!

  • Maldito says:

    kaw ba to francisco balagtas jr?ahahaha..nice nice nice..makata at magaling..

    sa bawat pagdaan ng araw..alam ko ang sugat sa puso mo ay mawawala din..

    kagaya ng paglipad ng ibong dati mong minahal at ikunulong..

    malaya na siya…sa kandungan ng iba…

    lols

    pareho kameng F.B ang initial pero hindi ako si lola Francisco Balagtas.. hehehe.. salamat salamat

    malaya na siya sa kandungan ng iba? dinurog mo ulet ang sawi kong puso, parang di ko pa ata kayang makita sya sa piling ng iba. Selpis ako, gusto ko ako pa rin. Imposible pero umaasa akong pwede pang mangyare..

    hahaha na lang tayo baka sakaling maging okay

  • Tisay says:

    tama sila. wala na akong masasabi na hindi na nasabi ng iba, kaya uulitin ko na lang.

    dadating din ang araw na gagaling din ang sugat ng puso mo at ngingiti ka ulit.๐Ÿ™‚ apir!

    pano ba yan? diabetic ata ako.. mukhang lalo lang hindi gagaling ang sugat ko.. hahaha.. potah im so idk. haha.

  • may says:

    worth it ang paghihintay.. tulad ng matagal mong paghinto sa pagsusulat sa blog mo, naging maganda ang recent post mo.. nakakaiyak, pero it was worth reading

    tulad ng paghihintay mong meron uling nagturo sayo tungkol sa pagibig.. naging worth it,dahil nagkaron ka ng dahilan para mabuhay ulit.. kahit nde maganda ang ending, naging worth it pa rin

    at ngayong maghihintay ulit kayo pareho, either para muling buksan ang puso sa iba o hintayin ang oras na magheal ang mga sugat, I’m sure, the wait will still be worth it๐Ÿ™‚

    cheers

    Salamat sa pag aantay sa pagbabalik ko May. Yung recent entry ko isa yun sa pinakaayaw kong entry, napakadrama kase pero ganun talaga eh kelangan ilabas ng blogista ang nararamdaman nya. Lagi naman akong nag aantay eh, hindi naman ako nagsawa sa kakaantay. Darating din ang araw magiging maayos din kame, kung hindi man maging kame sa bandang huli alam kong magiging maayos din ang lahat sa amin.

    salamat ule!

  • churvah says:

    nalungkot ako ng una ko itong malaman.
    Alam kong hindi mo naman sinasadya na saktan siya,kaso nga sabi mo nangyari na.Hindi pa naman siguro huli ang lahat,wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan.Sana nga makapag -usap na kayo,sa tamang panahon,yung pareho kayong nakapag isip-isip na tungkol sa inyong relasyon at prioridad.

    isa lang itong pagsubok sa relasyon niyo.
    sana malagpasan ninyo.
    kinakailangan niyo lang siguro ng space para makapg isip-isip.

    hangad ko na magka ayos pa rin kayo,kasi nafi-feel ko na labs niyo pa rin ang isa’t-isa,hehehe!

    wag kasi masyado pasaway,sus ka!^__*

    nalungkot ka nung una? eh ngayon masaya ka na ba? hehe
    Hindi ko alam. marami rin akong katanungan kelangan namin to pareho. Kelangan namin makita ang sarili namin sa hindi kasama ang isa’t isa. mahihirapan lang daw ako pag pinagpatuloy namin to dahil busy sya. Oo na lang ako..

  • rio says:

    pinakawalan ang ibong minsang minahal?
    (sigh)…

    magaling na ba??

    alin po ba doc ang tinutukoy nyo? alin ang magaling? ako o yung puso ko? yung puso ko tumitibok pa rin, ako humihinga pa naman. Sa tingin ko ayos naman ako. Wala pa namang nawawalang turnilyo sa ulo ko.

  • jeck says:

    love if not badly or madly felt is not love after all. makiki-ayon ako sa takbo ng puso mo. ‘stig ka parekoy kasi nagawa mong ipaliwanag kung ano talaga yung nararamdaman mo. tara, basa na lang tayo ng twilight. haha

    oi kuya jeck! astig ka kase kaya astig din ako! pareho tayong astig! paxerox na lang ng kopya mo sa twilight. makiuso tayo sa mga kolehiyala ngayon.. bwahahah

  • coldman says:

    ang drama, tatalunin pa yata ako! Hahaha!

    welcome back!

    ikaw nagkakalat ng virus na nakakapagpa-emo sa internet. kasalanan mo to. hahahaha
    salamat salamat sa pagwelcome back sakin!

  • superboi says:

    haaaaaayyy…

    lahat nang bagay na nangyayari sa buhay natin ay may karampatang kadahilanan.

    hindi madali ang magpalaya lalo pa kung mahal mo…

    maniwala na lang tayo na ang pag-iibigan niyo ay ganon katatag para ibalik kayo sa isa’t isa.

    mukha naman mahal niyo pa ang isa’t isa.

    hehehehe.. yan lang masasabi ko sammie.. pero salamat! alam kong isa ka sa mga naniwala sa relasyon namin. naalala ko pa yung entry mo kung saan sinabi mo na mapagbiro ang love at hindi mo ito alam kung kelan mo matatagpuan. natagpuan ko yung love pero pinabayaan ko. ang tawag sakin -> GAGO hahaha

  • utakmunggo says:

    offtopic rin: happy bday sa nanay mo, am syur may party sa langit at bisita nya rin ang ferens ko.. syemps, pareho silang mga ilocano ano. hehe

    maligayang pagbabalik!

    matters of the heart.. tama ang iyong ginawa na pinakawalan mo ang iyong ibong adarna. hindi rin naman totoo ang sabi mo kay maldito na selpis ka dahil kung selpis ka nga, e di sana hindi mo nagawang siya’y pakawalan.

    sana’y maghilom na ang iyong mga sugat sa puso at maging perbert kana ulit.๐Ÿ˜€

    eh.. naman eh.. hahaha.. tama nga ba? hehehe.. ewan ko.. galos lang to gagaling din tong puso ko..

  • kamotenista says:

    nakabalik ka na nga at apibertday po kay Mama. dont wori masaya sa dun maraming lumilipad lipad dun sa kinaroroonan nya at ang pinagkaiba hindi nga lang sumasabog…hehehe

    yeah! happy bday kay mama! masaya na sya. kelan naman kaya sasaya ang anak nya? hahaha

  • xG says:

    nandito lang kami palagi
    alam mo naman yan๐Ÿ™‚

    di ko na kailangan
    ng magarbong pananalita
    dahil ang mga totoong kaibigan
    nagkakaintidihan na lang๐Ÿ™‚

    salamat XG! tats na tats ako! lalo na yung time na nagdradrama ako. isang text lang yung pinadala mo pero natats ako. tunay ka ngang kaibigan! mwahugz!

  • buti na lang walang batas na nagpaparusa para sa mga nagi-illegal possession at sa mga nanakit ng mythical bird(s)…kundi papahuli kita.

    makikisimpatya ako kay ibong adarna. i-invite ko kaya sya sa club naming mga ibon?

    pero dahil bahay mo to…

    sige na nga… maniwala ka lang na totoo ang happy endings…at magkakaron kayo niyan ni ibong adarna.

    sorry naman.. hindi lahat ng fairy tales may happy ending. saka hindi rin pala totoo ang mga fairy tales. hindi ko na rin alam kung ano ang totoo.. haha. ang gulo ko.

  • yeye says:

    ang drama mo naman ahahaha waw nagbalik ka na hahaha

    ano ung nababalitaan ko na may sakit ka daw? ahahahaha/. natigang ka lang eh ahahaha peace alien.๐Ÿ™‚

    tangina! umabot ng 39.8 ang temp ko. malamang init lang yun sa katawan ko na hindi ko nailabas ng mahabang panahon. tigang nga lang siguro ako.. hahaha..

    nadale akong Typhoid. nangayat ng konti. konting konti lang kaya mataba pa rin ako.. hehe

  • jiMboy says:

    aray ku po ferbert! relate na relate ako. may post akung medyo parehas. nasa drafts ku. try ku siya i-post.

    tara inom tayo jim! sasabog tayo nun kakadrama! hahaha

  • roneiluke says:

    hays… may true love talaga. the idea of true love is almost impossible like the idea of the ibong adarna. masakit talaga. we break the hearts of the people we love the most๐Ÿ˜ฆ

    sige pahiramin kita ng lata. marami kang makakalaro dito. hehe. thanks for dropping by.

    nakuha mo yung ibig kong ipahiwatig na napakaimposible ng true love.. hahaha
    salamat sa lata. laro tayo baka mag enjoy pa ako..

  • ced says:

    huwaw. hmmmm…
    sana maging oks ka utol.
    may dahilan yan, siguro mas maganda e, i-set mo ang priorities mo ata ng sarili mo.

    welcome back utol=]

    happy bday kay mama mo=]

    okay naman ako eh.. okay ako pero hindi ako masaya.. ano yung priority? haha

  • bluedreamer says:

    wow great naman ferbert hehe its me blue sige na ang sapakin mo na ko sa aking matagal na pananahimik hehe
    ngunit ako’y nagbabalik
    para handugan ka ng isang regalo
    ako ay nagdiriwang ng aking unang anibersaryo dito sa blogosphere at ako’y may munting handog sa iyo
    slamat sa lahat ng komentong ibinigay mo sa akin at sa bawat oras na inilaan mo sa blog ko slamat sa pagiging bahagi mo
    have a great blogging day
    P/S
    mas naantig ako sa huling sentence about your mom
    marahil kung nasaan man sya ngayon ay tuwang tuwa sya sa pagkakaalala mo sa kanya

    yung huling statement lang ang tungkol sa nanay ko doon ka pa naantig.. hahahaha.. isang taon ka na pala.. congrats! nauna ka lang pala sakin ng 2 weeks.. ako naman magcecelebrate 2 weeks from now.. apir!

  • Noime says:

    JANJANJANAN… woy kuya! nakakainis ka, njan na nga lang siya hindi mo pa maalagaan๐Ÿ˜ฆ naiinggit ako sa inyo kase malapit lang kayo sa isa’t isa eh kami, tangenang buhay. 2 weeks na lang ako dito sa pinas noh!

    ganun talaga.. hindi mo alam kung anong meron ka hindi ito hindi nawawala. binalewala ko sya, yun ang pinagsisisihan ko.. aaaak! kita kits na lang sa canada noime yun ay kung makakapunta pa ako doon.

  • fjordz says:

    aw… sayang naman ang mga pagkakataong magkasama kayo.. sa mga ganitong posts, parati ko na lang iniisip na paano na lang iyong mga panahong magkasama kayong pinasaya ang bawat moment niyo.. yung time na parang ayaw niyo nang bitawan ang isat isa.. pero sabi mo nga. may nagawa ka, at may mga nagagawa ang mga tao na kahit hindi nila ginusto iyong magiging resulta nun, sinasabi na lang nilang nangyari na ang mga nangyari kahit na rin alam nila sa mga sarili nilang masakit yun pareho sa kanila..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    awww.. fjordz! hindi ko alam ang sasabihin ko.. inom na lang tayo! magkikita ata tayo sa wordcamp! hehehe

  • kris jasper says:

    naku! sabi na nga ba eh. tapos na yung episode nyo ni Ibong Adarna?

    try mo naman si BigFoot or si LochNess. Free sila ngayon.

    gusto ko si Easter Bunny o kaya si Santa.

  • FB! Welcome back!

    Regarding sa post mo, I’d rather not comment. I just feel that I’m not in the position to say anything… Apir na lang tayo. Uhm. *LOLz*

    Basta love your life na lang siguro. Minsan kasi natatakot ako s’yo kapag emo ka me suicidal tendencies ka eh… Hehehe.

    Salamat kuya Alex!
    weeee. sige apir na lang tayo! basta pag nag emo ako wag mo na lang ako bibigyan ng blade baka magpakamatay ako ng wala sa oras.. hahahaha

  • beero says:

    ang lungkot naman ng ending. teka lang, welkam bak nga pala FB. siguro nga tama ang desisyon mong palayain ang ibon kesa makita syang nasasaktan dahil sayo. yun siguro ang tinatawag na unconditional love. ahehe. kasi di ka naging makasarili at kinonsider mo rin ang kalagayan nya. pero wag kang mag-alala. babalik din ang “adarna” sa takdang panahon at magiging masaya na ang ending ng kwento.

    alam mo kuya lex. nung mga nakaraang araw umaasa pa ako. pero kelangan naten buksan ang mata naten sa katotohanan. Kung bumalik man sya eh di okay pero ramdam kong di na sya babalik.malungkot pero kelangang harapin

  • V says:

    ah. kei.

    payo:
    wag malunod sa romansa.
    tama yun. maging realistic.
    kung kami edi kami.
    kung kayo edi kayo.

    Oi V. Salamat sa pag untog ng ulo ko.. xoxo

  • jericho says:

    gusto ko ring magmahal … ng ibon.๐Ÿ˜‰

    madaming ibon dyan.. nagkalat. ingat ka lang sa bird flu!

  • Kung kayo talaga ang para sa isa’t-isa, babalik din yung taong mahal mo. Pero tama din na pinalaya mo siya para makapag-isip siya kung dapat pa bang i-save yung relationship niyo. What you’ve done just proved na mahal na mahal mo yung tao kaya willing kang palayain siya kahit alam mong higit kang masasaktanna malayo siya sa iyo.

    salamat sa payo kaibigan. hindi ko alam kung tama nga ang naging desisyon ko lately kase puro maling desisyon ang nagagawa ko sana sa pagkakataong ito hindi na ito pagkakamali sana tama nga ang ginawa ko.

  • ayyzzz says:


    weh.
    di ako makapaniwala..
    halos maiyak ako pagkatapos kong mabasa to.

    sayang naman..
    pero me dahilan din naman ang lahat.

    ibabalik ko lang yung comment mo
    na ala-plurk..
    hekhek๐Ÿ™‚

    ayz hugs fb

    salamat sa akap pero beer ang kailangan ko.. haha

  • M says:

    Hello FB. How are the jumping salads?
    Peace of mind and solemnity of the stomach — yan ang mga bagay na wala akong alam.

    Sa palagay ko, kailangan na ulit nating lumabas no? Sige, pagkagaling mo maghanda ka na. Pero yung mura lang, wala pa akong pondo eh, ahaha.

    O siya siya, as always, tayo-tayo lang naman ang andito, at may nadagdag pa kaya naman it’s so fun na lang tayo.

    yung jumping salad muntikan na akong mapatay. haha. sa wordcamp sasama ako! lalabas na ako! magpapakita na ulet ako sa inyo! hindi naman ako pihikan eh basta makainom lang go ako! haha

  • mangbadoy says:

    pero dapat pinaglaban mo pa rin sya… sa relasyon dadaan talaga ang sandamakmak ng problema darting din ang time na magiging busy kayo sa buhay ng bawat isa.. darating yung time na mambabae ka pero as long as di mo sya iniwan at tunay ang pag mamahal mo alam ko na TUNAY pa rin yun!

    pag mahal natin ang isang tao kahit masakit at masikip papasukin natin… di ba?

    natatawa ako.. sinong may sabing nambabae ako? haha.. sige tatawa na lang ako.. hehe

  • lunes says:

    tsktsk.. nalungkot ako sa entry na eto. natats tlaga.

    in time FB..

    yeash lola in time. tira na lang tayo ng katol. weee

  • mr_d says:

    malupet ang pagkakagawa nito FB. hehehe

    anyways, bata ka pa. hindi katulad kong matanda na at wala ng pag-asa hahaha. kaya either babalik, o may papalit.

    huwaw.. nalupitan si mr_D! para akong tumama sa lotto.. yeash!
    buti nga ikaw may babaeng katabi sa kama pag natutulog ako wala.. haha

  • sexymoi says:

    nakakalungkot naman… anyway, siguro naman may natututunan din tayo sa mga experience natin. kung magkabalikan man kayo, alam niyo na kung anu yung mga weakness niyo. kung makahanap ka man uli ng bagong love eh alam mo pa rin kung pano mo siya i hahandle.. hehe feeling love guru ito. anyway, just enjoy life, you’ll never know

    hindi lahat ng fairy tale nagtatapos sa happy ending. lagi naman tayong natututo eh. walang pagsisisi tuloy ang buhay.

  • Pedro says:

    you’re so emo mare. pareho talaga tayo. dapat talaga tayo ang mga nagsasama sama. mga emo na malalandi. ooops. emo lang pala, hahaha.

    oktoberfest na!!!!!!! inom na lang natin yan!

    yehey! tara inuman na! it’s yer fault mare. hinwaan mo ko ng emo virus.. haha.anw life is good so am i in bed.. hahaha

  • beero says:

    tama yan. wag kang umasa dahil lalo ka lang masasaktan. kung sakaling di na sya bumalik, eh di magmove on ka na lang. may makikilala ka ulit at kusang dadapo ang ibon sayo. hehe.

    yeash may tama ako! ayokong madisappoint kaya hindi na lang ako aasa.

  • b@kekang says:

    mglibang u n muna kaya sa mga kalapati baka makatulong..baka lng..baka..hakhakhak!!!

  • kung para sa iyo – babalik siya at muling magiging kayo. ganun naman talaga eh. sa tingin ko siya na nga talaga ang IBONG ADARNA mo na hanggang sa ngayon nga eh may damdamin ka pa rin sa kanya. sana bumalik siya.

  • […] una ako ang sinaktan ko naman ata yung ikalawa. Naging halimaw sa banga at lumaya na ng tuluyan ang adarna. Namatayan ng lola, nawalan ng isang kaibigan. Iniwan ng mga taong pinagkakatiwalaan. Madrama ang […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ang Mangangaso at Kokey Monster.

meta

%d bloggers like this: