Legs and Eggs

September 26, 2008 § 26 Comments

Hindi ko naintindihan ang pelikulang Original Sin dahil puro fast forward lang naman sa sex scene ang ginawa ko kaya hindi ko din alam kung bakit original sin ang title ng pelikula. Ayon sa simbahang katoliko ang Original Sin ay ang kauna-unahang kasalanan na nagawa ng tao, Ito yung pagsuway nina Eba at Adan sa utos ng Panginoon na wag kainin ang Fruit of Knowledge. Bilang epekto ng pagkain nila ng prutas na yun nakakita si Adan ng legs at nakita naman ni Eba ang eggs ni Adan. Sa huli sila ay pinarusahan at pinalayas sa garden of Eden. Ang babae ay mahihirapan sa pangangak at ang lalake naman ay syang maghihirap na itaguyod ang pamilya bilang pagsunod sa temtasyon na idinulot ni Eba.

Napakalaki ng epekto ng kasalanan ito satin dahil ultimo mga sanggol na di pa pinapanganak ay namana ang kasalanang ito kaya naman pinabibinyagan naten sila. Naisip ko lang kung di lang sana boobita si Eba at kung di sana lapitin ng tukso tong si Adan, eh di sana lahat tayo nakahubad pa rin ngayon. Walang malisya sa isa’t isa. Malaya ang aming mga ibon, di sana sya pinagpapawisan at presko sana sa pakiramdam. At sana ang mga babae di na nahihirapan sa panganganak, hindi na sila nakakaramdam ng sakit, na para lang sila kumain ng mani sa dali ng pangangak.

Ang saya siguro ng mundo kung ang lahat ng tao ay nakahubad, wala tayong alam sa kamunduhan at wala tayong bahid ng malisya. Pero malamang wala din sex, walang procreation dahil tiyak na ang lalake ay ginagawa pa rin ni God gamit ang dust at ang mga babae naman ay magmumula sa tadyang ng kalalakihan. So kung papipiliin ako, sige thank you na lang kina Eba at Adan dahil kung di sila nagkasala malamang wala ng kantutan, hindi na ako masasarapan. haha

Unang libro pa lang sa bibliya isinaad na ang tao ay hindi talaga marunong sumunod sa utos. Binigyan tayo ng kakayahang mag-isip upang malaman kung ano ang tama sa mali pero madalas maling landas pa rin ang ating tinatahak. kahit alam na nateng mali, ginagawa pa rin naten.

Minsan nakapaskil na sa harap naten ang napakalaking signage na bawal tumawid, parang ahas na yan na tutuklawin tayo pero tumatawid tayo. Nagtatapon pa rin ang karamihan ng basura sa Pasig River na alam naman nateng pinagbabawal. Kahit sa lugar na may nakapinta sa wall na “BAWAL OMEHI DITU KUNDE POTUL TITE” ay mapanghi pa rin dahil ginagawang itong palikuran ng mga tao.

Kahit nakasaad sa 10 utos na panginoon na bawal magkiapid pero nakikiapid pa rin ang ilan sa tin, na bawal magnakaw pero patuloy pa rin nagnanakaw ang mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan. Iilan na lang ata satin ang nakakalam ng salitang Bawal. Baka dumating ang panahon mabura na ang salitang yan sa diksyunaryo. Hindi ginawa ng Dyos na makasalanan ang tao, tao mismo ang gumawa nito sa sarili nya.

________________________________

Nalilibugan ako, tumitigas ang titi ko, natutukso ako, nagkakasala ako! karapatan ko bilang tao ang magkasala pero karapatan ko din bilang anak ng Dyos ang humingi ng patawad at pasensya. Nagkasala ako sa Dyos pero napapatawad nya ako panong nangyareng nagsala ako sayo pero di man lang nakurot ang puso mo para bigyan ako ng isa pang pagkakataon na itama kung ano man ang nagawa ko? Pasensya ka na anak lang ako nina Eba at Adan, hindi ako Dyos, hindi ako perpekto. Nagdrama bigla eh no? haha

Pabida

September 18, 2008 § 49 Comments

Ewan ko ba naman kung bakit ang daming taong pakiramdam ay sobrang laki nila. Taena naliliitan pa ata sa katawan kong to. Napakayabang, napakahambog akala mo naman may ibubuga pag hinamon ng suntukan.

Ang pagiging mayabang isa sa mga katangiang kinaayawan ko. Lahat naman ng tao may kanya kanya yabang sa katawan. Aminado akong mayabang ako, saka lang naman ako nagyayabang kung alam kong may maipagyayabang ako pero kung wala eh di tatahimik na lang at ibibigay sa inyo ang entablado para magkapag-yabang moment ka naman.

Sige ikaw na ang araw, ikaw na ang buwan, ikaw na ang gwapo, ikaw na lahat, ikaw na rin ang may sala kung baket may alitan sina Gabby Concepcion at Rose Flaminiano. Ikaw na si Darna, ikaw ang dyosa, ikaw na ang talang nagniningning sa kalangitan, ikaw na rin si Wonder Woman, ang superstar sayo na ang sandali, sige ikaw na ang reyna ng gabi. Sige lang. Sabihin mong ikaw na lahat, na ikaw yan, hahayaan lang kita. Wala kang maririnig na kahit na ano sakin dahil habang pinagmamayabang mo na ikaw yan ay naisisigurado kong natatakpan ng earphone ang tenga ko at naka maximum ang volume ang mp3 ko.

Ikaw na ang nagmamay-ari ng pinakamalaking etits, angkinin mo na rin na ikaw ang pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. Sige ikaw na rin ang nakadevirginize sa balbon na puke ni Maria Ozawa. Ikaw na ikaw! Hindi na ako aangal! Tangina ka!

Ibida mo na ang sarili mo. Lagi na lang ikaw, tinalo mo na si Val. Si Val na walang malay? si Val na ang tanging kasalanan ay naging anak ng mommy mo sa ibang lalaki! (Saan Nagtatago ang puso- Vilma Santos 1987) Lagi ka na lang pabida, Lagi ka na lang nagmamagaling, Nagmamalaki, Hambog! Para kang si Tolits sa komersyal nya sa Tide: “Ako ako ako lagi na lang ako”

Ang laki ng tingin mo sa sarili mo akala mo hindi ka babagsak. Sus ka! hindi mo ba alam na mas malaki mas madali tirahin. Kumbaga sa dart board kung malaki ang espasyong sakop mong mas malaki ang tyansa na ikaw ang tirahin. Sige ka baka isang tapak mo na lang eh bagsak ka na. Sabi nga ni John Lloyd Cruz sa pelikula nyang One More Chance- MALAKI KA LANG PERO HINDI MO KO KAYANG PATUMBAHIN

Yosi, Alak, Pera at Babae

September 14, 2008 § 37 Comments

Masaya magbalik tanaw sa nakaraan at muling isipin ang mga masasayang pangyayare tapos bigla kang ngingiti kung medyo sentimental kang tao maaring tumulo rin ang luha mo. Kani kanina ay nagbabasa ako ng mga lumang entries ko. Sa unang entry na ginawa ko sa pagtapak sa mundo ng blogosperyo sinabi kong “apat lang kailangan ko yosi, alak, pera at babae”

Napangiti ako sa mga nabasa ko. Hindi lang pala ako napangiti napamura din ako, nalibugan at natuwa sa mga pinagagawa ko. Para lang akong tuldok sa nobelang Da Vinci code noon. Baguhang blogger na walang muwang sa mundong pinasok, Isang blog hopper na kahit hindi naman kagandahan ang site ng dinadalaw ay sinasabing “Nice Site care to exlink?” para lamang magkaroong taong maglilink sa blog. Naranasan ko yan, ang maging parang isang manliligaw na nagmamakaawa sa babaeng natitipuhan na sana kahit konti lang eh mabigyan ng pansin.

Lumipas ang mga ang mga buwan nagsimulang magkaroon ng mga mambabasa at lumipas muli ang ilang araw ang mga mambabasa’y naging mga kaibigan. Nadagdagan ang mga taong dadalaw sa burol pag nawala ako dahil sa pagbablog. Nagkaroon ng mangilang ngilang kalandian pero isa lang talaga ang minahal. Nagmahal at nabigo.

Nasaksikhan ng World Wide Web ang pagbabago ko mula sa pagiging teenager na malibog sa pagiging lalaking tigang, mula sa pagiging sinungaling na blog hopper hanggang sa pagiging tunay na blogger. Pati kabiguan at kamalian ko nasaksihan ng mundo ng internet. Sobrang daming nagbago sa loob ng isang taon. Sobrang dami ng pinagbago ko. Naging mas mabuting tao ako mula nung pinasok ko ang tinatawag na blogosperyo.

Isang taon na akong blogista, Isang taon na akong nagkakalat ng lagim. Isang taon ko ng ipinapamahagi sa inyo ang aking buhay, Isang taon na simula ng mapaibig ako at maadik sa pagbablog. XOXO para sa inyo lahat. Salamat!

Ngayon hindi na lang apat ang kailangan ko nadagdagan na ito. Kailangan ko ng Yosi, Alak, Pera, Babae at kailangan ko rin ang makapagblog!

Suso Enhancer

September 10, 2008 § 43 Comments

Marami sa mga kababaihan ay hindi nabiyayaan ng “HINAHARAP”, OO hinaharap yung suso/dede/dyoga/boobs at yung iba nagpupunta pa kay Belo o Calayan para magpadagdag at kung kabilang ka sa tinatawag na lower class at gustong gusto mo talagang lumaki ang suso mo pwede ka naman magpainject ng silicon yun nga lang isang malaking goodluck sayo.

Ticket to stardom ang malaking boobs. Tignan mo si Rosanna Roces aminadong nagpadagdag sya ng boobs para lang makapasok sa showbiz, Kabilang din ata si Maui Taylor sa mangilang-ngilang artistang salamat po doc ang boobs, hindi naman sya umamin pero kung napanood mo na ang semi-porn flick nya masasabi mo naman kung ano ang tunay sa hindi.

Nagkalat ang produktong pampalaki ng boobs. Kanikanina lang habang wala akong magawa at pinipindot ang remote control ng tv nadaan ako sa isang TV shopping network. Nakakita ng mga babaeng nakabra kaya naengayo akong panoorin. Ayun pampalaki na naman ng dede. May mga babaeng mukhang bayaran ang nagsabing lumaki ang suso nila dahil sa produktong yun. Syempre di naman ako naniwala. Napakadali lang naman sabihin na Cup A ka dati at pagkatapos mong gamitin ang produktong “suso enhancer” ay naging Cup F na ang boobs mo.

Ewan ko kung totoo nga ang sinasabi sa channel na yun o katulad din sya ng mga herbal supplement na nagsasabing gagaling ka sa diabetes o kung ano man sakit pero pagkatapos ng commercial sasabihin “NO ACCLAIMED THERAPEUTIC EFFECT“. It’s liver lover boy!

Gaano ba kahalaga sa inyong mga babae ang laki ng boobs? Sa totoo lang wala naman akong pakealam kung maliit man yang boobs mo. Aanhin ko naman ang suso kung wala ka namang puso.

Ayos nga eh kase sa panahon ngayon kung gusto mong tumangkad may mabibili ka ng gamot, kung gusto mong yumaman pwede kang tumaya sa lotto o kaya sumali sa game show, kung gusto mong gumanda pwede kang magparetoke ng mukha. Lahat nabibigyan ng lunas, lahat nagagawan ng paraan, lahat ng pangit pwedeng pagandahin, lahat ng maliit pwedeng palakihin, pero hindi lahat kayang solusyunan.

Nanonood ako kanina ng news, may isang babaeng nilason ang kanyang anak at pagkatapos nyang lasunin kanyang supling nagpakamatay naman sya dahil sa kahirapan. Sana may solusyon sa kahirapan, sana may produkto sa TV shopping network na hindi lang nakakapagpalaki ng suso kundi nakakapagbigay din ng solusyon sa problema ng lipunan. Sana kung gaano kaliit si Gloria ganun din kaliit ang utang ng Pilipinas. Sana kung gano kadaling sukatin ang height ng pangulo ganun din kadaling solusyunan ang problema ng bansa. Sana boobs na lang ang problema ng Pilipinas para isang tawag lang kina Belo o Calayan meron ng lunas.

“You start out happy that you have no hips or boobs. All of a sudden you get them, and it feels sloppy. Then just when you start liking them, they start drooping”- Cindy Crawford

lunukin mo!

September 5, 2008 § 33 Comments

isubo mo

ayoko

isubo mo na

ayoko nga eh

tangina ang arte nito. isusubo mo ba o hindi

ayan isusubo mo rin pala tas nag iinarte ka pa

ayan sige. lunukin mo

ayoko. mapait eh

lunukin mo!

hindi naman masarap eh

lunukin mo na yan. ubusin mo wag mong sayangin. lunukin mong lahat

pwe! ang pait

ang arte talaga nito pano ka gagaling kung di mo lulunukin yang gamot mo

Naisip ko lang nung mga bata tayo hirap na hirap tayong painumin ng mga magulang naten ng gamot. Ayaw naten uminom ng gamot dahil ayaw naten ng lasa. Pipilitin ka pa rin painumin ng nanay o tatay mo ng gamot dahil gusto nilang gumaling ka. Hindi lang siguro naten naiintindihan ang mga magulang naten kung minsan pero tanging hangad lang naman nila eh yung ikakabuti naten. Kahit mapaitan pa tayo sa lasa ng gamot ipapainom pa rin satin yan ng magulang naten dahil ang gusto lang naman nila na mapabuti ang kalagayan natin.

PS. Salamat sa lahat ng nagdasal noong naconfine ako sa hospital. Salamat! mahal ko kayong lahat! saka pasenya na kayo kung hindi ito kwentong blow job. haha xoxo

Ang Mangangaso

September 1, 2008 § 44 Comments

Meron isang mangangaso na mahilig mangolekta ng mga hayop. Sa katunayan meron syang zoo sa kanyang bahay, lahat ng klase ng hayop meron sya, mula sa mga ibat ibang uri ng insekto, isda hanggang sa mga kalahi mong tsonggo. Nilakbay nya ang buong mundo para makaangkin lahat ng hayop sa earth, pero may isang hayop na gustong gusto nyang mahuli. Sinasabing mythical creature lang yun pero naniniwala syang totoo iyon. Hinahanap ng mangangangaso ang Ibong Adarna. Yung ibong nakakapagpagaling sa pamamagitan ng pag awit ngunit pwede kang maging bato pag naiputan ka nito.

“Hangal! kailan man hindi mo matatagpuang ang ibong iyan, Hindi yan totoo. Kulang ka lang sa sex kaya ka nagkakaganyan” yan kantyaw sa kanya pero lalong naging pursigido ang mangangaso para hanapin ang ibong iyon dahil gusto nyang patunayan sa madla na nag eexist ang ibong adarna.

Natagpuan nga nya ito sa Bundok Tabor at doon napasakanya ang mahiwagang ibon. Nabayaran lahat ng kanyang pagod At ipinamukha sa mga di naniniwala na totoong may ibong adarna at hindi lamang ito gawa gawa. Inilagay nya ang ibon sa espesyal na hawla at sa tuwing aawit ang ibon nawawala ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso. Nagwika ang ibon at sinabing natatakot ito na baka masaktan nya ang kanyang amo pero sagot naman ng mangangaso kung masasaktan man ako dahil sayo wala na akong pakealam doon, nakahanda akong masaktan para sa ibong adarna.

Nagdaan ang mga panahon at tila ba nakalimutan ng mangangaso ang Ibon, gabi gabi umiiyak ang ibon at upang aliwin ang sarili nya ibinaling nya ang kanyang atensyon sa ibang bagay tulad ng pakikipagkaibigan sa iba pang animals na nasa bahay ng mangangaso. Pero isang gabi lasing na lasing ang mangangaso at ito ay nagwawala, hindi nya napansin na nasaktan na pala nya ang kanyang paboritong ibon. Nangamba ang mangangaso, mula noon hindi na sila nagkikibuan at napagdesisyunan na lamang ng nito na palayain ang ibon. Alam nyang hindi na ito masaya sa kanya, at kung patuloy nya itong kukupkupin hindi maiiwasan ang pagkakataong masaktan nya ulit ito, ayaw na nyang masaktan ang ibon, ayaw na nyang saktan ito kaya binuksan nya ang hawla. At kasabay ng pag ihip ng hangin lumipad ang ibon malayo sa kanya at iniwan na sya mag-isa. Samantalang ang mangngaso pinagmamasdan lamang ang paglayo ng ibon sa kanya, tumutulo ang luha’t nag-iisip kung tama ba ang ginawa nyang pagpalaya sa ibon pero umaasa syang babalik din ang ibon sa piling nya at tulad ng dati’y sila ay magiging masaya.

—————————————————————–

Gusto kong patunayan na may true love, nagtagpuan ko iyon. At nung natagpuan ko iyon ipinakita ko sa mundo na nag eexist ang true love. Yung ibong adarnang tinutukoy sa kwento ay yung taong nakapagpahilom ng sugatan kong puso noong mga panahong ayoko ng maniwala sa pag ibig. (hahaha.. bumabaduy na naman ako) Pero hindi naging matagumpay ang aming relasyon. Naging busy sya at ako naman ayun naging gago. Alam kong may mga bagay na hindi ko dapat ginawa pero nangyare na ang nangyare at wala na akong magagawa doon.

Nasaktan ko ang ibong adarna ko, pinaiyak ko sya At sa bawat buhos ng kanyang luha kapalit nun eh bugbog sa aking puso. Ayoko syang saktan, ayokong maging dahilan ng kanyang pag iyak pero Gago ako’t nagawa ko iyon. Sya yung takot na takot nung una na baka masaktan nya ako pero hindi ako yung nasaktan bagkus ako pa yung nakapanakit. Pinalaya ko na sya, humingi pa ako ng isang pagkakataon sa kanya pero naisip ko para saan pa kung mabibigyan ako ng isang pang pagkakataon baka masaktan ko lang ulit sya at kapag nagawa ko iyon hindi ko na mapapatawad ang sarili ko, hindi ko na kayang makakita pa kahit na isang patak ng kanyang luha. Pinalaya ko ang ibong adarna pero umaasa ako na babalik din sya sakin kapag pareho na kameng handa at pag dumating ang araw na iyon kami’y magiging masaya.

Para Sayo: Aantayin kita, aantayin ko ang araw na ako’y muling magiging masaya, ikaw pa rin ang reyna ko; ang dahilan kung bat tumitibok ang puso ko.

[Off Topic] bday ng yumao kong ina ngayong araw na ito. happy bday ma! [/Off Topic]

Where Am I?

You are currently viewing the archives for September, 2008 at Kokey Monster.